Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Colegio De San Gabriel Arcangel

Founded 1993
Recognized by the Government: DepEd, CHED and TESDA
PACUCOA ACCREDITED COLLEGE LEVEL I
Area E Fatima I Sapang Palay CSJDM Bulacan
(004) 7600397/09212311379/09205267272

Pag-aaral sa epekto ng pandemya sa Kita ng mga tricycle

driver sa Minuyan Proper Phs 5, City Of San Jose

Delmonte Bulacan

Mga Mananaliksik:

Nicolas , Jhon Lloyd C.

Navarro, Terry Shean B.

Guro sa Pananaliksik

G. Nuñez Jerome G.
Colegio D
e San Gabriel Arcangel
Founded 1993
Recognized by the Government: DepEd, CHED and TESDA
PACUCOA ACCREDITED COLLEGE LEVEL I
Area E Fatima I Sapang Palay CSJDM Bulacan
(004) 7600397/09212311379/09205267272

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na. “Pag-aaral sa epekto


ng pandemya sa Kita ng mga tricycle driver sa Minuyan Proper
Phs 5, City Of San Jose Delmonte Bulacan” Inihanda at isinumite ng
ikaapat na pangkat ng mananaliksik sa Ellis na binubuo nina.
Navarro, Terry Shean B. at Nicolas, Jhon Lloyd C. Sa bahagyang
katuparan ng kinakailangan para sa asignatura na Pananaliksik ay
nasuri at inirerekomenda para sa pag-apruba at pagtanggap.

Mr. Jerome G. Nuñez


Gurong Tagapayo

Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga

pangangailangan sa

asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa

Pananaliksik na may markang _____ sa

G. JEROME G. NUÑEZ

Guro sa Pananaliksik
Colegio De San Gabriel Arcangel
Founded 1993
Recognized by the Government: DepEd, CHED and TESDA
PACUCOA ACCREDITED COLLEGE LEVEL I
Area E Fatima I Sapang Palay CSJDM Bulacan
(004) 7600397/09212311379/09205267272

PASASALAMAT

Taos-puso ang aking inaabot na pasasalamat sa mga sumusunod na

indibidwal dahil sakanilang walang humpay na suporta at kontribusyon

sa pagtapos sa pamanahong papel na ito.

Sa aming guro na si Ginoong Jerome G. Nuñez salamat sa mga kaalamang

ibinahagi mo sa amin. Maraming salamat din sa aking mga magulang na

hindi nagkulang sa pagsuporta sa akin upang magawa ang mga salitang

ito.

Sa mga kaibigan ko na palaging nandyan para tumulong at sumuporta sa

pagbuo ng pananaliksik na ito, Sa aking kagrupo na si Jhon Lloyd C.

Nicolas sapag tulong saakin sapag gawa ngpananaliksik na ito.maraming

salamat.

Higit sa lahat, maraming salamat sa ating Poong Maykapal na patuloy na

gumagabay at nagbibigay kaalaman, kalakasan, at mabuting kalusugan

para matapos ang pananaliksik na ito. Marami pong salamat!


Colegio De San Gabriel Arcangel
Founded 1993
Recognized by the Government: DepEd, CHED and TESDA
PACUCOA ACCREDITED COLLEGE LEVEL I
Area E Fatima I Sapang Palay CSJDM Bulacan
(004) 7600397/09212311379/09205267272

ABSTRAK

Maituturing na isang marangal na trabaho ang pagiging isang tricycle

driver. Sa kabila ng mababang tingin sa kanila ng ibang mga tao dahil

sinasabing mababa ang klase ng kanilang trabaho, hindi maitatanggi, na sila

ay parte ng mga pinakaimportanteng tao sa ating lipunan. Pang tustos sa

pang araw araw ang nagging pangunahing problema ng mga tricycle driver

simula ng nagkaroon ng pandemya. Sa pag laganap ng pandemyang Covid 19

isa sila sa mga lubos na naapektuhan, isa sila sa mga hindi nakapag trabaho

dahil sa umiral na ECQ kung saan hindi pinapayagan ng gobyerno ang pang

labas ng mga mang gagawa kung kayat hindi sila kumita sa mga nag daang

buwan, Ang pananaliksik na ito ay nag lalayong alamin kung ano ano ang

nagging epekto ng pandemyang Covid 19 sa mga pang araw araw na buhay at

ng mga tricycle driver ng Minuyan Proper Phs 5, City Of San Jose Delmonte

Bulacan. batay sa aming mga nakalap na impormasyon sa mga tricycle driver

ay negatibo sapagkat lubusang naapektuhan ang kanilang pang araw araw na

gastusin at wala din silang kinita dahil sa umiral na ECQ.


Colegio De San Gabriel Arcangel
Founded 1993
Recognized by the Government: DepEd, CHED and TESDA
PACUCOA ACCREDITED COLLEGE LEVEL I
Area E Fatima I Sapang Palay CSJDM Bulacan
(004) 7600397/09212311379/09205267272

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT………………………………………………………………………………………

DAHON NG PAGPAPATIBAY………………………………………………………………...I

PASASALAMAT………………………………………………………………………………..II

ABSTRAK……………………………………………………………………………………...III

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

INTRUDUKSYON……………………………………………………………………………… 2

PAGLALAHAD NG SULIRANIN…………………………………………………………….. 3

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL………………………………………………………… 4

SAKLAW AT LIMITASYON……………………………………………………………......... 5

HAYPOTESIS………………………………………………………………………………….. 6

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA……………………………………………………… 7

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

LOKAL NA LITERATURA………………………………………………………………….. 9

DAYUHANG LITERATURA…………………………………………………………….. 10-11

LOKAL NA PAG-AARAL………………………………………………………………... 12-13

DAYUHANG PAG-AARAL………………………………………………………………. 14-15

SINTESIS ( LOKAL/DAYUHANG PAG-AARAL)…………………………………….. 16-17

KABANATA III: METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK…………………………………………………………… 19

PARAAN NG PAGKUHA NG RESPONDANTE…………………………………………... 19

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK……………………………………………………. 19
PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS…………………………………………… 20

TRITMENT NG DATOS…………………………………………………………………….. 20

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON

GRAP 1……………………………………………………………………………………….... 22

GRAP 2…………………………………………………………………………………….. 22-23

GRAP 3………………………………………………………………………………………… 23

GRAP 4…………………………………………………………………………………….. 23-24

KABANANTA V: MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

NATUKLASAN………………………………………………………………………………. .26

KONKLUSYON………………………………………………………………………………. 27

REKOMENDASYON……………………………………………………………………….... 28

BIBLOGRAPIYA……………………………………………………………………………....29

SAMPLE SURVEY QUESTIONNAIRE……………………………………………………..30


KABANATA I:

ANG SULIRANIN AT

ANG KALIGIRAN

NITO

1
INTRODUKSYON

Sa bawat araw na dumadaan lalong dumadami ang naitatalang kaso ng mga

nahawaan ng Covid 19 at lubusang naapektuhan ang kita ng mga mang gagawa sa ating .

Ano nga ba ang Covid 19? Ang Covid 19 ay isang nakakahawang virus na nagsimula noong

taong 2019 sa bansang China. Ang coronavirus (COVID-19) ay sakit nadulot ng isang virus

na maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao. Maaari kang mahawahan sa

pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan (mga 6 na talampakan o dalawang braso

anglayo) sa isang taong may COVID-19. Ang pangunahing pagkalat ng COVID-19 ay mula

sa isang tao papunta sa iba, at ang hindi pag sunod sa health protocol.

Dahil sa pandemyang umiiral maraming negosyo ang nag sara sa utos ng

pamahalaan, maraming tao ang nawalan ng trabaho at hindi kumita. Abot 5 milyong

Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa Department of

Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung

gaano kalakas ang impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na

buwan.

Kasama ang mga tricycle driver sa mga nawalan ng trabaho nang ipatupad ng

gobyerno ang ECQ (enhanced community quarantine) ang ECQ ay isang ordinansa kung

saan hindi pwedeng lumabas ang mga tao at kailangan lamang na manatili sa kanya

kanyang tahanan upang maiwasan ang pag dami ng kaso ng Covid 19.

Ang mga

2
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Epekto ng Pandemya sa Kita ng mga ‘Sidemwalk

Vendor’ sa Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose

del Monte, Bulacan” ay naglalayong sundin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondante?

 Pangalan:

 Kasarian:

 Edad:

2. Bilang isang ‘vendor’, naapektuhan ba ang iyong mga paninda sa panahon ng

pandemyang covid-19?

3
3. Bilang isang ‘vendor’, ano ang naging epekto sa iyong kita mula nang magsimula ang

pandemyang covid-19?

4. Ano-anong mga paraan ang iyong naisip at ginawa upang mapanatili ang iyong kinikita

sa panahon ng pandemyang ito?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makakapagbigay kaalaman hinggil sa epekto ng

pandemya sa kita ng ‘sidewalk vendor’ sa Paligid ng Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I,

Barangay San Rafael III, City of San Jose del Monte, Bulacan sa mga sumusunod:

Sa mga ‘sidewalk vendor’ – Makatutulong ang pananaliksik na ito upang

magkapagbigay ng kaalam hinggil sa kung paano nila mapapanatili o mas mapapaganda pa ang

kanilang kita sa araw-araw. Makatutulong din ito upang malaman na ang pagsunod sa ‘health

protocol’ ng DOH ay maaaring makakuha ng pansin ng mamimili.

Sa mga mamimili – Makatutulong ang pananaliksik na ito sa upang magbigay kaalaman

sa mga mamimili hinggil sa epekto ng pandemya sa kita ng mga ‘sidewalk vendor’at makatulong

sa pamamagitan ng pagbili ng mga ibinibenta nila.

Sa kooperasyong naniningil sa lugar – Makatutulong ang pananaliksik na ito upang

malaman ng mga naniningil ang epekto ng pandemya sa kita ng mga vendor at hindi nila pilitin

na kaagad magbayad.
4
Sa mga opisyales – Makatutulong ang pananaliksik na ito upang magbigay kaalaman sa

mga opisyales hinggil sa kalagayan ng kita ng mga ‘sidewalk vendor’ at matulunngan sila

dipende sa kung anong paraan ang kanilang gagawin upang matulungan sila.

Sa mga susunod na mananalisik – Makatutulong ang pananaliksik na ito upang

makapagbigay ng kaalaman sa mga susunod na mananaliksik hinggil sa epekto ng pandemya sa

kita ng mga ‘sidewalk vendor’.

SAKLAW AT LIMITASYON

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng pandemyang covid-19 sa kita ng mga

‘sidewalk vendor’.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng respondanteng ‘sidewalk vendor’

sa Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose del

Monte, Bulacan. Ang bilang lamang ng mga respondante na ‘sidewalk vendor’ ay 40. Ang buong

bilang ng populasyon ng mga vendor ay 83.

5
HAYPOTESIS

Ang isang pananaliksik na teorya ay ang pahayag na nilikha ng mga mananaliksik kapag

tinataya nila ang resulta ng isang pananaliksik o eksperimanto. Ito ay maaaring null o alternatibo.

ALTERNATIBO – Ito ay haka o pagpapalagay na may pagkakaiba, relasyon, o pagkakaugnay

ang dalawang sitwasyon.

1. May epekto sa paninda ng mga sidewalk vendor ang pandemyang covid-19.

2. May epektong dinala ang pandemyang covid-19 sa kita ng mga sidewalk vendor.

3. May mga naisip na paraan ang mga ‘sidewalk vendor’ upang mapanatili ang kanilang

kinikita sa oras ng pandemyang ito.

NULL – Ito ay haka o pagpapalagay na walang pagkakaiba, relasyon, o pagkakauganay ang

dalawang sitwasyon.

1. Walang epekto sa paninda ng mga sidewalk vendor ang pandemyang covid-19.

6
2. Walang epektong dinala ang pandemyang covid-19 sa kita ng mga ‘sidewalk vendor’.

3. Walang naisip na paraan ang mga ‘sidewalk vendor’ upang mapanatili ang kanilang

kinikita sa oras ng pandemyang ito.

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Pandemyang Covid-19 – Ito ay tumutukoy sa isang sakit na kumulat simula noong taong 2019

na nagsimula sa bansang China.

DOH (Department of Health) – Ito ay tumutukoy sa departamentong namamahala sa kalusugan

ng mga mamamayan sa bansa.

DOLE (Department of Labor and Employment) – Ito ay tumutukoy sa departamentong

namamahala sa mga trabaho at tumutulong sa mga trabahador o manggagawang Pilipino.

Quarantine – Ito ang paraan ng gobyerno upang mapabagal ang pagkalat ng covid-19. Ang mga

uri nito ay Community Quarantine (CQ), Enhanced Community Quarantine (ECQ), General

Community Quarantine (GCQ), at Modified Enhanced Community Quarantine (MGCQ).

Informal Sector – Ito ay uri ng mga manggagawa na nagtatrabaho upang kumita para sa sarili o

mga self employed.

7
ILO (International Labour Organization) – ay nakatuon sa pagtataguyod ng katarungang

panlipunan at kinikilala sa internasyonal na mga karapatang pantao at paggawa, na hinahabol ang

itinatag nitong misyon na ang kapayapaan sa paggawa ay mahalaga sa kaunlaran.

KABANATA II:

8
MGA KAUGNAY NA

LITERATURA AT

PAG-AARAL

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng kaugnay na literatura at pag-aaral sa pananaliksik

na may patungkol sa “Epekto ng Pandemya sa Kita ng mga ‘Sidewalk Vendor’ sa Paligid ng

Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose del Monte,

Bulacan.”

Lokal na Literatura

(Labor Secretary Silvestre Bello III, 2018)

9
“Ang mga manggagawa sa informal sector ay mahalaga sa komunidad dahil malaki ang

kanilang naiaambag sa ekonomiya ng buong bansa. Hindi lamang aniya sila lubusang nasasakop

ng mga polisiya sa paggawa tulad ng occupational safety and health, at social protection.”

“Coronavirus COVID-19 Epekto sa mga trabaho sa Pilipinas 2020”

( Martha Jean Sanchez, Nov 17, 2020)

Ayon sa International Labour Organization isang quarter ng kabuuang trabaho sa

Pilipinas ay malamang na magambala ng epekto ng Covid-19 sa ekonomiya at paggawa market,

alinman sa pamamagitan ng nabawasan mga kita at oras ng pagtatrabaho o kumpletong

pagkawala ng trabaho. Ito isinasalin sa halos 10.9 milyong mga manggagawa. Kabilang na rito

ang mga informal workers. Kahit na bago ang pandemya, ang mga indibidwal nakikibahagi sa

impormal na ekonomiya tulad ng mga kaswal na manggagawa, pansamantalang manggagawa o

pang-araw-araw o oras na sahod. May posibilidad silang mabayaran ng mas kaunti, kaunting

proteksyon sa paggawa at malamang nahantad sa mga panganib sa trabaho. Ito ay tinantya na

humigit-kumulang sa ikasampu ng mga manggagawa sa Pilipinas ay nakikibahagi sa ilang anyo

ng "vulnerable" na trabaho, o trabaho na pang sarili lamang o sa pang pamilya lamang. Ang mga

lockdown ay maaaring nagwasak sa mga prospect ng kita para sa impormal na manggagawa.

“Bilang ng mga taong nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kita”

(D.T. Yumol: CNN Philippines, 21 May 2020)

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay ipinahiwatig na ang lawak ng

pagkagambala ng trabaho o mga naapektuhan ang kita ay maaaring umabot sa 10 milyon sa

2020.

Dayuhang Literatura

(Pilar Balbuena, 7 June 2020)

10
Ang mga vendor ay nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa mga lungsod sa buong

mundo, partikular sa Africa, Asia at South America, kung saan ang mga residente ay umaasa sa

kanila para sa pangunahing mga pangangailangan. Bahagi sila ng isang malawak na impormal na

sistema ng pagkain na pinipigilan ang karamihan sa mundo na magutom. Ngunit ang pandemya

ay sumira sa kabuhayan ng mga nagtitinda sa lansangan, nakagambala sa kanilang kakayahang

gawin ang kanilang mga trabaho at iniiwan ang marami sa pakikipaglaban para mabuhay.

(Food and Agriculture Organization, 2020)

Ang pandemya ng COVID-19 ay isang pangunahing pagkabigla sa pang-ekonomiya at

paggawa ng merkado, na nagpapakita ng mga makabuluhang epekto sa mga kawalang trabaho at

para sa mga impormal na manggagawa. Sa mga lugar sa kanayunan, nanganganib ang

pangkabuhayan lalo na ang mga nagtatrabaho sa sarili at mga manggagawa sa pasahod, dahil ang

mga kadena ng supply ng agri-food at merkado ay nagagambala dahil sa mga lockdown at

paghihigpit ng paggalaw.

(Sally Roever, 2020)

Ayon kay Sally ang mga nagtitinda sa lansangan ay laging nahaharap sa mga mabibigat

na regulasyon at mga hakbang sa pagbibigay ng parusa ng mga awtoridad, kabilang ang

pagkumpiska ng mga kalakal at pag-aresto - ngunit ngayon, ang pagpapataw ng mga lokal at

pambansang lockdown na naglalaman ng pagkalat ng COVID-19 ay nagbabanta hindi lamang sa

mga kabuhayan kundi ang kaligtasan ng impormal na mga nagtitinda at kanilang pamilya sa

ilang mga lugar.

Dagdag pa niya, ang mga pamahalaang lokal at pambansa ay dapat maghanap ng mga

paraan upang matugunan ang kagyat na pangangailangan sa pananalapi at pangkalusugan ng mga

manggagawa na ito. Ang pinakamahusay na paraan upang makahanap ng praktikal at naaangkop

11
na mga paraan upang magawa ito ay para sa mga gumagawa ng desisyon na makipagtulungan sa

mga samahan at kooperatiba. Ang mga pangkat na ito ang pinaka nakakaalam kung ano ang

kinakailangan.

(Avi Singh Majithia, July 2020)

“Ang lockdown sa Delhi ay bumagsak nang malala sa mga sidewalk vendor, tulad ng

ginawa nito para sa maraming iba pang mga manggagawa sa napakalaking impormal na

ekonomiya ng lungsod. Inanunsyo noong ika-24 ng Marso na may paunawa lamang na 4 na oras,

isang walang laman na lungsod ang nangangahulugan na ang mga vendor ng lungsod ay agad na

nawala ang kanilang mapagkukunan at naharap sa gutom at kawalan.”

Lokal na Pag-aaral

(Aika Rey, May 2020)

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Aika Rey noong May 2020, abot 5 milyong Pilipino ang

mawawalan ng trabaho o naapektuhan ang kita dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa

Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende

kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na

buwan. 

Sinabi ni Aika, “maraming mga negosyo ang kailangang magsara at ito ay magiging

mahirap, lalo na para sa mga maliliit na negosyo. Sa ngayon, may mga nakikita na ako at

nakakausap na mga vendor na nagsasara o huminto sa pagtitinda dahil mababa ang kanilang kita

12
at sila’y nalulugi na. Worst case scenario, marami talagang mawawalan ng trabaho. Ito ay 10

milyon na sinasabi ng House na posible at sinasabi ni Secretary Silvestre Bello na posibleng

mangyari, pinakamasamang sitwasyon ng kaso.”

(L.A. Aquino, 2020)

Ayon naman sa pag-aaral ni L.A. Aquino noong 2020, sa gitna ng kawalan ng katiyakan

sa ekonomiya para sa mga employer, ang krisis sa COVID-19 ay nanganganib sa mga nakuha sa

merkado ng paggawa at mga prospect ng mga manggagawa. Hanggang noong Agosto 24, halos 2

milyong mga manggagawa sa higit na 83,000 mga establisimiyento sa Pilipinas ang naiulat na

naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng negosyo, kabilang na rito ang mga sidewalk

vendor. Ang iba naman ay lubusang naapektuhan ang kanilang mga kinikita sa araw-araw dahil

sa pagkabawas ng mga mamimili.

(Charmagne Rimando, 2020)

Ayon naman sa pag-aaral ni Charmagne Rimando noong 2020 sa lungsod ng Baguio

City, Ang lockdown ay kahirapan sa lahat ng vendor. Sa isang payo noong Mayo 13, inulat ng

pamahalaang lungsod na ang mga vendor ay hindi pinapayagan sa panahon ng ECQ at GCQ.

Ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga prutas, gulay at iba pa sa kalsada bilang isang hakbang sa

kaligtasan. Malaki ang naging epekto nito sa kita ng mga nagtitinda at marami rin ang walang

mapagkukunan ng kabuhayan mula nang ipataw ang lockdown. Karamihan sa kanila ay binigyan

ng tulong na salapi sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno, na naglalayon

na mapagaan ang epekto sa ekonomiya ng pandemya. Nagtanim din sila ng gulay sa kanilang

likuran bilang mapagkukunan ng pagkain at gumawa rin sila ng basahan mula sa mga lumang

damit upang dagdag kita ngunit walang kasiguruhan na makakahanap sila ng mga mamimili. Ilan

lamang ito sa kanilang mga naiisip na paraan upang mapanatili ang kanilang kita.

13
Dayuhang Pag-aaral

Ayon sa ILO, tinantya na noong Abril 2020, ang pandemyang COVID-19 ay nakaapekto

sa 1.6 bilyong impormal ang mga manggagawa sa buong mundo, na nagdudulot ng 60 porsyento

na paglubog sa mga kita.

( Laura Alfers,  Director, Social Protection Programme, WIEGO, Rachel Moussié, Deputy

Director, Social Protection Programme, WIEGO and Jenna Harvey, Global Focal Cities

Coordinator, WIEGO, 2020)

14
Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga pagbabawal sa pagtatrabaho sa pampublikong

espasyo, pagbaba ng bilang ng mga mamimili, at pagkasira o pagkabulok ng mga paninda ay

nakilala bilang pangunahing mga landas na kung saan ang kita ay apektado. Gayunman, ang mga

manifest at epekto ay naiiba sa iba't ibang mga pangkat sa loob ng impormal na ekonomiya, ayon

sa hanay ng mga relasyon sa ekonomiya kung saan sila kasama, kung saan nagaganap ang

kanilang trabaho, at kanilang kasarian. Ang mga impormal na manggagawa sa mga

pampublikong puwang ng lunsod, tulad ng mga street vendor, ay nahaharap sa mga partikular na

paghihigpit sa kanilang kakayahang ibenta ang kanilang mga produkto at / o serbisyo habang

ipinatutupad ang mga hakbang sa lockdown. Ang ilang mga pangkat ng mga impormal na

manggagawa - partikular ang mga nagtitinda ng pagkain - ay inuri bilang mahahalagang serbisyo

sa maraming mga bansa. Gayunpamam, malaki ang nagging epekto ng pandemya sa kanilang

kita. Ang ilan naman ay nagsasabi na hindi masyadong naapektuhan ang kanilang kita sapagkat

may mga mamimili parin ang bumibili o tumatangkalik sa kanilang paninda.

(Avi Singh Majithia, July 2020)

Ayon sa kanyang pag-aaral, ang ilang mga street vendor ay nagsimulang magtinda

makalipas ang ilang araw nang walang malinaw na pahintulot, at kaagad na hinarap ang mga

pagsasaway ng pulisya. Matapos ang ilang linggo, binawasan ng gobyerno ang mga paghihigpit

at pinahihintulutan ang mga mahahalagang vendor na magbenta. Gayunpaman, ang gastos sa

pagnenegosyo, pati na rin ang peligro, ay tumaas nang malaki, ang mga vendor ay walang access

sa pakyawang merkado at mga supplier at kinakailangang gumastos ng higit sa mga gastos sa

paglalakbay dahil sa mga paghihigpit sa paglalakbay sa lugar sa lungsod. Gayundin, sa lockdown

na bahagyang nasa lugar pa rin, ang bilang ng mga mamimili ay bumaba at pati ang mga kita.

Dulot ng lockdown at dahil na rin sa matinding init ng tag-init, ang mga nabubulok na prutas at

gulay ay mayroon ding nabawasang buhay sa istante kung kaya't malaki ang naging epekto nito

sa kanilang pinagkakakitaan.

15
(Alexander W. Bartik, Marianne Bertrand, Zoe Cullen, Edward L. Glaeser,  Michael Luca, and

Christopher Stanton, 2020)

Ayon sa kanilang pag-aaral, binibigyang diin ng kanilang mga resulta ang kahinaan ng

pananalapi ng maraming maliliit na negosyo, at kung gaano kalubha ang epekto sa kanila ng

kasalukuyang krisis. Sa kanilang sample, nalaman namin na 43% ng mga negosyo ay

pansamantalang sarado at ang trabaho ay bumagsak ng 40%. Iminumungkahi ng kanilang mga

resulta na mayroong kaunting pera sa pagsisimula ng pandemya, na nangangahulugang kailangan

nilang i-cut nang sobra ang gastos at magdeklara ng pagkalugi.

SINTESIS

Lokal na Pag-aaral

(Aika Rey, May 2020)

Sinabi ng DOLE na may mahigit 5 milyong Pilipino ang mawawalang ng trabaho dahil sa

pandemyang covid-19 at maari pa itong tumaas depende kung gaano kalakas ang epekto ng

pandemyanng ito sa ating bansa. Ayon sa kanilang ginawang survey, may mga vendor na

nagsara o huminto sa pagtitinda sapagkat mababa ang kanilang kinikita at sila’y nalulugi na.

(L.A. Aquino, 2020)

16
Noong Agosto 24, halos 2 milyong mga manggagawa sa higit na 83,200 na

establisimiyento sa Pilipinas ang naiulat na naapektuhan ng pagsasara ng negosyo, kabilang na

rito ang mga vendor. Ang ilan naman ay lubusang naapektuhan ang kinikita sa araw-araw dahil

sa pagkabawas ng mga mamimili.

(Charmagne Rimando, 2020)

Noong Mayo 13, 2020 inulat ng pamahalaang lungsod ng Baguio City na ang mga

vendor ay hindi maaaring magtinda sa ECQ at GCQ bilang hakbang sa kaligtasan. Ayon sa

kanilang ginawang pag-aaral ay malaki ang naging epekto nito sa kanilang kita at maraming

nawalan ng pagkukunan pangkabuhayan mula nang ipataw ang lockdown. Ang ilan sa mga

vendor ay nagtanim na lamang sa kanilang bakuran upang dagdag sa pagkukuhanan nila ng

pagkain at pagkakakitaan at ang iba naman ay gumagawa ng basahan upang dagdag sa kanilang

pagkakakitaan. Ilan lamang ito sa kanilang mga naisip na paraan upang mapanatili ang kanilang

kita.

Dayuhang Pag-aaral

(Laura Alfers, Rachel Moussié, at Jenna Harvey, 2020)

Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga pagbabawal sa pagtatrabaho sa pampublikong

espasyo, pagbaba ng bilang ng mga mamimili, at pagkasira o pagkabulok ng mga paninda ay

nakilala bilang pangunahing mga landas na kung saan ang kita ay apektado. Ang mga impormal

na manggagawa sa mga pampublikong puwang ng lungsod, tulad ng mga street vendor, ay

nahaharap sa mga partikular na paghihigpit sa kanilang kakayahang ibenta ang kanilang mga

produkto at / o serbisyo habang ipinatutupad ang mga hakbang sa lockdown. Dahil dito malaki

ang naging epekto ng nito sa kanilang kita sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ilan naman

17
ay nagsasabi na hindi masyadong naapektuhan ang kanilang kita sapagkat may mga mamimili

parin ang bumibili o tumatangkalik sa kanilang paninda.

(Avi Singh Majithia, July 2020)

Ayon sa kanyang pag-aaral, ang ilang street vendor ay nagsimula ng magtinda kahit na

wala pang pahintulot ang gobyerno at hinarap nila ang mga pagsasaway ng mga pulisya.

Makalipas ang ilang lingo, binawasan ang paghihigpit at pinahintulutan na ang mga vendor na

magbenta. Gayunpaman, tumaas ang gastos sa pagnenegosyo at peligro para sa mga vendor.

Dulot ng lockdown at dahil na rin sa init ng panahon ang ilan sa mga paninda nila tulad ng prutas

at gulay ay nabulok na kaya’t malaki ang naging epekto nito sa kanilang pinagkakakitaan.

(Alexander W. Bartik, Marianne Bertrand, Zoe Cullen, Edward L. Glaeser,  Michael Luca,

and Christopher Stanton, 2020)

Ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral, binigyang diin nito ang kahinaan ng pananalapi sa

maraming maliliit na negosyo, at kung gaano kalubha ang epekto ng pandemya sa kanila.

Nalaman nila sa kanilang sampol na 43% ang mga negosyong pansamantalang nagsara at ang

trabaho ay bumagsak ng 40%. Ayon sa kanilang mga resulta, may kaunting pera o kita sa

pagsisimula ng pandemyang ito, kaya’t nangangahuligan ito na kailangan nilang bawasan nang

sobra ang gastos at magdeklara ng pagkalugi.

KABANATA III:
18
METODOLOHIYA

NG

PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ang deskriptibong

pamamaraan ay kung saan nailalarawan o naipapaliwanag ng maayos ang mga nangyayari at

penomeno sa kapaligiran. Ito ay ginamit ng mga mananaliksik sapagkat ito ang kanilang nakita

na mabisang gamitin sa paglakap ng mga impormasyong kanilang magagamit sa kanilang pag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa pananaw ng mga sidewalk vendor hinggil sa epekto

ng pandemya sa kanilang kita. Ang pag-aaral ding ito ay gumamit ng close-ended questions

upang makalap ang mga datos mula sa mga respondante.

PARAAN NG PAGKUHA NG RESPONDANTE

19
Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga sreet o sidewalk vendor ng

Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose Del Monte,

Bulacan. Ang mga mananaliksik ay ay gumamit din ng quota sampling na pamamaraan upang

magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos. Humanap at pumili ang mga

mananaliksik ng apatnapung (40) mga sidewalk vendor sa higit na walongpu’t tatlong (83) mga

sidewalk vendor sa palengke.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga talatanungan

o pagsusurbey upang makalap ng madali at maayos ang mga datos sa mga respondante.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impromasyon upang masigurado o

matiyak ang kalidad ng mga ipipresentang datos. Ginamit ng mga mananaliksik ang talatanungan

sa pagkolekta ng mga datos upang mapadali sa kanila at maging sa mga respondante.

TRITMENT NG DATOS

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga sidewalk vendor na

sumagot sa talatanungan ay ipinagsama-sama upang makuha ang tama at eksaktong bilang ng

mga respondante ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan

sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay inilista at ikinumpara

20
ayon sa pagkakaiba ng mga tumugon. Gumamit ang mga mananaliksik ng pie chart upang upang

makuha ng may kaayusan ang tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at medaling

pag-unawa sa mga makakabasa ng nasabing pag-aaral. Ang mga pormulang ginamit sa pagkuha

ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Bahagdan (%) = F/N x 100

Kung saan: F = Bilang ng mga sumagot

N = Kabuuang bilang ng mga kalahok

KABANATA IV:
21
PAGLALAHAD,
PAGSUSURI, AT
INTERPRETASYON
NG MGA DATOS

KABANATA IV

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagkakahulugan ng mga datos na

nakalap ng mga mananaliksik sa mga sidewalk vendor. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay

ibinatay sa pagkakaayos ng mga tanong sa Paglalahad ng Suliranin sa unang kabanata. Ang mga

mananaliksik ay naglalayong ipakita ang interpretasyon at pagtatasa ng mga datos kanilang

nakalap.

GRAP 1

22
DISTRIBUSYON NG RESPONDANTE AYON SA KASARIAN

Lalake 35%
Babae 65% Sa

unang

grap,

lumalabas ng mas maraming respondanteng babae ang sumagot sa aming ginawang

talatanungan. Ang mga kababaihan ay may bilang na 26 na respondante o katumabas ng 65%.

Ang mga kalalakihan naman ay may bilang na 14 na respondante o katumabas ng 35%.

GRAP 2

1. Bilang isang ‘vendor’, naapektuhan ba ang iyong mga paninda sa panahon ng pandemyang

covid-19?

A 32.5%
B 27.5%
C 22.5%
D 17.5%

Sa ikalawang grap, lumalabas na maraming respondante ang sumagot ng letrang A na

may bilang na 13 respondante o katumbas ng 32.5%, sumunod ang letrang B namay 11 na

respondante o katumbas ng 27.5%, sumunod ang letrang C na may 9 na respondante o

katumabas ng 22.5%, at ang huli ay ang letrang D na may 7 na respondante o katumbas ng

17.5%.

GRAP 3

2. Bilang isang ‘vendor’, ano ang naging epekto sa iyong kita mula nang magsimula ang

pandemyang covid-19?

23
A 12.5%
B 65%
C 17.5%
D 5%

Sa ikatlong grap, lumalabas na maramin respondanteng sumagot sa letrang B na may

bilang na 26 o katumabas ng 65%, sumunod ang letrang C na may 7 respondante o katumbas ng

17.5%, sumunod ang letrang A na may 5 respondante o katumabas ng 12.5%, at ang huli ay ang

letrang D na may 2 respondante o katumabas ng 5%.

GRAP 4

3. Ano-anong mga paraan ang iyong naisip at ginawa upang mapanatili ang iyong kinikita sa

panahon ng pandemyang ito?

A 52.5%
B 35%
C 7.5%
D 5%

Sa ikaapat na grap, lumalabas na maraming respondante ang sumagot sa letrang A na

may bilang na 21 o katumbas ng 52.5%, sumunod ang letrang B na may 14 na respondante o

katumabas ng 35%, sumunod ang letrang C na may 3 respondante o katumabas ng 7.5%, at ang

huli ay letrang D na may 2 respondante o katumabas ng 5%.

24
KABANATA V:

MGA

NATUKLASAN,
25
KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

NATUKLASAN

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral sa kung ano ba ang epekto ng Covid-19

na pandemya sa kita ng mga sidewalk vendor sa Palengke, Sapang Palay, Area H Phase I,

Barangay San Rafael III, City of San Jose Del Monte, Bulacan. Ang layunin ng pag-aaral na ito

ay malaman ang epekto ng pandemya sa kita ng mga vendor. Ang mga respondante ng pag-aaral

na ito ay ang mga vendor sa nasabing lugar. Mayroong tatlong (3) katanungan na ginawa ang

mga mananaliksik na ginamitan ng quota sampling na kung saan may target na bilang lamang

ang mga respondanteng sasagot sa suliraning ito. Ginamit ng mga mananaliksik ang quota

sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos. Ang naisagawang

pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ito ang nakita ng mga mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananaliksik.

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa loob ng tatlong buwan at

isinagawa ang pagkalap ng datos o sarbey sa oras na 3:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Palengke,

Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose Del Monte, Bulacan

noong Abril 8, 2021. Gumamit ang mga mananaliksik ng “Survey Questionnaire” o

26
talatanungan, dahil ito ang makakatulong sa mga mananaliksik upang makuha ang impormasyon

ukol sa epekto ng pandemya sa kita ng mga vendor sa nasabing lugar.

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondante ay negatibo,

kung saan hindi maganda ang naging epekto ng pandemya sa kita ng mga vendor sa Palengke,

Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Base sa “questionnaire checklist”, karamihan sa mga respondante ay sinasabi na hindi maganda

ang naging epekto ng pandemya sa kanilang kitadahil ang kanilang kita ay bumaba mula sa nung

magsimula ang pandemyang ito at ang kanilang mga paninda ay naapektuhan din dahil sa mga

lockdown.

KONKLUSYON

Batay sa mga nailahad ng mga datos, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga konklusyon.

1. Ayon sa datos na lumabas sa unang katanungan, maraming mga vendor ang nagsabi na

naapektuhan ang kanilang mga paninda dahil ang ilan sa mga ito ay nasira o nabulok na dulot ng

mga lockdown at dahil na rin sa kaunting mga mamimili. Kaunti naman ang nagsasabing hindi

naapektuhan ang kanilang paninda sapagkat ito ay naibebenta pa rin nila at normal parin ang

bilang ng mga mamimili nila.

2. Ayon sa datos na lumabas sa ikalawang katanungan, maraming mga vendor ang nagsasabing

naapektuhan ang kita nila mula nang magsimula ang pandemyang covid-19 dahil ang kanilang

kita ay bumaba dahil ang kanilang mga mamimili ay nabawasan na rin. Kaunti naman ang

nagsasabi na hindi naapektuhan ang kanilang kita sapagkat normal pa rin ang kanilang kita at

may mga mamimili pa rin na tumatangkilik at bumibili sa kanilang paninda.

27
3. Ayon sa datos na lumabas sa ikatlong katanungan, maraming mga vendor ang nagsasabi na

may naisip silang paraan upang mapanatili ang kanilang kita sa panahon ng pandemya tulad ng

pagdadagdag ng paninda na mabenta ngayon tulad ng facemask at face shield. Pinapanatili rin

nila ang kalinisan ng kanilang paligid at ng kanilang mga sarili at sumusunod din sila sa health

protocols na ibinigay ng DOH upang makuha ang pansin ng mga mamimili. Kaunti naman ang

nagsabi na hindi na sila nag-isip ng mga paraan sapagkat ang kanilang kita at marami parin ang

kanilang mamimili.

REKOMENDASYON

Base sa mga nakalap na mga impormasyon ukol sa epekto ng pandemya sa kita ng mga

vendor, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga maaring rekomendasyon upang makatulong

sa mga vendor.

1. Maraming mga vendor ang nagsabi na ang kanilang mga paninda ay nasira na dahil sa

lockdown at dahil na rin sa kaunting mga mamimili. May mga paraan na maaring makatulong

upang maibsan ito tulad ng pagtitinda sa tapat ng kanilang bahay upang medyo mabawasan ang

kanilang mga paninda at pwede rin gamitin ang mga social media upang maibenta ito.

2. Maraming mga vendor ang nagsasabing bumaba ang kanilang kita dahil sa pandemyang ito.

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga maaaring paraan upang maibsan ang suliraning ito

tulad ng pagdadagdag ng mga panindang mabenta ngayon panahon tulad ng facemask, face

shield, gloves o proteksyon sa kamay, at alcohol. Iminumungkahi rin na panatilihin ang kalinisan

28
ng lugar na pinagtitindahan at sumunod sa health protocols na ibinigay ng DOH upang makuha

ang pansin ng mga mamimili.

3. Maraming mga vendor ang nagsasabing nagdagdag sila ng mga paninda tulad ng mga

facemask at face shield dahil mabenta ito ngayong pandemya. Iminumungkahi ng na maaari ring

idagdag ang basahan, payong at mga eco bags. Basahan sapagkat maraming mga tao ngayon ang

gumagamit ng basahan sa tapat ng mga pinto at ito ay nilalagyan nila ng mga pang alis ng

baktirya. Payong sapagkat ang panahon ngayon ay madalas mainit o maaraw lalo na sa tanghali

at ang huli ay eco bag sapagkat ito may madalas na ginagamit ngayon ng mga mamimili pag sila

ay pumupunta ng mga palengke.

BIBLOGRAPIYA

https://www.consumerfinance.gov/about-us/blog/protect-yourself-financially-coronavirus-tl/

https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-labor-jobs-losses-

coronavirus-pandemic-philippines

https://www.statista.com/statistics/1106978/philippines-employment-impact-novel-coronavirus-

covid19/

https://www.wiego.org/street-vendors-essential-goods-and-urgent-needs

https://www.worldbank.org/en/news/press-release/2020/09/29/assistance-to-vulnerable-

households-small-businesses-key-to-mitigating-pandemic-s-impact-and-hastening-recovery-in-

the-philippines

https://www.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---asia/---ro-bangkok/---ilo-

manila/documents/publication/wcms_762209.pdf

29
https://www.pnas.org/content/117/30/17656#abstract-2

https://www.wiego.org/impact-covid-19-street-vendors-india-status-and-steps-advocacy

https://oecd-development-matters.org/2020/04/22/the-covid-19-crisis-income-support-to-

informal-workers-is-necessary-and-possible/

http://www.fao.org/policy-support/tools-and-publications/resources-details/en/c/1270457/

https://www.wiego.org/blog/worlds-street-vendors-life-may-never-be-same-after-covid-19

https://cdpckordilyera.org/wp-content/uploads/2017/07/Binnadang-v5i1-for-CDPC-web.pdf

Sample Survey Questionnaire

“Pag-aaral sa Epekto ng Pandemya sa Kita ng mga Sidewalk Vendor sa Paligid ng Palengke,

Sapang Palay, Area H Phase I, Barangay San Rafael III,City of San Jose Del Monte, Bulacan”.

Name: Edad:

Kasarian:

1) Bilang isang ‘vendor’, naapektuhan ba ang iyong mga paninda sa panahon ng pandemyang

covid-19?

a) Oo, sapagkat ilan sa aking mga paninda ay nabulok dulot ng lockdown.

b) Oo, sapagkat ilan sa mga paninda ko ay nasira na dahil kaunti lang ang bumibili.

c) Hindi, sapagkat may mga mamimili parin na bumibili sa akin.

d) Hindi, sapagkat maayos ko parin itong naiitinda sa mga mamimili.

2) Bilang isang ‘vendor’, ano ang naging epekto sa iyong kita mula nang magsimula ang

pandemyang covid-19?

30
a) Tumaas ng bahagya ang aking kinikita sa panahon ng pandemya dahil nagdagdag ako ng

paninda.

b) Bumaba ang aking kita sapagkat bumaba rin ang bilang ng mga mamimli.

c) Wala itong naging epekto, sapagkat ang aking kinikita sa pagtitinda ay normal parin.

d) Wala itong naging epekto, sapagkat may mga mamimili parin ang tumatangkilik o

bumibili sa aking paninda.

3) Ano-anong mga paraan ang iyong naisip at ginawa upang mapanatili ang iyong kinikita sa

panahon ng pandemyang ito?

a) Nagdagdag ako ng mga produkto sa aking mga paninda tulad ng facemask, face shield at

iba pa at sumunod din ako sa health protocols na ibinigay ng DOH upang makuha ang

pansin ng mga mamimili.

b) Pinapanatili ko ang kalinisan ng paligid ko at aking sarili at sumunod din ako sa health

protocols na ibinigay ng DOH upang makuha ang pansin ng mga mamimili.

c) Hindi na ako nag-isip ng mga paraan sapagkat normal parin ang aking kita.

d) Hindi na ako nag-isip ng mga paraan sapagkat marami paring ang aking mamimili.

31

You might also like