Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pakikipagkapwa-tao Gamit ang Wikang

Balbal sa Panahon ng Pandemya

Pangkat Anim(6)

Mga Miyembro:

Dela Cruz, Zackharie Norman P.

Delos Reyes, Nysa P.

Diesta, Maria Lian Erika D.V.

Ong, Nadezna Danica C.

Jose Rizal University


KABANATA V
LAGOM NG PAG-AARAL, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning malaman ang proseso ng


ebolusyon ng salitang balbal, ang epekto nito sa pakikipagtalastasan, at ang wastong
paggamit ayon sa konteksto, sa pribadong unibersidad sa lungsod ng Mandaluyong.
Ang paraan na ginamit sa pagkalap ng datos ay deskriptib na pananaliksik at sarbey na
ipinatugon sa pamamagitan ng Google Form online. Gumawa ang mga mananaliksik ng
pitong kwestyuner na ginamit bilang instrumento ng pananaliksik. Ito ay isinagawa sa
taong-akademiko 2020-2021.

Sa apat (4) na respondenteng gumagamit ng salitang balbal sa loob ng


pandemya, napagtantong tatlo (3) ang nakadiskubre nito mula sa kanilang matalik na
kaibigan samantalang isa (1) ang nakadiskubre nito mula sa mga palabas sa
telebisyon.

Sa apat (4) na respondenteng kinuhaan ng opinyon, dalawa (2) sa kanila ang


nagsabi na masarap sa pakiramdam at mas madali nilang nailalahad ang kanilang
damdamin samantalang dalawa (2) naman ang nagsabi na ito ang kanilang
kinasanayan at paraan upang makipagtalastasan.

Apat (4) na respondente ang nagsabi na mas pinatibay ng salitang balbal ang
kanilang relasyon sa kanilang mga kaibigan. Dalawang (2) respondente ang nagsabi na
mas pinapatibay nito ang kanilang relasyon sa kanilang pamilya ngunit dalawa (2)
naman ang taliwas sa nakaraang pahayag.

Apat (4) na respondente ang nagsabi na ang kanilang kaibigan ang mas angkop
na kausapin ng salitang balbal. Dalawang (2) respondente ang nagpahayag na sila ay
nagkakaroon ng kaunawaan at pagkakaintindihan samantalang ang natitirang dalawang
(2) respondente ay nasanay ng makipagtalastasan sa kanilang mga kaibigan gamit ang
mga salitang balbal.

Mga Konklusyon

Ipinahayag dito ang mga konklusyong nabuo mula sa datos na nakalap:

Bukambibig sa mga magkakaibigan ang mga salitang balbal na lumalaganap sa


lipunan samakatuwid, natamo at nagaya ng mga karamihan ang paraan ng pakikipag
komunika hanggang sa naiprogram na ito sa kanilang sistema ng komunikasyon. Hindi
limitado sa kahit anong edad ang paggamit ng mga umuusbong na salitang balbal sa
pakikipagtalastasan sa mga kapwa Pilipino anupa’t malaya ang sino man, maging ang
mga sikat na artista sa iba’t ibang programa sa telebisyon, na lumikha o gumamit ng
mga islang o salitang balbal sa loob ng pandemya.

Sa paglaganap ng salitang balbal, naging mas mabisa o mas kadalasan na


ginagamit ang ganitong salita sapagkat napapadali para sa kanila ang pakikipag-usap
at paglalahad ng damdamin. Mayroong mga saloobin at damdamin na hindi madaling
ipahayag gamit ang mga pormal na salita samakatuwid sila ay nagpasyang gumamit ng
mga impormal na wika. Ng dahil sa lumalaganap na pandemya, kadalasang nailalantad
ang mga salitang balbal sa karamihan hanggang ito ay kanilang nakasanayan at naging
paraan upang ilahad ang kanilang damdamin.

Sa paggamit ng salitang balbal, lalong nagpatibay ang relasyon ng mga


respondente sa kanilang mga kaibigan dahil mga kaedad nila ang mga ito, samantalang
halo-halo ang karanasan nila pagdating sa kanilang pamilya. Alinman sa mga ito,
maaaring pinagtibay nito ang koneksyon sa kanilang pamilya o hindi ito nagpapatibay.
Nakadepende ito sa takbo o kung paano nila tinatrato ang isa’t isa. Nagpapatibay sa iba
sapagkat komportable silang makipag-usap nang impormal sa kanilang mahal sa buhay
samantalang hindi ito nagpapatibay ng koneksyon sapagkat pormal ang paraan ng
kanilang pakikipagkomunika sa kanilang pamilya upang maipakita ang kanilang
paggalang.

Ngayong panahon ng pandemya, mas ginagamit ng mga respondente ang mga


salitang balbal sa mga kanilang mga kaibigan tuwing nakikipagtalastasan sapagkat ito
ay kanilang nakasanayan na at, ayon sa kanilang pananaw, mas angkop ito gamitin sa
kanilang mga ka-edad kaysa sa mga nakakatanda sa rason na ito ay nagpapakita ng
masamang pag-uugali at kabastusan kung ito ay kanilang gagamitin bilang paraan ng
pakikipag-usap sa kanilang pamilya.

Mga Rekomendasyon

Narito ang mga rekomendasyon na nabuo upang matugunan ang mga problema
o isyu ayon sa mga resulta:

1. Patuloy na alamin at maging sensitibo sa magiging reaksyon ng mga kalapit na


tao sa buhay bago gamitin ang impormal na pamamaraan ng
pakikipagkomunika. Bukod pa rito, gamitin ang nakuhang impormasyon bilang
gabay sa pagbuo ng limitasyon o hangganan at pagtatakda ng mga panuntunan
sa paraan ng pakikitungo o pagtrato sa kanilang mga kapwa.

2. Maging alerto sa lebel ng relasyon ng isang tao at ng kanilang kinakausap,


bukod pa rito, panatilihin ang paggalang sa mga taong hindi masyadong kilala.
Kilalanin nang mabuti ang kalikasan o pag-uugali ng kausap upang malaman
kung ano ang angkop na paraan ng pagtrato o pakikitungo sa kanila. Respetuhin
ang magiging opinyon o reaksyon ng kausap sa paksang salitang balbal.

3. Sa mga panahon na lumipas, nagbabago ang mga henerasyon sa ating bansa.


Naiiba ang paraan ng pakikipagtalastasan upang makasabay sa agos ng
institusyon. Datapwat, patuloy na gamitin ang wikang kinagisnan kahit na
maraming uri ng pananalita ang nilikha na umusbong sa ating panahon. Patuloy
na hasain ang Wikang Filipino sapagkat ito ang simbolo ng ating pagiging tunay
na Pilipino. 

4. Bigyan ng kalayaan ang mga Pilipino na lumikha ng mga panibagong salita mula
sa kanilang malikhaing isipan. Hangga’t maaari, bumuo ng mga salitang hindi
nakakasakit ng damdamin o nakakapagpababa ng pagkatao ng bawat isa. 

You might also like