MC FIL 101 Modyul 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Daraga Community College

Salvacion, Daraga Albay


1
MC Fil. 101- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino)

I.PAMAGAT: MGA MAKRONG KASANAYAN


A: Pakikinig
B: Pagsasalita
C: Pagbasa
D: Pagsulat
E: Panonood
II. INTRODUKSYON:
Sa pakikipagkumunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal,
ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng kasangkot. Sa
kahusyan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng
pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkumunikasyon, nararapat na
paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwika ito ang magiging
tungungan ng kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang
mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t
ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika.
Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng
maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin-lahat ng mga karanasang ito ay
magsisilbing matibay na pindasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na
wika.

Paano malilinang ang mga kasanayang pangwika?


Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayan
sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay
nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na
makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Sa makatuwid, ang isang klasrum na
nakapagpapayaman sap ag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay
aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang
maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga
kaklase, mga guro, mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.

III. Inaasahang Matamo/Layunin:


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang na;
1. Matatalakay ang mga kasanayang pangwika.
2. Maisa-isa ang mga pamantayan sa mga makrong kasanayan.
3. Mailahad ang mga inaasahang bunga sa bawat makrong kasanayan.
4. Maipaliliwanag ang pagkakaiba-iba at pagkakaugnay-ugnay ng mga makrong
kasanayan sa paglinang sa kasanayang pangwika.
IV. Karanasang Pampagkatuto at Pansariling Pagtataya ng Gawain:

MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG

 Ang PAKIKINIG ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa


narinig.Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan
nGauditory nerve, mabilis na dinadala sa utak(brain) upang bigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.Ang utak
ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at pag-unawa at doon
nagkakaroon ng kahulugan ng narinig.
(http://www.slideshare.net/ghyj/apat-na-makrong-kasanayan-sa-wika)
-
 Tinatayang mga 45% ng panahon ng isang tao ay inuukol sa
pakikinig,ngunit hindi lahat ng naririnig ay dapat tanggapin, kailangang
matutong magsuri ngmga bagay na naririnig. Ang isang tgapakinig ay
madaling umunawa ng mensahekung kaya t nagkakaroon siya ng
pagkakataon na mag-isip at magdagdag pa ng mgabagong kaisipan mula
sa kaniyang mga naririnig.
(http://www.scribd.com/doc/77456559/Ang-Apat-Na-Makrong-Kasanayang-Pangwika#scribd)

KAHULUGAN NG PAKIKINIG

 Ito ay isang aktibong proseso na pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan


ng sensorang pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa
isang tao nap ag-isipan, tandan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng
mga salitang kanyang napakinggan.
 Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagdala ng mensahe. Ang sensorang pakikinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog
na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito at dumaraan sa auditory nerve
patungo sa utak.
 Ang sensorang pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.
Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng


impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at
magkaroon ng mabuting palagayan.
 Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa,
pagtanda o paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang ginagamit ng tao sa


pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang making
kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang making sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG


1. Alamin ang layunin sa pakikinig.
2. Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan.
3. Alamin ang pangunahing kkaisipan sa pinakikinggan.
4. Maging isang aktibong kalahok.
5. Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita.
6. Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig.
7. Tandaan ang mga bagay na Nakita at napakinggan.
MGA URI NG PAKIKINIG

A. Deskriminatibo:
Layunin:
 Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng
komunikasyon.
 Binibigyang pansin ang paraan ng pagbigkas ng taagapagsalita at kung
paano siya kumikilos habang nagsasalita.
B. Komprehensibo:
Kahalagahan:
 Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
 Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
C. Paglilibang:
Layunin:
 Upang malibang o aliwin ang sarili.
 Ginagawa para sa sariling kasiyahan
D. Paggamot:
Kahalagahan:
 Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya
sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
E. Kritikal
Layunin:
 Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap nap ag-aanalisa
o pagsusuri sa paksang narinig.
 Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig.
 Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.

MGA SALIK NA NAKAKABISA SA PAKIKINIG

1. EDAD O GULANG
 Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag
dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang
kakulangan sa pang-unawa.
 Sa mga may edad na o matatanda na hind rin Mabuti ang mahabang
pakikinig dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa
katawan bunga ng kanilang katandaan. Katulad ng pag-atake ng rayuma at
ang kahinaan na ng kanilang pandinig.\
2. ORAS
 Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling-araw ay di
kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising ang kanyang
kamalayan.
 May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawagan, ang isang nagbibigay ng
panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay di na rin epektibo sa mga
tagapakinig.
 Ang mga estudyante na may klase s aumaga ay mas aktibong tagapakinig
kaysa mga estudyante na panghapon.
3. KASARIAN
 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil
maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na
nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang
pakinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may
katipiran ang mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang
pasenya ng mga babae kaysa mga lalaki dahil madali silang mainip.
4. TSANEL
 Paggamit ng instrument sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong
upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radio atbp.
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na
pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrument dahil malinaw na masasabi
ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. KULTURA
 Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng Mabuti at
di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
 Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin
nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
 Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat
habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon naming tahimik at
taimtim lamang na nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. KONSEPTO SA SARILI
 Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang magamit sa
pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na
mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa Mabuti – di-mabuting
katapusan.
7. LUGAR
 Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at
nakapagpapataas ng antas ng knosentrasyon ng isang panayam.
 Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang
ganang making ng mga tagapakinig.

MGA URI NG TAGAPAKINIG

1. EAGER BEAVER
 Siya ay ang uri ng tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang
may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang
kanyang narinig ay isang malaking tanong.
2. SLEEPER
 Siya ang tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong making.
3. TIGER
 Siya ang tagapakinig na laging handing magbigay ng reaksyon sa anumang
sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre
siyang susugod at mananagpang.
4. BEWILDERED
 Siya ang tipo ng tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan
sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at
anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kaniyang
mga naririnig.
5. FROWNER
 Siya ay ang tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos
ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para
makapag-paimpres.
6. RELAXED
 Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.
7. BUSY BEE
 Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang
siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay ,o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
8. TWO-EARED LISTENER
 Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang
kawilihan sa pakikinig.
Panuto: Pumili ng 5 sa mga uri ng Tagapakinig, ipaliwanag ayon sa inyong
pagkakaunawa at magbigay ng isang halimbawa.
Uri ng Tagapakinig Paliwanag at Halimbawa
GAWAIN 1

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang tanong:
Bilang isang magiging guro, mahalaga ba na mapaunlad ng isang bata ang Kasanayan
sa Pakikinig? Paano mo ito gagawin?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA

 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang


kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
 Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao:
ang nagsasalita at ang kinakausap.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

 Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita


 Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
 Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensya ng saloobin ng nakikinig.
 Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at
estratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
 Nalilinang ang kakayahang pang komunikatibo at pakikipag-ugnayan sa mga tao.
 Nailalabas ang kanyang mga saloobin, nararamdaman at mga kaisipang
bumabagabang sa sarili.
 Nakaktulong din ito upang gumaan ang mabigat na nararamdaman ng isang
individwal.

PANGANGAILANGAN SA MABISANG
PAGSASALITA

1. KAALAMAN 2. KASANAYAN 3. TIWALA SA SARILI

KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

1. TINIG 2. BIGKAS 3. TINDIG 4. KUMPAS 5. KILOS

KASANAYAN SA PAGSASALITA

1. Pakikipag-usap
Isaalang-alang ang mga sumusunod:
 Kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa.
 May matapat na layunin sa pakikipag-usap
 Sa pakikipag-usap, kinakailangan ang palitan ng ideya, huwag solohin ng isa
sa alinaman sa nag-uusap ang pagsasalita
 Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-
uusap.
 Ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob.
2. Pakikipanayam (Interbyu)
Mga Dapat Tandaan:
 Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras at lugar na
maluwag sa kakapanayamin.
 Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa.
 Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin.
 Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras.
 Maging maggalang, makinig at magpakita ng kawilihan.
 Iwasan ang pagtatanong ng makaka-ofend sa kinakausap at mga
katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang.
 Magpasalamat sa kinapanayam pagkatpos ng interbyu.
3. Pangkatang Talakayan
Mga Dapat Tandaan:
 Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan.
 Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling
tahimik.
 Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa
talakayan.
 Magkaroon ng bukas na isipan
 Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa
katuwiran ng higit na nakararami.
 Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama.

MGA MUNGKAHI SA MAAYOS NA


PAGSASALITA SA MADLA
1. Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
2. Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng
madla. Isipin ding hindi nag-iisa dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa
mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.
3. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong
kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapinsanan, isiping maging
ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.
4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tapagsalita.
5. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng
karanasan kung hindi mo susubukan.
6. Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat
hanggang sa malalaking madla.
7. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.
8. Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod ayon sa inyong pagkakaunawa.

A)Bakit kailangan ang mga sumusunod sa mabisang pagsasalita?


a) Kaalaman:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

b) Kasanayan :
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
c) Tiwala sa sarili:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4 Gawain 4

Talakayin ang Kahalagahan ng Pagsasalita sa inyong sarili bilang isang


magiging guro. Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Kahulugan/Kahalagahan ng Pagbasa
1. Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mg akaisipan.
2. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
3. Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungang natipon ng daigdig sa
mahabang panahon.
4. Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di
inaasahang suliranin sa buhay.
5. Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
6. Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
7. Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan
sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasa sa buhay.

Apat na Hakbang ng Pagbasa


Ayon kay William S. Gray, “ Ama ng Pagbasa”
1. Ang Pagbasa sa akda
2. Ang pag-unawa sa binasa
3. Ang reaksyon sa binasa
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at
ng dating kaalaman

MGA URI NG PAGBASA

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin;


Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
A. Mabilissang pagbasa-( skimming ) ang pinakamabilis na pagbasa na
nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang
pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalimbag na babasahin. Tinatawag din itong pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
o Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang
aklat.
o Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa
pananaliksik (key word)
o Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
B. Pahapyaw na Pagbasa – ( scanning ) Tumutukoy sa paghahanap ng isang
tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi
hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y
makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap
ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho , mga paupahang
establisemento (buy and sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen,
numerong nanalo sa swipstik, lotto atbp.
C. Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasasalalay sa mga
materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at
malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
D. Pamumunang Pagbasa – (Critical Reading ) Dapat na matiyak ng
mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna
hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito
ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng
akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap,
ang mga ginamit sa salita o istilo sa pagsulat ng may akda. Tinitingnan din
ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
E. Tahimik ng Pagbasa – ( silent reading ) mata lamang ang gumagalaw sa
uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang
tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
F. Pasalitang Pagbasa – (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan
ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat
na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

1. Pagkilala sa mga salita (word perception) Kakayahang umunawa sa iba’t ibang


kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.
2. Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak
hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
3. Pagpapagalagang literasi ( literacy appreciation ) may kakayahang umunawa at
pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong
isyu.
4. Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan ( Research and dictionary skills)
may kakayahan sa paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at kaalaman di-
makita o matagpuan.

5 dimensyon sa pagbasa

1. Pag-unawang literal
2. Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga.

GAWAIN 5

Panuto: Magtala ng 5 magagandang hatid/dulot ng pagbasa sa iyong sarili.


Ipaliwanag ang sagot.

1.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag
kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Mahalaga ang pagsulat dahil;
 Kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala narin ng
mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
 Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat,
pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
 Sa daigdig ng edukasyon, kailangan sumulat tayo ng liham ng aplikasyon,
paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang
iba.

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

1. Pag-asinta ( Triggering )
Kailangan na may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y
sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin
ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng
mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa
paksa.
2. Pagtipon ( Gathering )
Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa amsusing
pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na
materyales at ebidensyang magpapatunay. Bukod sa ating sariling
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at
telebisyon.
3. Paghugis ( Shaping )
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng
hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador
na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan,
kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng
pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa ( Revising )
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang
mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga
di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel.
Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at
muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.

MGA BAHAGI NG PAGSULAT

1. Panimula 2. Katawan 3. Konklusyon 4. Rekomendasyon

MGA URI NG GAWAING PAGSULAT

 Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang


sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-
aralan at tinalakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa
ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang
pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay
sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at
basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

MAKRONG KASANAYAN SA PANONOOD

ANO ANG PANONOOD?


 Ito ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba
pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais
iparating nito.
 Isang proseso na sumusuporta sa pagbigkas (oracy) at literasi, at bahagi ng
isang integratibong programa ng sining pangwika.
 Pag-unawa sa mga imaheng biswal at pag-uugnay sa mga ito sa mga kasamang
salitang pasalita o pasulat.
 Kasama nito ang pagbibigay interpretasyon sa mga imahe na kumakatawan sa
mga salita at pag-uugnay ng mga imaheng biswal sa video, computer program at
websites kasama ang mga salitang pasulat o pasalita.
 Nalilinang ang kasanayan sa pakikinig kung ang mag-aaral ay nakapapanood ng
mga komunikasyong nonverbal at elementong biswal ng pagganap, video,
telebisyon, pelikula at presentasyong multimedia.
 Nalilinang ang pagbasa kung ang mag-aaral ay nakakikita ng mga biswal na may
limbag (tsart, diagram, guhit); mga ispesipikong teknik pang -tekstuwal ( layout,
kulay, simbolo) at ang mga hinuha, perspektibo, at kalidad ng iba’t ibang midya
(larawan,plays, video )

Uri ng Panonood:

DESKRIMINATIBO
Ang paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri.

KASWAL O PANLIBANG
Impormal na pamamaraan at hindi nagbibigay pokus sa detalye.
Dito ay ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang
panonood.

KOMPREHENSIBO
Nagpapahalag lamang sa mensahe at sa ibang detalye.

MAPANURING PANONOOD

Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang


makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang
napapanood.
LITERASING BISWAL
Kakayahang magbigay ng interpretasyon sa kahulugan ng mga
imaheng biswal.

Kakayahang makabuo/makalikha ng epektibong biswal upang


maipabatid ang kaisipan sa iba.

MGA MUNGKAHI SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA


PANONOOD

 Magsimula sa tahimik at taimtim na pagmamasid sa isang likhang sining.


 Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng mga tanong kung saan ang
mag-aaral ay makagawa ng maraming pagmamasid at interpretasyon.
 Bigyan ng patunay ang interpretasyon ng mag-aaral sa pamamagitan ng
larawan.
 Nakabubuo ng mas maraming tanong na naaayon sa talakayan.
 Kung may bagong kaalaman na labas sa paksa, itanong sa mga mag-
aaral kung ang bagong kaalaman ay nakaapekto sa kanilang
pagpapakahulugan/interpretasyon.
 Isangkot ang mag-aaral sa paglalagom ng talakayan.

GAWAIN 6

Alin sa mga uri ng panonood ang gagamit mo kung ikaw ay naatasang


gumawa ng story report tungkol sa isang pelikula?
Ipaliwanag.
____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________

V- Buod/ Mahahalagang dapat Tandaan:


Ang mga makrong kasanayan ay binubuo ng mga sumusunod;
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbasa
4. Pagsulat
5. Panonood
Ang bawat isa ay may kaugnayan sa pagpapaunlad sa bawat
kasanayangnabanggit. Mahalagang mapaunlad ang bawat kasanayan spagkat
ito ay ang kabuuan ng isang pagkatuto ng isang bata/mag-aaral

 Ang PAKIKINIG ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa


narinig.Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan nGauditory
nerve, mabilis na dinadala sa utak(brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.Ang utak ang siyang nagbibigay ng
interpretasyon at pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ng narinig.
 Ang PAGSASALITA ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang
kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.
 Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao:ang nagsasalita at ang
kinakausap.
 Ang PAGBASA ay pagkilala ng mga simbolo o sagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng
manunulat nailipat sa kaisipan ng mambabasa.
 Ito ay nangangailangan ng kakayahang pangkaisipan dahil alam ang tunog
(ponema ) ng naisulat na letra.
 Ang PAGSULAT ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
 Ang PANONOOD proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video
recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe
o ideya na nais iparating nito.
 Isang proseso na sumusuporta sa pagbigkas (oracy) at literasi, at bahagi ng
isang integratibong programa ng sining pangwika.
 Pag-unawa sa mga imaheng biswal at pag-uugnay sa mga ito sa mga kasamang
salitang pasalita o pasulat.
 Kasama nito ang pagbibigay interpretasyon sa mga imahe na kumakatawan sa
mga salita at pag-uugnay ng mga imaheng biswal sa video, computer program at
websites kasama ang mga salitang pasulat o pasalita.
 Nalilinang ang kasanayan sa pakikinig kung ang mag-aaral ay nakapapanood ng
mga komunikasyong nonverbal at elementong biswal ng pagganap, video,
telebisyon, pelikula at presentasyong multimedia.
 Nalilinang ang pagbasa kung ang mag-aaral ay nakakikita ng mga biswal na may
limbag (tsart, diagram, guhit); mga ispesipikong teknik pang -tekstuwal ( layout,
kulay, simbolo) at ang mga hinuha, perspektibo, at kalidad ng iba’t ibang midya
(larawan,plays, video )

VI-Pagtataya:
Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan sa bawat tanong:
1. Ano ano ang iba’t ibang mga makrong kasanayan?
1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________
4. _______________________
5. _______________________
2. Magkakaugnay ba ang mga makrong kasanayan sa pagpapaunlad ng
pagkatuto ng isang mag-aaral? Ipaliwanag.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________
3.Alin sa mga kasayan ang higit na kailangan? Bakit? Panindigan ang
iyong kasagutan.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

4.Ano ano ang mga kasangkapan sa pagsasalita?


1. _______________
2. _______________
3. _______________
4. _______________
5. _______________
5. Magtala ng 5 magagandang hatid/dulot ng pagbasa sa iyong sarili.
Ipaliwanag ang sagot.
1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________
4._______________________________________________________________
5._______________________________________________________________

VII- Susi sa Pagwawasto:


Note: sa Bilang 1 at 4, Guro ang magwawasto
Blg. 2,3 at 5 (Rubrics)
A) Gramtika(baybay, bantas,pangungusap atbp) ---------- 50%
B) Pagkakalahad ng ideya ------ 25%
C) Nilalaman ------ 25%

VIII- Inaasahang Gagawain sa susunod na Modyul


Magbasa tungkol sa Kahalagahan, Kahulugan,
Katangian at kasaysayan ng wika.

IX-Pansariling Pagtataya

Hindi ko naunawaan Kailangan ko ang Tama lang ang Naunawaan kung


ang mga paksa sa gabay sa pag- pagkakaunawa ko sa Mabuti at natuto ako
unawa sa ibang nilalaman ng sa mga paksa at
modyul
paksa sa modyul modyul. nilalaman ng modyul

Ang modyul ay Ang modyul ay Ang modyul ay Ang modyul ay


malinaw,
hindi akma sa mayroon pang malinaw
komprehensibo at
pangangailang kailangang subalit kulang
ang talakay ay
pagkatuto rebisyon sa ilang mga kaaya-aya sa mag-
detalye aaral.

X- Sanggunian:
(http://www.slideshare.net/ghyj/apat-na-makrong-kasanayan-sa-wika)
https://www.studocu.com
https://www.coursehero.com
https://www.slideshare.net (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya-slideShare)
https://www.academia.edu-mga makrong kasanayan.

MODYUL 1
MC FIL. 101
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
( Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino )
RDZ 2021
PREPARED BY:

ROGER D. ZAMORA, MFil.


Instructor

FOR THE MONTH OF SEPTEMBER, 2020

You might also like