Midterm

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

PRE-LIM-MIDTERM
I. PANIMULANG PAGTATAYA. Hindi kinakailangang magsaliksik gamit ang
internet o aklat. Nais lamang malaman ng guro ang inyong kaalaman ukol sa
magiging paksa.
Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

____1. Instrumentong gamit pangkomunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang


kultura.
a. Dila b. Kasaysayan c. Wika
____2. Siya ang Ama ng wikang Pambansa.
a. Jose Rizal b. Manuel Quezon c. Ferdinand Marcos
____3. Wikang Pambansa ng Pilipinas.
a. Tagalog b. Filipino c. Pilipino
____4. Teorya ng wika na sinasabing mula sa tunog na nalilikha sanhi ng bugso ng
damdamin.
a. Teoryang Yo-He-Ho c. Teoryang Tararaboom-de-ay
b. Teoryang Pooh-Pooh
____5. Teorya ng wikang pinaniniwalaang bunga ng pwersang pisikal.
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Yo-He-Ho
b. Teoryang Pooh-Pooh
____6. Patakaran hinggil sa paggamit at paglinang ng kasanayan sa dalawang wika
ay tinatawag na edukasyong ______________.
a. Multilinggwal c. trilinggwal
b. Monolinggwal d. Bilinggwal
TAMA O MALI (7-10)
_______7. Noong 1897, Tagalog ang wikang opisyal ng Pilipinas.
_______8. Maaaring gamitin ang wika para sa pansariling kapakanan.
_______9. Ang wika ay makapangyarihan.
_______10. Ang wika ay mula sa Diyos.
Aralin 1.1 Kahulugan ng Wika

Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.

-Mangahis et.al.2005

A. Ikaw na isang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas, ano ang wika paraa sa


iyo? Ano ang kahalagahan nito sa iyo lalo sa pangaraw-araw mong
pamumuhay?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Kahulugan ng Wika ayon sa ilang dalubwika (Dalubhasa sa Wika).

1. Henry Allan Gleason, Jr. – “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga


tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura.”
2. Constantino- “Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayagng
damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.”
3. Halliday- “May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao
upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika
sa pagpapangalan, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-
uutos, at pakikipag-usap.”
4. Plato- “Ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may
mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito.”
5. Webster- “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad. Ang wika ay tulad ng buhay.”

Gawain 1.
Pangkatang Gawain. Bukod sa mga dalubwika na nabanggit, magsaliksik ng iba pang
dalubwika na nagbigay ng kahulugan o pananaw sa wika. Ang pangkat na
makapagbibigay ng may pinakamarami ang siyang may pinakamataas na puntos.
(sampu pababang puntos)

Gawain 2.
Gumawa ng komiks na nagbibigay paliwanag sa ilang kahulugan na ibinigay ng
mga dalubwika. Ipakita rin ang kahalagahan ng wika.
Aralin 1.2 Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Alam nating malaki ang kinaharap ng wikang Filipino sa ating bansa sa ating
sistema ng edukasyon kaugnay ng pagbabago ng ating kurikulum (K-12 na kurikulum).
Ang pagpapababa ng CHED (Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon/ Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon) sa asignaturang Filipino sa Senior High School.
Nakabatay nga ito sa inilabas ng CHED na CHED Memorandum Order no. 20 s. 2013
noong ika-28 ng Hunyo taong 2013.

Gawain 1.
Magsaliksik ng tungkol sa nilalaman ng CHED Memo no.20 s.2013. Basahin,
manood o makinig. Unawain ang nabasa, napanood o napakinggan. Makadaragdag din
ng kaalaman kung mababasa ang Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Pilipino, Para
Kanino ni. Dr. Neri.

A. Ano ang ginawang aksyon ng TANGGOL WIKA ukol dito?

B. Ano ang iyong reaksyon o sariling opinyon ukol sa Memorandum na ito?


Sinasabing ang Memorandum na ito ay taliwas sa ating Batas Pangwikang 1987
Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 6-9.

Seksyon 6
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit Filipino biilang wikang panturo sa
sistemang edukasyon.
Seksyon 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang Panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8
Ang konstitusyong ito at dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Seksyon 9
Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

A. Ano ang ipinakikita sa mga batas na ito?


B. Batay sa batas pangwika ng Pilipinas, sa iyong palagay, bakit taliwas ang CHED
Memo 20 s. 2013 sa batas pangwika?

Aralin 1.3 Teorya ng Wika

Paano mo natutuhan ang iyong unang wika (sinusong wika o mother tongue)?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Iba’t Ibang Teorya ng Wika

1. Teoryang Bow-Wow- Sa teoryang ito, ang wika ay nagsimula sa panggagaya


ng mga tao sa tunog na likha ng kalikasan. Tulad na lamang sa aso dahil sa
tunog na nalilikha ng nasabing hayop ay binigyan ito ng katawagan.
2. Teoryang Pooh-Pooh- Sakit, tuwa, galak, galit, sarap, kalungkutan, takot at
pagkagulat ilan lamang ito sa damdaming nangingibabaw sa tao. Samakatuwid,
binibigyang tuon ang damdaming nadarama ng tao.
3. Teoryang Yo-He-Ho- Ang pwersang pisikal ang siyang gamit ng tao kung siya
ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay o anumang gawaing nangangailangan ng
pwersa ng tao.
4. Teoryang Tararaboom-de-ay- Bahagi ng pamumuhay ng tao ang pang-araw-
araw na gawain tulad ng pagluluto, pagdarasal, pagsimba, at pagtatrabaho.
Kaakibat ng ritwal na ito ay ang pagsasagawa ng kanilang paraan upang
isagawa ito.
5. Teoryang Ta-Ta- Ito ang tawag sa wikang Prances na nangangahulugang
paalam sapagkat kapag nagpapaalam ang tao ay kaalinsabay ng pagkampay
nang kamay nang pababa at pataas katulad ng dila na kapag binibigkas ay
gumagalaw rin ang dila pataas at pababa .
6. Teoryang Ding-dong- Tulad ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang
tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalikha ng mga bagay-bagay sa paligid
ngunit hindi limitado sa kalikasan sapagkat maging sa mga bagay na nalikha ng
tao.
7. Teoryang Stem- Teorya nina Democrates, Aristotle, at mga Epikuno na
inihalintulad sa puno na nagsimula sa isa at sa paglaon ay nagsanga-sanga kaya
nabuo ang teoryang ito.
8. Teorya ng Tore ng Babel- Batay sa istorya sa Bibliya iisa lang ang wika noong
unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Naghangad ang tao na higitan ang Diyos, naging mapagmataas at nag-
ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pagkataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao subalit pinatunayan ng Diyos na higit
Siyang makapangyarihan, ginuho Niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang
wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita.
(Gen. 11:1-8)

A. Tukuyin kung anong uri ng teorya ang mga sumusunod:

______________________1. Tunog ng sasakyan, telepono o anumang bagay na gawa


ng tao.
______________________2. Taong nadapa at napasigaw ng Aray.
______________________3. Kaway ng isang tao.
______________________4. Ang pagsigaw ng isang karatista.
______________________5. Ang wika ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.
______________________6. Tunog na nalilikha ng tao kapag siya’y nag-eeksert ng
pwersa.
______________________7. Paniniwalang nagmula sa puno at kalaunay nagsanga-
sanga.
______________________8. Ginawang iba-iba ang wika dahil sa pagiging
mapagmataas ng mga tao.
______________________9. Isang babaeng nanganganak.
______________________10. Wikang prances na nangangahulugang paalam.

You might also like