Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG

PAKIKINIG
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ang isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na
nagsisilbing impluwensya upang makipag-usap ng mabuti.

● KAHULUGAN NG PAKIKINIG
- ito ay isang aktibong gawain
- May nagaganap na pagproseso sa isip ng tagapakinig.
- Nabibigyang kahulugan ang mga tunog at salita
- Tunog na naririnig ay nabibigyang interpretasyon at nasusuri ang ating
kaalaman sa istruktura ng wika at naisasaisip ang mensahe, impormasyon
at nagpapahiwatig sa napakinggan

Binigyang kahulugan din nina John Marshal at Wolf ang Pakikinig:

John Marshal
“Ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na
nagsisilbing impluwensya upang makipag- usap ng mabuti.”

Wolf, 1983
“Ito ay kombinasyon ng kakayahang makarinig ng mga tunog at ang paghihintay
sa pagiging pagtanggap sa nagsasalita sa anumang pinanggagalingan ng
mensahe.”

● KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay napakahalaga sapagkat mabilis ang pagkatuto kung
gagamitan ng kakayahang pandinig
Ito ang pinaka mabilis na paraan upang maunawaan ang talakay

1. Pagkuha ng impormasyon
- Ang impormasyon ay karaniwang binibigay ng nagsasalita
HALIMBAWA:
Pangyayari sa araw-araw, panayan at talakayan

2. Paglutas ng suliranin
Sa pakikinig, malalaman natin at mabibigyan linaw kung ano ang naging
suliranin o balakid sa anumang gawaing di nagbunga ng inaasahan.
Sa pakikinig din nasusuri ang suliranin at mula dito ay makakabuo ng
posibleng kalutasan sa nasabing suliranin.

3. Pagbabahagi ng karanasan
Nagpapatuloy lamang ang pagbabahagi ng karanasan kung nakikita na
ang kausap ay taimtim na nakikinig.
Sa pamamagitan nito, nag pagbabahagi ng karanasan ay katanggap
tanggap. Naiibsan ang damdamin ng nagbabahagi habang ang nakikinig naman
ay natuto sa karanasan ng iba sa pamamagitan ng pakikinig.

4. Paghihikayat
Sa pamamagitan ng pakikinig, ang isang tao ay nakaka pagdedesisyon
ayon sa hiakayat ng pananalita o dating ng sinasabi.

PAGKAKAIBA SA PAGITAN NG PANDINIG AT PAKIKINIG

● Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang pandinig(hearing) at


pakikinig(listening).
● Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang
tunog na mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig
ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.
● Samantala, isang proseso ng pag-iisip na may layunin ng unawain ang
kahulugang nakapaloob sa mga tunog ng pinakikinggan ang pakikinig.
● Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig, magkaugnay ang dalawa
sapagkat hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig kung walang pandinig.
Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pandinig.

DALAWANG PARAAN SA PAGPAPAKAHULUGAN


1. Denotasyon - ito ay pagbibigay kahulugan sa mga salita batay sa iba’t ibang
sanggunian o reference (aklat, journal, magasin at iba pa)
2. Konotasyon - pagbibigay kahulugan batay sa kultura, paniniwala, kagawian at
karanasan ng ibang tao.
Mga halimbawa:
a. Pulang Rosas:
Denotasyon: pulang rosas na may berdeng dahon
Konotasyon: ito ay simbolo ng pasyon o pag-ibig

b. Krus
Denotasyon: ang kayumangging krus
Konotasyon: ito ay simbolo ng relihiyon

c. Ang litrato ng puso:


Denotasyon: ito ay nagrerepresenta ng karton na puso
Konotasyon: ito ay simbolo ng pagmamahal at pag- ibig

RESULTA NG PAKIKINIG
● Pagkakasundo ng dalawang panig (pagsasalita at pakikinig)
● Nagpapabago ng pananaw ng nakikinig
● Itutuwid ang sariling pagkakamali o kahinaan
● Maiiwasan ang makagawa muli ng isa pang pagkakamali
● Nagpapabago ng personalidad ng isang tao
● Nalalaman ang mga bagong impormasyon at mga kaganapan sa paligid
ANG PROSESO NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay paglalaan ng panahon sa pinapakinggan upang mawari ang
mensahe na nais iparating ng may akda. Nagpapataas din ito ng antas ng pag-iisip na
humahantong sa lalong magpapatibay ng personal na kakayahang intelektwal tungo sa
mabuting hinaharap.
Nagmula ito sa:
● Pagkilala ng mga tunog na tinatawag na
● pagsasama - sama ng mga ito upang makabuo ng salita
● Pagpapakahulugan o interpretasyon

1. Pagtanggap ng mensahe
Ang taong marunong makinig ay kadalasang nakakapagbigay ng
reaksyon. Ang reaksyong ito ay nakabatay sa uri ng kanyang pakikinig.
Kailangang maging positibo tayo sa pakikinig upang maiwasan ang negatibong
pagtanggap ng mensahe.

2. Pagbibigay ng konsentrasyon sa mensahe


Ang pagbibigay konsentrasyon sa detalye na sinasabi ng nagsasalita ay
nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng tagapakinig kung kaya’t may pagkakataon
na maaalala niya ang mahalagang mensaheng iniwan nito sa tagapakinig.

3. Pagtanda ng napakinggan
Dapat tandaan ang mahalagang detalye na sinasabi ng tagapagsalita.
Maaring magsilbing baon ang mahahalagang kaalamang ito na pwedeng
magamit bilang kaalaman. Kung may kahinaan sa pagsasa-ulo ng napakinggan,
ang pagtatala ng mga detalye ay isang paraan at kasangkapan.

4. Reaksyon
Ito ay mahalagang gampanin dahil dito nasusukat kung anong uri ka ng
tagapakinig. Sa tamang pakikinig dapat nating tandaan na mahalagang
makatuon tayo sa pinag-uusapan hindi sa pagkatao ng nagsasalita.
URI NG PAKIKINIG

1. PASSIV o marginal na pakikinig. - Ang pakikinig na ito ay pakikinig na ang


pinakikinggan ay di gaanong pinagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawain
kayang isinasakatuparan kasabay ng gawaing pakikinig.

2. ATENTIV - Pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon ng uring ito ng


pakikinig. Ginagawa ang pakikinig na ito kung ang layunin ng tagapakinig at
makakuha ng kagustuhan ng pag unawa sa isyu, mensahe o anumang bagay na
pinakikinggan.

3. PAKIKINIG NG ANALITIKAL O pahusgang pakikinig. Layunin ng pakikinig na ito


ang magbigay ng reaksyon sa napakinggan, magtala o mag-evalweyt kung
sapat, valid, mahalaga at karapat- dapat ang napakinggan.

4. KRITIKAL o mapanuring pakikinig. Pagkuha ng mensahe, mga


pagpapahalagang moral, pagpuna sa pagkakatulad at pagkakaiba ng
napakinggan ang uring ito ng pakikinig.

5. APRESYATIBO pagpapahalagang pakikinig. Ito ay pakikinig na ginagawa ng tao


para sa kanyang sariling kasiyahan.

MGA ELEMENTONG NAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG (marfe)

● Tsanel
Ito ay daanan ng pakikipagtalastasan. Maaaring ang ideya ay maipahatid
sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o ng pagguhit at iba pa.
● Lugar
ang malamig at tahimik na lugar ay makakatulong sa pakikinig. Ngunit ang
silid na masama ang bentilasyon, maingay, may mga upuang hindi maginhawa
ay nakaka sagabal sa mabuting pakikinig.

● Oras
may mga oras na naman na hindi kahalina halina sa pakikinig. Kapag
dumating na sa alas dose ang panayam o talumpati, mapapansin ng aliwaswas
na ang tagapakinig.

● Edad
mas maingay makinig ang mga bata kesa may mga edad na. Mahusay
ang memorya ng mga kabataan ngunit higit naman na madali ang pang unawa
ng mga may edad sa napakinggan.

● Pinag - aralan
higit na may kakayahang umunawa sa napakinggan. Mayaman kasi ang
kanilang talasalitaan at marami silang karanasang nabasa sa mga aklat na
ginagamit nila sa pag unawa sa kanilang mga napakinggan.

● Kalagayang sosyal
higit na sanay makinig ang mga taong may mataas na pinag aralan at
kalagayan sa buhay. Palagi sila nakikinig at nagbibigay ayon kasanayan sa
kanila.

● Kultura
ang pagkakaroon ng ibat ibang kultura ng bayan ay nagkakaroon ng ibat
ibang pagpapakahulugan.

● Kasarian
may ibat ibang gustong pakinggan ang mga babae at ganun din naman
ang mga lalaki. Bibihira lamang sa mga babae at lalaki na may parehong
paksang nais pakinggan.

● Konseptong pansarili
nakadepende sa tagapakinig kung paano niya bibigyan ng
pagpapakahulugan ang mga mensaheng kanyang napakinggan.

KASANAYAN NA MAKAKATULONG SA MABISANG PAKIKINIG

● Paggawa ng balangkas
tinatawag ng iba na “ sanaysay sa isang sulyap”. Nasa iyo ang kasanayan
ng anumang akda. Sa balangkas, ang mga pangunahing kaisipan ay makasulat
ng maliwanag at nakahanay ayon sa kanilang kahalagahan.

● Balangkas sa talata
para itong talata ng mga pangungusap na may tambilang na ang bawat
isa ay naglalaman ng paksa o punong diwa.

● Balangkas sa pangungusap
kinukuha rito ang mahahalagang kaisipan at maayos ayon sa
kinalalagyan ng akda.

● Balangkas sa paksa
katulad din ito ng balangkas sa pangungusap na inihahanay ang mga
pangunahing kaisipan at nilalagyan din ng mga panandang tambilang o mga titik.

MGA PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG (marfe


Layunin:
● Magtuon ng matamang konsentrasyon sa pinapakinggan
Ang handang sarili sa pakikinig ay natatamo sa pamamagitan ng
konsentrasyon.

● Iwasan ang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita


Kawalan ng respeto sa nagsasalita kung pupunahin agad ang kanyang
naging kakulangan o pagkakamali habang siya ay nagsasalita.

● Iwasan ang mga tugo emosyonal sa naririnig


May mga salitang nagbibigay sa tagapakinig ng ibang damdamin.

● Maging isang aktibong kalahok


Malaking tulong hindi lamang sa tagapakinig ang aktibong pakikisangkot
sa tagapagsalita

● Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan


ang pag alala sa mga bagay na nakita ay nakakapag palinaw sa
pagbabalik gunita sa mga naririnig

● Alamin ang pangunahing kaisipan sa napakinggan


maaaring inilalakas o binigyan diin ng nagsasalita sa pamamagitan ng pag
dahan dahan ng pagsambit nito.

MGA MALING PANINIWALA HINGGIL SA PAKIKINIG

● Dapat na magsalita sa halip na makinig


Napakarami nating nakakaligtaan isipin kapag tayo ay nagsasalita sa
pagkakataon na dapat na muna tayong makinig. Ang isang matalinong tao ay
nag oobserba muna sapagkat tayo bilang tao ay nilikha na may isang bibig at
dalawang tainga, dapat tayo ay makinig bago magsalita. Karamihan sa atin ay
dapat na “pakinggan” ang kaisipang ito. Ang isang matalinong tao ay nag
oobserba muna sapagkat tayo bilang tao ay nilikha na may isang bibig at
dalawang tainga, dapat tayo ay makinig bago magsalita. Karamihan sa atin ay
dapat na “pakinggan” ang kaisipang ito.

● Pakinggan kung anu ano ang nais na marinig


Nakikinig lamang tayo sa mga bagay na gusto lamang nating marinig
mula sa ating kinakausap at hindi binibigyan pa ng halaga ang iba pang detalye
kung kaya ito ang nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.

● Maaaring hindi makinig ng mabuti


May mga naniniwala na ang pakikinig ay isang aktibidad na maaaring
gawin kasabay ng iba pang gawain ( o multi-tasking).

● May ibang isipin


ito ay isang halimbawa na kung minsan tayo ay may ibang iniisip,
maaaring ito man ay ideya, katotohanan, alalahanin at iba pa Mga pagkakataong
hindi natin maisantabi ang ating mga isipin.

● Maling panghuhusga
ang pag-uugali at damdamin na hindi sumasalig sa lohikal na pag-iisip ay
maaaring magresulta sa maling panghuhusga.

● Maaaring sabihin na ayaw natin sa tagapagsalita o kaya naman ay wala tayong


interes sa paksa.

● Pagiging makasarili
labis na pagmamahal sa sarili o paniniwala sa sariling kakayahan lamang.

● Ang ganitong kalagayan ay maaaring makasagabal sa pakikitungo natin sa ating


kapwa lalo na kapag may ibang nais na magsalita na gayong sa ating loob ay
naniniwala tayong higit na mahusay at dapat na pakinggan.
● Stereotyping
may mga "sarado" na tayong paniniwalaan o konsepto na iniisip natin
tama at totoo.Kung ang isang tagapagsalita ay naglahad ng mga kaisipang
salungat sa ating nalalaman, maging maganda man o hindi ang konsepto ay
laging may pagtutol.

● Maling Paniniwala
dahil sa may paniniwalang ang pakikinig ay simple at madaling gawin,
may pag-aakala ring kayang-kaya natin itong isagawa, subalit ang kasanayan
bago mapaunlad ay nangangailangan ng matinding pagsisikap, tiyaga at
pasensya na bahagi naman ng karaniwang pang-araw-araw na pamumuhay.

You might also like