Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Florante at Laura Buod ng bawat kabanata

Araling 1: Kay Selia

            Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa
gunita, si Celia lamang.  Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang
namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha
kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia.  Dahil sa kalungkutan,
natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang
sagisag ay M.A.R.

Aralin 2: Sa Babasa Nito

            Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay
parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng
makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan.
Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Aralin 3: Pambungad na Tagpuan

            Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok
ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming
hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng
gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at
kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.

Aralin 4: Ang Reynong Albanya

            Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni
Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring
Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal

            Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at
parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t
nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal
na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin
siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng
kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang
pagmamahal ni Laura.

Aralin 6: Magandang Alaala

            Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa


buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa
namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan
ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa
labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot
ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni 
Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni
Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya
nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa
siya’y mapayukayok.

Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig

            Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay


masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin
niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng
kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal

            Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung


hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na
ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at
walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging
kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.

Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan

            Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di
nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa
ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t
di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig
sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Aralin 10: Panganib na nakaamba

            Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang
mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon,
nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at
kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.

Aralin 11: Ang Tagapagligtas

            Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating
ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi
ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa
mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

Aralin 12: Atas ng Langit

            Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng
gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos
ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig
niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.

Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay

            Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang
binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di
nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng
loob nito.

Aralin 14: Bugtong na Anak

            Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke
Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip.
Ang kanyang  ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang 
puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.

            May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y
muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang
dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang
maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba
pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Aralin 15: Laki sa Layaw


            Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw
ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa
ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
            Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob
na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo

            Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang
naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo,
na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo.
Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya,
astrolohiya at matematika.

Aralin 17: Nalulumbay na Puso

            Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang
una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang
ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at
nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.

Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw,
tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang
kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.

Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas

            Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante


dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya.
Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo
sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw
na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata.
           
            Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay
inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.

Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona

            Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si


Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating
ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong
sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si
Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa
narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at
karaniwang may dagdag na.

            Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag
din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.

Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis

            Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.

            Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante


sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.

Aralin 21: Pangarap na Pagibig

            Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man
lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago
umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-
ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante
patungong digmaan.

Aralin 22: Tagumpay at Pighati

            Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na
halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si
Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang
dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si
Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng
Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo.
Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na
walang lubos na ligaya sa mundo.

            Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante
upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya,
biglang kinutuban si Florante.

Aralin 23: Pag-ibig na Pilit

            Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang
Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon
natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at
ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo
ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon
binigkas ni Laura ang “sintang Florante.”
            Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong
kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa
papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling
nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.

Aralin 24: Patibong ng Taksil

            Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni


Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni
Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.

            Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng
hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa
Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura
nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante.
Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.

Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero

            Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa
Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa
kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya
kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang
pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din.
Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng
iba ang pagmamahal ni Flerida.

Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig

            Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap.
Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal,
nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung
papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit
nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal
tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at
gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.

            Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon,
di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.

Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan


            Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na
gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng
pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni
Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay
na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang
magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana
ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro
na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura
na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana
nito si Adolfo na namatay noon din.

Aralin 28: Masayang Wakas


  
            Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang
hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang
bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na
kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab.
Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at
Laura.
Florante
=>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng
salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa
ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang
bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.
Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga
leon
nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.

Konde Adolfo
=>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya
ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at
Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang
dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante
sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino
at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang
kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang
dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa
Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.

Aladin
=>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang
buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si
Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng
awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling
na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si
Aladin, ang kanyang idolo.

Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.

Laura
=>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang
prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni
Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.

Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa
pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.

Menandro
=>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni
Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing
patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa
pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang
Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
Flerida
=>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin.
Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.

~ Mga iba pang tauhan ~

Duke Briseo
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng
Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng
Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.

Prinsesa Floresca
=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang
namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Antenor
=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.

Menalipo
=>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng
dadagitin siya
sana
nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si
Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.

Konde Sileno
=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.

Haring Linseo
=>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno
ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin
ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong
pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang
nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang
maiupo ang sarili sa trono.

Sultan Ali-Adab
=>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya
ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw
sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida
mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida
na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida
sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa
Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.
Osmalik
=>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni
Aladin.

Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.
Buod ng Florante at Laura
Pamagat
ng Storya
Aralin
Isang paghahandog sa babaeng unang nagpatibok ng
kanyang puso. Sinasabing nabuo ang akda sa
panahon ng kapighatiang dinanas ni balagtas sa
pagkabigo sa pag-ibig. Naging madamdamin ang mga
salitang nakapaloob sa mga saknong nitohabang
inaalala niya ang nakalipas nilang suyuan ni Maria
Kay Selya Asuncion Rivera sa tuwing namamasyal sa ilog beata
at namitas ng mangga. Binalikan niya ang mga
masasaya at malululungkot na napagdaanan nila ng
kanyang kasintahan. Bagamat hindi nagtagal ang
kanilang pagsasamahan, nauwi sa kanaynag
matinding pagdurusa, Gayunpaman, iyon ang
nagsilang sa Florante at Laura.
Sa Babasa Nito Kaslaungat ng mga makalumang istilo ng awit, Si
Francisco ay naiiba sa mga hipokritong manunulat,
na nahihiya sa pag hingi ng paumanhin sa mga
mambabasa, kung anuman ang diwa mg kanilang
mga akda. Bagkus, nagbigay/tinuruan niya ang
kanyang mambabasa kung papaano bashain at
intindihin ang akda. Pinakiusapan niya na huwag
babaguhin ang nilalaman nito dahil baka matulad kay
Sigesmundo na kababaago ng nilalaman ay nawalan
na ng lasa ito.Ipinahayag din niya na huwag basta-
basta husgahan ang kaniyang akda, sa halip ay suriin
muna itong maigi.
Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos
hindi nasisinagan ng araw dahil natatabunan ito ng
mga malalaking puno ng higera. May mga baging din
na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa
kapanglawan ng nakakasuka at mabahong amoy ng
gubat. Nababalot ang buong kagubatan ng lagim at
habag dahil sa gumagalang mababangis na hayop. Sa
Gubat na
kalagayang iyon, may isang lalaki na nakagapos sa
Mapanglaw
puno nasing gwapo naman ni Adonis. Maihahantulad
mo ang itsura ng gubat sa itsura ng Pilipinas noong
ito ay sakop ng Espanya. Lugmok sa kahirapan ang
bayan dahil sa pag abuso ng mga prayle sa kanilang
kapangyarihan. Ang pagkakagapos ni Florante doon
ay inihalintulad ni Francisco sa kanyang kalagayan sa
bilangguan.
Reyna sa Maayos na inilarawan ni Franciscoang kalagayan ng
Albanya Albanya. Ito ay nababalot sa kasamaan dahil
pinamumunuan ng sakim na si Adolfo. Inagaw niya
ang trono sa hari sa pamamagitan ng dahas. ANg
pagtataksil na iyon ay dulot ng kasakiman sa
kayamanan at kapangyarihan. Nangingubabaw sa
kaharian ng Albanya ang pag-iimbot ni Adolfo.
Sadyang nagdurusa si Florante sa sinapit ng Bayang
Albanya at nang kanyang ama na si Duke Briseo. Sa
panaghoy ni Florante ay hindi niya maiwasan na
maghinanakit sa Diyos dahil sa masaklap na sinapit.
Ngunit sa bandang huli ay nanaig pa din ang kanyang
pananampalataya sa Diyos, anumang pagsubok ang
kanyang hinarap. Naipalam din ni Francisco dito ang
kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pananaghoy
ni Florante. Lihim niyang naipahayag ang kanyang
paghihimagsik laban sa maling pamamalakad.
Naibsan ang pagdurusa ni Florante sa sinapit ng
albanya at ng kanyang ama nang minsan naalala niya
si Laura. Ang pag-iibigan nila nag nagsilbing
panandaliang lunas sa nararamdamang niyang
pighati. Si Laura lamang ang nagdudulot sa kanya ng
ligaya sa napakahirap na katayuan ni Florante.
Gunita ni Laura
Bawian man siya ng buhay, ang pag-iyak ni Laura sa
kaniyang bangkay ay magbibigay sa kanya ng walang
hanggang pagkabuhay. Ngunit balewala din ang lahat
dahil nasa ibang kanlungan na ang kanyang
minamamahal. Nawalan ng malay si Florante nang
sumuko na ang kanyang puso sa sakit.
Sa pangungulila Patuloy ang pagbuhos ng damdamin na may
at matinding kasamang panigbuho dahil sa inakalang pagtataksil
pagdurusa. ng kasintahan. Hindi niya sukat akalain na sasayangin
lang ni Laura ang pag-ibig na inalay niya para sa
dilag. Ang buong pusong pag-aaruga, sa tuwing may
digmaan siyang pupuntahan ay kanyang hinahanap.
Sadyang walang makakalunas sa kahirapang
dinaranas ni Florante sa pagaakalang nilimot na siya
ng sinisinta. Walang kapantay na hirap ang kanyang
sinapit. Naulila na siya, na Broken hearted pa ng
kanyang sinisinta.
Di naglaon, may morong gerero na dumating na
nagngangalang Aladin. Naghahanap siya ng
mapagpapahingahan, at nang makahanp ito ay
na[pahiga lamang siya kasabay ng pagbuntong
Pagdating ng
hininga at sinambit ang katagang “Flerida…”
Morong Gerero
Hinanakit at galit ang kanyang nararamdaman sa
kanyang ama na si Sultan Ali-Adab dahil inagaw niya
si Flerdia sa kanyang piling. Ngunit sa kabila ng
lahat, buo pa din ang pag –galang niya dito.
Si Aladin ay napaluha sa kanyang paghihinagpis.
Nagkataong sinagot naman ito ng buntong hininga ni
Duke Briseo- Florante. Sa pagkamangha, hinanap ni Aladin kung
Ang saan ito nanggaling. Si niya inakala na may ibang tao
Mapagkandiling pa pala ang nasa masukal na gubat maliban sa kanya.
Ama Natagpuan ni Aladin si Florante at nadinig ang
madamdamin na pagsambit ni Florante sa dinanas ng
kanyang Ama.
Napakinggan ni Aldin ang hinanakit ni Florante
tungkol sa sinapit ni Duke Briseo sa kamay ni Konde
Panaghoy ng Adolfo at nakaramdam siya ng awa. Napagtanto niya
Gerero na magkaiba sila ng sitwasyon. Si Florante ay inaruga
ng mabuti at minahal ng kanyang ama—Samantalang
siya ay inagawan pa ng minamahal.
Pamamaalam ni May dumating na dalawang leon sa harap ni
Florante FLorante. Halos manhid na ang pakiramdam ni
Florante sa harap ng mga mababangis na hayop.
Palagay niya ay matatapos na ang kanyang buhay
Malungkot siyang nagpaalam sa Albanya at sa
kanyang sinisintang si Laura. Hiniling niya na san
aay maging Masaya si Laura sa piling ng malupit na
si Adolfo.
Sa aralin na ito, Ipinahayag dito ang pagtatapos ng
masaklap na kaganapan. Ang pagliligtas ni Aladin
kay Florante ay sumisimbolo ng kapayapaan at
pagkakaisa ng magkaibang paniniwala. Magkalaban
man ang kanilang bayan at sekta—Persya kay Aladin
habang Albanya naman kay Florante, Hindi ito
nagging hadalang para matulungan ni Aladin si
Florante. Ipinaliwanag pa ni Aladin kay Florante ang
Ang ibig sabihin ng pagkakapatiran dahil nag-dududa pa
pagkakaligtas ng nung una si Florante sa pagtulong ni Aladin. Hinanap
lalaking agad ni Aladin ang kinarorooonan ng boses. Sadyang
nakagapos akma ang kanyang pagdating dahil aatakihin na dapat
ng leon si Florante kung hindi lamang niya ito
napigilan. Kinalag ni Aladin ang gapos ni Florante at
inalagaan niya ito hanggang sa magkamalay siya ule.
Nang magka malay si Florante, laking gulat niya ng
mapag alamang nasa kandungan siya ng isnag Moro.
Hindi niya akalain na ang Kalaban pa pala ng
kanilang bayan ang mag aalaga sa kanya. Inalagaan
siya ni Aladin hanggang siya ay balikan ng lakas.
Si Prinsipe Nag-umpisa si FLoranteng magkuwento tungkol sa
Florante kanyang buhay. Binanggit niya ang kanyang muntik
na mga kapahamakan. Isa na doon ang pagdating ng
buwitreng mandaragit, kung saan siya nailigtas ng
kanyang pinsan na si Menalipo at ang pag-aagawan
ng kanyang mga lingcod sa mga hayop na kanyang
natamaan sa tuwing siya ay naangangaso.
Naisalaysay din ni Florante ang kanyang mapag
arugang mga magulang na si Prinsesa Floresca at
Duke Briseo.
Naging ganap ang pagiging bata ni Florante dahil sa
Masaya at mariwasang buhay na kanyang naranasan.
Bagamat natatakot ang Duke sa kahihinatnan ng
pagpaparaya sa anak ay napagpasyahan niyang
Ang laki sa
ipadala ang anak sa Atenas. Labag man sa kanyang
Layaw
kalooban, alam niyang makakabuti ito sa kanyang
anak. Alam niyang ang pakikipagsapalaran na ito ang
huhubog sa pagkatao ni Florante para siya ay maging
matibay at matatag.
Ang pag-aaral sa Malaking hamon kay Florante ang mamumuhay sa
Atenas at bagong kapaligiran. Gayunpaman, sa tulong ng
pagbabalat kyo kanyang guro na si Antenor ay madali siyang
ni Adolfo. napayapa dahil naituturing niya itong pangalawang
magulang. Nagging kamag-aral niya ang kababayang
si Adolfo na mas matanda ng dalawang taon sa
kanya. Popular si Adolfo sa kanilang paaralan dahil
siya ay matalino at marangal, mahin hin kumilos
ngunit hindi malamya. Isa siyang mabuting
halimbawa para sa lahat, magaling makitungo sa tao.
Ngunit iba ang pakiramdam ni Florante, hindi sila
nagging magkaibigan at sa halip ay nagging matalik
na magkaibigan sila ni Menandro. Ngunit di naglaon
ay nalampasan na ni Florante ang kagalingan ni
Adolfo. Natutunan niya ang pilosopiya, Matematika
at Astrolohiya. Nailipat sa kanya ang karangalan ni
Adolfo, Nakilala siya ng iba’y-ibang tao, matanda
man o bata. Nang dahil dito, di nagtagal ay lumabas
na din ang totoong ugali ni Adolfo. Nabuo ang
kanyang galit kay Florante at nailabas niya lamang
ito noong nagkaruon sila ng dulang trahedya kung
saan gumanap si FLorante bilang Etyokles, si Adolfo
bilang Polinese, at Menandro bilang Reyna Yokasta.
Nagulat sila nang iba ang linya na sinambit ni Adolfo
at bigla na lang niyang dinambahan si Florante.
Nasundan ito ng isang malakas na taga na nasalo
naman ni Menandro. Ang lahat ay nabigla sa
pangyayari, umuwi si Adolfo matapos ito.
Isang matinding dagok sa buhay ni Florante ang
pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina. Ang
puso niya ay halos madurog dahil sa matagal na niya
itong hindi nakasama. Nasukat ang kanyang pagiging
matatag sa sunod sunod na mabibigat na suliranin, at
Pagkamatay ng
pakikipagpunyagi upang malabanan ang matinding
isang ulirang ina
kalungkutan.Nabalot ng lumbay ang buong paaralan.
Nakiramay ito sakanya lalo na ang kanyang guro na
si Antenor at kaibigang si Menandro. Ang pagdamay
na ito’y nagpakita ng kahalagahan ng pagtulong sa
mga nangangailangan.
Ang payo ng Makalipas ang dalwang buwan na paghihinagpis,
Dakilang Guro isang sulat nanaman ang dumating upang sunduin si
Florante. Sa pamamaalam ni Florante sa kanyang
paaralan, Binigyan siya ng huling bilin ng kanyang
maestro na si Antenor. Tungkol ito sa pagiging
maingat sa kaaway. Huwag basta magtitiwala sa
kunga non ang sinuman dahil hindi nakikita ang
tunay na nilalaman ng kanilang puso. Madamdamin
ang pagpapaalam ni Florante sa kanyang mga kamag-
aral, lalo na s amatalik niyang kaibigan na si
Menandro. Halos din a ito bumitiw sa pagkayakap sa
kanya, at gusto ng sumama.
Agad na niyakap ni Florante ang kanyang nawalay na
ama. Nadatnanan sila ng embahador ng baying
Krotona sa ganoong posisyon. Dala-Dala niya ang
isang sulat ukol sa paghingi ng tulong ng
Monarkiyang Krotona dahil sa pagsakob ng isang
Pagbalik sa
hukbo na pinamumunuan ni Heneral Osmalik.
Albanya
Napangiti si Aladin sa pagsasalaysay ni Florante.
Ikwinento ni Aladin kung papaano nadadagdagan,
nababawasan ang mga kwento. Sinabi niya rin na
kung gaano siya katanyag, ganuon di ang dami ng
kaniyang paghihirap na dinanas.
Humarap si Florante kasama ang kanyang ama kay
Haring Linceo. Pagkakita pa lang ni Florante kay
Si Haring Linceo Haring Linceo, Bumilib na agad siya dito dahil sa
at Florante mga katangian nito. Maayos naman na plinano ni
Duke Briseo at Haring Linseo ang pagliligtas sa
Krotona.
Prinsesa Laura- Sa pakikipag-usap ni Florante sa hari ay may kung
Ang unang pag- ano siyang nasilayan na kaagaw ng isang diyosa ang
ibig ni Florante ganda. Siya ang anak ni Haring Linceo na si Prinsesa
Laura, inilarawan ito ni Florante bilang kapantay ng
kariktan ni Venus, Kaakit-akit siya kung saan ang
lahat ng lalaki ay maaring magsimulang mahumaling
at humanga sa kanya hanggang sa ito ay mauwi sa
pag-ibig. Unang tingin pa lamang ni Florante kay
Laura, nabighani na agad ito at nalimutan niya bigla
ang pagdurusa niya sa kanyang ina. Ipinahayag ni
Florante ang kanyang pag-ibig kay Laura bago pa
man siya umalis patungong Krotona.
Isang walang katulad na kaligayahan ang
magtagumpay sa unang pagkakataon. Madugong
labanan ang naganap upang mabawi ang krotona
Tagumpay sa
mula sa hukbo ni Heneral Osmalik. Natalo ni
Krotona
Florante ang Heneral at napatay ito. Ipinagdiwang ng
buong siyudad ang panalo nina Florante at Menandro
kasama ang hukbo ng mga mandirigma.
Sila Florante ay nanatili muna sa Krotona bago
bumalik ito sa Albanya. Ang siyudad ay nadatnan
nilang sinakop ng mga moro ng Persya. Ang bandila
ng mga moro ay nakasabit sa kaharian ng Albanya.
Nailigtas ni Florante ang siyudad at napalaya ang
lahat ng mga kadakilaan ng Albanya kasama si
Ang kaguluhan
Adolfo. Napigilan din ng pagpugot sa ulo ni Laura
sa Albanya
nang minsan ay kanyang tanggihan ang pagsinta ng
Emir sa Siyudad. Itinalaga ng hari si Florante bilang
tagapagtanggol ng siyudad. Kasabay nito ay
pagtanggap naman ni Laura sa pag-ibig ni Florante.
Ngunit isang matinding paghahangad ang
naramdaman ni Adolfo sa mga natamo ni Florante.
Ang Pagtataksil Nagtamo ng maraming tagumpay si Florante sa lahat
ni Adolfo ng digmaan na kanyang pinamumunuan laban sa
hukbo ni Heneral Osmalik, Miramolin ng Hukbong
Turkiya at iba pa. Sa panahong iyon, May ipinadala
sa kanyang liham si Adolfo na nagsasabing siya ay
umuwi at ilipat ang pamamahala ng hukbo kay
Menandro. Nang siya ay makauwi, Siya ay nahulog
sa patibong ni Adolfo at ignapos agad siya at
ikinulong ng labingwalong araw, di man lang siya
binigyan ng pagkakataong lumaban. atsaka dinala sa
gubat na kinalgyan niya ngayon. Ang pagnanasa ni
Adolfo sa kapangyarihan at kayamanan, nag-udyok
sa kaniya ang kataksilan sa sariling bayan. Pinilit
niyang mapakasal kay Laura na nagdulot ng
matinding pagdurusa kay Florante.
Minsan, nasusukat ang katatagan ng tao sa mga
pagsubok na kanyang pinagdadaanan. Pero may
pagkakataong ‘di na niya ito mapaglalaban, tulad na
lamang ng pagdurusa na dulot ng pag-ibig na inagaw.
Ikwinento naman ni Aladin ang kanyang buhay
bilang Prinsipe at bantog na anak ni Sultan Ali-Adab.
Kung papaano siya napunta sa gubat, hanggang sa
Si Prinsipe Aldin pagligtas niya kay Florante. Pinaalis siya sa Persya sa
ng Persya halip na pugutan ng hukbo dahil pinagbintangan sa
pag-iwang ng hukbo. Hindi man siya nahirapan sa
pakikidigma. Nanghihina naman siya dahil sa
kabiguang nadanas niya ng mawala ang kanyang
sinta na si Flerida. Ihinantulad ni Aladin si Flerida
kay Diana, Tinatawag din siya bilang Houris ng mga
propeta. Walang nagawa ang kanyang kagalingan sa
pakikipaglaban para ipaglaban ang kanyang sinisinta.
Ang pagsinta ni Si Flerida naman, ikwinento kay Laura ang tungkol
sa buhay niya. Ang kanyang pagsasakripisyo na
tanggapin ang pag-ibig ng sultan para sa kalayaan ni
Aladin. Lumikas siya sa araw ng kanilang kasal at
naglagalag sa gubat hanggang sa nailigtas niya si
Flerida Laura sa kamay ni Adolfo. Sa pagkaligtas nilang
dalawa, ito ang nagsimula para maisakatuparan nag
masayang wakas. Ngunit nauwi ito sa malungkot na
usapan nang mapunta sila sa topic ni Duke Florante at
Prinsipe Aladin.
Sa pagtatapo nilang apat ay kinuwento nil aura ang
nangyari sa Albanyz. Isang panukala ang pinagkalat
ni Adolfo na gugutumin ng hari at reyna. Dahil sa
panlilinlang na iyon, nagtagumpay si Adolfo na
mahugot ang hari sa trono. Ipinapatay niya ito sa
kasama ang mga mararangal. Sa araw na iyon, si
Adolfo ang pumalit sa paghahari. Gumawa ng sulat si
Laura para ipagpaalam kay Florante ang nangyayari
Pag-ibig ni
sa Albanya ngunit siya naming pagdating ng sulat ni
Laura
Adolfo na nagsasaad ng siya’y pauwiin dahilan upang
mahulog ito sa bitag ni Adolfo. Nang malaman ni
Laura ang nangyari sa sinta ay binalak niyang
magpakamatay ngunit dumating si Menandro na
siyang nakatanggap ng sulat niya kasama ang hukbo
at sinupil si Adolfo. Walang magawa si Adolfo kaya
itinakas niya si Laura at tinangkang gahasain na siya
naming pagdating ni Flerida at nailigtas ito.
Masayang Ang masayang wakas ay nagpapahiwatig ng
Wakas tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan. Naging
magkasundo ang magkaibang kapanalig. Isang
matagumpay na pakikipagsapalaran sa harap ng mga
pagsubok at pagpapasakit at namayani ang
katahimikan at kapayapaan sa paghahari.

You might also like