AP 4 Q1 Week 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1

ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

Pangalan: _______________________________________

Pangkat __________Guro: _________________________


Aralin
ANG PILIPINAS AY ISANG BANSA
1
Most Essential Learning Competencies/Kasanayan:
Natatalakay ang konsepto ng bansa.
(AP4AAB-Ia-1; AP4AAB-Ib-2; AP4AAB-Ib-3)

Magandang araw sa iyo mahal na


mag-aaral. Kumusta ka na? Sana ay
maayos ang iyong pakiramdam at handang
matuto sa araw na ito. Handa ka na ba?
Ano-ano ang mga nais mong matutunan sa
araw na ito? Halina’t ating alamin.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Matatalakay ang konsepto ng bansa.

2. Masusuri ang Pilipinas bilang isang bansa

3. Mapapahalagahan ang Pilipinas bilang isang bansa.

Pagmasdan ang mga larawan na nasa ibaba.


Anu-ano ang iyong mga nakikita? Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

AP4-Qrt1- Week 1
2
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

Kumusta ang iyong unang gawain?


Nagawa mo ba ng tama? Ngayon tayo ay dadako
na sa mga bagay na iyong matutunan sa araw na
ito. Bago natin talakayin ang tungkol sa araling
ito, meron munang paunang pagsusulit na
kailangan mong sagutin. Ito ay pagsubok sa
iyong nalalaman tungkol sa ating aralin. Handa
ka na ba para sa unang pagsusulit na ito?
Halina’t sagutan ang mga sumusunod.

PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa palasagutang papel.

_______1. Alin sa mga sumusunod ang elemento ng bansa?

A. pagkain B. pamahalaan C. kaugalian D. kasuotan

AP4-Qrt1- Week 1
3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN
_______2. Ito ay tumutukoy sa mga naninirahan sa isang lugar o bansa.

A. damit B. paniniwal C. tao D. wika

_______3. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama ang

himpapawid sa taas nito.

A. pamahalaan B. teritoryo C. tao D. wika

________4. Ito ay isang samahan o organisasyong pampolitika

A. tao B. teritoryo C. pamahalaan D. pamumuhay

_______5. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pamahalaan na mamahala

sa kanyang nasasakupan?

A. teritoryo B. soberanya C. tao D. mapa

Kumusta ang iyong unang pagsusulit?


Nakakuha kaba ng mataas na iskor? Kung hindi naman
matuto nang higit pa. Noong ikaw ay nasa ikatlong
grado natutunan mo ang tungkol sa mga lungsod at
munisipalidad na bumubuo sa National Capital Region
(NCR). Tingnan natin kung iyo pang natatandaan ang
mga araling iyong napag-aralan .Gamit ang mapa ng
NCR, alamin ang mga sumusunod na munisipalidad na
tinutukoy ng guhit.

Panuto: Pagmasdan ang mapa. Hanapin kung saang bahagi ng mapa ng NCR
matatagpuan ang mga sumusunod na lungsod at kulayan ito. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.

1.

2.

3.

4.

5.

AP4-Qrt1- Week 1
4
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

Kumusta ang iyong pag sagot sa ating balik-


aralin? Nakuha mo ba ang mga tamang sagot? Kung
hindi maaari mo pa itong balikan. Ngayon ay atin nang
tatalakayin ang ating aralin sa araw na ito.

 Bansa
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao
na may magkakatulad na kulturang pinanggagalingan kung kaya makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat


na elemento ng pagkabansa.

tao teritoryo pamahalaan kalayaan

 Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng isang teritoryo na
bumubuo ng populasyon ng bansa.

 Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng
lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

Ito rin ang tinitirhan ng tao at


pinamumunuan ng pamahalaan.

 Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at mapanatiling isang sibilisadong
lipunan

AP4-Qrt1- Week 1
5
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN
 Soberanya
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan.

Tumutukoy rin ito sa kalayaang


magpatupad ng mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.

Kumusta ang ating pagtalakay sa ating bagong


aralin? Naunawaan mo bang mabuti? Sa ngayon ay
alam mo na ang apat na elemento upang maging ganap
na bansa ang isang bansa. Halinat sagutin ang mga
sumusunod na gawain upang iyong maipakita na lubos
mong naintindihan ang ating aralin.

Gawain

PANUTO: Iguhit ang saranggola sa papel. Isulat sa apat na bahagi ng


saranggola na may bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar
para matawag itong bansa. Magbigay ng paliwanag din sa iyong bawat sagot.

1. 2.

3.
4.

Gawain B:

PANUTO: Lagyan ng tsek √ ang patlang bago ang bilang ng pangungusap na


nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituturing na isang bansa.
Gawin ito sa sagutang papel.
___________ 1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa

___________ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa

AP4-Qrt1- Week 1
6
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

___________ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang

__________ 4. May sariling pamahalaan

__________ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan


kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito

 Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao


na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
 Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng
apat na elemento ng pagkabansa—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap
na kalayaan o soberanya.
 Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao na
may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.

NATUTUHAN KO

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong portfolio.

1. Anu-ano ang iyong mga natutunan sa araling ito?

Natutunan ko na

Pangwakas na Pagsusulit

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng


pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang Pilipinas ay isang bansa.

__________2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.

AP4-Qrt1- Week 1
7
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN
__________3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging
isang bansa ang isang lugar.

__________4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya,

sariling teritoryo at pamahalaan, at mga mamamayan.

__________5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling

pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.

Ang Pilipinas ay isang malayang estado sa


Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na
tinatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado
ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla:
Luzon, Visayas, at Mindanao. Dahil ito ay maraming
kapuluan, at napapaligiran ng katubigan maraming
mga turistang dumarayo dito.

Sagutan:

Kung ikaw ay may kaibigang dayuhan, paano mo ilalarawan ang bansang


Pilipinas? Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.
Sagot:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

 Bilang isang batang katulad mo, paano mong masasabing may


kalayaan?

Sagot: __________________________________________________________

__________________________________________________________

Kumusta ang pagsagot sa modyul na ito? Naging masaya


ka ba? Kung ganon, binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito. Hanggang sa susunod na
modyul, paalam.

AP4-Qrt1- Week 1
8
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL

Pangkat __________Guro: _________________________


Aralin

1
ALAMIN:

1. 2. 3. 4. 5.

I. PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

II. BALIK-TANAW

1. 2. 3. 4. 5.

III. GAWAIN

A. 1. 2. 3. 4. 5.

B. 1. 2. 3. 4. 5.

IV. PANGHULING PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

V. PAGNINILAY

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

AP4-Qrt1- Week 1

You might also like