LINGGUHANG PAGSUSULIT G10WK 7 wk8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Mahayahay, Iligan City


Lingguhang Pagsusulit – FILIPINO 10
Kwarter 1 – Linggo 7

Pangalan: ____________________________________________________________________ Petsa: _________


Baitang at Seksyon: ____________________________________________________________ Iskor: ________

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot.

____D___1. Alin sa mga sumusunod na kondisyon ang hindi umiiral sa panahon ng pagsulat ng nobela?
a. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang sinusulat ang El
Filibusterismo.
b. Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Terrerong na lisanin ang bansa upang maiwas sa
kapahamakan.
c. Ipinagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat,pagpapalimbag at pagpapakalat ng nobela.
d .Mas lalong lumala ang suliranin ng droga at samu’t saring isyung pandaigdigan.
___B____2. Ang sumumusunod ay layunin ng may-akda sa pagsulat ng El Filibusterismo maliban sa;
a. Ang nobela ay nagpaalab sa diwa ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan.
b. Layunin ng may-akda na ibahagi sa bayan ang kanyang kakayahan sa panitikan.
c. Nakatulong ang El Fili kay Bonifacio upang maiwaksi ang balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.
d. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi ng pamahalaang
Kastila.
___A____3. Kinapos ng pera si Rizal kaya’t nahinto ang pagpapalimbag, sino ang tumulong sa kanya sa
pagpapalimbag?
a.Valentin Ventura b. Dr.Maximo Viola c. Andres Bonifacio d. Paciano Rizal
___C____4 Hinimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si Rizal na lumisan muna ng bansa, Alin sa
mga salita ang kahulugan ng salitang hinimok?
a.pinigilan b. sinulsulan c. hinikayat d. pinagsisihan
___C____5. . “Filibustero” ang salitang narinig ni Rizal noong 11 taong gulang pa lamang siya na ang ibig
sabihin ay;
a. reveriendos b. mga katipunero c. kalaban ng mga prayle d. illustramos
___B____ 6. Ang mariwasang si Valentin Ventura ang tumulong kay Rizal sa pagpapalimbag ng El Fili, ano ang
kahulugan ng mariwasa?,
a. masigasig b. mayaman c. matagumpay d. mapagkatiwalaan
___C____7. . “Nakakabatid ka ng lihim na maari kong ikasawi,ngayo’y nakatuklas ng isa pang lihim na makasira sa
aking balak” Sino ang nagsabi ng pahayag?
a. Isagani b. Tales c. Simoun d. Macaraig
___C____8. Batay sa Kabanata 7, si Simoun ay tinatawag din sa pangalan _______, maliban sa;
a. Dominiko c. Eminencia Negra
b. Cardinal Moreno d.Espiritung Itim ng Kapitan Heneral
____B___ 9. Sa pagwawakas ng nobela, sino ang nag wika ng “ Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang mga perlas...”
a. Padre Camorra c. Padre Fernandez
b. Padre Florentino d. Padre Salvi
____A___10. Batay sa kabanata 30, alin sa sumusunod ang masasabi nating naging kahinaan ni Huli?
a. pag-ibig kay Basilio c. takot kay Padre Camorra
b. mailigtas ang ama d. sariling kaligayahan
___D____11. Ano ang mabubuo mong pakahulugan sa pahayag na “Ang kabaitan ay di tulad ng brilyante na
maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao.”
a. Naipapamana sa iba ang ugali ng tao c. Hindi nababayaran ang ugali ng isang tao.
b. Natutulad ang kabaitan sa brilyante d. Likas na sa tao ang kabaitan
___A____12.Alin sa mga matatalinghagang pahayag ang nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa wika.
a. Bawat bayan ay may sariling wika, kaugalian at damdamin
b. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.
c. Ang maingat magsalita ay nag-iingat sa buhay
d. Ang kalayaan ay katulad ng pagkatuto.

___C____13. Alin sa pangyayari sa nobela isasakatuparan ang balak batay sa naging pahayag ni Simoun .
“Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng halimuyak at hiyas.”
a. Pagkamatay ni Huli c. Kasalang Pelaez at Gomez
b. Araw ng Pasko d. Ang Palabas sa Perya
___B____14. Hanggang matapos ang klase ay nagpatuloy sa kasesermon ang propesor.Mahigit dalawang daan na
mag-aaral ang lumabas ng klaseng walang alam. Anong kagawaran sa pamahalaan masasalamin ang
isinasaad ng suliranin?
a.Kagawaran ng Karapatang Pantao c. Kagawaran ng Kalusugan
b.Kagawaran ng Edukasyon d. Kagawaran ng Pananalapi
___A____15.Batay sa pahayag sa #14, ano ang nais ipahiwatig ng kaisipang namayani sa akda?
a. Lumabas na walang natutunan ang mga mag-aaral c. Mahusay ang propesor
b. Sining ang itinuturo ng propesor d. Walang klase dahil kinapos sa oras

Para sa bilang 16-19.


Suriing mabuti ang kaisipan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang titik:
a. kung tungkol sa Diyos, c. kung tungkol sa magulang,
b. kung tungkol sa bayan, d. kung tungkol sa kapwa-tao.
__A___16. “Ang Diyos ang makapagwasak , sapagkat siya ang nakakalikha. Siya ang may hawak ng walang
katapusan.”
__D___17. “Ang karapatan at katarungan ay nasa aking piling pagkat kapakanan ng sawimpalad ang iniisip ko.”
__B___18. Sinasabi sa lahat sa ibabaw ng aking puntod na ang pag-ibig ko ay namatay sa pagtatanggol sa bayan.
__C___19. “Wala nang nalalabi sa akin kundi gantihan ng sama ang sama bilang ganti sa kasawian ng aking ina.”
__D___20. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang matalinghagang pahayag, Ang binatang si Basilio ang tinutukoy
ni Hermana Penchang na nagbabalatkayong demonyo na estudyante.
a. Nagtatago sa lahat c. may lihim na pagtingin
b. Tapat magmahal d. Mapagkunwari at masamang tao
__D___21. Ang bapor Tabo ay umuusad habang naliligo sa sikat ng araw na nagpapakinang sa mga alon sa ilog. Ano
ang kahulugan ng nakaitalisadong pahayag?
a. natatabunan b. nakukulayan c. nadadaanan d. nasisinagan
__A___22. “ _____ kanya,tinuturuan lamang niya si Huli paano magdasal kaya wala siyang kinalaman sa nangyari sa
pamilya ni Tales.” Ano ang angkop na salita na hudyat sa pagpapahayag ng saloobin?
a. Ayon sa b. Sapagkat c. Tungkol d. Dahil sa

Para sa bilang 23-25.


Suriing mabuti ang kaisipan ng sumusunod na pahayag.
Isulat ang titik:
a. kung kapangyarihan at salapi, c. sakim sa panunungkulan
c. kung pagsasamantala sa kapwa at sa kahirapan, d. kung kabuluhan ng edukasyon
___D___23. Isinusulong ng mga estudyante ang pagpapatupad ng Akademya ng Wikang Kastila.
___C___24. Tinanggal ng Kapitan Heneral sa posisyon ang mga dumaraing at nagreklamo sa kanilang gawain.
___B___25. Si Padre Camorra ay humihingi ng “pagpapakasakit” kay Huli kapalit ng kalayaan ni Basilio.
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Mahayahay, Iligan City
Lingguhang Pagsusulit – FILIPINO 10
Kwarter 1 – Linggo 8

Pangalan: _________________________________________________________________ Petsa: _________


Baitang at Seksyon: _________________________________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______ 1.Hangarin ng mga mag-aaral na itaguyod ang akademya, kung kaya lumapit sila sa mga taong may mataas
sa tungkuling lipunan, ang ipinapahiwatig na kaisipang lutang sa pahayag ay;
a.gawaing pangkomunidad c. isyung pambansa
b. pangyayaring pandaigdig d. karanasang pansarili
_______ 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag mula sa kabanata ang maiuugnay sa isyung pambansa?
a.Ang kabanalan ng isang tao ay isang kaluwalhatian.
b.Natatamo lamang ang karunungan ng mga dapat magkamit nito at may pagpapahalaga rito.
c.Tinuruan ninyong magkunwari ang inaaping bayan.
d.Likas sa isang taong pagyamanin ang sariling kakayahan at kaisipan.
_______ 3.Batay sa mga pagpipiliang sagot sa #2 ( a,b,c,d ), alin sa pahayag ang nagsasaad ng kaugnayan sa
karanasang pansarili?
______ 4. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal. Ipinakita dito ang pagnanasa ng mga mamamayang
makahulagpos mula sa pagkagapos at makamit ang tunay na kasarinlan maging sa marahas na pamaraan.
Anong pananaw o teoryang pampanitikan napabilang ang nobelang ito?
a. Naturalismo b. Feminismo c. Sosyolohikal d. Romantisismo
______ 5. Ang kalakasan ni Huli ay ang kanyang pamilya at naging kahinaan niya ang pag-ibig kay Basilio.
Anong pananaw ang angkop sa pagsusuri ng pangyayari?
a.Humanismo b. Realismo c. Feminismo d. Sikolohikal
_______6. Ipinakita sa buhay ng mag-aaral na si Placido Penitente, ang katotohanan sa buhay-estudyante sa kamay
ng mabagsik na propesor at sa isang mapangutyang kaklase. Anong teorya sa pagsusuri ang angkop
na gamitin?
a. Realismo b. Imahismo c. Romantisismo d. Naturalismo
______7. Dahil sa sipag at tiyaga ni Basilio, nakamit niya ang sobresaliente nang nagwagi siya sa patimpalak.
Ano ang ibig sabihin ng salitang sobresaliente?
a. malaking pera b. diploma at medalya c. bagong espada d. pinakamataas na marka
______8. Si Placido Penitente ay nakaranas ng panlalait ng kanyang propesor kahit na siya ay tahimik at mabait.
Alin kaya sa tingin mo ang kahulugan ng salitang Penitente?
a. masigasig b. mahinahon c. mayaman d. mapang-api
______9. Alin sa mga salitang espanyol ang nagpapakilala o nag-uugnay sa naging trabaho ni Kabesang Tales?
a. Aguacil b. Buena Tinta c. Cabeza de Barangay d. Kastilyero
______10.Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng pangungusap na paghahambing?
a. Ang Tandang Basyong Makunat ay ipinababasa ni Hermana Penchang kay Huli.
b. “Ang laman ng kahong ito ay maitutulad ko sa buhay at kamatayan, lason at lunas”, sabi ni Simoun.
c. Si Huli ang bunsong anak ni Kabesang Tales, kinalimutan ang dangal para mapalaya ang kasintahan.
d. Ang bapor Tabo ay napipinturahan ng puti, nagbubuga ng maitim na usok.
_____11. _____ langgam si Kabesang Tales, lumalaban at nangangagat kahit alam niyang titirisin siya pagkatapos.
Ano ang angkop na salita,upang maipahayag ang paghahambing na magkatulad?
a. Sa palagay ko b. Sa katunayan c. Parang d. Samakatwid
_____ 12. Batay sa kabanata 30, binansagang kabayo si Padre Camorra. Ano ang mabubuo mong paghahambing sa
pagkatao ng prayle?
a. gahaman sa salapi b. malupit sa lahat c. malikot sa babae d. mabigat magparusa
_____13. Alin sa pangyayari sa kasalukuyan ang masasalamin sa naging hantungan ng buhay ni Huli?
a. Umalis ng bansa at nakipagsapalaran c. Working student , nagtapos ng Medesina
b. Nagmahal, pinalitan at iniwan d. Ibinuwis ang dangal para sa pag-ibig
_____14. Anong usapin o karapatan ang ipinaglalaban ni Kabesang Tales, na maging sa kasalukuyang panahon ay
nangyayari sa lipunan?
a. Karapatang mabuhay b. pagkamit ng hustisya c. karapatan sa lupa d. karapatan sa trabaho

_____15. Ang mga pangyayari sa El Fili ay maaaring nangyayari sa tunay na buhay, maliban sa;
a. Humingi ng saklolo kay San Nicolas ang Intsik kaya sa isang iglap ay naging bato ang buwaya.
b. Si Hermana Penchang, ay isa sa tatlong naghugas-kamay sa nangyari sa pamilya ni Tales.
c. Lalong tinaasan ang buwis para di makabayad si Tales, kaya kinamkam ng korporasyon ang lupain niya.
d. Ang matandang napatay ni Tano na anak ni Tales ay walang iba kundi si Tandang Selo, na kanyang lolo.
_____16. May mga kabanata sa nobela na sumasalamin sa pangyayari sa lipunan, at ng pakikipagsapalaran ng
bawat tauhan na nagpapahiwatig kung anong lipunan ang kanyang ginagalawan. Anong teorya ang
angkop sa pagsusuri ng ganitong akda?
a. Romantisismo b. Sosyolohikal c. Feminismo d. Sikolohikal
_____17. Alin sa mga naging pahayag ni Simoun ang nagpapahiwatig ng pagmamahal sa wika?
a. “Ano na lamang ang kamatayan ng isang tao sa kamatayan ng isang lipunan?”
b. “Bawat bayan ay may sariling wika, sariling kaugalian, at damdamin.”
c. “Nagpunta ako rito para handugan ka ng kamatayan o kinabukasan.”
d. “Ni hindi ko man lamang nakita siyang namatay na nagtiis at hindi niya nalamang buhay ako at patuloy na
nabubuhay para sa kanya.”
_____18. Ano ang ibig ipahiwatig ni Isagani sa kanyang naging pahayag,” Doon sa piling ng kalikasan, ng hiwaga ng
walang hanggan, ng kagubatan at ng karagatan, makapag-iisip, makapagsalita at makakagawa siya gaya ng
isang taong walang panginoon.”
a. Nanaisin niyang manirahan sa malayo na kung saan malaya siyang makapag-isip, magsalita at kumilos.
b. Labis ang kanyang pangarap at pagmamahal sa kanyang kasintahan.
c. Nais niyang makasama sa habang buhay si Paulita Gomez.
d. Sapat na sa kanya ang maglingkod sa kalikasan at mamuhay mag-isa.
______19. “Ang kanser ay magagamot lamang ng apoy at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran.”Ano ang ibig
sabihin ni Simoun sa pahayag na ito?
a. Ang madugong rebulosyon ang makakapawi ng sakit ng lipunan.
b. Kayang gamutin ang sakit na kanser gamit ang apoy at bakal.
c. Ang apoy at bakal ang magiging hangganan ng mga makasalanan.
d. Apoy at bakal ang magiging kabayaran ng mga makasalanan.
______20. Sa iyong sariling palagay, ano ang damdaming nangibabaw sa pahayag na“Ibig ko siyang iligtas.
Inibig kong mabuhay upang mailigtas siya.”
a. paghihiganti b. pagkahumaling c. pagmamalasakit d.matinding pagmamahal
Para sa bilang 21-25.
Suriin ang pahayag ng tauhan. Isulat ang titik na naglalarawan sa damdamin ng tauhan.
______21. “Basilio,makinig ka sanang mabuti.Mahalaga ang bawat sandali.Wala kang pagmamalasakit sa bayan.”
a. Pag-agam agam na may galit c. pagpapaalala na may pagmamahal
b. Pagmamadali na may panunumbat d. pagsesermong puno ng hinanakit
______22. “Naduduwag ka lang kaya mo sinasabi iyan. Hindi siya patay,at ngayong gabi ay ililigtas ko siya o bukas
ikaw ang mamatay.”
a. Determinasyon at lakas ng loob c. pagtanggap at paniniwala
b. Pagkagulat at may halong galit d. pagwawalang bahala at pananakot
_____23. “Hindi.Dito lamang ako, gusto ko siyang makita sa kahuli-huling sandali,bukas ay iba na siya.”
a. kalungkutan b. paninibugho c. kagalakan d. kapanatagan ng loob
_____24. Parang langgam si Kabesang Tales. Isa siyang palayok na nakikipagpingkian sa kaldero kahit na alam
niyang madudurog siya. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa unang pangungusap na paglalarawan sa
tauhan?
a. Personipikasyon b. Metapora c. Simili d. Hayperbole
_____25. “Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang perlas at korales sa walang hanggang ilalim ng dagat.”
Kung pagbabatayan natin ang pangyayari sa nobela, sa tingin mo sa aling bahagi mo ito maiugnay?
a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Simula d. Wakas

You might also like