Professional Documents
Culture Documents
Mga Sangkap at Proseso NG Komunikasyon
Mga Sangkap at Proseso NG Komunikasyon
Mga Sangkap at Proseso NG Komunikasyon
Enkoder
Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Siya o sila angtumutukoy sa
mensaheng pinapadala. Kapag may nakasalubong ka at binati siya ng Magandang umaga, ikawang
nagpapadala ng mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng mensahe ay naiimpluwensyahan ng
layunin,kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepsyon o pananaw at kredibilidad ng nagpapadala ng
mensahe.
Dekoder
Sa nabanggit na halimbawa, ang pinagsabihan ng Magandang umaga ang siyang tagatanggap
ngmensahe. Siya ang magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa madaling salita,
siya angmagde-decode. Katulad ng tagapagdala ng mensahe, ang kawastuhan ng pagde-decode niya sa
mensahe aymaaaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, pananaw o
persepsyon at kredibilidad.
Mensahe
Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga impormasyon, ideya o palagay
ang mensahe, o kaya!y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o emosyon. "abanggit na sa nakalipas
na pagtalakay na ang mensahe ay may dalawang aspeto:
mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika
mensaheng relasyunal o mensaheng di berbal
Sa nauna nating halimbawa, ang mensaheng pangnilalaman ay maganda at umaga na kapwa may
kahulugang pangnilalaman. "gunit sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa kumpas
ng kamay,ekspresyon ng mukha at paraan ng pagbibigay-diin sa salita ay maaaring mahiwatigan kung
tunay sa kaloobanmo ang pagbati, o kung natatakot ka lamang sa magiging reaksyon niya kung hindi mo
siya babatiin, o kungsarkastiko ang iyong pagbati, o di kaya!y kung baka nakasanayan mo lamang na batiin
ang sinumangmakasalubong mo sa daan. Alinman sa mga iyon ay mga mensaheng relasyunal o di-berbal
na kaakibat ngmensaheng pangnilalaman na iyong ipinadala.
Tsanel
Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe. Anguna
ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Ang
ikalawa naman ayang daluyang institusyunal. Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat,
telegrama mgakagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, cellular phone at beeper ay mga
halimbawa ng daluyanginstitusyunal. Ang halimbawa natin sa itaas ay gumagamit ng daluyang sensori
dahil tuwirang sinabi angMagandang umaga.
Sa pasalitang komunikasyon, midyum ng mensahe ang air waves at mga kable, gayon din ang mga
intrumentong komunikasyon tulad ng telepono, radyo, telebisyon, teyp at iba pang instrumentong
napapakinggan. Para naman sa pasulat na komunikasyon, daanan ng mensahe ang papel, aklat, dyaryo,
magasin at iba pa, pati na ang kompyuter (e-mail, internet, atbp) na pare-parehong nagtataglay ng mga
simbolong nakasulat. light waves oliwanag naman ang tsanel ng mga mensahe sa kaso ng pagsenyas.Ang
bisa ng isang komunikasyon ay nakasasalayay din sa matalinong pagpili ng daluyan. Halimbawa, may
mga pagkakataong daluyang sensori ang angkop katulad ng sa pagtatapat ng pag-ibig o pagbibigay ng
panuto. Hindi naman maaaring sumulat sa bumbero kapag nasusunog ang bahay mo. Kailangan mong
sumigaw upang humingi ng saklolo at tumawag sa telepono upang humingi ng tulong sa mga tagapatay ng
sunog.
Konteksto/Sitwasyon
Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon. Ayon kina
Barker at Barker, ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito
ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon. Ito ay may limang
dimension.
Ang dimensyong pisikal, sosyal, kultural, historikal at sikolohikal. Sa dimensyong pisikal ng
konteksto ay nabibilang ang lugar na pinangyarihan ng komunikasyon at angkondisyon ng
kapaligiran. Malaki ang epektong nagagawa ng dimensyong pisikal sa uri ng
talastasangmagaganap. Kabilang sa mga salik ng dimensyong pisikal ay ang temperatura,
liwanag, pook kung saan nag-uusap, lebel ng ingay, agwat o espasyo sa pagitan ng dalawang
nag-uusap at maging ang oras. Ang bawat isa sa mga salik na binanggit ay makaapekto sa uri at
sa proseso ng komunikasyon o sa talastasan ng nag-uusap o ng mga grupong kalahok sa
talastasan. Halimbawa, iba ang magiging proseso at bunga ng komunikasyon kung nagsasalita
ang guro sa harap ng klase kaysa sa pagkausap niya sa isang maliit na grupo sa parke. Maaaring
maiba ang takbo ng komunikasyon na nagaganap ng umaga at nakaupo nang maayos at
komportable ang mgakalahok kaysa sa kung ang mga kalahok ay gitgitang nangakatayo sa isang
mainit at hindi komportableng pook.
Sa dimensyong sosyal ng konteksto ay pumapasok ang epekto sa komunikasyon batay sa uri ng
relasyon ngdalawang nag-uusap o ng mga nag-uusap. Iba ang takbo ng usapan ng
magkakaibigan, ng dati nangmagkakakilala, ng magkakapatid, ng mag-ama o mag-ina, ng
estudyante sa kapwa estudyante o ng estudyante atguro. May mga pangyayari sa isang grupo ng
nag-uusap na sila lamang ang nagkakaintindihan. Maaaring malapit sila sa isa’t isa at
magkakapalagayang-loob. Maaari nilang sabihin ang mga salita na masakit para sa ibao kaya’y
biruan na pangkaraniwan sa kanila subalit hindi para sa iba. Naaapektuhan ang bunga ng proseso
ng komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
Ang dimensyong kultural ng konteksto ay naoobserbahan sa kung minsan ay di pagkakaunawaan
sakomunikasyon sanhi sa pagkakaiba ng pananalig sa Poong Maykapal o pagkakaiba ng relihiyon.
ayon din ang pagkakaiba ng kinagisnang kultura. May epekto rin ang magkaibang pagpapahalaga,
magkaibang uri ng pamumuhay at pagtanaw sa buhay.
Sa dimensyong historikal ng konteksto ay magkakaroon ng tuwiran o ng di-tuwirang impluwensya
sa pag-unawa ng kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang naunang usapan o
pakikipagtalastasan. Halimbawa, sina Mikhael at Molan ay nag-uusap tungkol sa balak na
isasagawang proyekto ni Mikhael. Pinipigil ito ni Molan at pinagsabihang baka hindi ito
magtagumpay. Natapos ang usapan nila na sabi ni Mikhael ay pag-iisipan niya. Nang muli silang
magkita ang unang tanong ni Molan ay “itutuloy mo rin ba?” sagot ni Mikhael ay “oo”. Ang mga
nakarinig sa usapan ay walang naunwaan kung ano ang tinutukoy o hindi itutuloy ni Mikhael.
Subalit para kay Mikhael at kay Molan lubos nilang batid ito at mayroon silang pagkaunawaan sa
takbo ng usapan dahil sakanilang nauna nang nakaraang pag-uusap. Iyon ang ibig sabihin ng
dimensyong historikal.Ang damdamin at emosyon taglay ng taong nag-uusap o ng mga taong
kasangkot sa usapan ay nakaapekto sauri, proseso at bunga ng usapan o komunikasyon.
halimbawa, maingat tayo sa pakikipag-usap sa isang taong bagong gising o taong naabala sa
pagtulog. May kasabihan nga na magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising. Gaya rin
halimbawa, ng taong gutom o pagod. Medyo mainit ang ulo, wika nga tila wala pa sa kondisyon.
naaapektuhan ng kanilang damdamin at emosyon ang proseso ng usapan.