Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ASI, ROSE ANN BALMES

BSED MATH 1101 (Fili 101)

Maituturing na kalawang ng lipunan ang kumakalat na mga maling balita!


Ito ang nag -uugat sa pagkabulok ng tunay na impormasyon tungo sa
kamangmangan. Kamangmangan na siyang pumipigil sa pagpapaunlad ng sarili
gayundin sa komunidad na kinabibilangan ng bawat indibidwal.
Marahil lahat ng tao ay may karanasan sa pagiging biktima ng Fake News.
Naninwala tayo agad sa sinasabi ng ibang tao at sa mga nakikita o nababasa sa
internet na walang basehan kung tunay o hindi. Bunga nito, mas dumarami ang
nakakaalam at naloloko. Halimbawa na lamang ay ang pagsasabi sa kaklase na
walang pasok dahil sa ibat’ ibang dahilan na wala namang katotohanan, ang
kumakalat na balitang “kung walang bakuna, walang ayuda”, at marami pang
ibang maling balita

Sa kabilang banda, maraming paraan na magagamit nating sandata


upang maiwasan ang pagkalat ng fake news. Naririyan ang mass media na
nagsisilbing kagamitan upang mas madali tayong makakalap ng mga
impormasyon lalo’t higit sa panahon ngayon. Ang pagsasagawa ng
pananaliksik, pagmamasid sa paligid, pakikipagkomunikasyon at iba pang
paraan ay magagamit natin upang maging makabuluhan ang mga impormasyon
na ating inaalam. Subalit, kailangang nating maging mapanuri sa ating mga
nababasa o nakikita. Nararapat na usisaing mabuti ang bawat detalye, at ang
pinagmulan nito, Kaakibat nito, hindi tayo dapat magpadala sa magagandang
presentasyon ng mga impormasyon sapagkat hindi ito nangangahulugang
lehitimo ang bawat nilalaman. Nagsisilbi lamang itong pang-akit sa mata ng
nakakakita o ang mga mabubulaklak na salitang masarap sa tenga! Ang kalidad
at katotohanan ng impormasyon ang higit na isinasaalang-alang ng bawat
indibidwal.

Sa kabuuan, napakahalagang malaman natin ang mga paraang dapat


gawin upang makaiwas sa fake news. Higit tayong makikinabang kung hindi tayo
magpapaloko sa mga maling balita o walang kwentang bagay sapagkat ang
pagiging isang mapanuring mamayan na may lehitimong kaalaman ay magiging
produktibo na makakatulong hindi lamang sa kanyang sarili at kapwa kundi sa
buong lipunan. Kaugnay nito, ang pagpapakalat ng wastong balita ay pagtulong
sa kapwa na isa sa pinaka-magandang bagay na maaari nating iambag sa
mundo.

You might also like