Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Federalismo sa Pilipinas!

ang Federalismo ay isang pulitikong konsepto na inilalarawan ang mga gawain na kung saan ang mga
miyembrong nasasakupan ay nakapaloob sa isang kasunduan na siyang pinamumunuan ng mga
gobernador ang mga estado o probinsya sa isang bansa. Dagdag pa, ang sistemang ito ay binibigyang
kapangyarihan ang isang estado na maging malaya at makapag-desisyon sa sariling nasasakupan. Dahil
dito, ang mga etado ay maaaring magpa-tupad ng kanilang mga sariling batas.

Ang sistemenag Federalismo ay pinamumunuan ng isang Presidente (Central governing authority) na


siyang namamahala para sa pangkalahatang pangangailangan ng bansa. Hahatiin ang Pilipinas, kung saka
sakali, at tatawagin ang mga lugar bilang mga estado (constituent political units). Pinangungunahan ng
Switzerland, Germany, the United States of America, Canada, Australia at India ang ganitong klaseng
pamamalakad.

Ang kasalukuyang tanong sa sambayanang Pilipino, pabor ka ba o hindi na isakatuparan ang ganitong
sistema sa bansang Pilipinas?

Una, mahihirapan ang mahihinang rehiyon gaya ng probinsyang Samar-Leyte dahil hindi ito kagaya ng
ibang karatig na lugar na kayang buhayin at pagyamanin ng mga buwis na ibinabayad. Ika pa nga niya,
“Alangan namang ang mga buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ng Maynila eh gagamitin pa rin
para sa mga taga-Mindanao kapag kanya-kanya na ang sistema ng pamamahala?”

Pangalawa, Hihina at magkaka watak-watak ang Pilipinas bilang kabuuan.

Pangatlo, ginagamit lamang ng mga sakim na pulitiko ang ganitong propaganda upang sila ay iboto ng
mamamayan.

wala namang magbabago sa kultura pag pinairal ang nabanggit na sistema. Mananatiling Bikolano ang
taga Bicol, Cebuano ang taga Cebu atbp. Mananatili at iiral pa rin ang pagiging isang Pilipino kaya’t
malabong magkaka- watak-watak ang Pilipinas.

Ang sanhi ng kahirapan ay ang katamaran, korupt na pulitiko at kawalan ng kaalaman sa edukasyon.
Kasalukuyang sistema man o Federalismo, hindi uunlad ang bansa kung tayo hindi tayo, mga Pilipino,
magsisimula sa ating kani-kanyang sarili. 

You might also like