Yunit 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

YUNIT 3:

PAGSULAT NG BALITA

Inaasahang
Kawakasan
Pagkawili sa pamamahayag o pamahayagan
Kaalaman sa mga katuringang pamamahayagan;
Pag-unawa sa mga layunin ng pampaaralang pamahayagan
Kabatiran sa mga saklaw ng kurso ng pamahayagan sa mga iba’t ibang antas ng paaralan.

Tuklasin mo!
Katuturan ng Balita

Ito ay isang ulat na maaring pasulat o pasalita na papanahon at makatotohanang


ulat ng mga pangyayaring mga bagay na naganap, nagaganp, o magaganapo pa
lamang.maaari rin itong maibabahagai sa pamamaraang pasulat, pasalita, at
pamapaningin.

Pasulat- kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.


Pasalita-kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.
Pampaningin-kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.
Mga Salik na mahalaga sa pagbuo ng isang balita
1. Mga pangyayari o detalye nito.
2. Kawilihan
3. Mambabasa

Mga katangian ng isang magandang Balita (Qualities of a Good News story)

1. Ganap na kawastuhan- kawastuhang paktuwal; tunay na pangyayari; katumpakan


ng pangkalahatang impresyon; kaayusan ng mga detalye; tamang papgbibigay diin,
hindi magulo o masalimoot na diwa.
2. Timbang-inilalahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng
kasangkot.
3. Walang kinikilingan at makatotohanan-ang mga impormasyon at tunay at aktwal
at hindi gawa-gawa laman. Gayundi hindi kumikilala sa kung ano ang
kalagayan/panig ng taong kasangkot.
4. Kaiklihan –ang mga datos ay oinilahad nang diretsahan, hindi maligoy
5. Kalinawan
6. Kasariwaan
Mga Uri ng Balita

1. Ayon sa Saklaw o Pinagmulan


a. Balitang local o nasyunal (local news)- nagaganap sa loob ng bansa
b. Balitang dayuhan o banyaga (foreign news)-balitang nagaganap sa labas ng
bansa.
c. Balitang may petsa at pinanggalingan (Dateline News)-pinangungunahan
ng may petsa, kung kaian snulat at ang lunan, kung saan sinulat ng reporter.

Halimbawa:

Lungsod ng Zamboanga, Abril 16, 2001)-Malakas na lindol ang pumatay ng


maraming tao at puminsalaa sa ari-arian ditto.

2. Ayon sa pagkakasunod-sunod (According to Chronology or sequence)


a. Paunang Balita (Advance or Anticipated news)
 Ulat na ukol sa inaasahang pangyayari tula ng gaganaping patimpalak,
konsiyerto, dula, palaro, kampanya atbp. Ito ay maaring ilathala ng
serye na inilalalrawan ang iba’t ibag paksa sa bawat isyu. Ginagamit
dito ang pamamaraan sa pagsulat ng tuwirang balita o ng balitang
lathalain.
b. Balitang Di-inaasahan (Spot news)
 Balitang isinulat ukol sa pangyayaring naganap na di inaasahan.
c. Balitang itinalaga (Coverage News)
 Balitang isinulat o isusulat pa, batay sa isang palagiang o pirmihang
pinagkukunan gaya ng kongreso, ospital, fire department, tanggapan
ng punong-guro, aklatan atbp.
d. Balitang Panubaybay (Follow-up News)
 Ulat ukol sa pinakabagong pangyayari bilang karagdagfan o kasunduan
ng naunang balita. Ito’y may sariling pamatnubay na iba sa
pamatnubay ng sinundang balita.
e. Balitang Rutin o Kinagawian (Routine news)
 Balitang ikol sa inaasahang magaganap tulad ng regular na
pagpupulong, panahunang pagsusulit, palatuntunan.

3. Ayon sa Anyo (According to Structure)-inilalarawan ang kaanyuan o balangkas ng


pagkakasulat.
a. Tuwirang Balita (Straight News)
 Inihahayag ang mga pangyaayri sa ayos na tagilo o baligtad na
piramide (inverted pyramid structure) mula sa pinaka mahalaga
hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan. Ito ay ginagamitan ng
kabuuuang pamatnubay (summary lead)at inilalalthalang tuwiran at
walang paligoy-ligoy. Maikli ang mga pangungusap, at mga katagang
simpleat madaling maunawaan lamang ang ginamit.
b. Balitang Lathalain (News Feature)
 Nababatay rin sa tunay na pangyayari na kagaya ng mga tuwirang
balita. Sa halip na ba;igtad na piramide, ang karaniwang ayos ni to ay
ang pinaglibang pinakamahalalgang pangyayari (suspended interest
structure), kagaya ng pagkaka-ayos ng isang kuwento. Sa paksa at
pamaamraan, ito’y nasa paguitan ng pagbabalita, editoryal, o lathalain.
Naiiba ang balitang lathalain sa karaniwang lathalain (feature article).
c. Balitang Iisang Paksa o Tala (Single Feature or one-incide story)
 Iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng
balita ipinaliliwanag ang mga detalye.
d. Balitang Maraming itinatampok (Several Fearutered or Composite Story)
 Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay
ang mga ito ayon sa pahupang pahupang kahalagahan. Ang
pagpapaliwanag sa isang paksa ay nakahanay sa katawan ng balita na
ayon din sa pagkakaayos ito sa pamatnubay.

4. Ayon sa Pagtalakay sa Paksa (According to the Treatment of the Topics)


a. Balitang may Pamukas-damdamin o Kawilihan (Human Interest Story)
 Ito’y umaantig sa damdamin at kumukuha ng reaksyon ng mga
mambabasa.karaniwang maikli, ngunit nagagawa nitong paiyaki,
patawanin, pagalitin o padamdamin ang mga mambabasa. Kahiit
madalas ay tao ang pinapaksa, maari ring puksain ang hayop o bagay.
b. Balitang Pagpapakahulugan (Interpretative o Interpretive news)
 Ipinapaunawa sa mambabasa ang kahalagahan g mga pangyayari.
Dito’y hindi ipinapahayag ang pangyayari sa payak o tuwirang paraan
lamang, kundi nilalakipan ng interpretasyon upang lalong maunawaan
ng mambabasa. Maaring isama rito ang : 1) dahilan ng pangyayari, 2)
sanligan, 3) katauhan ng pangunahing kasangkot sa balita at 4) ang
kabuuhan ng kahalagahan.
c. Balitang may Lalim (In-depth report)
 Pagbabalitang may paghahamon sa kaisipan ng mga mambabasa at
kakayahan ng reporter. Tulad ng balitang may pagpapakahulugan, ito’y
higit na pa sa karaniwang balita na payak lamang an gang paglalahad
ng mga pangyayari. Ito’y nasasalig sa backgrounding mula sa
pagsasaliksik, o paghahanap ng mga bagay o pangyayaring nakita o
nasaksihan. Nagbibigay kahulugan ito sa mga pangyayari, ngunit hindi
lumalabas sa opinion ng sumulat.

5. Ayon sa Nilalaman
a. Balitang Pang-agham (Science News)
b. Balitang Pangkaunlaran (Development News)
c. Balitang Pampalakasan (Sport news)

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita


1. Isulat ng buod.
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing
importance).
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.

Mga Mungkahing paraan sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita pagkatapos makalap.


2. Bigyang-diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang pagbibigay iopinyon. Ang opinion ay nararapat lamang sa mga tanging
kolum, pangulong tudling, artikulong may pangalan (by-line) ng sumulat at sa
balitang isports o pampalakasan.
5. Banggitin ang watoridad o pinagmulan ng balita kung; 1) nangingibabaw ang opinion
kaysa tunay na pangyayari, 2) ang balita ay kontrobersyal, 3) ang balita ay
nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang banggit. Pagkatapos gamitin na lamang
ang G. sa apelyido ng lalalki; Bb o Gng sa babae o anomang tanging titulo sa mga
sumusunod pang banggit.
7. Ilahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.
8. Ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaring
mapapinsala sa paniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalita.
10. Simulant ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.
11. Sumulat ng maikling pangungusap. Pag-iba-ibahin ang haba ngunitkailangang payak
at maliwanag.
12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkaibang talata.
13. Iwasan ang pampahaba at pampakapal na mga pangungusap at talata. Na pampuno
lamang ng ispasyo.
14. Gumamit ng payak at tiyak na salita. Ang mga pang-uri at pang-abay ay magbibigay
daan sa mga pandiwa at pangngalan.
15. Sumulat ng mabisang pamatnubay.
16. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive) maliban kung
ang layon ay higit na mahalaga kaysa gumaganap.
17. Sundin ang istilong pamamahayag (style sheet).

Batayang Anyo o Kayarian ng Balita (Basic Structure of the News Story)

Sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng Balita;

Pababang Kahalagahan
(Decreasing Importance)
Kasukdulan
(Climax)

Kahalagaha
n2
(details)

Batas sa mga Talang Nakalap


(Fact Story) Tuwirang Sabi
(Direct Qoute)
Pamatnubay
(Lead Fact) Di-tuwirang sabi
(DTS)
Datos
2 Tuwirang Sabi
(TS)
Datos
3 DTS

Datos
4 TS

Batay sa Kilos Balitang Sinipi


(Action Story) (Qoute or Speech Story)

Pamatnubay
Pamatnubay
(Incident Told) na di-
kombensyuna
l
Datos (Novelty
2 Lead)
Salaysay
(Narrative)
Datos
3

Di-inaasahang
Datos
4
kasukdulan
(Surprise
Climax)

You might also like