Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

PHILTECH INSTITUTE OF ARTS AND TECHNOLOGY INC.

SUBJECT:
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ARALIN 5

CONATIVE, INFORMATIVE AT LABELING NA GAMIT NG WIKA

Layunin

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nabibigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na conative,, informative, at labeling


 Nailalahad ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na conative, informative at labelling
 Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na cobnative, informative, at labelling;
at
 Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng wika sa pagbabalita sa telebisyon.

BALIK-TANAW

Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Kapag pamilyar sa iyo ang pahayag o kaya ay nasabi mo na ito
minsan, gumuhit ng isang masayang mukha  sa unahan ng bilang nito. Kapag ang pahayag naman ay hindi
pamilyar sa iyo o hindi mo pa nasabi kahit minsan, gumuhit ng puso sa unahan ng bilang nito.

______1. Mahusay magturo an gaming guro sa paaralan

______2. Umalis ka ngayon din!

______3. Paborito ng kapatid ko ang Kathniel

______4. Pilipino ako

______5. May bagong pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

______6. Ako ang prinsesa ng selfie.

______7. Huwag tayong magkopyahan ng sagot.

______8. Adik ka!

1
_____9. Tulungan mo naman ako gumawa ng report ko.

_____10. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo

_____11. Jologs ka ba?

______12. Kuwentuhan mo naman ako ng napanood mong pelikula

______13. Malapit na ang bertdey ko.

______14. Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.

______15. Dapat mag-aral tayo mabuti.

___________________________________________________________________________
Basahin ang nakasulat sa larawan.

Ano ang ibig sabihin ng “bawal tumawid”? ano ang ipinahahatid ng pahayag na “may namatay na dito”?

Ang Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika

Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Wika ang instrument sa paghahatiran ng mensahe
at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa,
sa larawan sa itaas, ang intensiyon ng pahayag na “Bawal tumawid may namatay na dito” ay magbibigay ng babala
sa mga taong tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pag-uutos na “ bawal tumawid” at sa pagbibigay ng
impormasyon na “may namatay na dito”.

May ganitong uri din ng babala na mababasa tayo sa kalsada:

2
Nagbibigay din ng imporamasyon ang pahayag na “walang tawiran” at nakakamatay”.
Hindi lamang sa mga babala natin nakikita o nababasa ang mga pahayag na nag-uutos at nagbibigay ng impormasyon.
Kapag panahon ng eleksiyon, palagi nating naririnig o nababasa ang mga pahayag na conative sa mga
politikong kandidato tulad ng “Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!” Naririnig din
natin ang mga pahayag na nag-uutos sa mga komersyal sa telebesiyon kapag pinabibili tayo ng mga produktong
iniendorso tulad ng “ Ano pang hanapin mo? Dito ka na! Bili na!” Sa mga talumpati ng pangulo, madalas nating
naririnig ang kaniyang pakiusap na, “Magtulungan po tayo para sa pag-uunald ng ating bayan”.
Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit ng wika ang conative, informative, at labelling. Sa mga
sitwasyong naiimpluwesyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit
nating wika. Nakikita rin ang conative na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat,
may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.

CONATIVE na gamit ng wika.


• Ito ay ang paghimok at pag impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga pag uutos at paki usap
• Gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang tao

Halimbawa ng maikling sanaysay na naglalaman na conative na gamit ng wika Tuwing Darating ang Eleksiyon

“Tuwing darating ang eleksiyon,gamitin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa atin ng
demokrasya - ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya
nakasalakay ang kinabukasan ng ating bayan.”

Matutukoy mo ba kung anong pahayag sa talata ang nagpapakita ng CONATIVE na gamit ng Wika sa binasa
niyong halimbawa na maikling sanaysay?

Alam mo ba ang mga Propesyon ni Dr Jose Rizal?

3
Anthropologists
Botanist
Businessman
Physician
Painter
Novelist
Farmer
Engineer
Sculptor
Philosophies
Psychologists

INFORMATIVE

• Sa tanong ko kanina, alam mo ba ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Atin itong nasagot, sa mga sitwasyong
may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nabibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin. • INFORMATIVE ang gamit natin na wika.

Narito ang maikling talata na nagbibigay ng impormasyon Bagong Bayani Sa kabila ng hindi magandang mga
balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit
nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino Sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan
at maspasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag alay ng lakas, galing at talino?

Sa tanong na ito, marami kaagad ang susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para
maghanap ng mas magandang kapalaran o "greener pasture". Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar, mapag
aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng perang pangnegosyo at iba
pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang- ang paghahanap na
mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

• Ano ang paksa ng sanaysay?

• Ano- anong mga impormasyon ang mahahango mula sa sanaysay?

King Of Comedy? Pambansang Kamao? King of Talk PNoy Kayo, ano tawag saiyo ng Kaibigan niyo? Kapit bahay?
Tawag saiyo ng iyong Ina? Tawag sa iyo ng Kasintahan niyo?

4
LABELING

• Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.

Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumagamit ng bansag o label sa kanilang mga Tauhan

 "Impeng Negro" ROGELIO R SIKAT


 Gurong "mabuti" GENOVEVA EDROZA MATUTE
 "Vicenteng Bingi" JOSE VILLA PANGANIBAN
 "Pilosopo Tasyo" JOSE RIZAL
 "Sisang Baliw" JOSE RIZAL
Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko,
artista, mga nasa larangan ng media, isports, militar at iba pa. Malaya natinga nagagamit ang wika sa iba't-ibang
sitwasyon at intensiyon. Gayunpaman, hindi natin dapat abusuhin ang paggamit natin ng wika. Huwag kalimutan na
dapat gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan.

Maging magalang tayo sa gamit na CONATIVE kung nag- uutos tayo. Tiyaking nating tama at totoo ang gamit
natin ng INFORMATIVE kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang
pagbibigay ng negatibong bansag o LABEL sa ating kapwa na maaring makasakit ng damdamin

Gamit ng wika sa commercial taglines, ating alamin!

LBC "Hari ng Padala" LABELING

MERCURY DRUG "Nakakasigur o gamot ay laging bago" INFORMATIVE

SUPER FERRY "Sakay na! CONATIVE

LAYAG-DIWA

A. Magtala ng iba’t ibang sitwasyon na ginagamit ang conative, informative at labeling na gamit ng wika.
Magbigay ng limang sitwasyon gamit ang conative, informative at labeling.(3 Puntos ang bawat isa)

Pagsulat ng sanaysay. Manuod ng balita sa telebisyon o magbasa ng diyaryo.Pumili ng isang mahalagang


isyu o pangyayari sa lipunan na narinig o nabasa mo na.

5
A. Magsaliksik tungkol sa isyu o pangyayaring napili.Gamit ang mga nasaliksik na impormasyon,
sumulat ng isang sanaysay na INFORMATIVE tungkol sa isyu o pangyayaring napili. (10 puntos)

Sanggunian:
Kumunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino by Dolores R. Taylan  Jayson D. Petras 
Jonathan V. Geronimo

To access LMS (Learning Management System) : www.piat.ph


6
ARALIN 06

PHATIC, EMOTIVE AT EXPRESSIVE NA GAMIT NG WIKA

Layunin:

Matapos ang aralin, inaasahang maisagagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika na PHATIC, EMOTIVE at EXPRESSIVE


• Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na PHATIC, EMOTIVE at EXPRESSIVE
• Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika
• Nakasusulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng PHATIC, EMOTIVE, at EXPRESSIVE na wika

Diyalogo 1

Thelma: Uy, napansin mo ba?

Bea: Ang ano?

Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.

Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya baka may problema. Halika, lapitan natin siya

Thelma: Sol, Kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo? Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami?

Sol: Naku, Wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako kagabi sa pagsulat ng term paper
natin. Thelma:Hay... pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term paper

Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol at okey ka lang Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa ha.

7
PHATIC - Karaniwang maikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
Nagpapakita ng pakikipagkapwa- tao o pakikipag ugnayan.

Diyalogo 2

Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.

Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring yan.Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.Sana
huwag naman.Maraming masasayang na kabuhayan.Tiyak na lalalgaganap ang kahirapan sa Mindanao.

Myrna: Hindi lang yan! Ako nga awang- awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo na yung mga batang
nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila

Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ng giyera at nang mgkaroon na ng tunay na kapayapaan
sa Mindanao

Myrna: Ipagdasal natin 'yan.

EMOTIVE - Pagpapahayag ng mga Saloobin, Damdamin at Emosyon, Pandamdamin

Diyalogo 3

Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction.Sobrang mahal naman kasi ng tiket.
Paboritong-paborito ko pa naman sila.

Ester : Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na 'yan. Doris: Bakit naman.

Ester: Hindi ako mahilig sa foreign artists. Mas gusto kong tangkilikin ang mga kanta at concert ng local artist natin.
Sila ang mas pinanonood ko.

Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig 'yan. Basta ako, kahit foreign o local basta gusto ko ang
mga kanta, nagiging paborito ko.

EXPRESSIVE - Ang expressive na gamit ng wika ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo
ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya- ayang relasyon sa ating kapwa. - Hindi maiiwasan sa pakikipag-
usap na nababanggit natin ang ilang bagay tugkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay,
kagustuhan at marami pang iba.

8
A. Maikling Pagsusulit

Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika. (10 puntos)

PHATIC

1______________________________ 2______________________________
3______________________________

EMOTIVE

1_______________________________ 2_______________________________
3_______________________________

EXPRESSIVE

1_______________________________ 2_______________________________
3_______________________________

A. Sumulat ng isang naratibo ng karanasan sa loob ng tahanan na may Phatic, Expressive at Emotive. (10
puntos)

Sanggunian:

Kumunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino by Dolores R. Taylan  Jayson D. Petras  Jonathan
V. Geronimo

To access LMS (Learning Management System) : www.piat.ph

9
ARALIN 07

INSTRUMENTAL, REGULATORI, AT HEURISTIKONG TUNGKULIN NG WIKA

Layunin:

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental, regulatori,


at heuristiko;
 Naiisa-isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tungkulin ng wika na instrumental, regulatori, at
heuristiko
 Nakabubuo ng maikling talata at pahayg na gumagamit ng mga komunikatibong tungkulin ng wika na
nakatuon sa instrumental, regulatori, at heuristiko

BALIK-TANAW

Mahilig ka bang manood ng dula? Suriin ang nilalaman ng halimbawang poster pandulaan sa ibaba at balikan ang
mahahalagang prinsipyo ukol sa komunikatibong gamit ng wika na tinalakay sa nakaraang aralin.

Panuto: Suriinang nilalaman ng poster ng dulang “Pagtatagpong Noli at Fili”. Gamit ang mga detalye o impormasyong
makikita sa poster, subuking ilapat ang mahahalagang prinsipyo at kaalamang natutuhan ukol sa komunikatibong
gamit ng wika na nakatuon sa conative, informative, at labeling. Dugtungan ang mga sumusunod na parirala sa ibaba
batay sa mga impormasyo.

Nais ipakahulugan ng mga ginamit na disenyo sa poster


na...._________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

10
Nalaman ko sa poster na...
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________

Nakaiimpluwensiya ang poster sa akin


dahil..________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________.

INSTRUMENTAL, REGULATORI, AT HEURISTIKONG TUNGKULIN NG WIKA

Ano ang iba’t ibang tungkulin ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? Bakit mahalaga
ang panlipunang konteksto sa makabuluhang paggamit ng wika? Paano makatutulong sa akademiko at
praktikal na larang ng pang araw-araw na paggamit ng wika ang pag-unawa sa mga tungkuli nito? Talakayin
sa bahaging ito ang mahahalagang katanungang ito kaugnay sa instrumental, regulatori, at heuristikong
tungkulin ng wika.

Anomang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan


nito. Halimbawa hindi lubos na mauunawaan ang barsyon ng wika kung ang pag-aaralan lamang ay ang
mga lingguwistikong estrukturang bumubuo rito, at isasantabi ang mga di-lingguwistikong pangyayari o
pagkakataon na nagbunsod sa pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang layunin sa
komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit (functional approach) na
pag-aaral sa wika na ipinanukala ni Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga
naunang teorya nina Malinowski (1923), at Firth (1957), at iba pa.

Ipinapalagay ni Malowski na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at


konteksto (sa Haslett 2008). Ibig sabihin, ang silbi at tunkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na
ginagampanan nito sa isang partikular na kultura. Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong
ginagamit bilang konsiderasyon sa kultural na aspekto ng pakikipag-ugnayan.

11
May instrumental na tungkulin ng wika kung layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa
pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga presensiya, kagustuhan at
pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para
sa paglulutas ng problema, pangangalap ng materyaleas, pagsasadula, at panghihikayat. Kailangang
gamiting mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip, o nararamdaman. Halimbawa, alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng
mensahe ng ninanais na pakikipaghiwalay.

A. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.


B. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.
Sa unang pahayag, hindi mabisang nailapat ang instrumental na tungkulin ng bwika sapagkat hindi ito
naglilinaw ng tiyak na kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya ng ikalawa na may tiyak
na paggamit ng pahayag na “gusto ko..” upang sapat na makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita.

May regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal
ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay
o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o
pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang- ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto. Ang
pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon
sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling
regulatoryo.

Halimbawa sa ideolohiya ng mga negosyante at kapitalista, ginagamit nila ang wika sa mga
patalastas upang makapanghikayat at impluwensiyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil
nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa podukto (gawin mo ito..) at nag-uutos na
gayahin o gamitin ang kanilang produktong inumin kung paano inilalapat ang regulatori na tungkulin ng
wika sa kanilang tag line.

Heuristiko – ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo,
sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.
Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay- depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radio,

12
panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng
impormasyon.

Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin ng wika ang “Ano ang nangyari”?
“Para saan?” “Bakit mo ginawa iyon?” “Sabihin mo sa akin kung bakit?” at “ Ano ang ginagawa ng mga taong
gobyerno?”

LAYAG-DIWA

Matapos ang talakayan ukol sa mga tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental, regulatori, at heuristiko,
subuking ilapat ang mga konsepto at kaalamang natutuhan gamit ang mga sumusunod na praktikal na Gawain.

A. Sa tulong ng concept map, isa-isahin ang pagkakaiba ng mga tunkulin ng wika na tinalakay sa itaas.
Magbigay lamang ng tatlo hanggang limang katangian bawat tungkulin ng wika. Lagyan ng pangkalahatang
paliwanag ukol sa mahalagang papel ng tatlong tungkulin ng wika sa paglinang ng komunikasyon at
panlipunang pakikipag – ugnayan ng isang indibidwal. ( 10 puntos)

Isa - isahin
ang
pagkakaiba
ng mga
tungkulin
ng wika .

Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________

13
A. Basahin ang diyalogo at tukuyin ang tungkulin ng wika kung: A. Instrumental, B. regulatori, at C.
Heuristiko sa mga pahayag na may guhit. Isulat lamang ang titik ng tamang tungkulin ng wika sa
ibabaw ng ginuhitang pahayag.

Juana: Parang (1) gusto kong lumahok sa kanilang rali.

Juan: (2) ano ba ang ginagawa sa rali.

Juan: Programa at talakayan sa mas malawak na hanay ng nga tao.

Juana: (3) bakit rali?

Juana: (4) Ginagawa ito bilang isa sa mga porma ng malayang pagpapahayag at praktis ng

demokrasya.

Juan: Ibig sbaihin, (5) may iba pang porma ng pagpapahayag?

Juana: Marami naman, kung (6) kung gusto mo ay maari kang lumahok sa paraan ng diyalogo,

forum, pagsulat ng tula, polyeto, at iba pa.

Juan: Ayun naman pala, (7) bakit rali pa ang napili?

Juan: (8) Kailangang ipaabot sa mas malawak na mamamayan ang isyu.

Juan: Ganu’n?

Juana: (9) Tandaan natin na marami tayong tinatamasang karapatan at kalayaan ngayon na

ipinagtagumpay sa kolektibong pagkilos.

Juan: Tama! (10) Tara lumahok tayo!.

To access LMS (Learning Management System) : www.piat.ph


Sanggunian:

Taylan ,Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan V. – Komunikasyon at Pananaliksik
Sa Wika at Kulturang Pilipino

14
ARALIN 08

INTERAKSIYONAL, PERSONAL, AT IMAHINATIBONG TUNGKULIN NG WIKA

Layunin:

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

- Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa


interaksiyonal, personal, at imahinatibo;
- Napag-iiba ang mga tunkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo;
- Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo sa
pinanood na indie film.
BALIK-TANAW

Inilunsad noong 2012 ng Kagawaran ng Turismo ang opisyal na kampanyang panturismo


ng Pilipinas, ang islogan na “Its More Fun In the Philippines” upang hikayatin ang mga turista na
bisitahin ang ipinagmamalaking mga pasyalan, magagandang tanawin, at matikman ang
namumukod-tanging kasiyahan sa paglilibot sa buong kapuluan ng Pilipinas. Sa kabilang banda,
mahalagang linawin na bukod sa mga dayuhang turista na target ng nasabing kampany, marapat
lamang na maging pangunahing tagatangkilik ng anomang lugar na turismo sa bansa ang ating
mga sariling mamamayan. Kung gayon, may pangangailangan din na lumikha ng mga local na
kampanyang lilinang sa payak na komunikasyon at mensaheng makauugnay ang kalakhan ng mga
Pilipino. Gamit ang mga natutuhang bisa sa paggamit ng wika sa tiyak na tungkulin na nakatuon
sa instrumental, regulatori, at heuristiko, lumikha ng orihinal at maikling tagline sa wikang Filipino
na humihikayat sa mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang pambansang turi

15
Interaksiyonal, Personal, at Imahinatibong Tungkulin ng Wika

Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kong paano bumuo ng kahulugan. Sa
ganitong prinsipyo, mahalaga ang potensiyal sa pagpapakahulugan batay sa konteksto at gamit. Sa pananaw
ng siitematikong linnguwistika, nasa pundasyon ng wika ang cultural at panlipunang anyo bunga ng cultural
at panlipunang proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura.

Ang konseptong “potensiyal sa pagpapakahulugan” ni Halliday ay naniniwalang ang wika ay isang


set na tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa pamamagitan
ng pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at sintaks. Kung gayon, hindi maihihiwalay
ang kultura at lipunan sa pagpapakahulugan ng mga pahayag.

Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may


interaksiyonal na tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isnag tao at ang
kaniyang kapuwa sa paligid. Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang
ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng,
“Mahal kita”, “Kumusta?” “Nanay”, at “Mabuhay!”

Interaksiyonal na tungkulin ng wika ang pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan.


Nagsisilbing gampanin ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang

16
personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang
ipahayag ang kaniyang mga personal na presensiya, saloobin, at pagkakakilanlan. Mahalaga naman ang
imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa
gamit ng mga slaita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.
 Interaksiyonal
Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali , wastong pagsasabi sa
wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian. Madaling makita ang mga paglabag sa
kaugalian, maging malaswang salita sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring
parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.

Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, Halimbawa paghihiwalay,


pagtanggap, atbp.

 Personal
Pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda,
pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita, pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng
damdamin. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya ang sinuman magbuka
ng kanilang bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung
paano sasabihin ang kanilang sasabihin.

Halimbawa:

pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng Halimbawa galit, paghingi ng


paumanhin, talakaying impormal at d-pormal, kolum at komentaryo sa dyaryo

Personal Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa
gamit na ito,nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang
kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.

 Imahinatibo

17
Nakabubuo ng isang sistema ng haraya, maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o
huwarang pangarap (utopian visions) at pag-iisip ng walang magawa. Pagpapahayag ng imahinasyon
samalikhaing paraan.

Halimbawa:

Para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag- iingay ng sanggol, pag-awit ng isang
mang-aawit, pagtutula ng makata, mga larong pangwika, paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag, at
simbolismo, mga akdang pampanitikan tulad ng nobela at maikling katha.

Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa
karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa katotohanang
ipinahihintulot nito. Tinutugunan ang maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges)
Paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa o nakikita sa telebisyon at sine, pakikinig sa radyo, cd
player, MP3 player (vicarious experience) Pinapansin ‘di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang
mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.

SALUK- DUNONG

A. Suriin ang sumusunod na tag line batay sa ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal, personal
at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong sagot. Limitahan ang paliwanag sa dalawa o hanggang
tatlong pangungusap. (limang puntos bawat isa).
B.
1. FACEFOOD
Like ko ‘to

18
19
20
ARALIN 9

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO

LAYUNIN:

Matapos ang ralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;


 Natutukoy ang mga bahagi ng pananlita sa wikang Filipino; at
 Nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.

Lusong-kaalaman

Angkop na gamit. Humanap ng kapareha at suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang angkop na
salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap. Guhitan ang tamang sagot.

1. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal


2. Pakidala ng mga pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
3. (Mayroon, May) ba siyang pasalubong mula sa Batangas.
4. Nariyan na yata nag Tatay! Buksan mo na ang (pinto, pintuan)
5. (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng umaga.
6. Si Bryan at (tiga-, taga-) Aklan.
7. (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo.
8. Ngayon bakasyon, (susubukin, susubukan) kong mag-aral na magluto.
9. Nagmamadali niyang inakit ang (hagdan,hagdanan).
10. Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

ANO ANG KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at


makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng lingguwista at mananaliksik
sa wika ng bata ang nasabing kakayahan na tinatawag na

21
kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan naming abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

Sa pananawa ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang lingguwistiko ay


isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya
ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob ditto ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin
ang tunog o mga tunog at at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng lingguwistikong pagtatanghal (linguistic
– performance) o ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINPO

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko mg Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng


balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon an gating wikang
pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco
(2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na napapangkat sa sumusunod:

A. Mga Salitang Pangnilalaman:


1. Mga nominal
a. Pangalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,pook, katangian, pangyayari, at
iba pa.
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangalan
2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay – buhay sa pangkat ng salita.
3. Mga Panuring
a. Pang – Uri – nagbibigay – turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang – abay – nagbibigay – turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-
abay.
B. Mga Salitang Pangkayarian:
1. Mga Pang – ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa at, pati, ni,
subalit, ngunit)
b. Pang – angkop – katagang nag – uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa
na, -ng)

22
23
24
25
B. Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng
walong dagdag n titik (c,f,j,ñ,q,v,x,z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga
katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid ( Tausug, Meranaw) gusaling simbahan ng mga Muslim
2. Mga bagong hiram na saliyta sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na
salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi saklaw ng panuntunang
ito:
halimbawa:
selfie
digital detox
3. Mga pangangalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko at
teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo
Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa(1) pagpapalit ng D tungo sa R;
paggamit ng “ng” at “nang” ; at (3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos
sa patinig o sa malapatinig na W at Y (halimbawa: Malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung
sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin

26
nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa – ra, ri, raw, o ray (halimbawa:
maari din, araw – araw daw).
2. May limang tiyak na paggamit na nang:
a. Bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na
ito makakagat pa.”)
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay
mula sa Saudi Arabia.”)
d. Pagtukoy sa pang-abay na pamamaraan at pang-abay na panggaano (halimbawa: “Iniabot nang
palihim ni Carl ang liham kay Christine.” “Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”)
e. Bilang pang-angkop na inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng
eroplano.”)

Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataon ay kailngan gamitin ang ng.

3. Wastong gamit ng gitling (-)


a. Sa inuulit na, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-paraan)
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-brum)
c. sa paghihiwalay na katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-Marikina, maka-Pilipino)
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay (halimbawa: mag-
compute, pa-encode)
f. sa pantig na may kakaibangbigat sa pagbigkas , partikular sa sinaunang Tagalog sa iba pang wika
sa Pilipinas (halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-ong)
g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras ta petsang may ika- (hal. Ika-12 ng tanghali, ika-23 ng
Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- ( hal. Alas-2 ng hapon,
alas don ng hapon)
i. sa kasunod ng “de” (hal. De-lata, de-kolor)
j. sa kasunod na “di” (hal. Di- mahawakan, di kalakihan)
k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa (hal.
Genova Edroza – Matute)

27
Maikling Pagsusulit

A. Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano nagkakaiba ang kakayahang
lingguwistiko at lingguwistikong pagtatanghal. Isulat ang paliwanag sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

Kakayahang Lingguwistiko Kakayahang Pagtatanghal

To access LMS (Learning Management System) www.piat.ph

Sanggunian:Taylan ,Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan V. –

Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino

28
ARALIN 10

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO

LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko;


 Nauunawaan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa sino, paano, kalian, saan, ay bakit nangyari
ang gawaing pangkomunikasyon; at
 Nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba’t ibang kontekstong sosyolingguwistiko.

BALIK – TANAW

Buuin ang paunawa ng pamahalaan hinggil sa pag – iwas sa sunog sa panahon ng Pasko sa pamamagitan ng pagpili
ng angkop na salita o parirala mula sa mga nasa loob ng kahon.

Iwas – Sunog sa Panahon ng Pasko

____________ ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mamamayan upang makaiwas sa sunog:

 Mag – ingat sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at__________ at lamang ang may marka ng
Philippine Standards (PS) at Import Commodity Clearance (ICC).
 Suriin ang _________na Christmas lights at siguraduhing walang sira o damage sa mga kable nito.
 Iwasang may – overload ang electrical outlets. Kadalasan, ang mga outlet ay may kakyahan lamang na
_______ ng hanggang tatlong appliances. Tandaan, kapag ang kable ng kuryente ay mainit, ito ay overloaded
at maaring magdulot ng kapahamakan.
 Gumamit ng mga non-flammable o hindi madaling _______ na dekorasyon at ilayo rin ang mga ito sa mga
bagay na maaring magdulot ng sunog.

tangkilikin narito masira ginagamit Kuhanin

29
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak na Sitwasyon

Paano ka nakikipag – usap sa iyong magulang, guro, at iba pang nakatatanda? Katulad lamang ba
ito ng pakikipag – usap mo sa iyong mga kaibigan at kaklase?

Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang magsalita ng anomang iyong
nais sabihin o may mga sitwasyong nangangailangan ng pagtitimpi?

Ang mga tanong na ito, marami pang iba, ang siyang isasaaalang – alang natin sa paglilinnag ng
kakayahang sosyolingguwistiko.

Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?

Tinutukoy ang kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may
naaangkop na panlipunng pagpapakahulugan para isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika (halimbawa: “Magandang araw po!
Kumusta po kayo?) sa pakikipag – ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin
ng imporaml na wika (halimbawa: “Uy! Kamusta ka naman?”) sa taing mga kaibigan at kapreho ng estado.

Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (halimbawa, ang mga tao na Tagalog ang
unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na
kailangang pag – isipan ang paggamit ng naaangkop na pahayag ayon sa sitwasyon. Gayunman, para sa
hindi taal na tagpagsalita, dapat niyang matutuhan kung paano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang
sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang – alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap,
layunin ng interaksiyon, at itinakdang kumbensiyon ng interaksiyon” (Freeman at Freeman 2004).

Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974)ang nasabing mahahalagang salik ng


lingguwistikong interaksiyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:

S – Setting and Scene: Saan ang pook ng pag – uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?

P – Participants: Sino – Sino ang kalahok sa pag – uusap?

E – Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag – uusap?

A – Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag – uusap?

30
K – Key: Ano ang tono ng pag- uusap? Seryoso ba o pabiro?

I – Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod sa
pamantayang panggramatika?

N – Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag – uusap at ano ang reaksiyon dito ng mga kalahok? Malaya bang
nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimiitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian, edad at iba pang
salik?

G – Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit (halimbawa: interbyu, panitikan, liham)?

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon. Ang
salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistemakong pag – aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na
pagdanas at pakikipag – ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa
komunikasyon, sinasabi na ang pag – aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa
kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na
pahalagahan ang mga salik na nababanggit vsa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at mabisang
komunikasyon sa tiyak na konteksto.

Pagkilala sa Mga Varayti ng Wika

Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika at pag – aangkop ng gamit nito
ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay natalakay na natin ang mga varayti ng wika. Ang mga varayti
na ito ay nagpapahiwatig ng:

 Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon – maaring maging pormal o impormal ang pananalita depende
sa kung sino ang kinakausap;
 Ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga magkakaibigan.
Nailalangkap din nila ang ang biruan at pahiwatigan na hindi mauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang
grupo;
 Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat – gumagamit ng lokal na wika at/ o
diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita; at
 Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan na salita sa harap
ng guro, magulang, at iba pang nakatatanda at may awtoridad.

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din ng pamamalagay rito bilang
panlipunang penomenon. Ibig sabbihin, nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayg ng
indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob ng

31
lipunan at itinatalastas sa kausap o rupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng iba’t ibang konteksto
na paggamit ng wika sa dulot na rin ngpaglahok ng mga tao na may iba’t ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot
na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t ibang gawain, papel, interes, at saloobin sa proseso ng komunikasyon.
Kaya naman, nasasbaing katangaian din ng wika ang pagiging heterogenous o pagkakaroon ng iba’t ibang anyo bunga
ng lokasyong heorapiko, pandarayuhan, sosyo – ekonomiko, politikal, at edukasyonal na kaangkinan ng partikular na
komunidad na gumagamit ng wika. (Constantino 2002)

Bilang halimbawa, pansinin ang humigit – kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano – Filipino, dulot ng hindi
pag- uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit ng panalaping –um na hinahalinhan ng panlaping ma-:

“Huwag kang magsali sa laro”

“Madali ang pagturo ng Filipino”

Dahil ang cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita ng
pambansang wikang Filipino. Ito ang tinatawag na interference phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang
natatanging varayti ng Filipino – Ilokano – Filipino, Bikolnon – Filipino, Kapampangan – Filipino, Hiligaynon –
Filipino, at iba pa. Dahil din sa kaalaman ng wika, sa proseso ay nagbabago ng tagapagsalita ang bgramatika sa
pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin (Constantino 2002). Kilala ito bilang
interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa nito ang ang mga salitang gaya ng malling, presidentiable, at
senatoriable na hindi matatagpuan sa “standard” na Ingles.

Mahalagang maunawaan na ang ganitong varayti ng Filipino ay hindi maituturing na pagkakamali. Sa


pananaw ng sosyo – sikolohistang si William Labov, na siyang nagtaguyod ng variability concept, likas na pangyayari
ang pagkakaiba – iba ng anyo at pagkakaroon ng mga varayti ng isang wika. Kung gayon, nararapat kilalanin ang
pagkakapantay – pantay ng mga varayti – walang maituturing na mataas o mababang anyo ng wika. At sa kaso ng
wikang Filipino, nangangahulugan itong lahat tayo ay may gamapanin sa pagpapaunlad ng ating wika bilang isang
bansang may sariling pagkakakilanlan.

LAYAG – DIWA:

A. Gamit ang graphic organizer na Tic – Tac – Toe, bumuo ng angkop na pahayag para sa kinakausap na
nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyon.

32
Sitwasyon: Panghihikayat na sumali sa organisasyong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan. (2 puntos
ang bawat isa).

Guro: Magulang: Kaibigan

Empleyado ng paaralan: Kapatid: Bagong kakilala:

Kapuwa mag – aaral: Nakakatandang kapit – bahay: Estranghero:

33
Sanggunian:

Taylan ,Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan V. – Komunikasyon at Pananaliksik
Sa Wika at Kulturang Pilipino

To access LMS (Learning Management System): www.piat.ph

34

You might also like