Activity 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Del Rosario, Genavel V.

Activity 10

Senakulo

 Ang Senakulo ay isang Dulang Patanghal.


 Paksang Panrelihiyon
 Kadalasang ginaganap sa Lansangan o sa Bakuran ng Simbahan
 Ang katawagang Senakulo ay hango sa salitang Cenaculum o Mas Mataas na Silid na
siyang naging lugar ng huling hapunan. Ito rin ay nangangahulugang pagsasadula ng
kwento ng buhay, kahirapan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Ang Senakulo ay nag simula sa isang ritwal. Ang unang senakulo ay isinadula sa wikang Latin at
matapos noon ay nagkaroon na ng bersyon sa wikang bernakulo hanggang sa nagkaroon ng
pagdadagdag ng musika at tauhan. Mula sa payak na pasimula ay mabilis na nagbago ang
Senakulo. Hanggang sa ang Senakulo ay naging tradisyon na sa ating bansa na tinatanghal taun-
taon sa ilang mga simbahan. Ginagamitan ito ng mga dulang hinango sa Bibliya at sa tradisyon
at sinulat sa anyong poetiko. Ang mga kasuotan naman ay hango sa tradisyong Europeo ngunit
may mga gumagamit ng mga kasuotang naaayon talaga sa kasaysayan.

Halimbawa

https://www.youtube.com/watch?v=oBrOU2AOrno

 Ang Senakulong ito ay itinanghal noong Ika-28 ng Abril taong 2013 sa St. Michael’s
Church, Sharjah, UAE.

Director: May Rico


Technical Director: Ed Rico
Musical Director: Von Serradilla

 Ang pagkakatanghal sa senakulong ito ay masasabi kong napakahusay. Taong 2013 ito
itinanghal ngunit ang pagkakagamit nila sa teknolohiya ay ubod ng husay. Maayos na
maayos ang pagkakatanghal, pagkaka-ayos ng entablado ay maayos rin pati ang
pagpatay at bukas ng ilaw.
 Ang pagkakarekord nila ng dulang ito ay napakahusay at malinis sapagkat mapanonood
mong mabuti ang mga tauhan na nagsisipagganap. Nasa ayos ang pagtapat at paglipat
ng kamera.
 Ang mga nagsiganap ay masasabing mong bihasa na sa pagtatanghal dahil maayos
nilang naganapan ang mga tauhan tulad ni Hesus at pati na rin ang mga kawal.
 Ang pag-awit ng mga tauhan ay nakakatindig balahibo rin lalo na pag ito’y sinasabayan
na ng mga malulungkot na bahagi ng dula.
Ang dulang ito ay humango ng 18, 873 na manonood sa YouTube at base sa bidyo ay marami rin
ang dumayo sa mismong ginanapan ng dula upang makapanood ng isang napakaganda at
napakalinis na pagsasadula ng buhay ni Hesukristo.

You might also like