Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 99

ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO

SA VISAYAS

Isang kahingian sa Asignaturang Filipino 101


(Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro


Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao
Lungsod ng Zamboanga

Nina:
Dumam-ag, James Emerson T.
Ebias, Chesa Marie B.
Elumir, Krishia Joy H.
Escorial, Mona P.
Fernandez, Manilyn A.
Fuerzas, Jenecel Grace F.
Garcia, Jovelyn N.
Gonzales, Fatima
Gonzales, Loise Izza F.
Hasan, Banni Gin C.
Loro, Phoebe L.
Lozada, Poulyn B.

BSED – 1B
TALAAN NG NILALAMAN
I. PANIMULA 1
II. NILALAMAN
1. Ang Isla ng Siquijor at ang mga Siquijodnon 2
1.1 Kasaysayan 2
1.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 3
A.) Pagkakasal at Pag-aasawa 3
B.) Pagbubuntis at Panganganak 4
C.) Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak 4
D.) Kamatayan at Paglilibing 5
E.) Paniniawala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay 6
1.3 Wika at iba pang Kultura 7
A.) Wika 7
B.) Relihiyon 7
C.) Ugali 7
D.) Mga Kapistahan 7
E.) Mga Batas at Tradisyon sa Panggagamot 9
F.) Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit 10
G.) Pamahiin 10
H.) Paniniwala sa Mahika, Aswang, at Espirito at Anito 11
I.) Lumay o Gayuma 12
J.) Negosyo at Lumay 13
K.) Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay 13
L.) Kapangyarihan (Gahum) at Anting-anting 13
M.) Mga Pagkain 14
2. Ang Cebu at ang mga Cebuano
2.1 Kasaysayan 16
A.) Cebu 16
B.) Kasaysayan ng Pangkat Etniko 16
2.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 17
A.) Pagpapakasal at Pag-aasawa 17
B.) Pagbubuntis at Panganganak 19
C.) Kamatayan at Paglilibing 19
D.) Paghahanapbuhay 19
2.3 Wika at iba pang Kultura 20
A.) Wika 20
B.) Relihiyon 20
C.) Mga Pagdiriwang 21

ii | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
D.) Mga Pagkain 23
3. Ang Barotac Nuevo, Iloilo, at ang mga Ilonggo
3.1 Kasayasayan 24
A.) Ang Barotac Nuevo 24
B.) Heograpiya 24
3.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 24
A.) Mga Paniniawala tungkol sa Pagdadalawang Tao 25
B.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagsilang ng Sanggol 25
C.) Mga Paniniwala tungkol sa Binyag ng Sanggol 25
D.) Mga Paniniwala tungkol sa Pag-aalaga ng Bata 26
E.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagliligawan, Pagnonobyo, at Pag-aasawa 26
F.) Mga Paniniwala tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, at
26
Pagdarasal
3.3 Wika at iba pang Kultura 27
A.) Wika 27
B.) Relihiyon 27
C.) Mga Paniniwala tungkol sa Hayop at Insekto 27
D.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagkain 27
E.) Mga Paniniwala tungkol sa Aswang at iba pang mga Kakatwang
27
Nilalang
F.) Mga Paniniwala tungkol sa Halaman, Pagsasaka, at Pangingisda 27
G.) Paniniwala tungkol sa Anting-anting at mga Di-pangkaraniwang
28
Kapangyarihan
H.) Mga Paniniwala tingkol sa Sugal at Sabong 28
I.) Mga Paniniwala tungkol sa Bagong Taon 28
J.) Mga Paniniwala tingkol sa Araw ng mga Patay 28
K.) Mga samut-saring Paniniwala 28
L.) Kapistahan at Kasiyahan 29
4. Ang Aklan at ang mga Aklanon
4.1 Kasaysayan 31
4.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 32
A.) Pag-aasawa at Kasal 32
B.) Pagbubuntis 33
C.) Kamatayan at Paglilibing 33
D.) Paghahanapbuhay 35
4.3 Wika at iba pang Kultura 37
A.) Wika 37
B.) Relihiyon 37

iii | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
C.) Paniniwala sa Aswang, Babaylan, at Mananambal 37
D.) Pagdiriwang 39
E.) Turismo 40
F.) Kasuotan 40
G.) Mga Pagkain 41
5. Ang mga Waray at ang Pista ng Pintados
5.1 Kasaysayan 42
5.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 43
A.) Panliligaw at Pag-aasawa 43
B.) Pagbubuntis at Panganganak 44
C.) Kamatayan at Paglilibing 44
D.) Paghahanapbuhay 45
E.) Katawagang Pang-angkan 47
5.3 Wika at iba pang Kultura 47
A.) Wika 47
B.) Relihiyon 48
C.) Paniniwala sa mga Aswang at Mahika 49
D.) Paniniwala sa mga Kalag, Alagad, o Multo 49
E.) Mga Taboo o Bawal 50
F.) Mga Sayaw 50
G.) Musika 50
H.) Mga Pagkain 51
I.) Kasuotan 52
J.) Mga Tanawin 53
K.) Mga Pagdiriwang 53
6. Ilang Tribu sa Visayas: Tribung Sulod
6.1 Kasaysayan 57
6.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 58
A.) Pamayanan at Pabahay 58
B.) Paghahanapbuhay 58
C.) Kamatayan at Paglilibing 59
6.3 Wika at iba pang Kultura 64
A.) Wika 64
B.) Relihiyon 64
C.) Organisasyong Sosyopolitikal 65
D.) Binukot 65
E.) Kasuotan, Kagamitan, at Pagtatattoo 66
Ang Tribung Sulod 67

iv | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
7. Ilang Tribu sa Visayas: Tribung Tagbanua
7.1 Kasaysayan 68
A.) Dalawang Grupo ng Tagbanua 69
B.) Kaligirang Kasaysayan 69
7.2 Pamumuhay: Siklo ng Buhay 71
A.) Ekonomiya 71
B.) Kalagayang Sosyal 73
C.) Tradisyon at Kaugalian sa Kasal at Pag-aasawa 74
7.3 Wika at iba pang Kultura 76
A.) Wika 76
B.) Relihiyon 76
C.) Ang mga Paniniwala sa mga Diyos at Diyosa 79
D.) Pananamit 80
E.) Mga iba’t ibang Tradisyon 80
F.) Mga Panitikan 82
G.) Musika 84
H.) Mga Sayaw 85
I.) Dula 86
J.) Ritwal 86
III. KONGKLUSYON 89
IV. MGA SANGGUNIAN 91

v|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
PANIMULA

Ang Visayas ay isa sa mga tatlong pangunahing pangkat


ng mga pulo sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng
bansa, na siya ring bumubuo ng iba’t ibang kapuluan. Ang mga
pangunahing pulo nito ay ang Bohol, Cebu, Leyte, Negros, Panay,
at Samar. Ang Visayas ay may kabuuang lawak na 71, 503 km² o
27, 607 mi². Ito rin ay ang tahanan ng Rehiyon VI (Kanlurang
Visayas), Rehiyon VII (Gitnang Visayas), at Rehiyon VIII
(Silangang Visayas). Tinatayang may humigit-kumulang na 20
milyon ang kabuuang populasyon ng mga rehiyong ito. Ilan sa
“Lokasyon ng Visayas”
mga pangkat-etniko na nakatira rito ay ang Aklanon, Boholano, Larawang kuha mula sa
en.wikipedia.org
Capiznon, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at marami pang iba.

Ang mga Bisaya ay isa sa mga etnolingguwistikong pangkat ng Pilipinas na tumutukoy sa


mga taong naninirahan sa Kabisayaan. Sila ang tinaguriang pinakamalaking pangkat-etniko sa
dibisyon ng heograpiya ng bansa, kung sila ay pag-iisahin bilang isang pangkat na mayroong
humigit kumulang 33.5 milyong katao. Ang Visayas ay mayroong malawakang pag-iiral ng mga
kulturang naiimpluwensiyahan ng pinagsamang tradisyong Romano Katoliko at iba pang
elementong kultural na umiiral, daang siglo na ang nakararaan bago pa mang dumating ang mga
Kastila na mayroong sinaunang impluwensiyang animistikong politismo.

Dahil sumasaklaw ang Visayas sa mga magkakahiwalay na mga isla, hindi mapagkakaila
na ito ay hitik na hitik sa iba’t ibang kultura. Sa araling ito, mabusising tatalakayin ang iba’t ibang
kultura na matatagpuan sa Visayas. Pag-uusapan natin ang mga paniniwala, pamumuhay,
kaugalian, pamahiin, kasaysayan, at kultura ng iba’t ibang pangkat na matatagpuan dito.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mambabasa ay:

1. Maunawaan nang maigi ang iba’t ibang kulturang mayroon ang Visayas;
2. Magkakaroon ng kaalaman patungkol sa paniniwala, kaugalian, at mga kagawian ng mga
taong naninirahan sa Visayas;
3. Mabigyan nang malalim na pag-unawa tungkol sa kasaysayan ng lugar;
4. Mapahalagahan ang kulturang mayroon ang Visayas kahit hindi pa nating kinauukulan ang
mga kulturang ito; at
5. Makapag-isip ng paraan kung paano makibahagi sa paglinangin ng mga ito.

Halina’t tuklasin ang mayayamang kulturang matatagpuan sa Visayas.

1|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
1. ANG ISLA NG SIQUIJOR AT ANG MGA SIQUIJODNON

“Ang Mapa ng Siquijor” “Welcome to Siquijor”


Larawang kuha mula sa dumaguete.com Larawang kuha mula sa Nocturnal Saint

1.1 KASAYSAYAN

Ayon sa Dumaguete Info (n.d.), mayroong alamat na ang isla ng Siquijor ay galing sa
ilalim ng dagat at dahil sa pagkaroon ng lindol, lumutang o lumitaw ito sa ibabaw ng karagatan.
May mga natagpuang malalaking kabibe ang mga ilang maagsasaka rito mula sa lupang kanilang
sinasaka na siyang nagsisilbing patunay na ang islang ito ay nagmula sa ilalim ng dagat. Ang islang
ito ay natuklasan ni Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1565. Sila ay ang mga
Espanyol na nabighani sa misteryoso o kakaibang ilaw na makikita sa isla tuwing gabi. Kaya
tinawag ng mga malalakbay o misyonaryong Kastila ang islang ito bilang Isla del Fuego (Island
of Fire). Ang kakaibang ilaw na ito ay nagmula sa mga alitaptap na humahanap ng silong sa mga
punong Molave na siyang sagana o makikita sa buong isla ng Siquijor. Kaya, nagmistulang
nasusunog ang kagubatan ng isla. Ang mga Espanyol ay nakilala ang pinuno ng isla na si Sultan
Kihod noong dumaong ang kanilang barko. Tinanong ng mga Espanyol ang pangalan ng pinuno
at ang naging sagot nito ay “Si Kihod”. Ang mga Espanyol ay naisipang pangalan ito ng lugar
kaya tinawag na rin nila itong Sikihod. Dulot ng kahirapan sa pagbigkas, pinalitan ang naunang
tawag sa isla bilang Siquijor.

“Mga Alitaptap sa Gabi”


Larawang kuha mula sa Funk Trunk

Isinaad ni Tikos na noong 1854 hanggang 1892, ito’y nasa ilalim ng pamamahala ng Bohol.
Naging bahagi ito ng Negros Oriental noong 1892. Sa pamamagitan ng Republic Act No. 6398,
naging ganap na probinsya ang Siquijor noong Setyembre 17, 1971. Sa ngayon, bahagi ito ng

2|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Rehiyon 7, kasama ng Dumaguete, Bohol. Negros Oriental, at Cebu. May anim na bayan ang
islang ito na nagngangalang Enrique Villanueva, Larena, Maria, Lazi, Siquijor, at San Juan. Sa
mga nabanggit, ang bayan ng Siquijor at ang kabisera ng isla (Asari et al., n.d., p. 107).

1.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

Siquijodnon ang tawag sa mga taong naninirahan sa isla ng Siquijor na siyang mayroon
ding mga natatanging katangian at kultura. Masasalamin ang mga ito sa uri ng pamumuhay at
paniniwalang kanilang sinusunod. Ang pagsangguni sa mga mananambal o albularyo ay
pangunahing nakaiimpluwensya sa pamumuhay ng mga Siquijodnon. Ilan na rito ay ang
panganganak, pag-iwas sa pagbubuntis, pag-aalaga at pagdidisiplina ng anak, pagkakasal,
kamatayan, at paglilibing.

“Ang isang Mananambal” “Ang mga Batang Siquijodnon”


Larawang Kuha mula sa dumaguete.com Larawang Kuha mula sa dumaguete.com

A.) Pagkakasal at Pag-aasawa

Ayon kay Candida Paculba ay mayroong ilang pamahiin na pinaniniwaalan ang mga
Siquijodnon tuwing may ikakasal. Isa na rito kapag hindi pa kasal ang mag-irog, hindi dapat na
pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil may
mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng
tatlong araw bago umalis. Pagkagaling sa simbahan,
patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng
bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti. Pagkatapos
ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang
bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag-
“Solili Binayle”
asawa (Asari et al., n.d., p. 111). Larawang kuha mula sa Travel to the Philippines

Mayroon ring tinatawag na Solili Binalaye o isang tradisyonal na ritwal pangkasal na


isinasagawa tuwing pista sa bawan ng Lazi, Siquijor (Primer, 2016).

3|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
B.) Pagbubuntis at Panganganak

Ang mga mananambal ay mayroong paniniwalang kinakailangang masunod upang hindi


mahirapan ang nanganganak at ang pinapanganak. Ayon kina Sopio Somalpong at Maximo Sulpo,
kapag malapit na ang oras ng panganganak, kinakailangang isinturon ang habak na galing sa kupo
o sa unggoy para lamang hindi mahirapan sa panganganak (Asari et al., n.d., p.109).

“Habak” “Habak”
Larawang kuha mula sa Filipino Traditional Blades Larawang kuha mula sa alamyimages.fr

Pag-iwas sa Pagbubuntis

Ayon din kay Sopio Somalpong, ang


pagbubuntis ay maaaring maiwasan sa pamamagitan
ng paggamit ng lumay o gayuma. Upang maisagawa
ito, kinakailangang isinturon ang buyo malapit sa
puson upang hindi mabuo ang bata. Ang buyo ay
tinatawag na ikmo sa Tagalog at betel leaf pepper
naman sa Ingles (Asari et al., n.d., p.110).
“Buyo”
Larawang kuha mula sa Balcony Garden Web

C.) Pag-aalaga at pagdididsiplina sa Anak

Ang mga Siquijodnon ay mayroong sinusunod na tradisyon o kultural na praktis upang


hubugin ang kanilang mga supling. Isa
na rito ay ang pangangailangang ilagay
sa pintuan pusod ng bata upang lumaki
ng hindi mahiyain. Ang hindi pagpiga
ng lampin sa unang laba upang hindi
raw lumaking malikot ang bata ay isa
ring paraang pinaniniwalaan at
sinusunod ng mga Siquijodnon (Asari
et al., n.d., p. 110).

“Pusod ng Bata”
Larawang kuha mula sa Ovial Health

4|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
D.) Kamatayan at Paglilibing

Ang mga mananambal ay may mga paniniwalang isinasagawa tuwing may mamamatay
sapagkat magpapakita ito ng paggalang sa mga taong sumakabilang buhay. Sina Sopio Somalpong,
Torso Sumundong, at Juan Ponce ay pawang mga mananambal na mayroong magkatulad na
pinaniniwalaang kaugalian hinggil sa kamatayan. Isa na rito ay pagdadasalan ang namatay sa loob
ng siyam na araw at apatnapung araw sa pamamagitan ng pagrorosaryo. Naniniwala rin sila na
bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol. Ipinagbabawal rin ang paliligo at paglalaba
sa loob ng bahay ng namatayan. Naniniwala rin sila na kinakailangan babasagan ng baso ang ilalim
ng ataul para wala nang susunod na mamamatay. Para rin sa kanila, hindi dapat tinutulugan ang
patay dahil hindi raw ito maganda sa pag-alala sa kanya. Ang pagkanta, panonood sa telebisyon
ay pinagbabawal din. Kapag may labi o patay sa bahay, pinagbabawal ang paglilinis sa bahay at
kinakailangang maghintay ng tatlong araw upang maisagawa ito (Asari et al., n.d., p.109).

“Lamay”
Larawang kuha mula sa Abante Tonite

Ang mga Siquijodnon ay may mga


kakaibang paniniwala rin ukol sa paglilibing.
Ayon kay Conchita Sayre, kinakailangang
dumaan sa ilalim ng ataul ang lahat ng
miyembro ng namatayan upang hindi sunod-
sunod ang mamamatay sa pamilya. Ang mga
natunaw na kandila sa simula ng lamay
hanggang sa katapusan ay kinakailangang
ipasok sa nitso upang malayo sa kamatayan
“Natutunaw na Kandila”
ang pamilya ng namatay. Pinaniniwaalan ding Larawang kuha mula sa Sulyap ng Nakaraan (blog)

kapag titirhan ang libingan nang walang pahintulot, magkakasakit ang titira (Asari et al., n.d.,
p.109-110).

5|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
E.) Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay

Ayon kay Generosa Balos, mayroon silang


mga paniniwala at seremonyang isinasagawa sa
pagtatanim at pag-aani. Ang pagsunod nila dito ay
nagbubunga ng masaganang saging, mais, at kamote.
Isa sa kanilang paniniwala na kung magtatanim ng
saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng
“Mais”
malaki, magpakabusog, kinakailangang marami ang Larawang kuha mula sa Inline Bayong
kakainin, at huwag tumingala upang magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito.
Naniniwala rin ang mga Siquijodnon na pagtatanim ng mais, kinakailangang kumuha ng tatlong
bunga mula sa punong mais. Kinakailangan ding manalangin upang maging matagumpay ang pag-
aani. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa
puso upang hindi magalit ang mga diwata at para
mabigyan ng masaganang ani. Kinakailangan din
sa pagtatanim ng mais, kapag magluluto ng mais
na nalalakipan ng tabako, tuba, at tubig dahil may
pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para
gawing pintos. Kinakailangan daw na magpintos
ka ng dalawa at manalangin. Pagkatapos nito ay
“Saging”
Larawang kuha mula sa onlinepalengke.com ilagay sa baul ang mga pintos. Sa pagtatanim
naman ng kamote, ginagamit ng mga Siquijodnon ang mga tuhod at kamay. Gumagapang sila
habang nagtatanim at sinasabayan ng pagdarasal upang maging sinlaki ng tuhod ang mga bunga
nito (Asari et al., n.d, p.112).

“Kamote” “Pintos”
Larawang kuha mula sa Homegrown Organics Larawang kuha mula sa pinterest.com

6|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
1.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Ang wikang karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga Siquijodnon ay ang


Cebuano. Gumagamit din sila ng Ingles bilang kanilang pangalawang wika. Ang wikang Filipino
ay hindi masyadong sinasalita o ginagamit ng mga tao sa Siquijor sapagkat hindi sila matatas dito.
Ang mga Siquijodnon ay marunong din umintindi ng mga piling salita sa Espanyol.
(Dumaguete.com, n.d.).

Ang mga mananambal ng Siquijor naman ay gumagamit ng wikang Latin kapag nagdarasal
o habang nagsasagawa ng mga ritwal (Asari et al., n.d., p.112).

B.) Relihiyon

Romano Katoliko ang pangunahing relihiyong


sinusunod ng mga Siquijodnon na kung saan ay mayroong
95% sa kabuuang populasyon ng isla ang naniniwala rito.
Ang nalalabing 5% ay nahahati para sa ibang Kristyanong
samahan at ibang relihiyon (DINS, 2020).

“Isang Simbahan sa Siquijor na daang-taon na


ang tanda”
C.) Ugali Larawang kuha mula sa pinoyadventurista.com

Ang ugali ng mga Siquijodnon ay masisipag, mababait, matulungin, mapagkakatiwalaan,


at may pagmamalasakit sa kapwang Siquijodnon at maging sa mga taong galing sa iba’t ibang
lugar. Mapapansin din na kilala ng mga Siquijodnon ang isa’t isa kahit saang lupalop ng Isla ng
Siquijor. Masasabi ring maaasahan ang mga Siquijodnon sa panahon ng pangangailangan. (Asari
et al., n.d., p. 108).

D.) Mga Kapistahan

Tuwing ika-17 ng Setyembre, mayroong


pinagdiriwang pista sa bayan ng Lazi na tinatawag na
Solili Festival. Sa pistang ito ay pinagdiriwang ang
kahalagahan ng panliligaw at kasalan. Sa araw ng
pagdiriwang, ang pamilya ng lalaking ikakasal ay
magtitipon upang makilala ang mapapangasawang
babae. Mayroon ring isinasagawang patimpalak sa
“Solili Festival”
Larawang kuha mula sa traveltothephilippines.info

7|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
pagsayaw at iba pang makabuluhang aktibidad sa pagdiriwang (Primer,2016).

Tuwing Black Saturday o Sabado de


Gloria ay isinasagawa ang Healing Festival. Ang
mga kasali sa pistang ito ay pinamumunuan ng
mga mananambal o albularyo na kung saan
sinusunog nila sa kawali ang halamang gamot
kasabay ng pagbigkas ng orasyon o ritwal
(Calibo, 2019). “Healing Festival”
Larawang kuha mula sa Explorer Philippines

Ipinagdiriwang ang pista ng bayan ng


Enrique Villanueva tuwing ika-16 ng Hulyo at
ang pangunahing patron ay ang Our Lady of Mt.
Carmel. Sa pistang ito pinagdiriwang ang
kasiyahan at pagbibigay salamat sa maraming
huli ng isda sa pamamagitan ng banal na
kapangyarihan o divine power (Coco Grove,
2020).

“Our Lady of Mt. Carmel Festival”


Larawang kuha mula sa siquijorisland.net

Ipinagdiriwang naman sa bayan ng Larena


tuwing ika-3 ng Mayo ang kapistahan ni Saint
Vincent de Ferrer o kilala rin bilang Canaoan
Festival. Sa pistang ito, hinihikayat ang mga
magsasaka na magtipon sa bayan at makilahok sa
pagbebenta ng kanilang mga ani. Ang pistang ito
ay pinagdiriwang ang kasipagan ng mga
magsasaka. Nagsasagawa rin sila ng street
“Canaoan Festival”
dance (Coco Grove, 2020). Larawang kuha mula sa Canaoan Festival 2011 (Facebook page)

Tuwing ika-24 ng Mayo, ipinagdjriwang ang pista ng


Our Lady of Divine Providence sa bayan ng Maria. Ang
pagdiriwang ito ay isang pagpapasalamat sa kanilang
patron dahil sa pagkakaroon ng masaganang ani mula
puno ng Lubi o niyog (Coco Grove, 2020).

“Our Lady of Divine Providence Festival”


Larawang kuha mula sa siquijorisland.net

8|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Tuwing ika-15 ng Mayo ay isinasagawa ang
Saging Festival mula sa bayan ng Lazi. Sa pagdiriwang ito
ay binibigay tuon ang kahalagahan ng saging sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga Siquijodnon.
Pinagdiriwang din ang pagkakaroon ng saganang ani ng
mga tinanim na saging (Marangi, 2011).
“Saging Festival”
Larawang kuha mula sa Ocean Jet

E.) Mga Batas at Tradisyon sa Panggagamot

Ayon kay Tirso Sumundong, ang mga


lupon ng mananambal o albularyo sa
Siquijor ay may kabuuang bilang na
mahigit 1,000 miyembro bagkus 110
lamang mula sa kanila ang naniniwala sa
Diyos. Samakatuwid, ang nalalabing
bilang ay mayroong ibang paniniwala.
Kanya pang idinagdag, mayroong

Larawang kuha mula sa Katugasanecohouse.com


partikular na tradisyong sinusunod ang
mananambal at mga ibang Siquijodnon. Isa na rito ay ang pagsisimba tuwing Martes at Biyernes.
Mayroon din silang tradisyon hinggil sa hindi pagkain ng karne kundi purong gulay lamang (Asari
et al., n.d., p.110).

Sa paggawa ng mga gamot, may mga pamamaraan din silang sinusunod. Ayon kay Juan
Ponse, tuwing gabi ng Biyernes Santo ay nagtitipon lahat ng mananambal sa Siquijor. Nagkakaisa
ang lahat sa paghahalo ng gamot na nasa malaking kawa o kawali na nasa labas ng kanilang bahay.
Nagtutulungan ang lahat sa panggagamot ng mga mayroong sakit. Ang mga sangkap ng gamot ay
galing sa iba’t ibang tanim, sementeryo, at laot ng dagat (Asari et al., n.d., p.110).

Ayon kina Maxima Supol at


Conchita Sayre, may mga partikular na
ginagawa ang mga manggagamot ng
Siquijor. Isa na rito ay ang hindi
nanggagamot sa ibang lugar sapagkat
paparusahan ng sukod. Hindi naman
pinapakita ng manggagamot sa iba ang
kaniyang librito o booklet at siya lamang
maaaring makabasa nito. Hindi rin
pinapadala sa loob ng simbahan ang Larawang kuha mula sa Traditional Blades

lumay sapagkat nawawalan ito ng bisa o kapangyarihan (Asari et al., n.d., p. 111).

9|PAHINA
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
F.) Mga gamot at paniniwala sa sakit

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay


ang pag-usbong ng mga bagong pamamaraan
sa panggagamot ngunit may mga Siquijodnon
pa rin ang naniniwala at umaasa sa tradisyunal
na panggagamot. Para sa kanila, mas mainam
ang mga inireresetang halamang gamot ng
mga mananambal o albularyo dahil sa
kabisaan at kapuruhan. Ang mga gamot ay
“Herbal na gamit ng Siquijor”
natural at walang halong kemikal (Asari et Larawang kuha mula sa JBC Crafts Online

al., n.d., p.111).

“Bolo-bolo
(isang uri ng tradisyonal na panggagamot ng mga Siquijodnon)”
Larawang kuha mula sa Eazy Traveler
G.) Pamahiin

Ang mga Siquijodnon ay patuloy na


naniniwala sa mga pamahiin na siyang may
malaking papel na ginagampanan sa kanilang
buhay. Ayon kay Candida Paculba, isa sa mga
pamahiin na kanilang pinaniniwalaan ay ang
paghanda ng tubig sa baso at kinakailangan
itong ilagay sa pintuan o bintana upang
mamalayang may magnanakaw na papasok sa
bahay. Pinaniniwalaan din nila kapag
magpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang “Agnos”
Larawang kuha mula sa Catholic Courier
buwan at tamang petsa. Kinakailangan raw lagyan ng agnos o banal ng relikiya ang bahay. Kung
walang agnos ay pera ang ilalagay ilalim o haligi ng bahay (Asari et al., n.d., p.111).

10 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
H.) Paniniwala sa Mahika, Aswang, at Espirito o Anito

Kilala ang isla ng Siquijor sa mahika, aswang, espiritu o anito, lumay, at pagtaglay ng
kapangyarihan o anting-anting. Mula rito, nagkakaroon ng interpretasyon o pagkilala sa mga
Siquijodnon bilang mga misteryosong pangkat ng tao at maaaring ang ibang pangkat ng tao ay
natatakot na dumayo sa Siquijor.

Mahika

Ayon sa McMillan Encyclopedia


(1993), ang mahika ay sistema ng mga
paniniwala at kaugalian na naniniwalang
nakokontrol ng tao ang likas at
supernatural na puwersang nakaaapekto
sa kanyang buhay. Ayon naman sa
Grolier Dictionary, isa itong sining na
pinaniniwalaang nakakokontrol at
nakakamanipula ng mga lihim na pwersa
ng kalikasan sa pamamagitan ng mga
“Librito”
ritwal at mahiwagang paraan (Asari et Larawang kuha mula sa Todocolecciont

al., n.d., p. 112).

Ibinahagi ni Maximo Supol ang kanilang mga paniniwalang may kauganayan sa mahika at
aswang. Isa na rito ay ang pagputol niya ng lubid ngunit pareho pa rin ang haba nito. Mula rito ay
magdarasal na siya gamit ang wikang Latin. Habang binibigkas niya ang mga salita sa wikang
Latin ay mayroong gagalaw na anino mula sa likod ng tela dahil sa kagagawan ng kaniyang kamay
(Asari et al., n.d., p.112).

Aswang

Ang mga aswang ay ang mga nakakatakot at


hindi pangkaraniwang nilalang. Naniniwala ang
mga Siquijodnon na ang mga aswang ay mga tao
lamang ngunit gumagamit ng kapangyarihan.
Naniniwala sila na tuwing Mahal na Araw
nagsisilabasan ang mga ito sapagkat sa panahong
“Manananggal” ito ay wala si Kristo (Asari et al., n.d., p.112).
Larawang kuha mula sa Pinterest

11 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Espiritu o Anito

Isang malaking impak


sa tao ang espiritwalismo. Isang
teorya na binigyan-diin ang
tuwirang interbensyon ng
espiritwal at supernatural na
lakas sa pang-araw-araw na
pangyayari sa buhay ng tao.
Ang termino ay bumabalot sa
penomenang di-magkaugnay
tulad ng extrasensory
perception, telekinesis, at iba’t
ibang kondisyong kaanib ng
“Anito”
religious ecstasy (Asari et al., Larawang kuha mula sa The Field Museaum

n.d.).

May mga paniniwala ang mga mananambal o albularyo kaugnay ang mga espiritu o anito.
Isa na rito ay kapag mayroong malapit nang mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan
magsisilabasan ang masasamang espiritu. Naniniwala rin silang naglalabasan ang mga anito kung
umuulan (Asari et al., n.d., p.113).

I.) Lumay o Gayuma

Ayon kay Sopio Sumalpong, may mga


paniniwala ang mga Siquijodnon ukol sa
pangagayuma sa panliligaw. Isa na rito kapag
manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din
ang babae sa lalaki. Ang mga lumay ay mababango
kung galing ito sa mga babae. Ang sangkap ay mga
pinaghalong iba’t ibang uri ng bulaklak at ugat ng
puno. Mas mainam kapag ang mga ito ay matitinik
at ang mga mababangong uri nito ang siyang
“Isang Love Potion”
Larawang kuha mula sa JBC Crafts Online
kinahihiligan ng mga babae. Kinukuha sa
punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap ang mga lumay. Sinasabing ang mga punongkahoy na ito
ay espesyal sapagkat pagmamay-ari ito ng mga espiritu. Mula rito, kaunti lamang ang kinukuhang
bahagi ng puno. Pinaniniwalaan din ng mga Siquijodnon na upang mapaibig ang lalaki,
kinakailangang kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Pagkatapos

12 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ay ipalo ito ng tatlong beses sa lalaki nang hindi niya namamalayan. Para sa mga Siquijodnon, ang
pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat (Asari et al., n.d., p. 113).

J.) Negosyo at Lumay

Sa negosyo, upang dumami ang suki o mga mamimili, kinakailangang maglagay ng lumay
sa sariling pitaka (Asari et al., n.d., p 113).

K.) Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay

Sa tuwing kukuha ng eksam o pagsusulit, ang mga Siquijodnon ay naniniwalang


kinakailangang ilagay ang lumay sa panyo o bulsa upang hindi makalimutan ang mga pinag-aralan
(Asari et al., n.d. , p.113).

L.) Kapangyarihan (Gahum) at Anting-anting

Ang anting-anting o amulet sa Ingles ay galing sa mga albularyo. Pinaniniwalaan ng mga


Siquijodnon na ito ay isang mutya na siyang pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Para
sa mga Siquijodnon, ang gahum o kapangyarihan ay mutyang galing kay San Antonio at lagi itong
hinuhugasan. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal (ritwal) na wikang Latin o orasyon. Ang
librito naman na nakasulat sa wikang Latin at naglalaman ng mga orasyon ay nakakadagdag sa
kanilang kapangyarihan. Maliit ang librong ito at kahit mga bata ay hindi makababasa kundi ang
mananambal o albularyo lamang (Asari et al. n.d., p. 114).

“Anting-anting”
Larawang kuha mula sa The Aswang Project

13 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
M.) Mga Pagkain

Saang sa Alat

Ang saang ay isang tanyag na pagkaing-


dagat sa Siquijor at karaniwang kinukulo sa tubing
dagat lays tinawag ito ng mga Siquijodnon bilang
Saang sa Alat (Around Philippines, 2017). “Saang sa Alat”
Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com

Binas-oy

Pinagmamalaki rin ng mga Siquijodnon


ang Binas-oy. Ito ay nilagang baboy na may
halong sayote at tinimplahan ng luya at bawang.
Mayroong mga bersiyon na ginagamit ang atay
ng baboy bilang sangkap dito (Around
Philippines, 2017).
“Binas-oy”
Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com

Kinilaw Binisaya nga Kulabutan at Ginisang Kulabutan

Isa rin sa mga paboritong pagkain ng mga Siquijodnon ang Kinilaw Binisaya nga Kulabutan
na isang uri ng higanteng pusit.Maaaring kasssinin ito nang hilaw na may halong suka at asin. Sa
pamamagitan nito, malalasahan ang pagiging sariwa nito. Ang pagkaing ito ay maaaring lutuin sa
pamamagitan ng paggisa (Around Philippines, 2017).

“Kinilaw Binisaya nga Kulabutan” “Ginisang Kulabutan”


Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com

Sangkutsa

Ayon sa Around Philippines (2017), ang


Sangkutsa ay katulad ng ginataang manok ngunit
maroon itong kaunting luntiang gulay na kasama.

“Sangkutsa”
Larawang kuha mula sa
kitchenkitchiekoo.com

14 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pan Bisaya

Sa Enrique Villanueva nanggaling ang Pan Bisaya


na isang tinapay na mayroong palaman na bucahyo. Sa
ibang parte ng Pilipinas ay kilala ito bilang Pan de Coco
(Around Philippines, 2017).

“Pan Bisaya”
Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com

Saluwaki

Patok sa mga Siquijodnon ang kumain ng


sariwang Saluwaki o sea urchin sa Ingles. Mas
gusto ng mga Siquijodnon na kainin ito nang hilaw
(Around Philippines, 2017).

“Saluwaki Bisaya”
Larawang kuha mula sa aroundphilippines.com

15 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
2. ANG CEBU AT ANG MGA CEBUANO

2.1 KASAYSAYAN

A.) Cebu

Ang bansang Pilipinas ay


binubuo ng 7,641 na pulo na kung
saan ito ay nahahati sa tatlong
malalaking bahagi – Luzon,
Visayas, at Mindanao. Ang Cebu
ay ating matatagpuan sa bahaging
Kabisayaan (Evelyn Valencia
Gabansos). Dito matatagpuan ang
pinakamatandang lungsod ng
Pilipinas. Ang Cebu City ay kilala
bilang “Queen City of the South”
na napaligiran ng 167 na mga isla.
Ito ay matatagpuan sa Silangan ng
Negros at Kanluran ng Leyte at isla
ng Bohol. Ito ay binubuo ng iba’t
ibang bayan at distrito sa
mahabang makitid na isla sa timog
“Cebu”
Larawang kuha mula sa Wikipedia
at hilaga ng Cebu, ito rin ay
pinalilibutan ng mga maliliit na mga isla tulad ng Mactan, Malapascua, Bantayan, Olango at isla
ng Camotes.

B.) Kasaysayan ng Pangkat Etniko

Ang pangunahing pangkat etniko na mayroon


ang Cebu ay Cebuano. Bago dumating ang mga
Kastila sa lungsod ng Cebu ang mga Cebuano ay
kilala bilang mga saling-angkan ng Malay na
naninirahan sa Pilipinas noon. Sila ang unang
nagpakita kung paano ipagtanggol ang karapatan
nila mula sa mga dayuhang nanakop sa kanilang
“Lapu-lapu”
Larawang kuha mula sa https://xiaochua.net/tag/lapulapu/ lungsod. Si Lapu-Lapu ay kilala bilang isang tanyag
na bayaning Cebuano na napagtagumpayan ang kanyang laban mula sa mga Kastila. Sa kanyang
dugo ay nakalatag ang dugo ng unang kayumanggi na sumisimbolo ng katapangan.

16 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang paglaganap ng Kristiyanismo ay tumagal hanggang noong taong 1565. Sa pamumuno
ni Tupaz na anak ni Raha Humabon, natuklasan nila ang pook na sa kanilang palagay ay karapat-
dapat na pamunuan at maging pinakamalakas na kuta ng mga Kastila, mayroon ding mga pagkain
na makikita sa dalampasigan ng Cebu na ito. Ang lungosd ng Cebu ay pinangalanang Ciudad Del
Santisimo Nombre de Jesus noong 1594 sa pamumuno ni Legaspi. Sa pagkakatuklas nito noong
1565, ang lungsod ng Cebu ay itinuturing na pinakamatandang lungsod ng Pilipinas.

2.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Pagpapakasal at Pag-aasawa

Mga Nararapat na Gawin Bago Magpakasal:

1. ANG PAG-ILA-ILA : Ang kanilang pagkikilala.


2. ANG PANGULITAWO : Ang panliligaw ng 17ahoon sa dalaga lalo na ang pag-akyat
ng ligaw.
3. ANG PANAGTRATO : Ang pagkakasundo ng dalaga at 17ahoon na mag-ibigan.
4. ANG PAMALAYE : Ang paghingi ng lalaki sa kamay ng babae mula sa mga
magulang ng babae.
5. ANG PAGREHISTRO : Ang
paghahanda ng mga papeles at
paglalathala ng mga pangalan ng
ikakasal sa munisipyo.
6. ANG KASAL : Ang pag-iisampuso ng
magnobyo sa harap ng isang pari sa
simbahan. “Isang Kasal sa harap ng Pari sa Simbahan”
Larawang kuha mula sa
http://weddingsinthephilippines.com/san-antonio-de-padua-
silang/

Mga Kaugalian na Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa

1. ANG MONOGAMYA : Isa lamang ang asawa.


Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng
maraming asawa kung ang unang asawa ay buhay pa. Ito
ay sinusunod ng mga tunay na Kristiyano sa Cebu, dahil
kanilang lubos na ginagalang ang Sagradong Bagong
“Ang Mag-irog” Testamento ng Banal na Aklat.
Larawang kuha mula sa https://static.independent.co.uk

17 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
2. ANG LIGAL NA PAGHIHIWALAY : Tanging kamatayan ang makapaghihiwalay
sa mag-asawang binasbasan ang kasal. Ang mga Cebuano ay lubos na sinusunod ang
nakaakda sa Banal na Aklat, sila ay naniniwala na ang dalawang tao na pinag-isa ng
pag-ibig ay mahigpit na ipinagbabawal ang paghihiwalay. Hindi maaaring maghiwalay
ang isang babae’t isang lalaki na pinag-isampuso sa harap ng Diyos maliban sa
kamatayan.

3. ANG TINATAWAG NA BUGAY : Kilala sa tawag na dowry. Ang paghihingi ng


magulang ng nobya sa magulang ng nobyo. Maaaring gastos sa handa at kasal, salapi,
kumpletong kagamitan para sa kasal, at iba pa. Madalas na mas 18ahoon ang hinihiling
ng magulang ng nobya sa magulang ng nobyo kung ang kanilang pamilya ay
nakakariwasa sa buhay.

4. ANG PAGBIBIGAY-HANDOG : Ang mga


alaala o pagbibigay-handog sa bagong kasal ay
18ahoon18 kagawian na ng mga kamag-anak,
bisita, at kaibigan na dumadalo sa araw ng kasal.
Ang mga 18ahoon1818 binibigay ay tanda ng
kanilang paghahangad ng isang mahusay na
pamumuhay at maligayang pagsasama ng mga
bagong kasal.

“Isang handog para sa Bagong Kasal”


Larawang kuha mula sa https://www.brides.com

Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal

1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang ang araw ng
kasal ay hinihintay.
2. Hindi pwedeng isukat o isuot ng babae ang kanyang damit pangkasal hanggang hindi
pa sumasapit ang takdang oras ng kasal.
3. Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal, kailangang tiyakin
ng bawat 18ahoon siya ang unang makayakap sa unang baytang ng hagdan at unang
makahakbang paalis ng altar, kailangang mauna ang isa sa kanila. Ang mga Cebuano
ay may paniniwala na ang unang makakahakbang ang siyang dominante o masusunod
sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at sa kanilang pamumuhay.
4. Ang bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na mauna sa kanilang
bahay bago dumating ang ikinasal.
5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang painumin ng isang
basong tubig sa iisang baso ang bagong kasal upang sila ay 18ahoon18
magkakaunawaan; sa hirap man o sa ginhawa sila ay 18ahoon18 magkakapiling.
18 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
6. Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang makailang-ulit upang
ito ay magkaroon din ng mahusay na pagsusunuran at maayos na pamumuhay.
7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan upang maging
masagana at maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay.
8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa kasal ay
nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa.
9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna umalis ng bahay nang
sa gayon ay maging maligaya ang kanilang pagsasama at hindi na sila maghihiwalay
kalianman.

B.) Pagbubuntis at Panganganak

Naglalagay ang mga Cebuano ng mga dahon


ng mga pomelo sa ilalim o silong ng bahay para
maalis ang mga masasamang espiritu na
umaaligid. Habang kasalukuyang nanganganak
ang babae, ang pamilya naman nito ay nagsusunog
ng mga tuyong dahon at ugat dahil kanilang
pinaniniwalaan na ang usok nito ay makakatulong

“Mga Dahon ng Pomelo”


upang ang nagbubuntis ay hindi mahirapan sa
Larawang kuha mula sa https://media.karousell.com
panganganak (Domingo, 2016).

C.) Kamatayan at Paglilibing

Naniniwala ang mga Cebuano na hindi maaaring


magwalis sa ilalim ng kabaong ng patay dahil ayon sa
kanila ay mayroong susunod sa patay kapag sila ay
nagwalis sa ilalim ng kabaong nito (Domingo, 2016).

“Kamatayan”
Larawang kuha mula kay Sheryl Domingo

D.) Paghahanapbuhay

Ang mga Cebuano nakapamumuhay sa pamamagitan


ng pangingisda at pagsasaka. Kadalasan ang kanilang
mga tirahan ay gawa sa kawayan at nilalaman ng dalawa
o tatlong kuwarto lamang. Pagdating naman sa pagkain,
“Pagsasaka at Pangingisda”
Larawang kuha mula sa https://www.veritas846.ph sila ay nahihilig sa mga isda, kanin, prutas at gulay. Ang
paghahanapbuhay ng Cebuano ay umiikot sa agrikultura, pangingisda, woven clothing, paggawa

19 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ng mga palayok, ginto at marami pang iba. Ang Cebu ay sagana sa mga likas na yaman at
dumagdag pa rito ang pagiging masipag at matiyaga ng mga Cebuano (Sumo, 2014).

2.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Ang wikang Cebuano ay isa sa mga pangunahing wika na mayroon sa Pilipinas (Casimero,
D.A., et al). Ang salitang “Cebuano” ay nagmula sa salitang Cebu, na galing sa orihinal na salitang
Espanyol na “Sugbo” na ang ibig sabihin ay “paglalakad sa tubig”. Ang daungan sa mga baybayin
ng Cebu noong unang panahon ay mababaw lamang, ito kailangang lakarin ng mga manlalakbay
na nagmula sa dagat upang pumunta sa kanilang pinaroroonan. Ang terminong ito ay sinusunod
sa “-hanon” upang sumangguni sa wika, kultura, at naninirahan a Cebu. Kaya ito ay tinatawag na
“Sugbuhanon” o “Sugbuanon”. Sa pagdating ng mga Kastila, kanilang binago ang salitang
Sugbuhanon sa salitang “Cebuano”, at sa mga unang Amerikano bilang “Cebuan”.

Ang Cebuano ay tinatawag ding “Bisaya”, bagamat ito ay isang generic na termino na nag-
aaplay hindi lamang sa Cebuano ngunit sa ibang mga grupong etniko sa Visayas. Humigit-
kumulang 25 milyong katao ang gumagamit ng wikang ito, sinasalita ito ng mga grupong Cebuano
sa Cebu at ng iba pang pangkat etniko sa Visayas at maging sa Mindanao. Ito ay maituturing na
lingua franca sa Katimugang Pilipinas.

B.) Relihiyon

Ang lungsod ng Cebu ay pinaniniwalaang pinagmulan ng


relihiyong Kristiyanismo partikular ang relihiyong Romano
Katoliko. Ang paniniwalang ito ay nagsimula noong ika-14 ng
Abril taong 1521, na kung saan naganap ang unang pagdaraos ng
unang misa ng mga Kristiyano sa dalampasigan ng Cebu na naging
“Nurturing the Latin Mass”
Larawang kuha mula kay Gerard Biagan tampok ang pagkabinyag kay Raha Humabon kasama ang kanyang
mga sakop at mandirigma. Simula noon ay umusbong na ang relihiyong ito sa lungsod, at
hanggang ngayon ay patuloy paring umuusbong.

“Basilica del Santo Niño”


Larawang kuha mula kay Alan Jay Qeusada

20 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
C.) Mga Pagdiriwang

Isa din sa nakaaapekto sa kultura at pamumuhay ng


mga Cebuano ay ang kanilang mga pista. Una na dito ang
Sinulog Festival na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng
Enero, upang bigyang pag-alala ang Señor Sto. Niño.
“Sinulog Festival”
Larawang kuha mula sa guidetothephilippines.com

Sumunod naman ang, Tagbo Festival na


ginaganap tuwing ika-19 ng Enero. Ito naman ay
para kay Sto. Niño de Poro.

“Tagbo Festival”
Larawang kuha mula sa traveltothephilippines.com

Ikatlo, Silmugi Festival, tuwing ika-20


ng Enero ito ginaganap para sa kanilang
pagpapasalamat sa kanilang patron para sa isang
masaganang ani.

“Silmugi Festival”
Larawang kuha mula sa hellotravel.com

Ikaapat, Bodbod Festival na ginaganap


tuwing ika-10 ng Pebrero. Nakapokus lamang para
sa isang pagkain na tinatawag na Bodbod.

“Bodbod Festival”
Larawang kuha mula sa peanutbrowas.com

Ikalima, Sarok Festival, ginaganap tuwing


ika-14 ng Pebrero. Ginagawa bilang paggunita sa
pagkakatatag ng kanilang bayan.

“Sarok Festival”
Larawang kuha mula sa Cebu Festivals

21 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ika-anim, Soli-soli Festival, pinagdiriwang
tuwing ika-18 ng Marso na ipinangalan sa isang
halaman natinatawag na Soli-Soli na kanilang
ginagamit sa paggawa ng mga banig, bag, at
sombrero. Nagbigay kulay sa pista ni St. Joseph the
Worker.

“Soli-soli Festival”
Larawang kuha mula sa travelingcebu.com

Ikapito, Tostado Festival na ginagawa tuwing


ikatlong linggo ng Abril. Nakapokus para sa isang sikat
na produkto sa kanila na “tostado”.

“Tostado Festival”
Larawang kuha mula sa aimlessshooter.blogspot.com

Ikawalo, Haladaya Festival tuwing Linggo ng


Pagkabuhay.

“Haladaya Festival”
Larawang kuha mula sa peanutbrowas.com

Ikasiyam, Mantawi Festival, pinagdiriwang


tuwing ika-pito ng Mayo para ipakita ang mga
makasaysayang lugar.

“Mantawi Festival”
Larawang kuha mula sa everythingcebu.com

Ikasampu ay ang, Camotes Cassava


Festival na ginaganap tuwing ikalawang linggo
ng Hunyo. Ito ay bilang pagdiriwang ng
masaganang ani at ang mga magsasaka ay
nagpapakita ng iba’t ibang produkto na gawa sa
cassava.

“Camotes Cassava Featival”


Larawang kuha mula sa peanutbrowas.com

22 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Hindi lamang ito, marami pang mga kapistahan sa Cebu ang kanilang pinagdiriwang, tulad
na lamang ng mga sumusunod: Palawod, Semana Santa sa Bantayan, Kinsan, Kuyayang, Caballo,
Bonga, Siloy, Karansa, Kabuian, Pitlagon Festivals, at iba pa.

D.) Mga Pagkain

Ang lungsod ng Cebu ay dinarayo rin dahil sa mga pagkaing kanilang hinahain. Isa na rito
ang pinakasikat na Lechon ng Cebu. Ipinagmamalaki ng mga Cebuano ang kanilang lechon, ayon
sa kanila hindi kumpleto ang pagbisita at pagpunta sa Cebu kung hindi matitikman ang
pinagmamalaki nilang lechon. Sumunod naman sa lechon ang Cruzan Crab o naglalakihang mga
alimango. Ang pangatlo ay ang Bakasi, ito ay isang exotic food na gawa sa isang uri ng sea eel
(Casimero, et al.). Pinapakita nito na ang Cebu ay hindi lamang sagana sa mga magaganda at pang
turistang mga lugar at isla, ngunit sagana rin ang kanilang lungsod sa mga pagkaing kanilang
hinahain.

“Lechon” “Bakasi”
Larawang kuha mula sa kultura.food.blog Larawang kuha mula sa kultura.food.blog

“Cruzan Crab”
Larawang kuha mula sa kultura.food.blog

23 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
3. ANG BAROTAC NUEVO, ILOILO, AT ANG MGA ILONGGO

3.1 KASAYSAYAN

A.) Ang Barotac Nuevo

Ang Barotac Nuevo ay dating nayon ng


Dumangas sa panahon ng pagsakop ng Kastila.
Ito ay may layong siyam na kilometro sa
Dumangas. Ang mga tao rito ay halos mga
Katoliko. Ito ay pinamumunuan ng isang pari
na hindi pinapayagan ang mga tao na ihiwalay
ang kanilang lugar sa Dumangas. Naihiwalay
lamang aang kanilang lugar sa Dumagas dahil
“Barotac Nuevo Church” sa kasunduang ipagpapalit ang Kabayo ni Don
Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org
Simon Protacio na nagngangalang Tamasak para sa paghihiwalay ng kanilang lugar. Ang
kabayong si Tamasak ay kahawid sa kabayong pumanaw na pagmamay-ari ng gobernador kaya
ang kasunduan ay natupad. Ang Barotoc ay galing sa salitang espanyol na “Baro” na ibig sabihin
ay putik at ang “Nuevo” na ibig sabihin ay bago (Somo, 2013). Ayon sa Encyclopedia Britannica
1911 (2018), ang pangalan ng Barotac Nuevo noon ay Malutac at ito ay nabago lamang noong ito
ay inihiwalay sa Damangas.

B.) Heograpiya

May kaisa-isang bundok sa Barotac Nuevo


na talagang dinarayo ng mga turista at pati na rin
ang dalampasigang Lamintao Beach. Ang lugar ay
may malawak na niyogan at taniman ng tubo. Sa
gitna ng Barotac Nuevo ay may bantayog ni Don
Simon Protacio at ang kaniyang kabayo na si
Tamasak. (Nepomoceno, 2018)

“Ang Lokasyon ng Barotac Nuevo”


Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org

3.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

Karamihan sa mga taga Barotac ay nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho sa pataniman


ng tubo. Ang mga apilyedo ng mga tagaroon ay kadalasang nagsisimula sa letrang B gaya ng
Bayoneta, Barrido at Batilo. Ang pista ng Barotac Nuevo ay ika-13 ng Hunyo at ito ay

24 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ipinagdidiriwang ng tatlong araw. Nagkakaroon ng palaro, sayawan, parade, at iba pa
(Nepomoceno, 2018).

A.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagdadalang Tao


1. Kailangang ibigay lahat ng lalaki ang anumang
pagkaing hinihiling ng babae sa panahon ng
kaniyang paglilihi sapagkat kung hindi,
makukunan ang kanyang asawa.
2. Kapag lalabas ng bahay, kailangang magtakip
ng ulo gamit ng tuwalya o anuman upang hindi
makikita ng mga aswang ang bata ng
“Buntis”
nagdadalang-tao. Larawang kuha mula sa https://ysm-
res.cloudinary.com/image/c
3. Bawal pagtawanan ang may kapansanan at baka maging may kapansanan din ang
magiging anak.
4. Ang pagkain ng kambal na prutas ay magiging kambal rin ang anak.

B.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagsilang ng Sanggol


1. Pinapakain ng hilaw na pula ng itlog upang
madaling lumabas ang bata.
2. Pagkatapos ipanganak ang bata, dahan-dahan
nitong iniitsa ng kumadrona upang hindi
madaling mahihilo ang bata sa matataas na lugar.
3. Kapag nauna ang paa, ang bata ay tinatawag
“Panganganak” na suli at pinaniniwalaang may kapangyarihang
Larawang kuha mula kay Janne Rytkonen
makapanggagamot ng mga natinik sa lalamunan.
4. Sa bagong kapapanganak, binibigyan ng sabaw ng manok upang maibalik ang lakas.
5. Sa unang ligo ng ina ay may mga sangkap tulad ng dahon ang bunalo at tanglad
upang hindi mabinat ang ina.

C.) Mga Paniniwala tungkol sa Binyag ng Sanggol


1. Kapag hindi umiiyak ang bata sa
pagbibinyag, lalaki itong mabait at kung
umiyak naman ay lalaking matigas ang ulo.
2. Sa pagbinyag ng kambal, dapat ipasok sa
hindi magkaparehong pinto ang mga bata
upang walang mamamatay sa kanila. “Pagbinyag ng isang Bata”
Larawang kuha mula sa
https://mematot.files.wordpress.com

25 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
D.) Mga Paniniwala tungkol sa Pag-aalaga ng Bata
1. Kapag ang isang pamilya ay sunod-sunod na namatayan ng dalawa o talong anak sa
napakaagang gulang, at ang susunod na bata ay tila magkakaganoondin, mayroong
seremonya ang ilalaan sa bata. Binibili ng isang kapitbahay na matagumpay sa
pagpapalaki ng bata sa pamamagitan ng pagdadala ng pera o anumang bagay. Sa
ganitong paraan, ang bata ay magiging malusogat mabuhay nang matagal.
Gayunpaman, nananatili pa rin sa magulang ang pag-aari sa bata.
2. Nagsasabi ng “puera abay” o “puwera usog” kapag
nagbibiro sa bata na ito ay malusog sapagkat maaaring
magkasakit ang bata kapag sobra na ang biro.
3. Pinasusuot ang bata ng kuwintas na may ngipin ng buwaya
o anumang bagay bilang pangontra sa mga masasamang
espirito.

“Kuwintas na may Ngipin ng Buwaya”


Larawang kuha mula sa https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images

E.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagliligawan, Pagnonobyo, at Pag-aasawa


1. Ang dalagang kumakanta habang nagluluto sa harap ng kalan ay pinaniniwalaang
mag-aasawa ng matanda na parang lolo na.
2. Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkaka-asawa sa isang
matanda.
3. Ang kasintahan na may maraming puting marka sa kuko ay ibig sabihin na marami
siyang ibang kasintahan. Kung iisa lamang ang puti sa kuko ay iisa lamang ang
kasintahan.

F.) Mga Paniniwala tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, at Pagdarasal


1. Pinagbabawal ang pagsusuklay sa gabi ng mga
anak dahil nagpapaikili raw ito ng buhay ng
kaniyang mga magulang.
2. Ang pagtahol ng aso sa gabi ay
nangunguhulugang si Kamatayan ay nasa paligid
lamang at handang kunin ang buhay ng isang
nilalang.
3. Ang paruparo na itim na pumasok sa bahay ay
“Itim na Paruparo”
Larawang kuha mula sa
babala na may kamag-anak na namatay. https://img.lovepik.com

26 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
3.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Ayon sa Research Center for Iloilo, ang wika ng mga taga-Iloilo ay Hiligaynon at ito rin
ay may mga barayti tulad ng Karay-a.

B.) Relihiyon

Maramig mga Romano Katolikong simbahan sa


Iloilo. Ibig sabihin lamang nito na karamihan sa mga
naninirahan roon ay mga Katoliko. Ilan sa mga
simbahang matatagpuan ditto ay ang Saint Anthony of
Padua Church, Church of the Nazarene, Molo Church,
at marami pang iba.

“Molo Church”
Larawang kuha mula sa Iloilo.net.ph

C.) Mga Paniniwala tungkol sa Hayop at Insekto


1. Kung may pusa na tumawid sa iyong daan ay ibig sabihin na may kapahakan na
darating sayo.
2. Bawal makikipaglaro sa pusa kapag kumukulog dahil sila raw ay konduktor ng
kidlat.

D.) Mga Paniniwala tungkol sa Pagkain


1. Huwag agad pagpatung-patungin ang mga platong ginamit sa pagkain at hintayan
ang lahat na makatapos dahil kung hindi maging patung-patong din ang utang.

E.) Mga Paniniwala tungkol sa Aswang at iba pang mga Kakatwang Nilalang
1. Ang mga aswang ay mga kakatwang nilalang na nakalilipad.
2. May kakayahang patayin ang tao sa pamamagitan ng pagtingin.
3. Ito rin ay kakayahang pagkasakitin ang isang tao.

F.) Mga Paniniwala tungkol sa Halaman, Pagsasaka, at Pangingisda


1. Lumuluhod ang mga magsasaka habang gumigiik ng bigas bago magpatuloy upang
maging mabuting ani sa susunod na taon.

27 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
2. Pinaniniwalaang sa unang pagpupunla ng bigas o sa pagtatanim ng anumang uri ng
pananim, ang suklay, nganga, at lumang habihan ay itinatapon kasama ang bigas sa
punlaan.
3. Sa pagtatanim ng bigas, nagtatanim muna ng tanglad at sinusundan ng mga murang
halaman.

G.) Paniniwala tungkol sa Anting-anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan


1. Ang mga taong naninirahan malapit sa may baybay ay pinaniniwalaang may anting-
anting.

H.) Mga Paniniwala tungkol sa Sugal at Sabong


1. Suwerte kung magsusugal kapag nakakita ng bakal na sapatos ng kabayo.
2. Suwerte rin sa sugal kapag may butuki na lumukso sa bulsa habang nakatayo.
3. Naglalagay ng bagay na kambal sa bulsa bilang suwerte sa sugal.

I.) Mga Paniniwala tungkol sa Bagong Taon


1. Sa bagong taon, kinakailangang kompleto ang gamit sa bahay dahil pinaniniwalaang
upang hindi magkulang sa anumang bagay sa buong taon.

J.) Mga Paniniwala tungkol sa Araw ng mga Patay


1. Sa araw ng mga patay ay pinaniniwalaang bumabalik ang mga kaluluwa sa lupa.
2. Ang mga kaluluwa ay binibigyan ng mga handa sa isang lihim na silid.

K.) Mga samut-saring Paniniwala


1. Ang pagtahol ng aso sa gabi ay ibig sabihin na may gumagalang masamang
kaluluwa.
2. Sinusuot ang mga bagong damit sa simbahan upang ito ay magtagal.
3. Kapag ang petsang 13 ay pumalo sa Biyernes, maraming mangyayaring aksidente.

28 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
L.) Mga Kapistahan at Kasiyahan
1. Pasungay – O bullfight ay idinadaraos sa ikalawang Sabado ng Enero.

“Pagsungay”
Larawang kuha mula sa dailyguardian.com.ph

2. Dinagyang – Idinadaraos sa huling linggo ng Enero. Pumapaikot ang kasiyahan sa


pagbibigay parangal sa Santo Niño.

“Dinagyang Festival”
Larawang kuha mula sa vigattintourism.com

3. Kapisthan ng Nuestra Señora de La Candelaria sa Jaro – Idinaraos ito tuwing


ikalawa ng Pebrero. Ito ang pinakamarangya at pinakamaking pagdiriwang
panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya. Pinatatanghal ng mga agro-industrial exhibits,
garden shows, koronasyon ng reyna ng karnibal, at ng Grand Cock Derbies.

“Kapisthan ng Nuestra Señora de La Candelaria sa Jaro”


Larawang kuha mula sa iloilocity.gov.ph

29 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
4. Paraw Regatta – Ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Pebrero. Ito ay isang
paligsahan ng karera ng mga bangka.

“Paraw Regatta”
Larawang kuha mula sa iloilocity.gov.ph

5. Ang Pagtaltal sa Guimaras – Tuwing Biyernes Santo. Isang pangkwaresmang


pagtatanghal sa Jordan, Guimaras. Ang karanasan ay paglalakip ng
pananampalataya sa kulturang poklorika.

“Ang Pagtaltal”
Larawang kuha mula sa vigattintourism.com

6. Ang Parada at Karera ng Kalabaw – Ginaganap tuwing ikatlo ng Mayo. Ito ay


tampok sa Pavia, Iloilo. Pagkatapos ng parada, ang mga musa ay nananaog sa karosa
samantalaang inihahanda na ang karera.

“Karera ng mga Kalabaw”


Larawang kuha mula sa kapuluangpilipinas.wordpress.com

30 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
4. ANG AKLAN AT ANG MGA AKLANON

4.1 KASAYSAYAN

“Ang Mapa ng Aklan”


Larawang kuha mula sa kapuluangpilipinas.wordpress.com

Ayon kay Liam Bernal (2014) ang Aklan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa Visayas. Ang bayan ng Kalibo ang kabisera nito. Tinaguriang pinakamatandang
probinsya ng Pilipinas ang Aklan dahil itinatag na ito mula pa noong ika-12 siglo. Ayon naman
kay Ikoekiez (2016) may mga tao nang naninirahan sa Aklan na tinatawag na mga Ati. Sila ay
maliliit at maiitim, pagdating ng ika-13 siglo dumating ang mga tao mula sa Borneo upang
maghanap ng matitirhan nila na kung saan malayo sa gulo at pang-aabuso. Binili ng mga Sultan
mula sa Borneo ang Panay at nagkaroon ng konpederasyon na tinawag nilang “Katilingban ni
Madyas” na binubuo ng tatlong lalawigan, Irong-Irong (Iloilo), Hamtik (Antique), at Aklan (Cruz,
Locero et al, 2018). Tinanggap ng mga Ati ang mga taga-Borneo at nanirahan sila ng tahimik at
mapayapa. Ang unang naging pinuno nito ay si Datu Bangkaya. Nang dumating ang ika-14 na
siglo sinakop ang mga Ati ng mga manlalakbay na Tsino sa pamumuno ni Kalantiaw at naagaw
niya ang trono. Ayon sa mga artikulong tungkol sa kasaysayan ng Aklan, pinaniwalaan ng mga
naninirahan sa Aklan na noong 1433, si Kalantiaw III ay gumawa ng mga batas na tinawag na
“Code of Kalantiaw”. Ang “Code of Kalantiaw” ay isang ligal na kodigong nagmula sa epikong
kasaysayan ni Maragtas na isinulat noong 1433 ni Datu Kalantiaw. Tinaguriang pinakaunang
mambabatas si Kalantiaw at ipinagmalaki ito ng mga Aklanon. Ngunit, pinatunayan ng isang
mananaliksik na nagngangalang William Henry Scott, na peke ang Code of Kalantiaw.

Mula noong pinamunuan ng Espanya ang Pilipinas hanggang naitaguyod ang Pilipino
bilang pambansang wika, ang Aklan ay ibinaybay na “Acean”, at ang pangunahing bayan nitong
Kalibo ay ibinaybay namang “Calivo”. Nagmula ang “Kalibo” sa salitang “sangka libo” na ibig
sabihin ay “isang libo” sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati
na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan.

Opisyal na nakilala ang Aklan noong ika-walo ng Nobyembre, 1956. Sa kasalukuyan,


Aklanon ang tawag sa mga taong naninirahan sa Aklan. Ang mga mamamayang Akeanon

31 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
o Aklanon ay bahagi ng mas malawakang Bisayang etnolinggwistikong grupo, isa sila sa mga
bumubuo sa pinakamalaking grupong entnolinggwistiko ng mga Pilipino.

4.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Pag-aasawa at Kasal

“Kasalan”
Larawang kuha mula sa pinterest.com

Nakasanayan na ang pamamanhikan bago ang kasal sa kulturang Pilipino, ganito rin
ginagawa sa Aklan. Sa pagbabago ng panahon, maraming kasal sa buong Pilipinas ang ginaganap
sa iba’t-ibang lugar, maaaring sa gilid ng dalampasigan o beach wedding, at mayroon din naman
sa hardin o Garden Wedding . Sa Aklan, nasa tradisyon na ang pagpapakasal sa loob ng simbahan.

Ayon kay Lopez et al. may mga paniniwala rin ang mga Aklanon na bawal isuot ng babae
ang kaniyang damit pangkasal kapag hindi pa sa mismong araw ng kasal at bawal magkita ang
dalawang magkasintahan bago ang kasal dahil maaaring hindi ito matuloy.

May ibang paraan rin ng pag-aasawa o


kasal sa ibang bayan ng Aklan. Sa isang episode
ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7 noong
Hunyo 16, 2007, na pinamagatang “Arranged
Marriage in Aklan”, ipinakita ang kakaibang pag-
aasawa sa isang liblib na baryo sa Libacao, Aklan.
Matatagpuan ang mga taong Aklanon-Bukidnon Larawang kuha mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho
na gumagawa parin ng isang tradisyunal na kasalan. Ang kasalang ito ay tinatawag na “Hungaw”
o arranged marriage. Ayon kay Desiry M. Dalupines, kadalasan ay mga batang nasa 13 o 14 anyos
pa lamang ay ipinapakasal na ng mga magulang. Sa nakagawiang tradisyong ito ng pag-aasawa,
sa araw mismo ng kasal lamang makikita at makikilala ng mga ikakasal ang kanilang magiging
asawa. Ayon sa National Commission on Indigenous People, dahil marami sa kanila ang hindi na
nag-aaral ay nag-aasawa na lamang sila ng maaga.

32 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
B.) Pagbubuntis

Larawang kuha mula sa bestbabyinc.com

Tulad ng mga kaugalian at paniniwala ng mga Pilipino tungkol sa pagbubuntis o


panganganak, ayon kay Dinalene Castañar-Barbac naniniwala rin ang mga Aklanon sa:

1. Hindi pagkain ng kambal na saging dahil magiging kambal ang anak.


2. Pagtingin sa magagandang mukha upang maging maganda rin ang anak.
3. Pag-iwas sa pag-upo sa hagdan o pintuan dahil mahihirapan siya sa panganganak.
4. Pagbabawal sa mga buntis na pumunta sa lamay o bumisita sa patay. Isang paliwanag nito
ay makukunan daw ang buntis dahil isasama ng yumao ang sanggol na nasa sinapupunan
ng ina sa kabilang buhay.
5. Paghakbang ng buntis sa asawa. Kapag hinakbangan ng buntis ang kaniyang asawa habang
ito ay natutulog, maaaring maglilihi rin ito. Sinasabing dapat hindi malaman ng asawang
lalaki ang balak ng buntis upang ito ay magkaroon ng bisa.

C.) Kamatayan at Paglilibing

Lubos na nirerespeto ng mga


Aklanon ang mga patay. Tulad ng ibang
kultura ay may mga tradisyon at
nakagawian ring mga bagay ang mga
Aklanon kapag may namamatay sa kanila.
Ayon kay Melchor F. Cichon (2012) nasa
kultura nila na ilagay ang pinakaunang
abuloy (perang ibinigay ng tao sa patay) sa Larawang kuha mula sa Pamilya Morinas

palad o kamay ng namatay. Kapag ang isang tao naman ay malapit nang mamatay, pinapatawag
ang isang pari upang makahingi ng tawad ang taong malapit ng mamatay at mabasbasan ng pari
dahil naniniwala ang mga Aklanon na may susunod na buhay pa pagkatapos ng kamatayan.
Habang nangungumpisal o binabasbasan ang taong malapit ng mamatay, mayroong isang
miyembro ng koro ang kakanta ng mga relihiyosong kanta upang maibsan ang dinadalang
33 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
paghihirap ng isang tao bago siya mamayapa. Kapag namatay na ang tao, agad itong pinapaalam
sa mga kamag-anak at sa paring bumasbas sa namatay. Sa utos ng Pari, papatunugin ang kampana
upang malaman ng mga tao na may namatay, at lahat ng taong nakarinig sa tunog ng kampana ay
inaasahang magdasal para sa taong namayapa.

Nasa tradisyon na nila na hindi pinapasuot ng sapatos ang patay dahil pinaniniwalaan nila
na mahihirapan ang kaluluwa ng namatay sa paglalakbay sa kabilang buhay ang patay kaya medyas
lamang ang pinapagamit dito. Sa lamay, inaasahang pumunta ang lahat ng miyembro ng pamilya
kahit na nasa malayo pa sila nakatira upang magbigay galang sa namayapang miyembro ng
pamilya. Kadalasang nagbibigay ng abuloy ang mga taong dumadalo sa lamay o kaya ay
magbibigay ng pagkain.

May ibang mga tao ring nagkakaroon ng handaan sa ikatlong araw pagkatapos ng
pagkamatay. Kadalasang hinahanda rito ay ubod ng niyog na may halong karne ng baboy. May
mga laro ring madalas na nilalaro tuwing may patay, tulad ng bordon, mga larong baraha, at iba
pa. Inaasahang magsuot ng itim na damit ang mga kamag-anak ng namatay, ngunit kung ang
namatay ay isang ina, pinapasuot ng pulang damit ang anak na sanggol upang hindi ito gambalahin
ng kaniyang ina pagsapit ng gabi.

Isang tradisyon din ang pagsabit ng itim na tela sa bintanang kaharap ng daan. Hindi
pinapayagang maligo ang pamilya ng namatay hangga’t hindi pa nalilibing ang patay.
Binabawalan rin ang pagtulog sa sahig upang hindi masundan ng isa pang panibagonog kamatayan
sa pamilya. Ang mga bata naman ay hindi pwedeng makinig sa radyo. Kung may ikakasal sa
pamilya ng namatayan, dapat itong ipagpaliban sa susunod na taon upang maiwasan ang malas.

Ang damit at higaan (kung saan namatay ang tao) ng yumao ay tinatapon sa labas ng bahay
at hinahayaan itong mabulok. Kapag ilalabas na sa bahay at ihahatid na sa libingan ang patay,
kailangan dumaan sa ilalim ng kabaong ang mga miyembro ng pamilya, sinisigurong hindi
natatamaan ng ulo ng pamilya ang kabaong upang hindi magambala ang patay. Kung ang namatay
ay isang Katoliko, dinadala ito sa simbahan upang mabasbasan at maalayan ng misa. Kapag ang
patay naman ay nagpatiwakal, hindi ito tinatanggap ng Pari sa loob ng simbahan dahil itinuturing
na malaking kasalanan ang pagpapatiwakal.

Sa loob ng simbahan, binubuksan muli ang kabaong upang makita ng pamilya ang patay
sa huling pagkakataon. Ipinagbabawal ang pagpatak ng luha sa mismong mukha ng patay, dahil
pinaniniwalaan nila na mahihirapang umalis ang namatay at magdadala ito ng malas. Nagkakaroon
din ng pagkuha ng larawan ng buong pamilya kasama ng yumao. Matapos basbasan ay
ipagpapatuloy na ang prusiyon papuntang sementeryo. Ang mga taong nadadaanan ay nagdarasal
para sa patay at ang iba naman ay ginagawa ang tanda ng krus.

Pagdating sa sementeryo, bubuksan muli ang kabaong at tatanggalin ng pamilya ang mga
dekorasyon sa loob nito upang hindi mahirapan ang patay. Lahat ng nagluluksa ay nagtatapon ng
34 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
bulaklak at lupa sa kabaong habang binababa ito sa lupa bilang isang pabaon. May meryendang
hinahanda sa sementeryo at bago lumabas ay dapat dadaan muna ang mga tao sa usok na nasa gate
ng sementeryo. Ginagawa ito upang malayo sa mga sakit ang pamilya ng namatay lalo na sa mga
bata. Kung walang pagkain na binibigay ang pamilya sa sementeryo, lahat ng naghatid sa patay ay
inaasahang pumunta sa bahay ng pamilya upang makikain. Nagkakaroon ng nobena sa loob ng
siyam na araw simula sa araw ng libing. Naghahanda naman pagkain at inumin ang pamilya sa
mga dumadalo.

D.) Paghahanapbuhay

Pangingisda

“Pangingisda”
Mga Larawang kuha mula sa https://www.slideshare.com/vevina/pangingisda-ang-isa-sa-
ikinabubuhay-dito

Ito ang pangunahing trabaho ng mga nakatira sa labas ng pook o mga nakatira malapit sa
karagatan. Sa pangingisda sila umaasa para sa kanilang mga pangkabuhayan at pati na rin ang nga
karatig bayan ay dito umaasa upang may pagkakitaan.

Pagsasaka

“Pagsasaka”
Mga Larawang kuha mula sa https://www.untvweb.com/news/mga-magsasaka-sa-bansa-lumiliit-
na-ang-bilang-da-hinikayat-ang-mga-kabataan-na-kumuha-ng-kursong-agrikultura/

Bukod sa pangingisda, marami rin ang mga naghahanap buhay sa Aklan gamit ang
pagsasaka. Ito ay pangunahing pamumuhay ng mga taong nakatira sa loob ng pook.

35 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Paghahabi ng tela

“Paghahabi ng Tela”
Mga Larawang kuha mula sa https://www.valculin.com/article/kalibos-pina-village/2746

Ang paghahabi ng tela ay isa rin sa mga pangunahing trabaho ng mga Aklanon. Sa
katunayan, tinaguriang Piña Fiber Capital ng Pilipinas ang Aklan dahil ito ang pinakamalaking
producer ng piña fiber at cloth sa bansa. Isa ang Culdora Piña Cloth sa
pangunahing supplier at producer ng piña cloth sa probinsya ng Aklan. Ang Culdora Pinya Cloth
ay matatagpuan sa Brgy. Old Buswang, Bayan ng Kalibo.

Ayon sa mga magagaling na Piña cloth weaver, una ay kukunin ang piña fiber mula sa
dahon ng native na pinya o sa Red Spanish na pinya sa pamamagitan ng pagkuskus dito.
Pangalawa, kapag nakuha na ang fiber ay lalabhan muna ito para pumuti at ibibilad sa araw.
Pangatlo, kapag natuyo na ito ay susuklayin muna at ang bawat himaymay nito ay pagdudugtong
dugtungin saka mano-manong hahabiin. Panghuli, Kapagag nahabi na ang piña cloth ay
didisenyohan na ito sa pamamagitan ng pagbuburda na isinasagawa ng mano-mano o ng
kagamitang machine. Hindi lamang tela mula sa Piña ang nagagawa ng mga Aklanon at abaca.
Ayon kay Sorillo (2017) ang piña cloth ang karaniwang ginagamit para sa paggawa ng Barong
Tagalog.

Mga Produktong gawa sa Piña o Jusi

“Mga produktong gawa sa Piña o Jusi”


Mga Larawang kuha mula sa https://serc,berkeley.edu/the-queen-of-hte-philippine-fabrics-
glimpse-into-the-production-of-pina-a-pineapple-based-fiber/

36 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
4.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Ang wikang ginagamit ng mga Aklanon ay tinatawag na wikang Aklanon (ak-ea-non). Ito
ay wika ng mga katutubo ng Aklan. Ang wikang Aklanon ay kakaiba dahil hindi karaniwan ang
paggamit nito. Ang mga salitang kalimitang ginagamit ang (ea) sa mga salitang tulad ng saeamat,
maaeamig, magae-om, ay hindi mabigkas-bigkas o nahihirapang bigkasin ng mga dayuhan.
Tanging mga Aklanon lamang ang may kakayahang makapagbigkas ng maayos nito.

B.) Relihiyon

Dahil sa impluwensya ng mga Katoliko at pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, naging


Romano Katoliko na rin ang pangunahing relihiyon ng mga tao sa Aklan. Dahil marami ang
Kristiyano rito ay malaki rin ang pagpapahalaga nila sa pagdiriwang ng mga okasyon na may
kaugnay sa Kristiyanismo tulad ng Pasko at Kuwaresma.

Larawang kuha mula sa thehappytrip.com

C.) Paniniwala sa mga Aswang, Babaylan, at Mangkukulam

Ang mga Aklanon ay naniniwala pa rin sa mga aswang, babaylan at mangkukulam. Kahit
naging laganap na ang Kristiyanismo, hindi pa rin nawawala ang mga paniniwala ng mga Aklanon
sa mga bagay na ito.

Aswang

Ang aswang ay isang mitolohiyang nilalang


na, ayon kay Jobs (2019) pinaniniwalaang kumakain
ng tao at umaatake ito habang tulog ang mga tao.
Sinasabing kahawig ito ng isang bampira na
pinaniniwalaang sumisipsip ng dugo ng tao.
Nagsimula ang paniniwalang ito mula pa noong
“Aswang”
Larawang kuha mula sa pinterest.com sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
37 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Babaylan

“Babaylan”
Larawang kuha mula sa filipinawomennetwork.com

Babaylan ang tawag sa mga katutubong manggagamot at karamihan sa kanila ay


kababaihan. Sa paniniwala ng mga Pilipino, ang babaylan ay may kapangyarihang gumamot ng
kaluluwa at katawan. Noong unang panahon, ang mga babaeng babaylan ay nakakapasok sa
mundo ng mga espiritu na walang sagabal, at may malawak na kaalaman sa pagpapagaling ng mga
sakit.

Mangkukulam

“Mangkukulam”
Larawang kuha mula sa aminoapps.com

Mga taong gumagamit ng tinatawag na itim na mahika upang maminsala ng kapwa, ito ay
pinaniniwalaan ng mga Aklanon at ng maraming Pilipino.

38 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
D.) Pagdiriwang

Ati-Atihan Festival

Larawang kuha mula sa pinterest.com Larawang kuha mula sa traveltrilogy.com Larawang kuha mula sa panaynews.com

Kilala ang bayan ng Aklan sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival. Ang Ati-Atihan ay


ginaganap taon-taon sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Batan, Makatao, at Altayas. Kadalasan itong
ginagawa tuwing buwan ng Enero, pagkatapos ng selebrasyon ng pagdalaw ng tatlong hari sa
sabsaban kung saan ipinanganak si Hesus, upang magbigay pugay kay Santo Niño, at ito rin ay
nagpapaalala sa pagdating ng mga Kastila at ng relihiyong Kristiyano. Sa lahat ng pagdiriwang,
ang ginaganap sa Kalibo ang pinakamasaya, dahil dalawang linggo pa man bago magsimula ang
opisyal na pagdirirwang ng Ati-Atihan ay nagsisimula nang maglibot sa mga kalye ang mga Ati-
Ati. Habang naglilibot ay gumagawa sila ng ingay gamit ang mga latang walang laman, botelya,
at marami pang ibang kasangkapan. Kasabay ng ingay ay ang masayang pag-indak at pagsayaw
ng mga kalahok at maririnig silang sumisigaw ng “Viva kay Senyor Santo Niño!” at sinasagot
naman ito ng “Viva!”, at naririnig din ang sigaw na “Hala bira!” ng iba pang mga tao. Ang mga
lumalahok sa pista ay gumagamit ng makukulay na mga maskara, uling sa katawan at
magagandang kasuotan. Nagiging kumpleto lamang ang pagdiriwang kapag umabot at nakapasok
na sa simbahan ang mga taong nagdiriwang upang hahalikan at hahaplusin ang imahe ng Santo
Niño sa altar.

Ang pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ay ang prusisyon na sinisimulan sa ika-5 ng


hapon sa pinakahuling araw ng pagdiriwang ng Ati-Atihan. Nililibot ng mga tao ang bayan
hanggang makabalik sa simbahan. Bago umuwi ay hahalik muna sila sa imahe ng Santo Niño at
uuwing masaya at hindi dama ang pagod dahil sa kasiyahan ng pista.

Ayon kay Virgilio Almario (2015) ang salitang Ati-Atihan ay terminong may kahulugan
na “maging katulad ng isang Ati”. Pinaniniwalaan na noong ika-13 siglo, may sampung datu mula
sa Borneo ang dumating at nagkaroon ng kasunduan sa mga Ati, ang katutubong pangkat na
naninirahan dito. Ang mga Ati ay Negrito o maiitim at maililiit na mga tao. Ito ang dahilan kung
bakit nagpapahid ng uling o itim na pinta ang mga Ati-Ati tuwing sasapit ang Ati-Atihan. Ayon sa
kuwento, binili ng mga Datu ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang
hiyas. Magmula noon, sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababa sila kapag humihingi ng
tulong sa mga datu at bilang pasasalamat, sila ay kumakanta at sumasayaw. Namuhay ng tahimik

39 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ang mga Ati kasama ng mga Datu mula sa Borneo at upang ipagdiwang ang kanilang pagsasama
ay nagkaroon ng selebrayon na ngayon ay ang Ati-Atihan.

Maraming bersyon ang kuwento ng pinagmulan ng mga Ati at ng pagdiriwang ng Ati-


Atihan. Ayon sa sinulat na ulat ni Roman de la Cruz, 1963, sa (The Aklan Report), matagal ng
naninirahan ang mga tribo ng Ati sa Aklan bago pa man dumating ang panahon ng mga Kastila.
Dahil sila ay nagsawa na sa mga alitan at patayan ng bawat tribo ay naisipan at napagkasunduan
nilang itigil na ito at mamuhay na nang tahimik. Upang ipagdiwang ang kasunduan, nagkaroon ng
selebrasyon at kasayahan ang mga Ati. Dahil dito, taun-taon nang ipinagdiriwang ang selebrasyon.
Nang dumating ang mga Kastila, nagkataon na kasabay ng pagdiriwang ng mga Ati ng kanilang
kasunduan ay ang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño kaya nagkaroon ito ng banal na kahulugan.

E.) Turismo

Sikat at malakas sa mga turista ang bayan ng


Aklan dahil sa mga magagandang tanawin na
matatagpuan dito. Maraming mga magagandang bundok,
mga matatandang gusali, karagatan, at marami pang iba
na dinadagsa, hindi lamang ng mga Pilipino kundi
“Ang Boracay”
maging ang mga banyaga. Isa na rito ang Boracay Beach Larawang kuha mula sa guidetothephilippines.ph

na sikat na sikat lalo na tuwing nagbabakasyon ang mga tao. Kilala ito para sa mga dalampasigang
puti ang buhangin.

F.) Kasuotan

Ang mga Aklanon ay kilala sa kanilang piña cloth, ang kanila ring kilalang kasuotan ay
ang mga tradisyunal damit ng Pilipinas, ang Barong at Filipiniana na gawa sa telang hinabi mula
sa pinya. Ilan sa mga damit na ito ay matatagpuan sa Museo it Akean, na ayon kay Canlas (2019)
dito saan matatagpuan ang mga mahahalagang alaala ng mga Aklanon, sa Kalibo.

“Filipiniana”
Larawang kuha mula sa
https://www.textiletoday.com.bd/cl “Filipiniana”
“Barong Tagalog”
othing-made-pineapple-fiber/ Larawang kuha mula sa
Larawang kuha mula sa
https://www.philexportaklan.com/ https://www.tripadvisor.com/Attraction_
product/barong-tagalog/ Review-g666386-d1583318-Reviews-
Museo_it_Akean-
Kalibo_Aklan_Province_Panay_Island_
Visayas.html/

40 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
G.) Mga Pagkain

Isa sa mga tradisyunal at pinakapaboritong pagkain ng mga Aklanon ay ang Inubarang


Manok.

“Inubarang Manok”
Larawang kuha mula sa thefatkinside.com

Isa itong putahe na kung saan hinahaluan ng gata ng niyog at ubod ng saging ang karne ng
manok. Ito ay pagkaing ipinagmamalaki ng Aklan, kahit na hindi ito tampok sa mga restawran, ito
naman ang isa sa mga pagkaing kinagigiliwan at tradisyunal na inihahanda ng mga Aklanon. Hindi
maitatangi ng mga turistang nakakatikim nito ang sarap ng Inubarang manok na akmang-akma ng
mga Aklanon.

Isa rin sa kanilang tradisyunal na pagkain ay ang Binakol.

“Mga Sangkap na gagamitin para sa paggawa ng Binakol” “Binakol”


Larawang kuha mula sa cookpad.com Larawang kuha mula sa facebook.com

Maraming tao mula sa ibang bayan sa Visayas o sa buong Pilipinas ang naghahanda ng
binakol, ngunit nagsimula ang putaheng ito sa probinsya ng Aklan. Isa itong putahe na tradisyunal
na niluluto sa loob ng isang kawayan o sa loob ng niyog. Sinasabing maihahambing ang binakol
sa tinola at ginataang manok ngunit ang binakol ay hindi ginagamitan ng gata ng niyog.

Marami pang mga tradisyunal at iba’t-ibang pagkain ang mga tao sa Aklan. Hindi man
kilala bilang pagkaing pangrehiyon ang mga putaheng Aklanon, parte pa rin ito ng magandang
kultura ng Aklan sa Visayas.

41 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
5. ANG MGA WARAY AT ANG PISTA NG PINTADOS

5.1 KASAYSAYAN

Ang Waray ay isang pangkat


etniko sa Pilipinas na karamihan sa mga
ito ay naninirahan sa Rehiyon VIII-
Silangang Bisaya na kinabibilangan ng
anim na lalawigan, ito ay ang Leyte,
Kanlurang Samar, Silangang Samar,
Hilagang Samar, Timog Leyte, at
“Ang Unang Misa”
Larawang kuha mula sa mb.com.ph
Biliran. Ang rehiyon ay napapaligiran ng
tubig at bukod pa rito, ito rin ay mabundok at may malalim na lambak at dalampasigan. Ang Leyte
ay mabundok samantalang ang Samar ay maburol at walang kapatagan. Mayroon itong maalong
dalampasigan dahil nga alam naman natin na ang rehiyong ito ay napapalibutan ng karagatan.
Walang takdang panahon para sa tag-init o tag-ulan na siyang nagsisilbing balakid sa pag-unlad
ng rehiyon. Madalas dalawin ng bagyo ang rehiyon dahil sinasabing ito ay nasa “typhoon belt”.
Ang rehiyon ay napapalibutan ng karagatan at bukod pa rito ang rehiyon ay malapit sa Karagatang
Pasipiko na kung saan madalas nabubuo ang bagyo at kadalasan sa rehiyon ng kabisayaan
dumadaan o tumatama ang mga bagyo na siyang dahilan kung bakit taon-taon itong nasasalanta.

Ang “Waray” ay tumutukoy sa mga tao at wika ng Leyte at Samar. Ang ibig sabihin ng
“Waray” ay “wala”. Kung paano ito naging pangalan para sa wika, wala nang may alam ngayon
(Ramos, 1971). Mas kinilala ang wikang ito sa pangalan na “Lineyte-Samarnon” o “Binisaya”
noon. Ang mga isla sa Silangang Visayas ay mga “natural harbors” para sa mga naunang
“seafarers”.

Ang pangkat ng Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon, at Masbate Sorsogon.


Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga
diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo. Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay
tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang wikang sinasalita. Gayunpaman,
nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstruksyon ng pangungusap. Dahil doon,
ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang
dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga
probinsiyang ito.

Noong Marso 16, 1521, si Ferdinand Magellan ay nakarating sa Pilipinas (sa Homonhon -
isang isla sa Samar). Makalipas ng dalawang linggo, ang kasikasi o sanduguan ni Magellan at ang
Hari ng Limasawa na si Rajah Kolambu ay naganap. Dalawang araw pagkatapos nito, ang pinaka-
unang misa sa Pilipinas ay nairaos. Makalipas ang labing pitong taon, nakarating sa Leyte ang

42 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ekspedisyon ni Ruy Lopez de Villalobos. Siya ang nagbigay ng pangalang, “Las Yslas Felipinas”
sa islang Samar at Leyte, dating “Tandaya”, sa karangalan ni Don Felipe ng Espanya.

Sa katapusan ng Abril, ang isang insidente sa


Mactan ay nagpakita ng pinakaunang paglalaban sa
dayuhang mananakop. Itong pag-aalsa sa bayan ng
Mactan ay isang tagumpay para sa mga Pilipino noon,
lalong lalo na ang pagkakapatay ni Magellan.
Pagkatapos ng okupasyon ng mga Kastila, dumating
ang mga Amerikano. Si Heneral Vicente Lukban ang
ang pinuno ng paghihimagsik at inatake nila ang
garison ng mga Amerikano at ito ay mamayang
tinawag na “Balangiga Massacre”. Sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), nilusob ng
mga Hapon ang mga Pilipino habang ito ay sinasakop
ng mga Amerikano. Ang pinuno ng hukbo sa panahon
na iyon ay ang pinuno na si Heneral Douglas
“Monumento ni Lapu-lapu”
Larawang kuha mula sa pinterest.com MacArthur. Napilitan siyang lumikas dahil
kinailangan niyang pamunuan ang ibang laban sa ibang lugar. Bago umalis si Heneral Douglas
MacArthur ng Pilipinas, siya ay nagsabi ng kanyang kilalang mga salita na, “I shall return.”. Nang
bumalik si Heneral MacArthur, nakipaglaban siya kasama ang mga guerilla sa Leyte at tuluyan
nang napatalsik ang mga Hapones.

5.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Panliligaw at Pag-aasawa

Ang panliligaw sa Waray ay tinatawag na


“panguyab” galing sa salitang- ugat na “uyab” na
nangangahulugang “boyfriend/girlfriend/sweetheart”.
Isa pang katawagan dito ay ang pang-unswelo.
Ginagawa ang panliligaw para malaman kung
maganda ba ang intensyon ng lalaki sa babae.
Kailangan ng lalaki bumisita nang pormal sa bahay ng
babae at magpakilala sa pamilya at mga kamag-anak “Panliligaw”
Larawang kuha mula sa ffemagazine.com
nito.

43 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Kung ito naman ay umabot sa planong kasalan, kinakailangan naman ng lalaki na humingi
ng basbas mula sa kanyang mga magulang. Ang tawag dito ay Pasabot. Dito na rin pupunta sa
bahay ng babae ang pamilya ng lalaki at mayroon silang kasamang tagapagsalita na tinatawag na
tagumbaba sa Alang-alang, Leyte. Ang pamilya ng babae ay may karapatang hindi papasukin ang
pamilya ng lalaki kung hindi nila ito magustuhan. Kinakailangan na ang pamilya ng lalaki ang
magdadala ng pagkain at kagamitang pagkain na sumisimbolo ng kakayahan ng lalaki na mag-
alaga at magsikap para sa babae. Dowry din ang tawag sa alay na ibibigay ng pamilya ng lalaki sa
pamilya ng babae. Pamalaye naman ang tawag sa sunod na hakbang kung saan pupunta ulit ang
pamilya ng lalaki sa bahay ng babae at pag-uusapan ang preparasyon sa kasal.

Sa lalawigan ng Bubon, Northern Samar, ang pamilya ng lalaki ang maghahanda sa


sayawan o “social dance event” na tinatawag namang “sada-sada”. Ang tradisyong sayaw nilang
“kuratsa” ay ginagawa ng mga panauhin. “Gala” naman ang tawag sa pagtapon ng pera sa isang
panyo na nasa lupa. At sa huli, ang “paado” naman ang tawag sa sayaw ng babae at ng lalaki.

B.) Pagbubuntis At Panganganak

Habang nagbubuntis pa lamang ang


isang ina may tinatawag ang mga Waray na
pangipa o paglilihi, ito ay pananabik na
kumain ng alinmang gugustuhin. May
katutubong anting-anting din ang mga waray
na tinatawag na luno han halas na siyang
ipinapahid sa manganganak upang mas
“Pagbubuntis”
Larawang kuha mula sa smartparenting.com.ph mapadali ang kaniyang panganganak. Ayon
kay Andy Razel Clemente, isang dating mamamayan sa lugar ng mga Waray sa Samar. May
kaugalian ang mga Waray sa panganganak na kapag matapos manganak ng isang ina ay dapat
hindi ito maligo ng dalawang linggo sapagkat siya ay bagong panganak pa lamang at baka mabinat
ito at mauwi pa sa pagkasawi.

C.) Kamatayan at Paglilibing

Isa paniniwala ng mga Waray tungkol sa


kamatayan ay ang kaluluwa ng namatay ay nag-aalangan
pang lumiban sa mundong ibabaw. May mga ritwal silang
ginagawa o pag-aalay ng panalangin sa mga namatay.
Tinatawag ito na novena, isang kaugalian ng mga Waray
na siyang debosyon din ng mga Katoliko. Ito ay siyam na “Nakasinding Kandila”
Larawang kuha mula sa bogieswonderland.com

44 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
sunod-sunod na araw ng sama-samang pananalangin. May tinatawag silang tapos han linusaran
(nine days after death), tapos han ika-kwarenta (40 days after death), tapos han ika-siyam (nine
years death anniversary), na ang ibig sabihin ng tapos ay ika-siyam at ika-kwarentang araw. May
tinatawag din silang salitang tagmo na ang ibig sabihin ay paglisan ng kaluluwa sa mundo at pasulit
na ang kahulugan ay anibersaryo ng pagkamatay ng isang taong pumanaw na.

Kultura na ng mga Waray na sa mismong araw ng


pagpanaw ng isang tao ay may ginagawa silang panalangin
dito. Ito ay panalangin sa novena na nagsisimula sa
ikalawang araw hanggang sa makaabot sa tapos. May mga
kaugalian rin sila sa paglipat ng kabaong patungong
simbahan at libingan. Unang lumalabas ang miyembro ng
pamilya bago ang kabaong at sa pagposisyon ng kabaong,
“Burol”
Larawang kuha mula sa buhayofw.com sa paanang parte nito ang nauuna at hindi ang ulo. May
ginagawa rin silang mga kaugalian, ito ay ang pagdaan ng mga anak sa ilalim ng
kabaong ng kanilang magulang na tinatawag na suhot at ang mga sanggol ay pinaparaan sa
ibabaw ng kabaong na ang tawag ay lakbay ginagawa ito upang mawala ang kanilang takot sa
namatay. Pagkatapos ng libing bago sila pumasok sa kanilang bahay ay huhugasan muna nila ang
kanilang mga kamay ng inihandang tubig sa palanggana na may dahon ng kalamansi o mga
kalamansi mismo. Ang kalamansi ay maasim kung kaya ito ang ginagamit upang mawala o maalis
ang mga negatibong elemento katulad ng sakit, kamalasan, kapahamakan, at kamatayan.

D.) Paghahanapbuhay

Binibigyang-diin ng mga Waray ang mga seremonya, ritwal at mga pista na parte ng siklo
ng kanilang pamumuhay. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Waray ay pangingisda at
pagsasaka. Sa kasalukuyan ay mayroon na ring pangangalakal ng tabako, torso, ceramics, at
yantok sa lugar ng mga Waray.

Pangingisda

Ang mga Waray ay gumagawa na ng mga bangka dahil sila ay nakatira sa mga matubig na
lugar at para sa pagtransportasyon at pangangalakal.

“Pangingisda”
Larawang kuha mula sa philstar.com

45 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pag-uma

Nagsasaka rin sila ng mga palay, kanin, camote, gabi,


ube, apari, talayan, casava, saging, at lubi. Pero ang
pinakanakakaiba sa kanila ay ang paggamit ng pahoy na
gawa sa kawayan at kahoy.

“Pag-uma”
Larawang kuha mula sa scribd.com

Pag-lara

Sila rin ay naghahabi. Ito ay ginagawa nila sa


tikog. Ang paghahabi ay trabaho at isa sa mga paraan nila
na magkakasama.

“Pag-lara”
Larawang kuha mula sa gerryruiz.wordpress.com

Animistikong Paniniwala sa Pagtatanim o Hanapbuhay

Isa sa mga paniniwala ng mga Waray na ang kapaligiran ay mayroong puwersang hindi
materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniyang o angking
kaluluwa ang mga bagay-bagay na siyang tinatawag din na animismo. Naniniwala silang ang mga
bagay sa kapaligiran ay may sarili ring kaluluwa kaya’t nirerespeto nila ang mga bagay na kanilang
makikita. Halimbawa na lamang ang mga halaman, ayon sa isang mamamayan doon sa Samar na
si Carmina Candidatu, may mga ritwal din daw ang mga Waray na dapat talagang gawin upang
magkaroon ng masaganang ani ang kanilang mga pananim. May ginagawa rin ang mga
magsasakang Waray upang mas maging mataba ang kanilang mga pananim. Ito ay ang
malawakang pagputol at pagsunog ng mga punongkahoy sa kagubatan na tinatawag nilang
kaingin. Ang pagpugas ay isang ritwal ng mga magsasakang Waray sa pagtatanim ng palay. May
tinatawag din silang paglawi, ito ay isang pag-aalay ng manok o lawihan sa mga ispirito upang
magkaroon ng masaganang ani. Ang Rehiyon VIII na tinitirhan ng karamihan ng mga Waray ay
napapalibutan ng karagatan. Kaya isa ang pangingisda sa kanilang ikinabubuhay roon. Ayon kay
Arens (1956), ang mga Waray ay may ginagawang seremonya sa tuwing sasapit ang kabilugan ng
buwan. Sila ay nag-aalay ng pagkain na kung tawagin nila ay buhat. May ginagawa rin silang mga
seremonya na ginagawa bago magtanim at mag-ani ng mga produkto na tinatawag nilang paglihi.

46 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Tabo

Ito ay isang palengke para sa mga


Waray. Dito sila nangangalakal at nagtitinda ng
kanilang mga produkto.

“Tabo”
Larawang kuha mula sa gerryruiz.wordpress.com

E.) Katawagang Pang-angkan

Sa Waray, katulad lamang sa wikang Filipino, ang anak ay tumumutukoy sa bata. Ang
lalaking anak ay tinatawag na anak nga lalaki (anak na lalaki) o anak nga babaye (anak na babae).
Ang mas pinakamalapit na katawagan sa lalaking anak ay intoy o indoy at iday o inday naman sa
anak na babae. Ang nag-iisang anak naman ay tinatawag na bugtong. Kag-anak ay tumutukoy sa
mga magulang. Iroy ang tawag sa ina at amay naman sa ama. Ang magkakapatid ay tinatawag na
bugto o kabugtuan. Ang panganay na anak ay tinatawag na suhag at pudo naman sa pinakabunso.
Apoy naman ang tawag sa lolo at lola.

5.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Lineyte Samarnon o Binisaya ang pormal na pangalan ayon sa Konseho para sa Wikang
Bisaya. Sinasalita ito sa buong Samar, San Vicente at San Antonio sa Northern Samar; at, Almagro
at Santo Niño sa Western Samar kung saan sinasalita ang Cebuano. Ang wikang mayroong halos
4,000,000 katutubong nagsasalita. Kilala rin ito sa mga katawagang, Waray, Winaray, Lineyte-
Samarnon, Binisaya nga Sinamar-Leytenhon o pagkakaiba-iba ng mga pangalang "Waray",
"Leyte", "Samar" at "Visayan.

Mga Salitang Waray

Damo nga salamat- Maraming Salamat Mahusay ngan gwapo -Maganda o gwapo

Hini-higugma ta ikaw- Mahal Kita

Sige, pag hinay- hinay na la- Sige po, ingat.

Maupay nga aga- Magandang umaga

Tag-pira ini?- Magkano po?

47 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
B.) Relihiyon

Ayon sa isang datos, ang Rehiyon VIII ay tinatawag na luklukan ng kasaysayan. Ito ay
dahil sa makasaysayang pangyayari na naganap sa rehiyon ng Silangang Visayas gaya na lamang
ng unang misa sa Pilipinas na naganap sa isla ng Limasawa. Ayon sa inisyal na pananaliksik na
isinapubliko ng Joshua Project (2019), 85% ng mga Waray ay mga Katoliko. Ang mga Waray ay
napakarelihiyosong tao dahil nga sa kapuluan ng kabisayaan unang naipalaganap ang
Kristyanismo noong panahon pa ng mga Kastila dito sa Pilipinas. May ibang mga Waray rin naiba
ang relihiyon ngunit magkapareho lang din naman ng mga pinaniniwalaan. May mga tradisyon
silang ginagawa tuwing sasapit ang buwan ng Enero ika-siyam na araw na kung saan may
nagaganap na translasyon ng Poong Nazareno at isa sa kanilang ritwal sa tuwing sasapit ito ay
magkakaroon sila ng panalangin o novena para sa Hesus Nazareno.

C.) Paniniwala sa mga Aswang at Mahika

Katulad ng mga tao sa ibang bansa,


ang mga sinaunang Pilipino ay may mga
paniniwala hinggil sa kanilang mga diyos, at
mga pamahiin na karaniwan nang gabay sa
kanilang pamumuhay. Isa rin sa mga
pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino ay
ang mga tinatawag nating mythical creature
sa Ingles. Ang mga Waray ay may mga
paniniwala rin tungkol sa mga kakaibang
nilalang, katulad ng Aswang. Ayon kay Andy
Razel Clemente, ang aswang ay
“Aswang”
Larawang kuha mula sa pinterest.com maihahalintulad sa manananggal dahil ito ay
lumilipad at kumakain ng laman loob. Ayon sa kaniya, sikat itong mga kwento noon na siyang
naipapasa sa mga kabataan. Bawal sa kanilang lumabas kapag gabi na, dahil naniniwala silang
may mga aswang na umaaligid sa paligid at kapag na tyempohan ka nito ay talagang magiging
ulam ka. Mayroon din silang paniniwala na ang mga aswang ay nagnanakaw ng mga patay at
pinapalitan ito nang puno ng saging ngunit kung titingnan ng lahat ay kamukha nang namatay pero
kapag inilabas ang kabaong sa bintana ay magbabago ang anyo nito at magiging puno ng saging.
May mga paniniwala rin ang mga Waray tungkol sa mahika. Ito ay isang hindi pang karaniwang
kapangyarihan na nagdudulot ng mga agimat at iba pang mga bagay na pinaniniwalaan ng iba na
magbibigay sayo ng kapangyarihan o mahika. Ayon kay Villegas (1968), may apat na klase ng
mga taong gumagamit ng itim na mahika; boyagan, barangan, ban-okan, at hilo-an. Ang boyogan
ay sinasabing taong "kulay itim ang dulo ng dila". Ang kanyang dila ay makamandag na kahit

48 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
anumang papuri o paninisi ang kanyang sambitin sa isang tao ay nagkakasakit. Ang kanyang mga
sumpa ay pinapaniwalaang nakamamatay. Barangan naman tawag sa taong maaaring magdala ng
panganib sa kahit na kanino sa pamamagitan lamang nang paghipo o paghawak nito sa mga bagay
na may kinalaman sa taong nais niyang saktan o wasakin na maaaring ikamatay ng biktima. Ang
ban-okan naman ay taong naglalagay ng putik sa sistemang panunaw ng kanyang bibiktimahin na
magiging sanhi ng pagtatae at pagkamatay. Ang hilo-an naman ay may kapangyarihang lasunin
ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit nagiging mas maingat
ang mga Waray sa tuwing sasama sila sa mga pista sa kadahilanang madali silang lasunin ng hilo-
an.

D.) Paniniwala sa mga Kalag, Alagad, o Multo

Noon pa mang sinaunang panahon ay naniniwala na ang mga Waray sa mga sumusunod:

1.) Kalag - maaaring humiwalay sa katawan sa tuwing nananaginip o


binabangungot, may malubhang sakit, o tinangay ng mga engkanto dahil sa
pagkainggit o pagkahumaling nito sa tao (Scott ,1994).
2.) Umalagad - kaluluwa ng mga ninuno na itinuturing na mga tagabantay at
kasama.
3.) Multo - kaluluwang pinaniniwalaang namatay dulot ng trahedya o sinadyang
pagpaslang sa isang tao
4.) Aghoy - mula sa salitang panaghoy na ang ibig sabihin ay pagsipol. Ang
pagsipol ay hindi ginagawa sa gabi dahil sa mga aghoy nanagdudulot ng
kapahamakan sa sino mang tinugunan din nilang sipol dahil sa pagsipol niya sa
gabi.
5.) Malakat - may anyo nitong tao ay nagbabago sa tuwing siya ay aatake at
pinapatay ang isang tao upang kainin ang laman nito
6.) Onglo at Uglo - mabalahibong higanteng engkanto na lumalapit sa mga tao at
naglalakad mag-isa sa gabi. Isang engkantong nananinirahan malapit sa tubig.
7.) Sigbin - inilalarawan na mayroong pinaghalong katangian ng aso, kambing, at
kangaroo na sinasabing sumisipsip ng dugo mula sa kanilang biktima.
8.) Kahoynon - engkantong naninirahan sa kagubatan o sa mga punong taong
kinaibigan ng kahoynon ay nawawala sa katinuan at kung siya ay sasama sa
kahoynon ay nawawalan siya ng malay at pinaniniwalaang nasa engkantadong
dimensyon na ang taong ito.
9.) Tubignon - engkantong nakatira sa mga anyong tubig.

49 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
E.) Mga Taboo o Bawal

Bawat pangkat etniko ay may mga bawal na dapat sundin o di kaya’y nasa tao na iyon kung
susunod sila o hindi. Kapag may patay, ipinagbabawal sa mga Waray ang pagligo ng kapamilya
ng namatay sa mga araw ng lamay dahil nga puyat at bawal talagang maligo baka magkasakit pa
ito, ngunit ang sabi naman ng iba ay malas daw kapag naligo habang may patay. Bawal din daw
ang pagwawalis sa sahig at dapat itapon ang nalusaw na kandila bago palitang ng panibagong
kandila. Isa rin sa kanilang mga taboo ay ang paggupit ng kuko kapag gabi dahil malas daw.

F.) Mga Sayaw

Ang katutubong sayaw naman nila ay ang Kuratsa o Curacha. Ito ay sinasayaw ng isang
babae at isang lalaki. Kapag sinasayaw ito, kailangan isang pares muna ang sasayaw. Ang ideya
ng sayaw na ito ay parang hinahabol ng lalaki ang isang babae. Ang Tinikling, isa sa mga popular
at kilala na sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas. Hango ang pangalan
ng tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at
malalambot ang balahibo. Tinutularan ng mga mananayaw ng tinikling ang tikling sa yumi at bilis
nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan.
Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

“Tinikling” “Kuratsa”
Larawang kuha mula sa gt.activity Larawang kuha mula sa kalooban.com

G.) Musika

Ang mga Waray-waray ay


mapagmahal sa musika, madalas ang kanilang
awitin ay ballad, pinakatanyag dito ay ang
Dandansoy at ang Iroy nga Tuna na isang
awiting makabayan. Ang katutubong awit ng
mga Waray ay Lubi-lubi. Ang lubi-lubi ay
isang halaman Solanum nigrum (black
nightshade). Tinatawag itong kamkamatisan
“Awiting Lubi-Lubi”
Larawang kuha mula sa
o gamagamatisan sa Tagalog. https://i.ytimg.com/vi/Z4UToKqUD9M/maxresdefault.jpg

50 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
H.) Mga Pagkain

Pang-araw-araw

“Mga Pang-araw-araw na Pagkain”


Larawang kuha mula sa pinterest.com

Karaniwan sa pagkaing Waray ay binubuo ng kan-on (rice), sura (maprotinang ulam)


halimbawa isda o karne, utan (gulay) tulad ng ganas (kamoteng-kahoy) o hindi naman kaya ay
lawot-lawot (mga pinaghalong gulay). Habang hinog nga saging o ripe banana naman ang
kanilang tipikal na panghimagas.

Pangpista

“Mga Pangpistang Pagkain”


Mga Larawang kuha mula sa pinterest.com

Katulad ng ibang pamantayan sa pistang Pilipino, ang piging ng mga Waray ay binubuo
ng pansit, beef kaldereta at rugo-dugo (dinuguan). Habang humba naman ang pinakakilalang
paborito ng mga Waray. Ito ay regular sa mga pista o kahit anumang okasyon. Hindi naman
kumpleto ang pista kung walang litson (lechon). Kilala naman ang Tanauan, Leyte na may
pinakamasarap na lechon sa Leyte.

Panghimagas/Minatamis

Ang matamis ay "matam-is" sa wikang Waray. Nagkakaiba-iba ang mga sangkap na mula
sa buko, kanin, mani hanggang sa mga kamote, kamoteng-kahoy, gabi at saging. Mayroon rin

51 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
silang pinakaespesyal na sangkap katulad ng aluro (sago). Kilala ring minatamis sa lugar ang keso,
sweet corn, at pinalamig na buko salad.

“Mga Panghimagas/Minatamis na Pagkain”


Mga Larawang kuha mula sa pinterest.com

I.) Kasuotan

Sa tahanan, ang mga batang wala


pang sampung taong gulang ay nakahubad
lamang at kung may darating na bisita, ang
mga batang babae ay maayos na tinatakpan
ng tela ang kanilang katawan at ang mga
batang lalaki suot lamang ang bahag (Alcina
in Kobak 1969:34.) Magsusuot lamang ng
bahag ang mga kalalakihan kung lalabas ng
bahay o magtatrabaho sa bukid. “Tradisyonal na Kasuotan ng mga Waray”
Larawang kuha mula sa culture.blogspot.com

Nagsusuot rin ng palamuti sa ulo (headdress or turban) ang mga kalalakihan na tinatawag
na pudong. Sinusuot ng mga karaniwang kalalakihan ang pudong-pudong na yari sa tela ng abaca
at isinusuot kagaya ng headband. Ang magalong naman na kulay pulang pudong ay isinusuot ng
mga matatapang na mandirigmang nakapatay ng kalaban.

Ang mga sinaunang Waray ay nagsusuot ng ginto. Kapwa


lalaki at babae ay may tatlong butas sa kanilang mga tenga na
pagsasabitan ng mga panicas o pamarang na gawa sa ginto. Ang
mga ordinaryong babae ay nagsusuot lamang ng maikling mga
saya na yari sa abaca. Samantalang ang mga mayayamang
namumuno at piling mga tao ay suot-suot ang telang lino na may
kinulayang hibla ng seda at bulak.

Ang tattoo naman ay nagsisilbing marka ng kagitingan ng


mga lalaki sa pakikidigma at nagsisilbing tropeyo sa mga nasabak

“Lalaking may Tatoo”


niyang digmaan. Sa mga batang lalaki ito ay palatandaan ng
Larawang kuha mula sa scribd.com
kanilang paglaki at sumisimbolo sa katapangan at estado sa
lipunan. Habang ang mga babae ay karaniwang nasa kanilang mga kamay at pulsohan.

52 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
J.) Mga Tanawin

Leyte Landing

Dito unang binigkas ang mga katagang, “I


shall return” ni General Douglas MacArthur.

Tulay San Juanico

Ito ang pinakamahabang tulay sa Timog-


Asya na siyang dumudugtong sa dalawang lugar
mula Samar papuntang Leyte.

Isla Homonhon

Dito unang tumapak ang mga Kastila sa


Pilipinas.
Mula sa itaas, Leyte Landing, San Juanico Bridge,
at Isla ng Homonon
Mga Larawang kuha mula sa
tripadviser.com;
thephilippines.com;
K.) Mga Pagdiriwang at homononisland.yolasite.com

Katulad ng karamihan sa mga Pilipino, mahilig sa pista ang mga Waray. Ang pista ay isang
selebrasyon ng pananampalataya at komunal na pagkakakilanlan. Bilang marami ang Katoliko sa
Waray, ipinagdiriwang ang pista bilang alay sa santong patron na siyang nagbibigay proteksyon,
gabay at biyaya. Sa katagang Waray, Patron ang tawag sa pista. Pagsaurog naman para sa
pariralang "na ipagdiwang". Ipinagdiriwang ito ng bawat baranggay o sabdibisyon nang may
kaakibat na pag-ampo (prayer) at sinusundan ng pasundayag o pagtatanghal.

Lubi-Lubi Festival

Ito ay isang pagdiriwang kung saan makikita ang


paggamit ng coconut shells at kung gaano ito kahalaga.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto sa
Calubian, Leyte. Ginagamit nila ang coconut shells
kasama ng kanilang kasuotan habang sumasayaw.
Nagbibigay din ng respeto ang pagdiriwang na ito para

“Luibi-lubi Festival”
sa kanilang mga santo na sina Our Lady of Fatima at
Larawang kuha mula sa traveltothephilippines.info
San Roque.

53 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pintados Festival

Ito ay isang masayang pagdiriwang kung saan pinapaalala ang kasaysayan noong mga
katutubong Leytenos sa kanilang pakikipagdigma, relihiyon at marami pang iba. Ito ay
ipinagdiriwang sa ika-29 ng Hunyo. Ang nakakatuwa dito ay iyong mga sumasayaw na may pinta
sa kanilang mukha hanggang paa. Pinapakita din sa pagdiriwang na ito ang “custom of tattoing”.
Ito rin ang kaarawan para magbigay respeto para sa ating Señor Santo Niño.

Kasaysayan
Noong taong 1668, dumating ang mga
Espanyol sa isla ng Visayas at doon ay kanilang
nadiskubre at natagpuan ang mga babae't lalaki na
puno ng tatu ang mga katawan, na tinawag nilang
Pintados. Matalas na bakal ang gamit ng mga pintados
na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang naturang
pagtatatu. Ang mga Pintados ay may sariling kultura,
mayaman sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga
diyos tuwing masagana ang ani. Taong 1888, dinala
ng mga misyonaryo ang imahe ng batang Jesus na sa
Pilipinas ay kilala bilang El Capitan. Maganda ang
pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at
pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño.
Taong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. “Pintados”
Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org
ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban.
Sinimulan nitong mag-organisa ng iba't ibang mga aktibidad para sa pista ng lungsod na alay o
parangal kay Señor Santo Niño. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados na unang ipinagdiwang
noong ika-29 ng Hunyo taong 1987. Ngayon ay tinatatawag itong Pista Pintados-Kasadyaan na
tinaguriang “Festival of Festivals” (Hufana et al, 2018, pp. 138-139).

Ang Pintados

Ang pangalang Pintados ay mula sa mga katutubong mandirigmang puno ng tatu ang mga
katawan. Sinisimbolo ng tatu ang tapang, ganda, at estado sa buhay nang mga panahong iyon. Ang
mga mas matatapang na mandirigma ay mas madaming tatu, na halos puno na ang buong katawan.
Kakaiba sa paningin ng mga banyaga, itinuring na nakakatakot at barbaro ng mga Kastila ang
Pintados. Pero sa panahong naintindihan nila ang kahulugan ng mga tatu, nakita nila ito bilang
tanda ng ganda at halaga sa buhay ng mga pintados. Dahil hindi pa masyadong maingat ang
pagtatatu noon, ang proseso ay masakit at maaaring magdulot ng impeksyon. Itinuturing na
54 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
malakas at matapang ang sino mang humarap sa panganib ng pagtatatu at nabuhay. Bilang bahagi
ng kanilang kultura, kailangan munang mapagtagumpayan ang ilang mga labanan bago matatuan
ang sinumang susubok (Hufana et al, 2018, pp. 139).

Ang Pista ng Pintados

Ang Pista ng Pintados o tinatawag


ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang
masayang pagdiriwang na tumatagal ng
isang buwan, kung kailan din ginaganap ang
"Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang
"Pintados Festival Ritual Dance
Presentation" at ang "Pagrayhak Grand
“Mga Mananayaw Pintados Festival”
Parade". Ang mga pagdiriwang na ito ay Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org

sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ipinagdiriwang ng mga
taga-Leyte ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga
Bisaya sa pagtatatu, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtatu sa kanilang sarili. Sa pagdiriwang
ng Pista ng Pintados, ay naipapakita ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Sa kabilang banda, ang "Leyte Kasadyaan
Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan
ng probinsiya ng Leyte. Ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996 na
pinasimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla. Ang mga pista ay hindi laging
ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang
petsa. Noong taong 1999, ito ay opisyal na itinakda sa araw ng 29 tuwing buwan ng Hunyo, ang
Pista ni Señor Santo Niño de Leyte. Ang salitang Kasadyaan ay nangangahulugang katuwaan at
kasiyahan sa dayalektong Bisaya. Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama
sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng mga
drama at sayaw ang itinatanghal at nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga
pistang ito, iyon ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at pahalagahan ang
kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya na kanilang ibabahagi sa
pista na tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat (Hufana et al, 2018, pp. 139).

Ang Pagdiriwang

Inaalala ang kasaysayan ng Leyte bago pa man dumating ang mga Kastila, mula sa mga
labanan, epiko at mga katutubong relihiyon sa tuwing gaganapin ang kapistahan. Ang pinaka-
inaabangan sa pista ay ang mga mananayaw na pintado mula ulo hanggang paa ng mga disenyong

55 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
mukhang armor upang gayahin ang
mga sinaunang mandirigmang puno ng
tatu ang katawan. Ang mga
mananayaw ay pumaparada sa mga
kalsada ng lungsod ng Tacloban. Sa
unang tingin, maaaring nakagugulat

Mga Larawang Kuha mula sa dailyguardian.com.ph


para sa iba na ang mga lalaking
mananayaw ay nilalagyan ng mga
“Mga Mananayaw sa Pintados Festival”
Larawang kuha mula sa http://mybeautifuliloilo.blogspot.com palamuting may matitingkad at
luminosong kulay na asul at berde. Pero habang tumatagal sa panonood ng kanilang presentasyon,
makikita na ang mga sayaw ay naglalarawan ng isang sulyap sa kasaysayan ng mga taong
nanirahan sa mga isla ng Leyte noong unang panahon. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga
katutubong sayaw sa pista, ay naipapakita ang maraming tradisyon bago pa man dumating ang
mga Espanyol. Ang ilan sa mga tradisyong ipinapakita sa pista ay ang pagsamba sa iba't ibang
diyos, katutubong musika, at mga kuwentong epiko. May kabi-kabilang parada ring nagaganap sa
lungsod ng Tacloban. Sinisimulan ang parada sa Balayuan Towers patungo sa iba't ibang lugar sa
lungsod. Ang ilang sumasama sa parada ay sumusunod pa sa mga mananayaw simula umpisa
hanggang sa matapos ang parada. Nagtatapos ang pista sa masayang pagsasalo-salo, tulad ng ibang
nakagawian o tradisyonal na kaugalian (Gonzales, n.d.).

56 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
6. ILANG TRIBU SA VISAYAS: TRIBUNG SULOD

6.1 KASAYSAYAN

Ang Tribung Sulod o kilala din sa


tawag na Panay-Bukidnon, Tumandok, Buki,
Bukidnon, Mondo, Mundo, Putian o
Panayanon Sulad ay mga pangkat ng tao na
katutubong Bisaya na naninirahan sa bundok
ng sa Sentrong Panay; Tapaz, Capiz;
Lambuano, Iloilo; at Valderrama, sa probinsya
ng Antique sa lugar ng Panay sa isla ng
Visayas ng Pilipinas. Ang Tribung Sulod ay
“Magkakapamilyang Sulod”
Larawang kuha mula kay Bill Gange mas kilala ngayon sa tawag na Panay-
Bukidnon. Kahit na sila ay naihambing sa paraan ng pananalita ng mga Kinaray-a, Aklanon, at
Hiligaynon, lahat ng mga tumira sa kapatagan ng Panay, ang kanilang pagbubuklod mula sa mga
mananakop na Espanyol ay nagbunga ng patuloy na pag-iiral ng mga kultura at paniniwalang
laganap na bago pa dumating ang mga Kastila. Sila ay nagsasalita sa Wikang Igbok o kilala rin sa
tawag na Ligbok o Sulod, na miyembro ng pangkat ng Kanlurang Visayas na Wikang Bisaya
kasama ng wika ng mga pamilyang Austronesian.

Noong ika-13 siglo, sa panahon ng matayog ng kapangyarihan ng imperyo ng Sri-Visayan,


isang grupo ng mga Borneans na pinamumunuan ni Datu Puti ang nakatakas mula sa karaniwang
paghahari ni Sultan Makatunaw at naglayag pahilaga hanggang sa makarating sila sa Panay. Sila
ay sina Datu Puti kasama ang kanyang asawang si Pinangpangan; sina Datu Bangkaya kasama ang
kanyang asawang si Katarung; sina Datu Paiburo kasama ang kanyang asawang si Ribongsapaw;
sina Datu Dumangsol kasama ang kanyang asawang si Kahiling. Ito ay mula sa sinabi nina Datu
Lubay, Datu Dumangsil, Datu Dumalogdog, at Datu Balensuel, ang mga inapo ng Sulodnon/ Sulod
ng Panay (Haliya, 2017).

Nakuha ng Sulod ang kanilang pangalan dahil


sa mala-sandwich na lokasyon ng teritoryo, ang
katagang “solo” na ang ibig sabihin ay “panloob” o
“saradong lugar”. Sila rin ay tinatawag na “montess”
sa pamamagitan ng lowlanders, ibig sabihin literal na
“bundok tirahan”. Upang matukoy ang mga ito mula sa
Ati na nakatira sa paanan ng bundok, ang mga
Kristiyano sa mababang lupain ang nagbigay ng
pangalan sa tribong naninirahan sa burol. Ang mga nasa
“Panay Ethnographic Map”
kabundukan ng Capiz at Aklan ay tinatawag na “mga Larawang kuha mula sa Sulod Society ni F. Landa
Jocano,

57 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
daigdig” habang ang mga nasa Iloilo at Antique ay tinatawag na “bukidnon”, maikling panahon
para sa “bukidnon” o “mountainfolk” nang naging isang dekorasyong termino ito. Ang mga
diyalekto ng mga taong ito ay kaumayroong kaugnayan at pagkakatulad sa mga Kiniray-a na nasa
kapatagan. (Ang mga diyalekto sa bundok ay nakikita sa pamamagitan ng maraming mga archaic
expression, kung saan ay ibig sabihin na makikita ang nakaraan sa paraan ng pananalita sa wika
nito.) Nahihirapang makipagpulong o makipag-usap ang mga taga-kapatagan sa mga taga-bundok
dahil sa diayalektong Kiniray-a ang ginagamit nila. Karamihan sa mga taga-bundok ay
monolingual.

6.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Pamayanan at Pabahay

PURO - Maliit, autonomous settlements na binubuo ng


mula sa limang pitong bahay, isa o dalawang bahay na kumpol
na numero ng karatig bundok na nasa lokasyon ng tuktok ng
isang mataas na gulod kahit na ang isang pamayanan ay
paminsan-minsang matatagpuan sa paanan ng isang daliri
tulad ng dalisdis, bukod sa ilog. Ang bahay ay mahirap itayo,
apat-na-kuwartong pamamaalam, mataas ang tungkol sa
tatlong metro na gawa sa kawayan o kahoy at suportado sa
lahat ng panig. Bubong ay gawa sa cogon at ang mga pader na Larawang Kuha mula sa
https://www.google.com/search?q=bahay+kubo
gawa sa pinatag na kawayan o ang mga puno ng barkofko. +ng+mga+panay+bukidnon&tbm=isch&ved=2
ahUKEwi1jf3U5-vtAhWRG6YKHYElAIUQ2-
cCegQIABAA&oq=bahay+kubo+ng+mga+pan
Slats ng kawayan ay ginustong materyal para sa sahig. Sa harap ay+bukidnon&gs_lcp=CgNpbWcQA1CmgwlYw
ng bahay ay isang maliit, mababa,
4wKYMGPCmgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKA
mala-piramide na istraktura na sakop na may mahabang damo ngBAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img
baboy na umaantig sa lupa. Ang
&ei=P0LnX_XxJZG3mAWBy4CoCA#imgrc=v
kubo na ito ay tinatawag na urub at ginagamit para sa mga layuning pang-emergency, tulad ng
H-nx-4gSei9cM

biglaang kaganapan ng mga bagyo.

B.) Paghahanapbuhay

Ang kanilang hanapbuhay ay higit na nakasalalay sa agrikulturang ka'ingin, na dinagdagan


ng pangangaso at pangingisda. Gumagawa rin sila ng bolos na may detalyadong inukit na mga
hawakan, kutsilyo, at sibat at hinabi ang mga basket, banig, at kasuotan sa ulo - mga bagay na
ipinagpalit nila para sa mga kalakal sa kapatagan tulad ng tela, asin, at iba pang mga

58 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
pangangailangan sa bahay na dinala sa mga bundok ng mga Kristiyanong mangangalakal na
kanilang dinadala sa pana-panahong relasyon sa komersyo.

Ang pamumuhay nila ay ang pangunahing ginagawa nila ay sa pamamagitan ng paglilinang


ng mga upland rice, mais, patatas, at iba pang mga pananim (edible tubers), at nadadagdagan
naman dahil sa pangangaso, pangingisda, at pagtitipon. Ang Sulod ay hindi nananatili sa isang
lugar nang mahigit dalawang taon, dahil lalo na sa kanilang huwaran ng paggamit ng lupa. Ang
matigas na damo at pangalawang paglago na karaniwang sumusunod sa pag-aani ay mahirap na
muling linangin, lalo na bilang Sulod ay walang trabaho o nag-aararo lamang. Samakatuwid,
lumilipat sila sa ibang lugar kung saan lumalaki ang mga puno at kung saan walang damo ang
lupa. Ang iniwang lugar ay tinatawag na lati at maaaring gamitin muli pagkaraan ng limang taon
o higit pa, kapag ang ikalawang paglago ay naitatag na.

C.) Kamatayan at Paglibing

Kapag namatay ang isang Sulod, ang bawat isa sa pamayanan ay nagpapalumbay o
nakikiramay sa namatayang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay na
kinakailangan para sa balasan, “paggising ng mga patay”. Kung ang namatay ay isang mahalagang
tao, isang baylan, o parangkuton hindi siya ililibing sa lupa. Ang isang kabaong ay inihahanda para
sa kanya sa pamamagitan ng pagpuputol ng isang malaking puno, hatiin ito sa isang tugmang haba,
at hinuhubog ito tulad ng isang bangka at ini-hollowing ito. Inilalagay ito sa ilalim ng kubong
gawa sa cogon ang bubong sa taas ng bundok. Pagkatapos, binubutasan ang dulong bahagi ng
kabaong at inilalagay roon ang isang kawayan na tinatawag na “pasuk” bilang daluyan ng “tagas”
o tubig na umaagos mula sa patay na katawan. Pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan, inaalis ang
buto, hinuhugasan, binabalot sa telang itim, at inilalagay sa ambi ng bahay. Ang mga larawang
inukit sa gilid ng kabaong ay nagsisimbolo ng pagiging isang mahalagang tao.

Mga Paniniwala sa Kamatayan

Mayroong tatlong magkakapatid sa mitolohiya ng Sulod na “tumutukoy sa kamatayan at


paraan ng pagkamatay”. Ang mga ito ay sina Mangganghaw, Manlaegas, at Patagaes.

59 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang tatlong magkakapatid na ito ay agad na
binabantayan ang mga gawain ng isang tao pagkatapos ng
kasal at sinusubaybayan ang pagbubuntis. Kapag
ipinanganak ang isang bata, sila ang unang pumapasok sa
bahay. Ang tatlong magkakapatid na ito ay nakatira sa
bungalug (natural na daanan sa ilalim ng lupa o lagusan).

Karaniwang si Mangganghaw ang una sa tatlong


magkakapatid ang pumupunta sa bahay ng sinumang inang
nanganganak. Hindi siya pumapasok sa bahay,
gayunpaman, simpleng sumisilip lang siya (ganghaw). Sa
sandaling natitiyak niya na iniluwal na ang isang bata mula
sa sinapupunan ng kanyang ina, si Mangganghaw ay agad
Larawang kuha mula sa
https://pre00.deviantart.net/1c17/th/pre/i/2009/173
na bumabalik sa bungalug at mag-uulat kay Manlaegas at
/1/5/trinity_by_alirodina.jpg
kalaunan ay siya naman ang pumapasok sa bahay upang
hanapin ang bata. Ang kanyang pangunahing trabaho ay matiyak kung ang bata ay ipinanganak
nang buhay o hindi. Pagkatapos nito, bumabalik siya sa bungalug at mag-uulat sa kanyang kapatid
na si Patagaes.

Hinihintay muna ni Patagaes ang pagpatak ng hating-gabi bago siya pumasok sa bahay na
mayroong bagong silang na sanggol. Sa sandaling nasa loob siya ng bahay ay nanakawin niya ang
bata, at pagkatapos matiyak na walang taong gising, nakikipag-usap siya sa sanggol. Walang
sinumang dapat makarinig sa pag-uusap sa pagitan ni Patagaes at ng bata. Kung sakaling
matuklasan ni Patagaes na mayroong isang tao na sumisiyasat, sinasakal niya ang bata hanggang
sa mamatay ito. Ang pag-uusap sa pagitan ng dalawa ay nakatuon sa kung gaano katagal nais
mabuhay ang bata at sa anong paraan nito nais mamatay. Ang pagpipilian ay nasa kamay ng bata.

Sa sandaling nakapagpasya na ang bata, si Patagaes ay maglalabas ng kanyang kahoy na


panukat at sa pamamagitan ng pambihirang pamamaraan na ito, kinakalkula niya ang haba ng
buhay ng sanggol. Pagkatapos, aalis na siya.

Sa sosyolohikal na pag-uusap, ang mitolohiya sa itaas ay nagbibigay sa Sulod ng isang


theoretical framework ng sanggunian na nagbibigay-daan sa kanila upang maunawaan ang
madalas na banayad na ugnayan sa pagitan ng kanyang pangunahing paniniwala at mga paraan ng
kanyang pang-araw-araw na pagpapahayag. Nagbibigay ito ng kahulugan sa mga pangyayaring
nagaganap sa kanilang paligid at nagsisilbing instrumento kung saan ang paniniwala ay nagbabago
at pinapalakas. Ipinapahayag nito para sa kanila ang kalikasan ng buhay at kamatayan at ang
sansinukob kung saan siya nakatira. Sa gayon, ang kababalaghan ng kamatayan ay hindi na isang
misteryo sa pangkaraniwan na Sulod sapagkat alam niya kung ano ang hinaharap pagkatapos ng
kamatayan, kung saan ang umalagad (kaluluwa) ay lumilisan kaagad pagkatapos na umalis ito sa
60 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
katawan, at kung ano ang nangyayari dito. Ang kamalayan na ito ay pinakamahusay na
naidodokumento ng sumusunod na konseptwalisasyon ng kamatayan, ang lupain ng mga patay, at
ang ruta na tinahak ng kaluluwa upang maabot ito.

Ang mga pagkamatay ay parang dumadaan sa isang makitid na pinto. Mahihila ang isang
tao upang makapasok at ang karanasang ay maituturing na kakila-kilabot. Ang pumanaw ay hindi
makakabalik sa sandaling siya ay umakyat sa lugar ng mga namatay, na walang iniiwang mga
yapak o anumang bakas ng kanyang sarili― simpleng nawala lang siya. Ito ang nakasisindak sa
pag-iisip ng kamatayan sa lahat ng mga tao.

Ang ilang distansya mula sa pinto, na kung saan ang deathbed, ay mayroong isang punso.
Paikot ang isa sa punso na ito at hahanapin ang sarili malapit sa pampang ng sapa na tinatawag na
Muruburu. Sa tabi ng pampang ng ilog na ito nakatira ang mahikawon (mga masasamang espiritu)
na kumakain ng bagong pagdating na umalagad, maliban na lang kung ang umalagad ay
pinapayuhan ng mga nabubuhay bago ang oras na simulan ang paglalakbay nito sa lupain ng mga
patay.

Ang Muruburu ay ang lugar kung saan nililinis ng kaluluwa ang sarili. Ito rin ang lugar
kung saan ang mga kaluluwa ay naghahanda para sa buhay na walang hanggan. Matapos mapalitan
ang mga damit nito, ang umalagad (kaluluwa) ay nagpapatuloy sa paglakbay patungo sa
Limawaen. Ang Limawaen ay isang malalim na lawa kung saan ang tubig ay itim, malagkit, at
umiikot at bumubula patungo sa panibwangan (pusod) nito sa gitna.

Sa pampang ng lawa na ito nakatira si Banglae, isang malaking lalaking mabalbon ang
katawan. Ang sukat ng balikat ni Banglae ay nasa pitang dangaw (haba ng hinlalaki at hintuturo).
Binabantayan niya ang lawa at hinihintay ang pagdating ng mga kaluluwa. Pagkatapos ay isasakay
niya ang mga ito papunta sa kabilang panig.

Bago magdala si Banglae ng anumang kaluluwa sa


kabilang bahagi ng lawa ay tatanungin niya ang mga ito.
Kabilang sa mga katanungang tinatanong niya ay kung gaano
karaming asawa o asawang lalaki ang kaluluwa noong nasa
katawang tao pa ang mga ito. Kung ang lalaking umalagad ay
sumagot ng isang asawa o wala ay binibiro siya nito, at kung ito
ay isang babaeng umalagad, siya ay iniimbestigahan para sa
pagkakaroon ng higit sa isang asawa.

Gayunpaman, dapat ang sagot ng umalagad ng lalaki ay


mayroon siyang higit sa isang asawa sa panahon ng kanyang
“Paglalarawan ni Banglae”
Larawang kuha mula sa pagkabuhay sa katawang tao, babatiin siya ni Banglae at
https://orig00.deviantart.net/9d68/f/2012/126/9/c
/giant_by_saryth-d4yoyr1.jpg
61 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
dinadala siya sa kanyang mga balikat sa patungo sa kabila ng lawa. Ngunit kung ang umalagad ay
may isang asawa lamang, o mas masahol pa, kung wala siyang lahat, hinahayaan siya ni Banglae
na hawakan ang isa sa kanyang (Banglae) mga buhok sa katawan at hayaang ang umalagad na
lumangoy sa malagkit na tubig habang si Banglae ay nagnlalakad sa ibabaw ng tubig.

Kabaliktaran naman ito para sa mga babaeng umalagad. Sa oras ng pagtatanungan, hindi
maaaring magsinungaling ang umalagad sapagkat tinawag ni Banglae ang tuma (body louse)
upang magpatotoo para sa hawak nito.

Pagkatapos nitong tumawid sa Limawaen,


ang mga umalagad ay sumusunod sa isang
daanang patungo sa isa pang sapa, ang
Himbarawaen, kung saan ay isang tulay ng troso
na binabantayan ng isang Balugu(taga bantay ng
sapa). Ang kaluluwa ay dumadaan lamang dito
pagkatapos na suriin ito ng taga-bantay. Ang body
Larawang kuha mula sa
https://orig00.deviantart.net/3c01/f/2014/237/d/e/cockfight_by_de louse ay muling tinawag upang matukoy kung
rrewyn-d7wps6y.jpg
nagpakatotoo ang mga ito. Tulad ng sa Limawaen,
ang pakikitungo sa pagsusuri ay kung gaano karaming mga asawa o asawang mayroon ang
umalagad noong nasa katawan pa ito ng tao. Kung ang umalagad ay makapasa sa pagsusuri, na
karaniwang ginagawa nito, tinatanggap ito ng mga kamag-anak na unang namatay. Nasa Madyaas
ito ngayon ngunit wala pa sa huling lugar ng pahinga.

Mula sa sabungan, ang kaluluwa ay dinadala sa bahay pahingahan na tinatawag na


Haramyangan kung saan ito mananatili hanggang sa ang mga ritwal na inilaan upang palakasin
ang espirituwal na katawang ito at upang tubusin ito mula sa bantay ng Haramyangan ay
isinasagawa ng mga nabubuhay na kamag-anak. Kung walang ganoong mga ritwal na ginagawa
ang mga natitirang kamag-anak, ang kaluluwa ay ililipat sa ibang lugar kung saan pinapalitan ito
ni Hulubaw, ang tagapag-alaga ng rehiyon, sa isang marispis (isang cricket sa gabi) o sa anumang
iba pang hayop at ibabalik ito sa lupa.

Kung naisagawa ang mga kinakailangang seremonya, ang kaluluwa ay dadalhin sa isang
lugar sa gitna ng Madyaas kung saan nasisiyahan ito sa isang normal na masayang buhay.
Pagkalipas ng ilang taon, sumasali ito sa panteon ng mga kaluluwa sa kapaligiran at aktibong
lumalahok sa mga gawain ng mga nabubuhay. Tumatanggap ngayon ng naaangkop na ugnayan
mula sa mga nakaligtas na kamag-anak.

Mayroong tatlong pangunahing punto na kung saan ay mahalaga sa pag-unawa sa konsepto


ng Sulod ng kamatayan at ang ibat ibang mga aktibidad na sociocultural. Una, ang sakit ng
pagkamatay, hindi ang kamatayan, ang pinangangambahan ng mga Sulod. Pangalawa, ito ay ang

62 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
pagwawasak ng pagbubuklod ng magkakamag-anak, ang pagtigil ng matalik na relasyon sa isang
minamahal na masaklap na katotohanang hindi na babalik ang taong minamahal kung ito ay patay
na. Pangatlo, at panghuli, ito ay ang mga may pambihirang kakayahan ng nilalang na maaaring
makapaminsala sa umalagad (kaluluwa) na siyang sentro ng atensyon at kinakatakutan. Ang mga
espiritu na ito ay dapat na suyuin upang hindi nila mapahamak ang umalagad, sapagkat ang
nasaktang umalagad ay karaniwang bumabalik upang mabulilyaso ang mga nabubuhay at magdala
ng malas sa pamayanan.

Samakatuwid kinakailangang ihanda ang mga umalagad para sa paglalakbay nito sa lupain
ng mga patay at “suhulan” ang mga espiritu kanilang nadadaanan upang mabigyan sila ng
proteksyon sa kanilang paglalakbay. Sa paraan na ito ay maiintindihan kung bakit napapaligiran
ang kamatayan ng maraming magkakaibang paniniwala at kasanayan, mula sa tukoy na reseta na
patungkol sa bangkay hanggang sa masalimuot na mga ritwal para sa mga di-likas na nilalang.

Tulad ng ipinahiwatig dati, ang paraan ng pagkamatay, bagaman itinakda para sa isang
indibidwal sa pagsilang, nakasalalay ang kamatayan sa mga kapritso ng mga di-likas na nilalang.
Tulad ng nasa libro ni F. Landa Jocano may isinulat siya na ayon kay Hugdawan “walang
nakakaalam ng idyosinkrasya ng mga espiritu”. Halimbawa, ang paglabag sa isang naiibang
nilalang ay maari nitong baguhin ang buong pamamaraan ng kapalaran ng tao o di kaya ay maari
na maging pabor sa tao at tuluyang mabago ang kanyang kapalaran.

Ang sumusunod na insidente na naitala ni F. Landa Jocano, sa “Sulod Society” at isinalaysay


ni UmbaePaaw, na tunog masadyong gawa-gawa lamang ngunit ay maaaring makatutulong sa
pagpapakita ng puntong ito sa pag-iisip ng mga Sulod.

Ang ama ni Karing, si Miyuk, ay nagising isang gabi upang


umihi. Narinig niya ang isang taong nakikipag-usap sa kanyang anak
sa kakaibang boses, kaya’t tumigil siya at nakinig. Napaisip siya
kaagad na maaaring ito ay si Patagaes (tingnan ang mitolohiya na
isinalaysay kanina) na nakikipag-usap sa kanyang anak. Sinabi ni
Karing na mas gusto niyang mamatay sa pamamagitan ng pag-inom
kaagad ng isang basong tubig pagkatapos ng kanyang kasal.
Binanggit muli ni Patagaes ang kanyang pinili at umalis.

Larawang kuha mula sa Lumipas ang mga taon at lumaki at nag-asawa si Karing. Tama
https://pictures.abebooks.com/DORLEY
HOUSEBOOKS/8087420163.jpg talaga, pagkatapos ng kanyang kasal, humingi siya ng isang tasa ng
tubig. Naalala ng kanyang ama ang kanyang pakikipag-usap kay Patagaes. Nang maibigay ang
nakamamatay na inumin, humakbang siya at ibinaggga ang tasa. Nahulog ang lalagyan, at walang
tubig na natapon. Sa halip dalawang dakot na nakamamatay na bulate o uod ang gumapang palabas

63 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ng tasa. Si Karing, ayon kay UmbaePaaw, ay naisalba at buhay pa rin dahil nagkataong nakikinig
ang kanyang ama sa kanyang pakikipag-usap kay Patagaes.

6.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Nagsasalita ang mga taong nabibilang sa Tribung Sulod gamit ang pinagsamang
diyalektong Kinaray-a at Hiligaynon.

B.) Relihiyon

Ang relihiyon ay matalik na bahagi sa buhay ng mga Sulod. Bawat aktibidad ay nakaayon
sa mga hangarin ng mga espiritu at diyos, at ginagawa ng Sulod ang lahat ng makakaya niya para
masiyahan ang mga banal na katangiang ito, maging hanggang sa pagpunta sa utang upang
ipagdiwang ang wastong seremonya para sa punong espiritu na kilala bilang digmaan. Mayroong
16 na taunang seremonya at ilang maliliit na seremonya, na karamihan ay isinasagawa ng lider ng
relihiyon na kilala bilang baylan. Ang pangunahing relihiyon na isinagawa ng Sulod ay
etnoreligion. Ang Ethnoreligion ay malalim na nag-ugat sa pagkakakilanlang etniko ng isang tao
at ang pagbabago ay mahalagang katumbas ng paglalagay ng kultura.

Ang pinaka-kapansin-pansin na katangian ng kultura ng Sulod ay ang pananatili ng mga


seremonya sa bawat aspeto ng buhay. Ang mga seremonyang ito ay nauugnay sa paniniwala na
ang mga ugnayan sa pagitan ng mga nabubuhay at ng mga espiritu ng namatay ay nagpatuloy, at
ang mga espiritu ng kapaligiran ay may impluwensya sa pang-araw-araw na gawain. Ang mundo
ay hindi lamang tinatahanan ng mga tao, kundi pati na rin ng mga diyos at mga ninuno na
naninirahan sa itaas na bahagi ng mundo sa itaas natin, ang langitnon, at ang mundo sa ibaba na
tinatawag na idalmunon. Naniniwala sila sa isang hierarchy ng mabuti at masasamang espiritu na
tinatawag na diwata kung kanino ang komunikasyon ay ginaganap sa pamamagitan ng baylan.
Ang mga sakripisyo ay ibinibigay sa mga espiritu para sa kanilang mabuting biyaya. Dahil sa
kahalagahan ng pagkonekta sa hindi nakikita na mundo upang makipag-usap sa mga namatay na
ninuno, ang mga seremonya at ritwal ay may mahalagang papel sa pang-araw-araw na buhay para
sa pakikipag-ugnay sa hindi nakikita na mundo. Ang tradisyunal na paniniwala ay nagbabago,
subalit, maraming mga Sulod ang nagpalit sa Kristiyanismo.

64 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
C.) Organisasyong Sosyopolitikal

Parangkuton ay literal na, “isa na hihilingin” kung saan ang pamumuno ay ipinapalagay sa
pinakamatandang lalaki sa bawat gawain tulad ng pangangaso, pagtatayo ng bahay, at paglipat sa
isang panibagong lugar ng kainingan at mga ulo ng lipunan na tinulungan ng isang binatilyo na
tinatawag na timbang “katulong”. Kapag namatay ang parangkuton, ang sumunod na
pinakamatandang lalaki ang mumuno ng pamayanan.

D.) Binukot

Ang binukot ay pagsasanay ng pagpapanatiling “binukot”,


pagtatago ng kanilang magagandang kababaihan sa sarado kuwarto
malayo sa mga mata ng sinumang tao. Ang binukot, na naging
tagapag-ingat ng talaan ng kanilang mga tao, kalaunan ay naging
pangunahing pinagkukunan ng maraming epiko ng Bisaya tulad ng
Hinilawod, Humadapnon, at kuwento ng Labaw Donggon.

Si Lola Conchita, na ang tunay na pangalan ay Conchita “Si Lola Conchita Gibaliga”
Larawang kuha mula sa
Gilbaliga ay Panay Bukidnon isang binukot mula sa Nayawan, https://sites.google.com/site/humanities
1
pataas na Tapaz, Capiz.

Ayon kay Lola Conchita, ang isang “binukot” ay itinatago sa isang silid upang ang kanyang
pamilya ay maaaring humingi ng isang mataas na presyo ng ikakasal kapag siya ay nasa edad na
sa pag-aasawa. Dahil sa paghihiwalay na ito, natutuhan at pinagkadalubhasaan niya ang Panubok,
Panay-Bukidnon na tradisyonal na pagbuburda ng kamay. Bangkaw o sibat na gawa sa pilak
(ginto), pera o pag-aari bilang dote sa pinakamataas na bidder at pagsang-ayon ng ikakasal.

Ang mga binukot ay itinuturing na tulad ng


isang prinsesa na may isang tagapag-lingkod
na nagsusuklay ng kanyang buhok. Pinayagan
lamang siyang magsuot ng pinakamagandang
damit at kumain ng pinakamahusay na
pagkain mula sa bundok. Kabisado niya ang
mga kwento ng Suguidanon at iba pang mga
kwentong epiko na naipapahayag lamang
“Isang Binukot”
Larawang kuha mula sa https://www.aswangproject.com/binukot-
nang pasalita. Mayroon siyang mga tattoo sa
philippines/
kanyang katawan bilang tanda ng
kagandahan. Nagkaroon din siya ng mga mahirap na oras, nang ang kanyang unang asawa ay
namatay habang naka-duty at ang kanyang pangalawang asawa kasama ang kanilang dalawang
65 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
anak sa panahon ng giyera. Tumutulong siya sa mga panganganak at kung minsan siya mismo ang
nag-iisa gumagawa nito.

E.) Kasuotan, Kagamitan at Pagtatattoo

Ang kultura ng Sulod ay isang lipunan ng mandirigma, kung


saan maaari tayong makahanap ng katibayan sa kanilang
kwentong epiko, kung saan ang mga kalalakihan ay palaging
itinuturing na guwapong bihis kapag pinalamutian ng mga
sandata tulad ng sinaha (mahaba, shard-bladed na kutsilyo),
kalasag at bangkaw at ang kanilang katawan na nakabalot
hanggang sa mga bukung-bukong upang maprotektahan ng
maayos sa isang laban - at maging ang kanilang mga panubok
Larawang kuha mula sa
https://www.www.researchgate.net
na burda ng kanilang tribo, tulad ng kalasag, bangkaw (sibat) at
iwot pula (hawakan ng bolo). Sa pag-uusap tungkol sa kasaysayan, ang pagtatattoo ay dating isang
malawak na kasanayan at ang paglaganap ng “pagpipinta sa
balat” ay humantong sa mga maagang tagasulat ng Espanya na
ilarawan ang mga Bisaya bilang “Pintados.” Ang mga tattoo ay
inawag na batek, at tinusok ang mga ito sa balat gamit ang
isang karayom o anumang matulis na instrumentong bakal na
isawsaw sa isang tinta na gawa sa katas ng hinog na prutas ng
puno ng ubas na langi'ngi (mula sa halaman na Cayratia trifolia,
Linn.) At may pulbos na uling, o uling na na-scrap mula sa
ilalim ng mga kaldero o lata ng pagluluto. Ngumunguya din
sila ng betel, ang mga sangkap na dahon ng piper betel, ang
Larawang kuha mula sa
areca nut, kalamansi at tabako - na siyang ginagawa nila na https://images.squarespace-
cdn.com/content/v1/58fb9dea20099eb9a71a
isang bagay na masanay, ngunit sinabi na gumawa malakas at 377c/1501901499563-

maputi ang ngipin. Ang duyan ay napakahalaga pa rin sa bawat tahanan ng Sulod, at isa sa mga
pinaka ginagamit na gamit. Ito ay ginagamit upang patulugin ang sanggol, at ginagamit ng mga
matatanda kapag kumakanta ng mga kuwento sa mga bata at nagbubunyi.

66 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang Tribung Sulod

Ang Tribung Sulod ay maraming mga paniniwala at may kakaibang kultura na natatangi. Ang
pinaka-kapansin-pansing tampok ng Panay Bukidnon kultura ay ang pagtitiyaga sa mga seremonya
sa bawat mukha ng buhay. Ang mga seremonyang ito ay nauugnay sa paniniwala sa pagitan ng
mga buhay at espiritu ng mga patay ay nagpapatuloy, at ang mga espiritung kapaligiran ay may
impluwensya sa mga gawain sa araw-araw.

Ang mundo ay hindi lamang para sa mga tao, kundi pati na rin sa mga deities at ninuno na
naninirahan sa itaas ng mundo sa ating itaas, sa langit, at sa mundo sa ibaba na tinatawag na
idalmunon. Dahil sa kahalagahan ng pagkonekta sa di-inaasahang mundo upang makipag-ugnayan
sa mga yumaong ninuno, ang mga seremonya at ritwal ay gumaganap ng mahalagang papel sa
pang-araw-araw na buhay para makaugnay sa di-inaasahang mundo. Gayunman, ang mga
tradisyonal na paniniwala ay nagbabago, ngunit, kasindami ng panay Bukidnon ay nagbalik-loob
sa Kristiyanismo. Sila rin ay kilala dahil sa kanilang mga kakaibang epiko, halimbawa ay ang
epiko ng Labaw Dunggon na katulad sa mga Ifugao ay nasa alaala na lamang ang mga ito.

Noong 2004, ay pito (7) na lang ang natitirang Binukot sa


Panay. Dahil noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII),
ang mga residente ay kinakailangang lumipat dahil sa mga
pang-aabuso ng mga Hapon na siyang sobrang kinabawasan ng
numero nila. Ngayon, ang tradisyon ng Binukot ay hindi na
ginagawa ngayon dahil sa bagong henerasyon ngayon ngunit
dahil sa takot na tuluyan na mawala ang tradisyon ng Sulodnon,
si Frederico Caballero, anak ng isang binukot ay nagtatag ng
balay turun-an, kung saan isa itong maliit na eskwelahan na
nagtuturo ng mga tradisyon at mga sayaw ng mga Tribung
“Si Frederico Caballero”
Sulod sa mga bata. Larawang kuha mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/c
aballero-federico/

67 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
7. ILANG TRIBU SA VISAYAS: TRIBUNG TAGBANUA

7.1 KASAYSAYAN

Noong ika- 23 ng Mayo taong 2005 inilipat mula sa Rehiyon IV (Katimugang Luzon) at
naging bahagi ng Rehiyon VI (Kanlurang Visayas) ang Palawan, batay sa Executive Order 429.
Maraming tribu ang nananahan sa islang ito at isa ang mga Tagbanua sa maraming mga tribu ang
naninirahan sa napakagandang lugar na ito.

Napabibilang ang mga miyembro ng Tribung Tagbanua


sa pinakaunang naninirahan sa isla ng Palawan at sa
nakapaligid na isla nito. Ayon sa resulta nang pananaliksik ay
nagmula sila sa mga Taong Tabon na nanirahan rin sa kweba
ng Tabon ilang libong taon na ang lumipas. Karamihan sa
kanila ay nasa hilagang sentral na bahagi ng Palawan na
nanirahan. Sa kasalukuyan ay bumababa na ang bilang ng mga
Tagbanua na tinatayang nasa 10,000 na lamang kumpara noong
taong 1987 na mayroong 129, 691 na miyembro ang tribung
“Larawan ng isang Taong Tabon”
ito. Larawang kuha mula sa slideshare.net

Ang katawagang Tagbanua ay may pinaniniwalaang tatlong


salin. Una, ito raw ay nangangahulugang “People of the world”
dahil sa salitang “banua” na nangangahulugang “world” o mundo.
Pangalawa, ito raw ay nangangahulugang “people from our place”
mula sa “banua” na nangangahulugang “land” o “place”. At
pangatlo, nangangahulugan raw itong “people from the inland”
dahil sa “banua” na nangangahulugang “countryside” o “inland”.
Sinasabi na nagmula sa mga kolonista sa isla ng palawan ang mga
huling salin. Dahil lumipat sa dalampasigan ang mga kolonistang
ito ay napilitan din na lumipat ang mga Tagbanua sa pagdaan ng

“Isang Dalagang Tagbanua”


mga panahon.
Larawang kuha mula sa
thetagbanua.blogspot.com

68 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
A.) Dalawang Grupo ng Tagbanua

Batay sa heograpikal na lokasyon, ang mga Tagbanua ay nahahati sa dalawang grupo:

1. Nananinirahan sa silangan at kanlurang baybayin ng


Palawan ang mga Tagbanua na matatagpuan sa gitnang
bahagi kung saan tinatawag din itong Sentral Tagbanua.
Naninirahan din sa mga lugar lalong-lalo na sa bahagi ng
Puerto Princesa, Quezon, at Aborlan.

“Sentral Tagbanua”
Larawang kuha mula sa cherryjaneweb.wordpress.com

2. Naninirahan naman sa arkipelago ng


Calamian, lalong lalo na sa isla ng Coron
at Busuanga, at munisipalidad ng El Nido
ang mga Tagbanua sa kanlurang bahagi na
kilala rin bilang Calamian Tagbanua.
“Calamian Tagbanua”
Larawang kuha mula sa jacobimages.com

Ang mga Tagbanua ay may kayumangging balat,


payat ang kanilang pangangatawan, at mayroong maiitim at
mahahabang buhok. Ito ay kung saan noon, kapwa lalake at
babae ang may mahabang buhok, at pinapaitim ang kulay ng
kanilang mga ngipin.

“Isang Inang Tagbanua”


Larawang kuha mula sa majikagrapika.wordpress.com

B.) Kaligirang Kasaysayan

Sinasabing ang Tribung Tagbanua ay sumailalim sa tatlong makasaysayang panahon. Ang


mga katutubo, na kung saan nagkaroon ng ugnayan sa kultrang Hindi-Indonesia. Mga Muslim, na
nagkaroon ng relasyon sa sultan ng Borneo at ang mga Muslim sa Sulu at Mindanao at Kastila,
Amerikano at Kontemporaryong panahon.
69 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ayon sa kasaysayan ang Tribung Tagbanua, ang kanilang
nakasulat na kasaysayan ay nagsimula sa kolonisasyon ng mga
Kastila sa Pilipinas na kung saan ay may kaugnayan sa bansang
Brunei, sa unang sultan o makisampu ng Brunyu na nagmula sa
salitang Burnay (Fox 1982:18).

Noong 1521 dumaong sa Palawan ang barko ni Magellan, at


si Antonio Pigafetta ay nakapagtala na ang mga Tagbanua ay
dati nang nagsasagawa ng ritwal ng pakikipagkaibigan na
katulad ng sandugo. Dagdag pa rito, nabanggit din na nagsasaka
ng lupa, nangangaso gamit ang makakapal na panang yari sa
“Si Antonio Pigafetta” kahoy ang nasabing tribo. Nagpapahalaga rin sila sa mga bagay
Larawang kuha mula sa
philippinediaryproject.com na katulad ng singsing, patalim at iba pa.

Huling siglo ng ika-17 siglo, nasa ilalim pa rin ng kontrol ng Sultan ng Brunei ang timog
na bahagi ng Palawan, na kung saan naging daan ito sa hindi pagkakaunawaan at kaguluhan sa
pagitan ng mga Kastila at ng sultan. Sa panahong ito, naglalaban sa loob ng halos 300 na taon ang
mga Kastila, mga Muslim sa Sulu, Mindanao, Palawan at hilagang bahagi ng Borneo.

Sa ika-19 na siglo naman, patuloy na naniniwala ang mga Tagbanua sa kanilang diyos ng
langit na si Mangindusa. Si Polo naman ay ang diyos ng karagatan na kung saan hinihingi ang
kanyang tulong sa oras na may karamdaman. Ang ikatlo naman ay si Sedumunadoc na Diyos ng
mundo at siya ay kinakailangan upang magkaroon ng magandang ani. Ang ikaapat ay si Tablacoud
na sa mundong ilalim naninirahan.

Sa mga diyos na ito, taon-taon, ay nagdiriwang ng isang malaking pista ang mga Tagbanua
pagkatapos ng pag-aani. Pinapapunta ng babaylan o shaman ang mga tao upang magtipon sa
dalampasigan at may dalang kahit anong alay. Kinukuha ng babaylan ang mga dalang manok para
sa seremonya at isinasabit sa sanga ng puno at pinapatay ito sa pamamagitan ng pagpalo ng kahoy.
Isang beses lamang pahihintulutan na hampasin ang bawat alay na hayop samantala,
pinapakawalan ang mga naiwang buhay at hindi na muling sasaktan dahil sila ay naniniwalang
nasa ilalim ito ng proteksyon ni Polo, na siyang diyos ng karagatan. Kinakain nila at niluluto ang
mga hayop na namatay. Umiinom naman sila ng rice wine at sumasayaw pagkatapos kumain. Sa

70 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
kalagitnaan ng gabi, tumatawid sa meridyan ang isang diyos na si Buntala. Sa kabilang dako,
lulublob sa dagat ang babaylan nang hanggang bewang lamang ang taas, sumasayaw naman ang
iba habang tinutulak ang balsa na may lamang alay patungo sa dagat. Pinaniniwalaan nilang kapag
ito ay babalik dahil sa malakas na hampas ng alon at hangin, ibig sabihin ito ay tinaggihan ni Polo,
ang diyos ng dagat. Ngunit kung ito naman ay nawalang lumulutang sa dagat, ibig sabihin ito ay
tinanggap nang may galak (Marche 1970:236237). Pagkatapos ng pananakop ng Kastila sa
pagpasok naman ng mga Amerikano bilang bagong tagapamahala, ang pagbabago ay nagsimula
sa Isla ng Palawan at sa Tribung Tagbanua.

Noong 1904, naging sentro ang Iwahig ng pananakop na kung saan pinalitan ang Tagbanua
habang patuloy sa paglago ang pananakop. Sa taong 1910, nailipat sa mga Amerikano ang
pamamahala sa Tagbanua sa mga sumunod na taon, naganap ang panloob na paglilipat o
migrasyon ng isla ng Visayas at Luzon, ang pangingibabaw ng relihiyong Kristiyanismo at unti-
unting pagbabagong naganap mula sa isla partikular na sa kalagayang pang-ekonomiya at pulitikal
na hindi nag-ing madali sa mga Tagbanua.

7.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Ekonomiya

Ang Tagbanua ay tagabungkal ng palayan.


Samantala, nakadepende naman sa pagbuhos ng
ulan ang kanilang hanapbuhay. Ang mga Tagbanua
ay mayroong dalawang seremonya na isinasagawa,
ang isa ay tinatawag nila itong lambay, na kung saan
ito ay may kaugnayan sa pagkakaingin at ang
ikalawang seremonya naman na isanasagawa ng
mga Tagbanua ay ang pagpapatubo ng mga tanim at “Pagbubungkal ng Palayan”
Larawang kuha mula sa tl.wikipedia.org
ang pananalangin sa pagkakaroon ng ulan tuwing araw ng pagtatanim. Ang kanin na tinatawag na
Palay ay isang perpektong pagkain para sa mga Tagbanua at itnuturing nila itong regalo. Ang tabad
naman ay isang alak na itinuturing din nilang perpektong inumin para sa kanilang ritwal.
71 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Yumayabong ang kanilang bigas dahil sa ritwal na kanilang isinasagawal pati na rin ang ibang
pinagkukunan ng pagkain tulad ng kamote, mais, kamoteng-kahoy, millet, at taro sa mas
kakaunting bilang.

Ang iba pang gawaing pang-ekonomiya ng


mga Tagbanua ay ang pangangaso, pangingisda at
pag-iimbak ng pagkain na kung saan ang
pangingisda at pangangaso ay isinasagawa nila
tuwing tagtuyot, sapagkat sa panahon ng tagtuyot
nagiging mababaw at malinaw ang mga ilog at mga
sapa na isang ideyal na teknik sa pangingisda para sa
kanila. Ginagawa rin nila ang paglalason ng isda
“Pangingisda ng mga Tagbanua”
Larawang kuha mula sa tl.wikipedia.org
ngunit para lamang ito sa ilog na malalalim. Dagdag
pa rito, mayroon silang anim na paraaan na isinasagawa sa pangingisda, isa na rito ay ang
pamimingwit, paghuhuli ng hipon gamit ang kamay o maliit na sisidlan, paglalason sa mga isda
gamit ang mga halamang herbal, paggamit ng harang o lambat sa mga ilog, paggamit ng baril-
pang-isda na may gomang sling at panama, paggamit ng sulo sa gabi at paghuhuli ng isda gamit
ang sibat (Fox 1982:49).

Sa kabilang dako, ang pagpapana ng mga


mababangis na baboy at aso ay ideyal din sa panahong ng
tagtuyot, dahil ang pagkain ng mga hayop ay lumalabas
sa kagubatan tuwing tagtuyot at pumupunta sa ilog kung
saan mas madali silang mahuli. Nagiimbak sila ng pulot
edible young bees at beeswax tuwing Enero hanggang
Hulyo, na ginagamit nila sa kanilang ritwal. Ang
pagtitipon ng bagtik ay ginagawa rin nila tuwing tagtuyot,
sa mga buwan tulad ng Enero, Pebrero at Marso na siyang “Pangangaso”
Larawang kuha mula sa wishqatar.com
pinakamahalagang pinagkukunan nila ng
mapagkakakitaan at upang sila ay makabili ng mamahaling kalakal na kung saan kinukuha nila ito
sa gitnang Palawan. Isa itong matataas na kalidad na uri ng kahoy sa Pilipinas na ginagamit sa
produktong pang-industriya tulad ng varnish.

72 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang tribung Tagbanua sa kanlurang bahagi
ay pagbebenta ng banig sa palengke ang
pinagkakakitaan. Maliban dito, ang rattan at ang
mga palay ay pinagkukunan din nila ng
mapagkakakikitaan. Sa pamamagitan ng mga palay
na kanilang inaani ay marami sa kanila ang
nagbabayad ng kanilang utang sa tindahan. Ang mga
“Mga Produktong gawa sa Rattan” bigas na ito ay bibilhin para maging konsumo sa mas
Larawang kuha mula sa pinterest.com
mahal na halaga.

Sa kasalukuyan, ang mga Tagbanua ay mayroong mga hayop na nagsisilbing


transportasyon tulad ng kalabaw at kakaunting baka na ginagamit upang magbenta ng bagtik sa
Aborlan. Bagaman, hindi ito ginagamit sa mga pang-agrikultural na gawain bagkus, ito rin ay
iniihaw para gawing pagkain.

B.) Kalagayang Sosyal

Sa lipunang Tagbanua, ang


pinakapundimental na yunit ay ang
pamilya. Ang pamilya ay binubuo ng isang
ama at ina at mga anak na hindi pa
kinakasal.

“Isang Pamilya ng Tagbanua”


Larawang kuha mula sa thetagbanua.blogspot.com

Ang matrilocality ay kinagawiang sundin na kung saan, ang lalaki ay maninirahan sa lugar
ng babaeng kanyang pakakasalan. Ang mga namatayan ng asawa, o ang tinatawag na mga byudo
o byuda ay hindi na pinapayagang manirahan kasama ang kanyang kapamilya.

Mayroong tatlong sosyal na uri na binubuo ng lipunang Tagbanua. Ang nasa pinakamataas
o ang tinatawag na “upper class” ay ang mga nabibilang sa mga mayayaman o may angkan o lahi
sa lipunan na likas na namamana. Ang pagiging kabilang dito ay malimit na nagmumula sa mga
pinuno nila na kung tawagin ay masikampu. Ang pangalawang uri o ang “middle class” ay ang

73 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
kinabibilangan ng mga karaniwang tao na siyang pinagmumulan ng mga maliliit na pinuno at
babaylan. Ang nasa pinakamababang uri naman o ang mga “lower class” ay yaong may mga
pagkakautang na hindi kayang bayaran kung kaya nagpapakaalipin na lamang.

C.) Tradisyon at Kaugalian sa Kasal at Pag-aasawa

Binubuo ang pamilyang Tagbanua sa


pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng mga magulang.
Pagkatapos ng kasal, ang mag-asawang Tagbanua ay
naninirahan sa tahanan ng magulang ng babae, o hindi
naman kaya'y sa isang bagong bahay na itinayo malapit sa
nasabing tahanan. Para sa mga Tagbanua ang
pagkakaroon ng anak ang pinakadiwa ng pagpapakasal
kung kaya malaki ang kanilang pagnanasang magkaanak “Kasalan”
Larawang kuha mula sa facebook.com
gayundin ang pagmamahal sa kanilang mga anak.

Pinakaideyal sa mga Tagbanua ang monogamy kung


saan isang asawa lamang ang maaaring magkaroon.
Subalit, may mga pagkakataon na nagkakaroon rin ng
polygamy kung saan nagkakaroon sila ng asawa ng higit
pa sa isa, basta't pumapayag ang unang asawa. Sa kabila
nito, nananatiling ang unang asawa ang may
pinakamalaking bahagi sa kinikita ng pamilya.

“Mag-asawang Tagbanua”
Larawang kuha mula sa thetagbanua.blogspot.com

Ang diborsyo para sa mga Tagbanua ay pinahihintulutan ngunit may multang


kinakailangang bayaran ang asawang naging dahilan ng hiwalayan. May tinatawag ang mga
Tagbanua na pang-aagaw. Ito ay ang kaugalian sa pang-aagaw ng asawa na kakatwa sa lipunang
Tagbanua. Subalit hindi itinuturing na kasalanan para sa babaeng ikinasal o pangangabit para sa

74 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
lalaking ikinasal sapagkat walang konsepto ng
moralidad at batas na pinaiiral ang mga Tagbanua.
Ang lahat na kaso ng pang-aagaw ay nagtatapos sa
hiwalayan o muling pagpapakasal. Iniiwasan ng mga
Tagbanua ang karahasan o pisikal na pananakit sa
bawat pang-aagaw kung kaya nagsasagawa sila ng
mga ritwal at ligal na sistema ng hiwalayan sa
“Paglalarawan sa Diborsyo”
pamamagitan ng pagbabayad ng karampatang halaga Larawang kuha mula sa deccanherald.com

upang maiwasan ang kaguluhan.

May tatlong posibleng sitwasyon ng pang-aagaw at pagbabayad ng multa. Una, kung ang
lalaking hindi pa ikinasal ay nang-agaw ng babaeng ikinasal na, kailangang bayaran ng lalaki ang
lalaking asawa ng inagaw niyang babae. Kadalasan, ang ibinabayad ay tatlong ulit nang ibinayad
ng orihinal na asawang lalaki bilang dowry sa babae noong bago pa sila ikinasal. Dagdag pa rito,
kailangan ding magbayad ng lalaking nang-agaw sa magulang ng babae.

Pangalawa, kung ang lalaking ikinasal na ay nang-agaw ng isang babaeng hindi pa ikinasal,
kailangan niyang bayaran ang unang asawa ng kapaduwayan o (polygamy fee), ngunit
kinakailangang pumayag ang mga magulang ng asawa na magkaroon ng dagdag na asawa. Sa
kabilang banda, kung ang gusto naman ng unang asawa ay hiwalayan, kailangang magbayad ng
bagay ang lalaki. Anuman ang mangyaring kasunduan sa unang asawa, kailangang magbayad pa
rin ng dowry sa bago niyang biyenan.

Pangatlo, kung ang lalaki at babae ay pareho nang ikinasal na sangkot sa pang-aagaw, ang
lalaki ay kinakailangang magbayad ng bagay sa kanyang unang asawa (kung makikipaghiwalay)
at sa asawa ng babaeng inagaw niya. Kung pipiliin ng unang asawa ng lalaki na manatiling asawa
kailangang bayaran pa rin siya ng halaga. Maliban dito, hindi maaaring alisin ang kaugalian ng
pagbabayad ng dowry sa magiging biyenan.

75 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
7.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Ang wikang sinasalita ng mga Tagbanua ay Tagalog, Aborlan Tagbanwa, Central


Tagbanwa, at Cuyonon.

B.) Relihiyon
Ang mga Tagbanua ay naniniwala sa Kiyabusan, kung saan para sa kanila, isa itong lugar
na walang umiihip na hangin at itinuturing itong na hangganan ng mundo sapagkat tanging
kawalan ang matatagpuan. Dagdag pa rito, pinaniniwalaang nagmumula ang amyan sa lugar na
ito, na natatanging hangin tuwing tagtuyot na siyang namamahala sa pagsusunog sa mga kagubatan
tulad ng kaingin. Kapag panahon ng mga mahahabang tagtuyot, tinatawag ng mga Tagbanua si
diwata kat amyan upang maghandog sa kanila ng ulan at mag-ihip ng hangin. Subalit ang amyan
ay nagdadala rin ng kinatatakutan nilang salakap, ito ang mga masasamang espiritu ng epidemya
sa mundo, pinaniniwalang ang Kiyabusan ay siya ring kinalalagyan ng kaluluwa ng mga namatay
dahil sa epidemya.

Ang mga salakap ay inilarawan ng mga Tagbanua bilang mga maliliit na nilalang at
nababalot ng maiitim na balahibo o buhok. Ayon sa kanilang alamat, ito ay mga nilalang na
minsang naninirahan sa tabi ng mga Tagbanua bilang mga palakaibigang kapitbahay. Ngunit dahil
sa katrayduran ng mga Tagbanua, sila ay naging mga nilalang na nagpaparusa sa mga Tagbanua.
kung kaya't isinasagawa nila ang ritwal na runsay bilang pakiusapan ang mga salakap na tigilan
sila.

Pinaniniwalaangang pagkalalang ng mundo at ng mga tao ay gawa ng isang diwata.


Sinuman ang nagkakasala sa pamamagitan ng paggawa ng dusa o krimen ay pinaniniwalaang may
kaakibat na parusa na siyang isinasagawa ng Diyos na si Mangindusa. Sa lipunang Tagbanua, ang
pinakamabigat na pagkakasala ay ang paggahasa sa kamaganak o ang tinatawag na sumbang. Ang
parusang inilalapat ni Mangindusa sa mga nagkakasala ay maaaring sa pamamagitan ng pagpigil
sa ulan sa mahabang tagtuyot.

76 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pinaniniwaaan ng mga Tagbanua na ang bawat tao ay may anim na kaluluwa. Isa na rito
ay ang kiyarulwa na totoong kaluluwa, ito ay pinaniniwalaang handog ng Diyos na si Mangindusa
sa bawat sanggol na isinisilang. Ang limang payu naman ay ang mga pansekundaryang kaluluwa.
at ang ibang kaluluwa naman ay lumalabas lamang kapag isinasagawa na ang lambay na isang
ritwal para sa isang sanggol pagsapit ng isa o dalawang buwan pagkatapos ng pagkakasilang. Ang
lambay ay tumutukoy sa kahit na anong ritwal na iniaalay kay Mangindusa. Ang limang ibang
kaluluwa ay makikita umano sa dulo ng mga kamay at paa, at sa itaas ng ulo. Kung mamamatay
ang tao, ang kiyarulwa o ang totoong kaluluwa ay maaaring humantong şa apat na posibleng
patutunguhan o destinasyon. Kung namatay ang isang tao dahil sa epidemya o mga nakamamatay
na karamdaman, dadalhin ang kanyang totoong kaluluwa ng salakap sa kiyabusan. Kung ang
ikinamatay naman ay pagkalason o karahasan, ang kanyang kaluluwa ay nagiging bangkay at
napupunta sa itaas na bahagi, rehiyon, o dimesyon. Kung ang dahilan ng pagkamatay naman ay
sabu, kinuha ang kaluluwa ng panyaan (espiritu sa kapaligiran) o damdam (masamang espiritu),
ang totoong kaluluwa ay nagiging biyaladbad na mananahan sa kapaligiran. Kung ang sanhi ng
kamatayan ay natural o likas lamang, ang totoong kaluluwa ay napupunta sa basad, ang mundo ng
mga patay o mundong ilalim. Habang ang kiyarulwa ay nagiging espiritu na maaaring mapunta sa
mundo ng mga patay at magpapatuloy na makikibahagi sa mga buhay sa pamamagitan ng mga
ritwal, ang limang pansekundaryang kaluluwa ay mananahan o mananatili lamang sa kapaligiran.

Ayon sa mga Tagbanua, ang mundong ilalim tulad ng basad ay may mas malinaw na imahe
kumpara sa malabo at walang kasiguruhang anyo ng kalangitan. Kapag namamatay umano ang
isang Tagbanua, ang kanyang kaluluwa ay nananatili sa mundo sa loob ng pitong araw hanggang
sa maisagawa ang ritwal para sa mga patay na tinatawag na kapupupusan. Sa loob ng pitong araw,
ang kaluluwa umano ay nananatili sa libingan ng bangkay ng yumao at kung gabi naman ay
bumabalik sa kanyang tahanan noong nabubuhay pa para pagmasdan ang ginagawa at kaasalan ng
mga iniwang kapamilya. Sa paglalakbay ng kaluluwa papunta sa mundong ilalim, maraming tao
at panwayari ang kanyang pagdadaanan. May isang banal na ilog na kung tawagin ay kalabagang,
na kung saan makakatagpo si Taliyakad, ang tagamasid na nagbabantay ng tulay na halaman na
ang tawag ay balugu. Sa unahan ay makakatagpo naman ng kaluluwa si Anggugru, ang tagabantay
ng mga apoy, na siyang mainit na tatanggap ng kaluluwa at magbibigay ng apoy bago papapasukin
sa mundong ilalim.

77 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Sa basad, ang mga espiritu ng mga namatay ay tinatawag na tiladmanin, ay nabubuhay na
katulad ng pamumuhay ng mga nasa mundong ibabaw tulad ng pagtatanim ng palay at
pagpapamilya hanggang sa sila ay mamatay nang pitong beses. Ngunit ang pagkakaanyo ng basad
ay kakaiba sapagkat ang lahat ay kabaliktaran ng mga pano'ayari sa mundo ng mga buhay. Habang
sumisikat ang araw sa mundong ibabaw, sa basad naman ay lumulubog na ito. Ang mga ilog ay
nagmumula sa karagatan patungo sa mga bundok. Ang panahon ng pagtatanim sa mundo ay pag-
aani sa basad.

Ayon kay Fox, ito ay tanda ng pagpapatuloy ng proseso ng buhay. Mayroong dalawang
ritwal na isinasagawa upang magkaroon ng proteksyon ang mga Tagbanua mula sa kinatatakutan
nilang salakap. Ito ay ang pagbuyis at runsay. Ang pagbuyis ay isinasagawa ng magbuyis tatlong
beses sa isang taon. Ang unang dalawang pagbuyis ay ginagawa sa buwan ng Nobyembre at
Disyembre. Sa mga panahong nagkakaroon ng pagbugis, ang amyan (northeast wind) ay umiihip.
Ang ikatlong pagbuyis ay ginaganap kung ang buwan ay nagpapakita sa araw na tinatawag nilang
magkaadlawan, nagmula sa salitang adlaw na ang ibig sabihin ay araw (day). Sa isang ritwal, ang
magbuyis ay nagtatawag ng mga salakap upang pakiusapang huwag nang dakpin ang mga
kaluluwa ng mga Tagbanua habang ang mga nasabing espiritu ay naglalakbay sakay ng bangkang
sakayan kasama sa umiihip na hanging amyan. Ang mga salakap ay pinapangunahan ng itinuturing
nilang kapitan, si Sumurutum, na may tatlong tinyente na sina Tuwan Ding, Tuwan.

Ang Pagbuyisan at Tutvan Pagraskadan

Ang pagbuyis ay isinasagawa sa isang permanenteng plataporma na tinatawag na


piyangaw. Ito ay itinatayo sa harap ng tahanan ng magbuyis. Ang iniaalay sa ritwal na ito ay ang
sanga ng katumbal, pulang sili na pinakapaboritong pagkain ng datu ng salakap.

Samantala, ang runsay ay sinasabing pinakadramatikong seremonya ng mga Tagbanua.


Isang beses sa isang taon lamang isinasagawa ang runsay sa isang gabi ng ikaapat na araw ng
kabilugan ng buwan sa buwan ng Disyembre. Isinasagawa ito sa dalampasigan malapit sa bukana
ng nog Aborlan. Tulad ng pagbuyis, ang runsay, ay ginaganap upang humingi ng proteksyon laban
sa mga karamdamang nakamamatay. Nagsisimula ang ritwal sa takipsilim at nagtatapos sa bukang-
liwayway.

78 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang iba pang mahalagang ritwal ng mga Tagbanua ay ang pagdiwata o diwata at ang
bilang, na pawing pinangungunahan ng isang babaylan na umano ay sinasaniban ng kanilang mga
diyos. Ang mga ritwal na ito ang itinuturing na anyo ng dula ng mga Tagbanua.

C.) Ang mga Paniniwala sa mga Diyos at Diyosa

Ang mga Tagbanua ay naniniwala sa mga diyos at diyosa . Lalo na ang apat na itinuturing
na pinakamakapangyarihang diyos at diyoses. Si Mangindusa na siyang diyos ng kalangitan na
namamahala sa pagpaparusa sa mga nagkasala. Si Polo ay diyos ng karagatan at pinaniniwalaang
isang mabuting espiritu na maaaring makapaglunas ng karamdaman. Si Sedumunadoc naman ay
diyos ng mundo na siyang nagbibigay ng masaganang ani. Si Tablacoud na diyos sa mundong
ilalim o mundo ng mga patay.

Naniniwala ang mga Tagbanua na ang mga bundok at kagubatan ay tirahan hindi lamang
ng maraming mabubuti kundi maging ng mga masasamang espiritu na lubos nilang kinatatakutan,
kung kaya iniiwasan at ipinagbabawal ang pagpuputol ng mga kahoy. Naniniwala sila kay
Mangindusa, diyos na nakaupo sa kalangitan at hinahayaang nakalaylay ang paa sa itaas ng mundo.

Sa kagustuhang malugod sa kanila ang mga espiritung nananahan sa kagubatan at


kalikasan, nagsasagawa ang mga Tagbanua ng mga ritwal. Ang babaylan, kadalasan ay isang
babae, ang nagsasagawa ng mga ritwal, mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan ng bawat
Tagbanua. Pinaniniwalaang may banal na espiritung sumasama sa kaluluwa ng namayapa
hanggang sa patutungahan nitong daigdig. Ang mga mangangaso ay nagtatawag ng kaluluwa ng
mga namatay nang kapamilya upang sila ay tulungang makiusap sa mga espiritung may-ari ng
mga baboy-ramo na tulungan silang mahanap at mahuli ang mga ito.

Naniniwala rin sila na ang pagtataglay ng anting-anting o kung tawagin ay mutya ay


maaaring makapagpatagumpay sa pangangaso, pangingisda at pakikipagtalo. Pinaniniwalaan din
nila na ang pinakamataas na bahagi ng kalawakan ay langit at wala nang iba pa, sapagkat ito ang
itinuturo ng kanilang mga maglambay o ang espiritwal na pinunong lalaki, katungkulan, kung saan
ang kanilang espiritwal na pinunong babae at kay babaylan na nagmula sa Baraki at Kaibigan.

79 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Naniniwala rin silang ang ulan ay isang biyayang nagmula kay Mangindusa, ang
pinakamataas na diyos ng mga Tagbanua. Ang tribung Tagbanua ay naniniwalang may dalawang
haligi ang langit. Ang isa ay makikita sa Babatan sa silangan kung saan sumisikat ang araw at ang
isa naman ay sa Sidpan sa Kanluran kung saan lumulubog ang araw. Sa Babatan naninirahan ang
diyos na tinatawag na diwata kat libatan, samantalang sa Sidpan naman ay si diwata kat sidpan.
Sila ay parehong may kontrol sa ulan.

D.) Pananamit

Ang tradisyunal na damit ng mga Tagbanua ay gawa


mula sa mga balat at sanga ng mga punongkahoy tulad
ng salugin. Subalit, noong unang panahon ang mga
lalaking Tagbanua ay nakasuot ng simpleng bahag na
ang nagsisilbing sinturon ay ang hinabing rattan na
tinatawag na ambalad samantalang ang mga babae
naman ay nababalot ng damit na gawa rin sa balat ng

“Pananamit ng mga Tribung Tagbanua”


kahoy. Nakagawian na rin sa tribu na parehong
Larawang kuha mula sa cherryjaneweb.wordpress.com
mahahaba ang buhok ng lalaki at babae. Ang kanilang
mga hikaw naman ay inukit nila mula sa matibay na kahoy ng bantilaw. Yari rin sa mga matitibay
na kahoy ang kanilang mga suklay at pulseras. Ang leeg ng mga babae ay natatakpan ng mga
kwintas na beads.

E.) Mga iba’t ibang Tradisyon

Gumagawa sila ng sari-saring ornaments tulad ng ear


plugs, suklay at pulseras. Dagdag pa, ang mga babae ay
gumagawa ng mga kuwintas, at angklet na gawa sa brass at
copper. Isa sa mga kilalang tradisyon ng Tagbanua ay ang
paggawa ng basket na may iba't ibang disenyo na ginagamit
nila sa pag-aani. Mayroon din silang tinatawag na bayong-
“Bayong-bayong”
bayong, ito ay isang uri ng basket na lalawan ng bigas. Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org

80 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Makikita ang iba't ibang disenyo at hugis sa nasabing basket at yari ang mga ito sa buri. Sa
pamamagitan ng pinatuyong dahon ng mga palm tree, nagkakaroon ng iba't-ibang kulay ang mga
nasabing basket na maaaring, pula, bughaw, gray, lila, itim, o berde. Maaari ring gamitin ang mga
bayong-bayong bilang lalagyan ng tabako (Delos Reyes 1977:215).

Maliban dito, mayroon din silang


mga hayop na nilililok sa kahoy. Ang mga
hayop na ito ay may seremonyal na gamit na
nagsisilbing kontak sa mga espiritu sa iba’t
ibang ritwal. Mahilig sa pag-uukit ng mga
anyo ng mga hayop ang mga Tagbanua. Ang
kanilang ginagamit sa pang-uukit ay yari sa
mga matitigas na kahoy kung saan pina-iitim
ito sa pamamagitan ng apoy. Tinatanaw nila
bilang mga mahahalagang bagay ang

“Woodcarving”
kanilang mga nauukit na ginagamit nila
Larawang kuha mula sa retirednoway.wordpress.com
bilang mga alay sa kanilang mga ritwal.
Ginagawa nila ang pag-uukit sa pamamagitan ng pagpuputol ng mga sanga ng punongkahoy na
alimutyugan sa haba ng isang ruler o 1 ft. at hinahati sa dalawa bago ito pinapakinis o inuukit.
Barong ang kanilang ginagamit bilang pumutol nito. Ito ay ang bolo o itak. Samantala, sa pag-
uukit naman, isang maliit na kutsilyo ang kanilang ginagamit na ang tawag ay pisay. Pinapakinis
ang kanilang mga inukit na gamit sa pamamagitan ng pagkiskis ng dahon ng agupi o isis. Upang
maging kulay berde ang kanilang inukit ay pinapahiran ito ng dahon ng kamote, yam o kamoteng-
kahoy. Kung nais naman nilang maging kulay itim ang mga inukit na hugis, sinusunog at
pinauusukan ito hanggang sa makamit ang kaitiman ng kulay. Kabilang mga anyo ng hayop na
kanilang inukit ay ang mammanuk o manok na tandang, kiruman o pagong, kararaga na isang uri
ng ibon, dugyan isang maliit na hayop na gumagapang sa lupa, butiki at baboy-ramo. Ito ay
gianagawa nilang alay sa mga ritwal o di kaya naman ay nagiging laruan ng mga bata.

81 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
F.) Mga Panitikan

Karamihan sa mga paniniwala at ritwal ng mga Tagbanua ay ibinabatay sa mga pasalin-


dilang alamat at kwentong-bayan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo at nagpapahayag
din ng mga katotohanan at aral sa buhay na may tiyak na kaugnayan sa realidad ng kasalukuyan
nilang buhay, kapalaran at kabuhayan (Fox 1982: 151).

Ang konsepto at paniniwala ng mga Tagbanua sa mundo o daigdig ng mga espiritu ay nag-
ugat sa kanilang mga alamat at kwentong bayan na nagbibigay ng kapaliwanagan sa kanilang mga
pinaniniwalaan.

Ang Pinagmulan ng Salakap

Noong unang panahaon, sinasabing


minsang nagsama ang mga Tagbanua at Salakap sa
pangingisda sa dagat. Napagkasunduan na dapat na
mag-iwan ng Tagbanua ng komuy, pagkain na mula
sa kanin o bigas na binabalot ng dahon ng punong
alimutyugan, sa kanyang madadaanan upang
makasunod at hindi maligaw ang mga Salakap.
Ngunit naisipan ng mga Tagbanua na lokohin at
paglaruan ang kaibigang Salakap. Nang buksan na “Paglalarawan sa mga Salakap”
Larawang kuha mula sa aswangproject.com
ng mga Salakap ang iniwang pagkain ng mga
Tagbanua na binalot sa dahon ng alimutyugan, napagalaman nilang hindi komuy ang laman nito,
kundi dumi ng tao. Sapagkat gutom na gutom na ang mga Salakap, wala silang nagawa kundi
kainin ang iniwan ng mga Tagbanua. Pagkatapos kumain, napagtanto nilang masarap iyon, kung
kaya naisipan nilang mas masarap siguro ang laman ng mga Tagbanua yamang masarap naman
ang kanilang mga dumi. Kung kaya napagpasyahan ng mga Salakap na kainin na rin ang mga
Tagbanua. Kinain nilang lahat ang mga Tagbanuang sumama sa nasabing pangingisda maliban sa
isang babae at lalaki. Pinakawalan nila ang dalawang ito sa isang kondisyon, kinakailangang
magsagawa sila ng seremonyang runsay, isang beses isang taon. Pagkatapos ay iniwan na ng mga
Salakap ang nakaligtas na mga Tagbanua at naglakbay patungo sa kiyabusan. Ang naging mga

82 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
anak at apo ng pares ng nakaligtas na Tagbanua ang naging mga Tagbanua sa kasalukuyan na
inaatasang magsagawa ng ritwal ng runsay taon-taon. Ang alamat na ito rin ang nagpapaliwanag
kung papaanong nagkaroon ng kiyabusan na pinaniniwalaan nilang may mahalagang papel sa
kanilang pagsasaka, mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani ng kanilang mga pananim.

Ang mga Alamat ng mga Tagbanua

Unang Bersyon

Una umanong lumikha ng bato ang mga diyos ngunit hindi nakakapagsalita ang mga bato.
Sumunod nilang nilalang ang mundo, ngunit tulad ng bato hindi rin ito nakakapagsalita. Ang
mundo ay naging tao, ito ang Tagbanua. Sa kaluguran ng mga diyos, iniwan ang Tagbanua ng mga
elemento ng apoy, bato, bakal at iba pang metal, maging ng bigas at ang alak na nagmumula sa
bigas. Sa kasalukuyan, ang alak na nagmumula sa bigas ang ginagamit ng mga Tagbanua sa
pagtawag sa mga Diyos at mga espiritu o kaluluwa ng mga patay (Fox1982: 154).

Pangalawang Bersyon

Ang manlilikha ay unang naglalang ng unang tao, si Adam ngunit siya ay katulad ng bato
na hindi nakakapagsalita. Sumunod na nilikha ang mundo at nakapagsalita na si Adam, naawa ang
diyos kay Adam sapagkat siya ay nag-iisa lamang. Isang araw nang magising si Adam pagkatapos
niyang matulog ay nagkaroon na siya ng kasama, si Iba. Habang natutulog si Adam ay hindi
sinasadyang nakalabas ang kanyang ari sapagkat nakasuot lamang siya ng bahag. Ang unang anak
ay tumawa nang malakas sa harap ng kanyang ama nang walang paggalang. Siya ang naging ama
ng mga Tagbanua. Ang ikalawang anak ay tumawa rin ngunit hindi gaanong malakas tulad ng
nauna. Siya ang naging ama ng mga Moro. Ngunit ang ikatlong anak ay hindi tumawa, bagkus ay
kumuha ito ng kumot ang tinakpan ang maselang bahagi ng kanyang ama. Ang huling anak ang
naging ama ng mga Kastila. Ito ang kwento ng pinagmulan ng mga Tagbanua.

83 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Ang Alamat ng Ritwal na Runsay

Noong unang panahon, may isang sinaunang Tagbanua na nagngangalang Apu Pilas.
Habang naglalakad sa dalampasigan malapit ng bukana ng Aborlan, nakatagpo niya ang siyam na
mga diyos. Nakasakay ang mga diyos sa isang malaking kawa malapit sa dalampasigan. Natakot
si Apu Pilas kaya sinubukan siyang tawagin ang kasamang si Ab Inan. Kinausap ng mga diyos ang
dalawang Tagbanua na kinailangan nilang magsagawa ng Runsay taun-taon sa ikaapat na araw
pagkatapos ng ganap na kabilugan ng buwan sa Disyembre. Kung hindi ito susundin, magkakaroon
ng mga karamdaman at kamatayan ng mga tao. Isa-isang nagpakilala ang siyam na diyos, sila Sina
Mamuldaw, Nanalaykay Kat Bukas (Kasama ng mga Alon), Sinamukray Kay Layag (Sakay ng
Hangin), Turnindug Kumana Kan (Nakatayong Kalalakihan), Ilintaw Kat Sabang (Ang Lumitaw
sa Malalim na Karagatan), Linintas Kat Butas Crumatawid Hanggang sa Abot ng lyong Tanaw),
Nagsagubay, Nanalaytay Kat Langab (Naglalakad sa Alon) at mapag-isang babae.

G.) Musika

Ang mga Tagbanua ay mahilig sa musika at mayaman sa mga instrumentong pangmusika


na sila lamang din ang may gawa at ginagamit sa sosyal na pagtitipon. Ang mga ito ay ang arudin
o harpa ng mga Hudyo ; babarak o plawtang hinihipan gamit ang ilong; plawtang hinihipan gamit
ang bunganga; pagang at tibuldu, kudlung o boat lute, gimbal o drum, na ang sa itaas ay gawa sa
balat ng bayawak; at ang simba tiring, at babandil.

Mayroon silang dalawang uri ng gong na mula sa


babandit. Ang plautang hinihipan gamit ang bunganga ay
ginagamit pa rin hanggang sa ngayon, at ang drum at
gong ay patuloy na ginagamit sa ritwal. Ang ibang mga
instrumento ay bihira na lamang na makikita sa ngayon,
at napalitan ng mga makabagong uri ng gitara at ukulele,
“Ang Gimbal”
na gawa sa bao ng niyog. Larawang kuha mula sa cherryjaneweb.wordpress.com

Mayroong dalawang uri ng awit ang mga Tagbanua. Ito ang oiman o ballad at ang dagoy
o kundiman. Ang ballad ay isang kanta na kung saan nagpapakita ng kuwento, at maaari itong

84 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
maging dramatiko, nakakatawa, o romantiko. Sa kabilang banda, ang kundiman naman ay awit sa
pag-ibig.

Mula sa kaliwa “Ang Aruding, Babarak, Tipanu, at ang Kudlong”


Mga Larawang kuha mula sa haikudeck.com, masinointaray.wordpress.com, sites.google.com, at calebbyerly.org

H.) Mga Sayaw

Mayroon mga sayaw ang mga Tagbanua na madalas nakapaloob ang mga ritwal. Narito
ang mga sayaw ng Tagbanua:

Abeliano o Soriano - Ito ang tradisyunal na sayaw ng mga Tagbanua na isinasagawa ng


mga kalalakihan.

Bugas-bugasan - sayaw para sa lahat ng mga kalahok sa pagdiwata, pagkatapos inumin ang
tabad o ang rice wine.

Katindapan - ito ay isang uri ng sayaw pang-isahan na sinasayaw ng babaeng babaylan at


ng kanyang mga tagasilbi.

Runsay - ritwal na sayaw na sinasagawa sa dalampasigan ng mga taganayon, na ang balsa


na may lamang pagkain ay nakalutang para gawing alay sa kanilang mga diyos. Ito ay kanilang
ginagawa sa hating-gabi at tumatagal hanggang bukang liwayway. Ang ulo ng mga kababaihan ay
nababalot ng tela. Ang mga kalalakihan ay naghahawak-kamay upang bumuo ng bilog sa palibot
ng mga kababaihan. Habang sumasayaw ang mga babae nang pa-clockwise, ganun din ang mga
kalalakihan. Ang tono ng awit ay tinatawag ng turun na mayroong dalawang bahagi, ang una ay
para sa mga kalalakihan at ang isa naman ay para sa mga kababaihan. Minsan, ang dalawang grupo
ay nagpapalitan ng panulaan, awitan, sayawan, at tawanan nang paulit-ulit hanggang
bukangliwayway.

85 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Sarungkay - isa itong uri ng nakagagaling na sayaw na ginagawa ng babaylan habang
binabalanse ang espada sa kanyang ulo.

Tugatak or tarindak - sayaw na ginagawa ng mga taganayon na dumadalo sa riwal na


pagdiwata.

Tamigan - sinasagawa ng mga lalaking mandirigma gamit ang bilao bilang pansagang.

Busak-busak - isang gagambang sasayaw segutset, sayaw sa panliligaw tarek, tradisyunal


na sayaw ng mga Tagbanua andardi, at pampistang sayaw ng mga Tagbanua sa loob at palibot ng
Aborlan, na isinasagawa tuwing may pagtitipon. Habang nagpapahinga, ang mga Tagbanua ay
umaawit at sumasayaw ng andardi para itaboy ang oras. Ang mga kasali sa sayawan ay sumusuot
ng kanilang kasuotan at may hinahawakang palaspas na katulad sa anahaw. Ang musika ng andardi
ay binubuo ng labingdalawang bahagi, na pinapatugtog o inaawit habang nagsasayawan, Ang
musika'y sinasaliwan ng drum at gong.

I.) Dula

Ang dula ng mga Tagbanua ay ipinapahayag sa pamamagitan ng sayaw na ginagaya ang


mga hayop tulad ng busak-busak, at mga nagpapakita ng hanapbuhay tulad ng batak ribid at
bugsaybugsay.

J.) Ritwal

Ang mga Tagbanua ay mayroong apat na prominente at pantay na mga ritwal na tumutugon
sa apat na pangkat ng kanilang lipunan: ang Pagdiwata (ang ruga kamag-anak o kasapi sa klan),
Bilang (pamilya), Lambay (ang pook o nayon, para sa paggalang sa mga diyos ng kalikasan) at
ang runsay (supernatural).

Diwata, pagdiwata or inim (drink) - Ito ang pinakamahalagang ritwal ng mga Tagbanua,
na karaniwang dinadaluhan ng mga diyos upang magdiwang ng masaganang pista ng tabad, kanin,
biko, alahas, musika at iba pang mga alay. Ang paghahanda sa ganitong selebrasyon ay malawakan
sa lipunan ng mga Tagbanua. Ang ritwal ay isinasagawa sa layong mapagaling ang may sakit,

86 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
pagkakaroon ng masaganang ani at
matagumpay na pangangaso, pasasalamat sa
pag-ani ng palay, at kaayusan ng nayon. Ang
ritwal ay idinadaos upang parangalan si
Mangindusa at maging ang mga diyus-diyosan
(Fox 1982:207). Ang ng maasim na rice wine
ay may malaking papel na ginagampanan sa
ganitong ritwal dahil ito ang daan upang ang
mga diyos-diyosan ay maakit para makilahok
“Ang Pagdiwata”
sa pista sapagkat ito ang tanging bagay na wala Larawang kuha mula sa pinterest.com

sa mundo ng espiritu. Ito ang umuugnay upang maging isa ang mga tao sa pista tulad ng sandugo,
awit, at sayaw.

Ito ay ikinokonsidera bilang isang inuming nakapaglilibang, nakapagpapalakas, at


nakapaggamot. Ang nasa gitna ng ritwal ay ang babaylan na responsable sa pagpili ng lugar para
sa paglilinis, payapain ang paligid, tagapagbigay ng anting-anting para sa mga mangingisda at
mangangaso, tagapagpagaling ng lahat ng uri ng sakit.

“Bilang” ceremony – Ito ang pinakamahalagang ritwal para sa mga patay. Ito ay
isinasagawa pagkatapos ng ani. Ang pamilya ng mga Tagbanua ay inaasahang manguna sa ritwal
na ito. Sa pagdiwata at iba pang uri ng ritwal ng mga Tagbanua, ang tabad ay mahalaga sa
seremonyang bilang dahil ito ay umiikot sa pagbabahaginan ng wine sa pagitan ng mga buhay at
ng mga espiritu ng mga patay. Dahil walang wine sa kabilang mundo, ang bilang ay isang
pagkakataon sa mga espiritu upang makainom ng paborito nilang tabad at para sa mga buhay upang
ang kanilang hiling ay mapagbigyan. Ang ritwal na bilang ay nagsisimuIa sa panghuhula upang
matukoy kung sino ang may kasalanan ng pagkakasakit ng isang tao. Ito ay kinabibilangan ng
paurut (invocation), at pagsusunog ng parina (incense) na ang kanyang kaaya-ayang amoy ay
nakakahalina sa mga diyos-diyosan at mga espiritu ng patay. Ang gong ay pinapatugtog habang
ang paurut ay isinasagawa at ang musika nito ay idinadagdag para sa mga espiritu upang lumahok
sa pagtitipon. Pagkatapos ng pag-aalay sa ritwal na nilalagay sa banig, ang mga pagkain ay
ibinabahagi sa mga bata at sa mga bisita at pagkatapos ang banig ay inaalis. Susunod ay ang pag-
iinom ng tabad sa pamamagitan ng istraw.

87 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Panawag - Isa itong ritwal para sa may kamag-anak na namatay, isinasagawa ito ng mga
babaylan malapit sa puntod ng isang kamag-anak na namatay, isinasagawa ito sa pamamagitan ng
pag-aalay ng betel quids, sigarilyo at ang pangakong tabad na ang may sakit ay gagaling. Ang
lalagyan ng tabad ay inihahanda ng mga nagdiriwa kasama ang alay na kinabibilangan ng: karung
o lalwan ng tubig; plato na may betel quid at sigarilyo; baso ng orange gin,” na isang mumurahing
nakalalasing na inumin na nagmula sa Aborlan at iniaangkat sa Manila; dalawang bowl na may
lima o pitong amik, isang uri ng pritong biko; lamparang nagbibigay liwanag para sa ritwal na
pumalit sa tradisyunal na lampara; dalawang salansan ng palay na inilalaan para sa ritwal na bilang;
at ang bowl ng liyutyut, malagkit na bigas na minatamis at inilagay sa kawayan at muling niluto.
Ang liyutyut (na tinatawag ding lutlut ng mga Mantalingayan sa timog na bahagi ng Palawan) ay
maaari ring tawaging piyusupusu o suman na binalot sa dahon ng saging. Ang tatlong mahalagang
pagkaing pang ritwal— amik, liyutyut, at piyusupusu ay kinokonsiderang regalo at
pinaniniwalaang masarap at karapat-dapat na ialay sa mga diyus-diyosan at mga patay.

Lambay - Isa itong ritwal na kung saan ito ay may kaugnayan sa pagkakaingin. Ang lambay
ay isinasagawa dalawang beses sa isang taon. Una itong ginagawa tuwing buwan ng Enero, at
nagsasangkot ng ritwal na lilitaw ang mga diyos sa loob ng mga araw ng sikat ng araw at hangin
na sapat na pinatuyo ang mga kagubatan at ihanda sila para sa paglilinis at pagtatanim. Ang
pangalawang buwan na ginaganap ang lambay ay tuwing buwan ng Mayo, kung saan humihiling
ang mga tao ng katamtamang pag-ulan na magpapalago sa kanilang upland rice.

88 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
KONGKLUSYON

Sa ating paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng Visayas, ating napatunayan na ang Visayas ay
siyang tunay na tahanan ng iba’t ibang makukulay na kultura. Talagang ito ang kayamanang
ipinagmamalaki ng Visayas na tiyak na magdadala ng kasaganaan sa lugar at sa mga taong nakatira
roon. Sa pag-uulat na ito, ating nalaman ang kahalagahan ng mga impormasyon patungkol sa
kasaysayan, kultura, kabuhayan, wika, at iba pa ng mga Siquijornon, Cebuano, Ilonggo, Aklanon,
Waray, Tribung Sulod, at ng Tribung Tagbanua.

Kung ating mapapansin, ang Visayas ay ang natatanging pangunahing pangkat ng mga
pulo sa Pilipinas na may makakalat na kapuluan. Ang heograpikal na kaanyuan ng Visayas ay isa
ring salik kung bakit mayroong iba’t ibang kultura ang umiiral sa lugar na ito. Bawat isla rito ay
mayroong mga pangkat na mayroon ding iba’t ibang sinusunod na paniniwala, kagawian, at iba
pang kultura. Hindi mapagkakailang bahagi na iyon ng kanilang pagkakakilanlan na siyang
nagiging basehan sa kanilang pagkakaiba. Ngunit, sa ating mabusising pag-aaral, mayroon pa rin
namang pagkakatulad o pagkakaugnay ang mga taong naninirahan sa Visayas. Maaaring
nagkakapareho sa pinapaniwalaan, dahilan ng mga nakagawian na, at iba pa. Kaya naman,
masasabi nating hindi hadlang ang heograpikal na kaanyuan upang ang mga magkakahiwalay ay
posibleng magkakaugnay. Pinaghihiwalay man ng dagat, ngunit pinaguugnay pa rin sila sa
pamamagitan ng kanilang kultura. Hindi lamang ito laganap sa mga taga-Visayas, sapagkat kahit
ang mga karatig na pook nito sa Luzon at Mindanao ay marahil mayroon ding mga pagkakatulad
sa mga paniniwala at kagawian sa mga taga-Visayas.

Samakatuwid, ang kultura ay isang bagay na imposibleng sa isang lugar lamang umiiral
dahil ang mga tao ay mayroong kakayanang maglakbay. Sa gayon, nadadala at naipapamahagi ang
mga ito sa iba. Isa ito sa tinitibgnang anggulo kung bakit ang mga tao ay mayroong pagkakatulad
sa paniniwala at nakagawian sa kabila ng heograpikal na hangganan.

Ang Visayas ay saksi sa ating masalimuot na kasaysayan dulot ng malaking epekto sa


pamumuhay ng mga taong nakatira rito, lalong-lalo na sa kultura. Mayroong mga kultura ang
umiiral na bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa. Mayroon ding mga kulturang
nabahiran na ng mga tradisyong panlrelihiyon, tulad na lamang ng impluwensiyang hatid ng
Kristyanismo simula pa noong lumaganap ito sa ating bansa, mahigit 500 taon na ang nakaraan.
Sa paglipas ng panahon, mayroong mga kultura sa Visayas ang marahil tuluyang naglaho,
nagbago, at napalitan. Ngunit, mayroon din namang mga kulturang hanggang sa ngayon ay patuloy
pa ring umiiral sa kabila ng mga pinagdaanan ng mga tao. Sa ating panahon na kung saan kasabay
ng pag-ikot ng mundo ay siya ring singbilis ng pagbabagong nagaganap sa mundo. Maraming
teknolohiya ang umuusbong, at ang mga makabagong paraan ng pamumuhay ay tiyak na
magdudulot ng epekto sa ating buhay at sa ating kultura.

89 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Paano nga ba natin malilinang ang mga kulturang matatagpuan sa Visayas? Bilang mga
mag-aaral, tungkulin nating pangalagaan ang ating pamanang kultura na naipasa sa atin ng ating
mga ninuno. Tungkulin din nating panatilihin ang mga ito at masigurong maipasa rin ito sa susunod
na henerasyon. Hangga’t maaari ay patuloy nating pag-aralan ang ating kultura nang sa gayon ay
mananaig ito sa puso at isipan ng mga kasalukuyang henerasyon. Hangga’t maaari rin ay ganito
rin ang ating gagawin sa mga kultura ng ibang tao tulad ng mga Kabisayaan. Nang sa gayon,
makatutulong tayong patatagin ang kultura ng bawat isa.

Nawa’y maging inspirasyon ng lahat ang Visayas, ang mga taong nakatira rito, at ang
kanilang natatanging kultura upang maipagmalaki ang tunay na yaman na siyang nagpapakulay ng
buhay ng mga tao―ang kultura. Kung magagawa natin ito, masisiguro nating magiging matatag
at masagana ang kultura ng ating bansa at maipagmalaki natin ang kulturang Pilipino sa buong
mundo.

90 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
SANGGUNIAN

Mga Aklat

Asari, J.A.C. et al. ( n.d.). Ang Isla ng Siquijor: Kaligirang Kasaysayan at ilang Impormasyon sa
paningin ng mga mananambal. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. ( pp. 107-114).
Malabon City : Mutya Publishing House INC.

Casimero, D. A. et al. (2018). Wika at Kultura ng Cebuano. Valenzuela City : (n.p.).

Hufana, N., Banawa, M., Gervacio, G., Pantorilla, C., Sajulga, A., & Tiosen, R. (2018). Wika at
Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City : Mutya Publishing House, INC.

Jocano, F.L. (1968). Sulod Society: A Study of the Kinship System and Social Organization of a
Mountain People of Central Panay. Quezon City : Up Press

Mula sa Internet

Aklan. (n.d). Mga Aklanon. Words Similarity. Retrieved from


https://wordsimilarity.com/tl/aklanon

Around Philippines. (2017). A Glimpse of Siquijodnon Cuisine. Retrieved from


http://www.aroundphilippines.com/2017/08/siquijodnon-cuisine-siquijor-
philippines.html?m=1

Almario V. (2015). Ati-Atihan, Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ati-atihan/

Barbac D. (2019, February 9). Pamahiin sa Buntis. Smart Parenting. Retrieved from
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/pamahiin-sa-buntis-
a1810-20190224-lfrm

Bernal L. (2014, October 23). Aklan. Prezi. Retrieved from


https://prezi.com/nsyicmj3gx3x/aklan/

Calibo, R.A. ( 2019, April 22). Healing Festival Capturing Siquijor Color. Siquijor Feel. Retrieved
from https://www.google.com/amp/s/pia.gov.ph/features/articles/1020964.amp

Canlas, B. (2019, April 5). Museo It Akean. Panay News. Retrieved from
https://www.panaynews.net/museo-it-akean/

91 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Caoili, D. (2012, January 14). Region 6 Kanlurang Visayas. Slideshare. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/ProfDale/region-6-kanlurang-visayas

Casimero, D. A. et al. (2018). Wika at Kultura ng Cebuano. Academia. Retrieved from


https://www.
academia.edu/34190335/PANANALIKSIK_SA_WIKA_AT_KULTURA_NG_WIKAN
G_CEBUANO_AT_ILOKANO_kimedit

Cichon M. (2012, October 29). Aklanon’s Beliefs and Practices on Death. The Pinoy Warrior.
Retrieved from http://www.thepinoywarrior.com/2012/11/aklanons-beliefs-and-practices-
on-death.html?m=1

Coco Grove Beach Resort (2020, October 10). Siquijor Fiestas. Coco Grove Beach Resort.
Retrieved from https://www.cocogrovebeachresort.com/special-events/siquijor-fiestas

Cybo. (n.d.). Mga Simbahan sa Barotac Nuevo. Retrieved from https://yellowpages-


tl.cybo.com/PH/barotac-nuevo-iloilo/mga-simbahan/

Dalupines E. (n.d.). Indigenous People’s Month Narrative Report. Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/document/368399169/INDIGENOUS-PEOPLE-docx

DINS. (2020). Siquijor in a Nutshell. Dumaguete. Retrieved from https://dumaguete.com/siquijor-


in-
a%20nutshell/#:~:text=95%25%20of%20the%20residence%20in,Christian%20communit
ies%20and%20other%20religions

Domingo, R. (2016, November 19). Panitikang Cebuano. Prezi. Retrieved from


https://prezi.com/kpdibc8i0ook/panitikang- cebuano/

Dumaguete Info Archives (n.d.). Siquijor History. Dumaguete Info. Retrieved from
https://dumagueteinfo.com/other-destinations/siquijor-island/siquijor-history/

Dumaguete (n.d.). Siquijor in a Nutshell. Dumaguete.com. Retrieved from


https://dumaguete.com/siquijor-in-a-nutshell/

Ethic Group Philippines. (n.d.). Sulod. Ethnic Groups of the Philippines. Retrieved from
http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the-philippines/sulod/

Fernandez, R. (n.d.). Pananaliksik sa Kultura, Paniniwala, At Tradisyon ng Pangkat Etnikong


Waray mula sa Rehiyon 8. Studocu. Retrieved from
https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-
philippines/bachelor-of-science-in-nutrition-and-dietetics/other/pananaliksik-sa-ugnayan-
ng-wika-kultura-at-lipunan/10217097/view
92 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Gonzales, R. (n.d.). Pista ng Pintados. Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/297887971/Pista-Ng-Pintados

Ikiokez. (2016, March 8). Aklan. Araling Panturismo. Retrieved from https://aralingpanturismo-
wordpress com.cdn.ampproject.org/v/s/aralingpanturismo.wordpress.com

Jaba. M.G. (n.d.). The Waray Culture. Academia. Retrieved from


https://www.academia.edu/30812422/THE_WARAY_CULTURE

Jobs, G. (2019, April 9). What is an Aswang. Medium. Retrieved from


https://medium.com/kwento-at-takutan/what-is-an-aswang-a076065fac0b

Jordan C. (2018, February 8). Death Beliefs and Practices Among the Sulod of Central Panay. The
Aswang Project. Retrieved from https://www.aswangproject.com/death-beliefs-and-
practices-among-the-sulod-of-central-panay/

Kasaysayan ng Aklan. (2013, January 4). Ang Tunay na Kagandahan ng Aklan. It’s more fun in
Aklan. Retrieved from http://itsmorefuninaklan.blogspot.com/2013/01/ang-kasaysayan-
ng-aklan_5140.html?m=1

Lopez., Et al. (n.d). Pamahiin. Retrieved from https://1715373997.rsc.cdn77.org/wp-


content/uploads/2015/11/Pamahiin-PSP-PSU.pdf

Lucero, R.C. & de Juan, A. (2018). Aklanon. Our Islands, Our People. Retrieved from
https://ourislandsourpeople.wordpress.com/aklanon/

Marangi , M.A. ( 2011, June 16). Saging Festival in Siquijor. Philippine Tour Guide. Retrieved
from https://www.phtourguide.com/saging-festival-in-siquijor/

Naputo, V.J. (2013, June 25). Ang Tribung Tagbanua. Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/149847673/Ang-Tribong-Tagbanua

Pamat, K. (n.d.). Waray (1).pdf. Scribd. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/416197059/WARAY-1-pdf

Pintados. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.psh/pintados/

Primer. (2016, September 4). A festival rooted in courtship and marriage: Araw ng Siquijor.
Retrieved from http://primer.com.ph/event/2016/09/04/a-festival-rooted-in-courtship-and-
marriage-araw-ng-siquijor/

93 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Santiago C. (2013, May 9). Sulod. Slideshare. Retrieved from
https://www.slideshare.net/candice0714/sulod

Soho J. (2007). Arranged Marriage in Aklan. Kapuso Mo, Jessica Soho. Retrieved from
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/46536/arranged-
marriage-monitor-lizards-and-pinoy-paparazzi/story/

Sorilla, F. (2017, May 10). Weaving the Threads of Filipino Heritage. Asia Tatler. Retrieved from
https: asiatatler.com/life/weaving-the-threads-of-filipino-heritage //ph.

Tan, C. (n.d.). Cebuano. Scribd. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/292702887/Cebuano

Teodoro, A. (n.d.). Pananaliksik tungkol sa mga Waray. Academia. Retrieved from


https://www.academia.edu/28860428/Pananaliksik_Tungkol_sa_mga_Waray

Travel to the Philippines. (n.d.). Solili Festival is the celebration of the day of Siquijor. Travel to
the Philippines. Retrieved from November 20, 2020
https://www.google.com/amp/www.traveltothephilippines.info/2019/07/11/solili-festival-
is-the-celebration-of-the-day-of-siquijor/amp/

Visayas: Remaining Treasures of the Indigenous People. (n.d.). Suludnon. Google Sites. Retrieved
from https://sites.google.com/site/humanities2visayas2015/home/western-visayas/sulod

Wikipedia. (n.d.). Cebuano Language. Retrieved from


https://en.wikipedia.org/wiki/Cebuano_language

Wikipedia. (n.d.). Cebuano People. Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Cebuano_people

94 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS

You might also like