Dagli

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Cyrill Jade T.

Pacia 21st Century Literature

STEM – 12 Fortitude October 01, 2019

Isang Araw sa Buhay


Ni Jacob Laneria

Ang unang hampas ay nangaling kay L. 32, pitong taong sa pagkapulis, may dalawang
arak, isang lalaki at isang babae, ilang beses na madestino sa rali pero unang pagkakataon na
kaharap mismo ang mga aktibista. Tubong Ilocos si L, minsan pinangarap manging enhinyero,
paboritong pagkain ang chopsuey. Laging meron tuwing may okasyon at kapag makakaluwag.
Tinamaan ng batuta nya si V, 25, dating estudyante ng mass communications, hindi
nakapagtapos, pinangarap maging abogado, ngayon ay walang masasabing masama sa pagiging
organizer ng urban poor. Kinalakihan ang mga kilos protesta. Araw ng pagbisita ng pangulo ng
Amerika para pirmahan ang isang panibagong kasunduang military. Natigil lang ag gulo
pagkatapos gumamit ng tatlong water canon. Labinlima ang sugatan sa mga militante, pito ang sa
mga pulis. Umuwi si L na namamaga ang mukha. Napabuntonghininga lang ang kanyang asawa.
Ibinalita na nakapag-utang sya ulit ng bigas. Malapit na ulit ang pasukan. Di bale, isip ni L, kahit
papano nandito na ang mga Amerikano sakaling lusubin ang Pilipinas ng Tsina. Hindi yan
naintindihan ng mga kampon ng mga komunista. Nagbibihis na sia L nang pumasok ang
kanyang bunso. Babae, anim na taong gulang. Sabik na maging grade one sa pasukan. Yayakapin
sana ang tatay nya pero naramdaman ang konting pagpalag ni L. Humingi ito ng paumanhin.
Pinagsabihan ng nanay na matulog na. Pabayaan mo na, sabi ni L. Napabuntonghininga ulit ang
asawa. Nagtanong ang bata kung ano ang nangyari. Hindi na rin malinaw kay L. Sinabi nya
nalang, “Ginawa lang ng tatay ang trabaho nya.” Napanatag ang bata kahit papano. Lingid sa
kaalaman ni L, yun at yun din ang ginawa nya.
Si Taba At Si Payat

Ni Ing Musa

Madalas silang makita sa isang lugar sa Caloocan. Magkaharap sila laging nakaupo sa
ilalim ng isang foot bridge. May kanya-kanya silang abubot. Si Taba (dahil punggok at mataba),
isang malaking pulang plastik bag at maliit na Bibliya ang bitbit. Kay Payat (hawig ni Dolphy),
lumang back pack na nakaluwa ang namumuwalang gamit sa sirang siper. Hindi sila
nagpapansinan. Malakas na nagbabasa ng berso sa bitbit niyang Bibliya si Taba, tumatawag ng
pansin sa mga nagdaraan. Si Payat, walang pakialam na naggugugupit ng classified ads sa
lumang broad sheet na nahihingi niya sa isang crew sa isang malapit na fastfood.

Isang beses lang silang nakitang parang magkaibigang nag-uusap at nagtatawanan.


Magpapasko. Sa harap nila, dalawang cup ng kapeng nabibili sa vendo machine, saka ilang
piraso ng tinapay. Halos magdikit ang kanilang mga mukha sa pagbubulungan. Paminsan-minsan
ay nagtatapikan pa ng mga balikat.

Pagkatapos niyon, balik ulit sila sa dati na hindi nagkikibuan. Nitong dakong huli, kung hindi
makikitang nagbabasa ng berso sa Bibliya si Taba, ay nanghaharang (nangha-harass) naman siya
ng mga nagdaraan para siya limusan. Iba naman si Payat. Likas na tahimik. Idinadaan sa walang
kibong pamumulot ng pagkain sa daan ang nadaramang gutom. Kaya tuloy, kung may gustong
magbigay ng limos, halimbawa’y ikaw, ang mas pipiliin ay si Payat at hindi ang harass na si
Taba. At iyon ang itinuturong dahilan kung bakit nagalit kay Payat si Taba. Inggit!

Tag-ulan. Namamaluktot sa isang sulok ng foot bridge si Payat. Hindi, hindi dahil sa
ginaw na hatid ng hangin o anggi ng ulan. Ibang bagay. Nakatayo sa isang panig si Taba,
nakangisi, bitbit sa kanang kamay ang dos por unong kahoy, tatlong dangkal ang haba, na
napulot sa kung saan, na ipinanlulod kay Payat.

Nakasanayan ni Taba. Walang araw na hindi nakatitikim ng maltrato sa kanya si Payat.


Kung kailan magustuhan. Kung kailan may pagkakataon.

Kangina ay may SOCO sa lugar. Ginuhitan ng pinturang kulay pula ang paligid ng
bangkay ni Taba. Binakuran ng telang kulay dilaw na may nakasulat na “POLICE DO NOT
CROSS” ang ilang panig ng lugar. Ayaw munang galawin ang maliit na Bibliya na bumagsak sa
lupa na nakabukas na patihaya. At ang ebidensiyang gunting na nakukulapulan ng dugo, na
ginamit sa paglaslas sa leeg, ay maingat na ginamitan ng guwantes, nang damputin, mula sa
kinatatambugang malapit na basurahan.

Itinatanong ng isang opisyal sa isang tumatayong testigo ang hitsura at totoong pangalan
ni Payat. At kung saang probinsiya ito maaring nagmula.
“Kometa”

Ni Juan Bautista

“Anong nangyayari?” Bulong ni Niño habang nakatingala sa kalangitan.

“Oras na siguro upang wakasan ng Lumikha ang kanyang obra maestra. Ang tao.” Sambit ng
estranghero.

“At bakit naman? Tayong mga tao ang tagapag-pangalaga ng mundong ito hindi po ba?”

Tama. Ipinagkaloob Nya sa atin ang pinakamataas na uri ng karunungang higit sa lahat ng
nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. At hindi naglaon, nagawa nating lumipad na parang
mga ibon, lumangoy na kasing husay ng mga isda, umandar ng matulin na higit pa sa bilis ng
mga kabayo at marami pang iba. Subalit wala tayong kakuntentuhan sa buhay Niño. Naging mas
mabagsik tayo higit pa sa mga leon at buwitre. Sinasakmal na natin ang isa’t isa. Dinadakma na
natin ang dangal ng iba para sa ating makasariling mga hangarin. Tayong mga tao ang mga
pinakawalang konsensyang nilalang sa balat ng lupa.

“H’wag kang matakot Niño. Humawak ka lamang sa aking kamay.”

At sabay na muling tumingala ang batang palaboy na si Niño at ang estrangherong iyon sa
kalangitan upang harapin ng buong tapang, ang rumaragasang kometa na tatapos sa
sangkatauhan…

You might also like