Filipino-Grade 11

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Name: Princess Kyle G.

Carpentero Grade 11 – Saint Andrew

Iba’t - ibang kultura at lingguwahe ay mga tao sa iba’t- ibang tao sa komunidad

Ang wika ay isang instrumento na nakakapagbuklod nga mga tao sa isa’t isa At ito
rin ang dahilan kung Bakit tayo ay nagkaintindihan At nagkakaroon ng maturing
ugnayan sa bawat isa. Bakit iba’t-Iba ang wika At kultura sa bawat tribo dito sa
Pilipinas? Ang kultura ay ang mga paniniwala, tradisyon, nakagawian, pamumuhay
ng mga tao sa isang lipunan o tribo. Ang Pilipinas ay isang malaking bansa na
nahahati sa ibat Ibang lugar na May probinsya At syudad. Sa bawat lugar ay may
ibat ibang nakagawian na wika At kultura. Bakit magkaiba-iba ang wika at kultura
kung pareho naman tayong nakatira sa iisang bansa at ito ay pilipinas?
Bakit nga ba iba’t-iba ang wika at kultura sa isang komunidad? Magkaiba ang bawat
tribo ay may iba’t - ibang kultura at wika upang sila ay magkaintindihan sa bawat isa.
Ang bawat tribo dito sa pilipinas ay naimpluwensiyahan ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga sinaunang mangangalakal at mananakop dito sa pilipinas
noon.
Karamihan sa mga pinagdidiriwang na mga tradisyon ay magkahalong kristyanismo,
pagano at iba pa. At isa na sa mga kultura ng Pilipinas ay pagkakaroon ng pista.
Ang mga pista ay selebrasyon sa mga paniniwala ng mga tao sa naturang lugar,
katulad ng kultura natin dito tayo ay nagkakaroon ng pista sa pagsapit ng
dalawampu’t siyam ng setyembre, pista ng Santo na si Senyor San Miguel, tayo ay
naniniwala sa kanya, tayo ay nagbabahagi ng sayaw bilang panggalang at bilang
regalo sa naturang selebrasyon sa lugar na iyon.
Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa pilipinas ay maraming hiniram sa wikang
sanskrito Ayon sa aking nabasa sa internet sapagkat ang ating bansa ay nasakop
noon kaya nagkakaroon ng iba’t- ibang wika at kultura ang bawat lugar ng pilipinas
dahil naimpluwensiyahan ng mga ibat ibang kultura galing sa mga nanakop noon.
Ang pagmamano ay isang kultura ng pilipinas na ng galing saating mga ninuno. Ang
tradisyong ito ay isang paraan ng paggalang sa mga nakakatanda.
Ang katutubo naninirahan sa mga Dinapigue, Isabella ay mga Agta o mas kilala
bilang mga Dumagat. Ang mga katutubong ito ay naglakad lamang patungo sa
Luzon. Ang tawag ng kanilang wikang ginamit ay sorot ni dumaghet. May tatlong
anyong pag-uusap at ito ay ang mangnih, baybay, at aya. Ang kanilang kabuhayan
ay nakadepende sa kanilang kalikasan sapagkat sagana at mayaman ito. Ang
kanilang pamumuhay ay simple lamang.
Sa madaling salita ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay may iba’t- ibang wika
nakadepende sa kanilang kultura. Marami man tayong pagkakaiba - iba , may wika
paring nagbubuklod sa bawat isa. Ating palawakin at paunlarin ang wika na
nagpapakaisa sa ating lahat.
Name: Princess Kyle G. Carpentero Grade 11 – Saint Andrew

Masasabing isa sa mga nakapagpapanatili sa isang wika upang maging buhay ay


ang pagiging mabisa nito. Kung hindi mabisa ang wikang ginagamit at nagkakaroon
ng di pagkakaunawaan, namamatay ang wikang ito.
Karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga lang ng di maayos na
paggamit ng gamit ng wika. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit e
pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang mga tao para
maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil diyan, mapagtatanto talaga kung gaano
kahalaga ang tamang paggamit ng gamit ng wika.
Ang mga halimbawa:
Regulatoryo, ito ay kumokontrol sa kilos at asal ng iba. Halimbawa nito ay mga
panuto sa pagsusulit ,mga nakapaskil na do's and dont's , pagbibigay ng direksyon,
pagbibigay ng babala . Ang mga halimbawang nabanggit ay nagsasaad ng gamit ng
wika sa paggabay ng mga mamayan sa lipunan.
Impormatibo, ito ay nagbibigay ng impormasyon o datos. Halimbawa nito ay
pagtuturo ,pag-uulat , at pagpasa ng pamanahong-papel.
Pang-imahinasyon, ito ay nakakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa
malikhaing paraan. Halimbawa nito ay paggamit ng mga idyoma , paggamit ng mga
tayutay, paggamit ng mga sagisag, paggamit ng mga simbolismo.
Makikita ang mga ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula,nobela at
maikling katha.

You might also like