Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KIMBERLY-CJ D.

SERMONIA BSED-III

MRS GEMALYN MARCOS FILIPINO-3

 KARANIWANG PAGLALARAWAN

Noong nakaraang sabado sa Department store ng SM ay nakita ko ang


aking guro noong ako ay nasa ika apat na baitang pa lamang sa hayskul. Sa
aking pagkakaalala isa siya sa pinaka mabait at kagalang-galang na guro sa
aming paaralan. Siya ang aming ikalawang ina, ang gulugod ng bawat
estudyante, masigasig rin siya at dahil sa angkin niyang kabaitan ito ang
nagbibigay ng kagandahan ng panlabas at panloob na anyo niya, pati na
rin ang kulay sa kanyang pagkatao, higit sa lahat ang nagsisilbing bayani
naming mga estudyante. Ang kanyang kayumanging kulay at katamtamang
tangkad ay nagrerepresenta ng imahe nating mga Pilipino, tuwid at mahaba
ang buhok, may singkit na mga mta, matangos ang ilong at may mala kulay
rosas na labi din siya kaya naman ang ganda niya ay agaw pansin na may
pamatay na ngiti na kanyang dala dala sa aming silid aralan kaya naman
lahat kami ay nabibighani sa panlabas man o panloob ng mabuti naming
guro.

 MASINING NA PAGLALARAWAN

Ito ay sagradong lugar na kung saan madalas sama-sama ang mga tao
para purihin, sambahin, magpasalamat at humingi ng kapatawaran sa kanya.
Animo’y ang himig ng mga umaawit sa loob ng banal na tahanan na ito ay
parang tunog ng ibong nanghihikayat para pasukin mo ng walang
alinlangan. Mga salitang matatamo na ika’y mabubusog, ang
kagalakan sa mensaheng may kapayapaan, pagmamahalan,
proteksyon at gabay sa panghabang-buhay na tila wala ng
katapusan dahil sa pahayag na mula sa pagpasok mo sa
tahanan tuwing pagsapit ng linggo. Dito sa lugar at banal
na tahanan na ito na nagsisimbolo ng busilak at
ginintuang puso ng ama na dito lang matatamo, Lubos
na pag-ibig at walang hanggang buhay ang
pangakong dala ng mga taong instrumento nito,
ito din ay nagpapaalalang may ama sa langit na
lahat ay imposible at araw-araw ang buhay natin
ay biyaya. Kaya’t sama-sama tayong purihin at
sambahin siya sa sagradong lugar na ito at hawak
kamay na manalig sa kanya.

You might also like