Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Madeline Geagonia 10-Charity 11/03/2020

“Ang Dalawang Mundo”


Noong unang araw may pinto kung saan makakapunta ka sa mundo ng hinaharap. Sa mundo
kung saan ang taon ay 1995 at sa mundo taong 2020.

Noong 1995, May isang lalaki na nagngangalang hwan, isang mayaman, mabuti at mapagmahal
na tao. Isa din siyang propesyonal na videographer sa lugar nila. Sinabi ng kanyang ama na may
isang iba pang mundo na umiiral at kailangan niya itong kuhanan ng litrato o video upang
malaman kung ano ang hitsura nito. Isang araw si Hwan ay naglalakad sa kagubatan dala ang
camera nito ng makita niya ang isang pintuan na nakabukas, lumapit siya at pumasok sa
pintuan. Nakita niya ang ilaw na napakaliwanag at kalaunan ay nakatulog siya na halos isang
oras, ngunit nagising siya sa tunog ng violin. Sinundan niya ang tunog ng violin at habang
lumalakad siya ay naguluhan si hwan dahil nagbabago ang mundo. Nakita niya ang isang babae
na napakaganda. Kinuhanan niya itong ng video. Ang babae ay nagngangalang maria.
Pinuntahan niya si maria at tinanong kung “anong taong ngayon?” Si maria ay sumagot ng
“ngayon ay 2020”. Naalala ni hwan ang sinabi ng kanyang ama na mayroong ibang mundo.
Namangha siya sa nakapaligid sa kanya, naglilibot siya at kumukuha ng mga litrato.

Makalipas ang Tatlong araw ay Nakita niya ulit si maria na nasa entablado at nagtatanghal, agad
niya itong kinuhanan ng video. Nakita ni maria si hwan at nagusap sila pagkatapos ng
pagtatanghal at si maria naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Nagustohan ni maria si hwan dahil sa kanyang mainit na puso at maliwanag na ngiti. Pagkatapos
ng ilan buwan silang nagkakasamang naglilibot sa mundo ay inaamin na ni maria na nagkagusto
na siya sa kanya. Si hwan ay gusto din si maria. Pero hindi tinanggap niya ito dahil ayaw niya
itong masaktan ang puso kung sakaling babalik na siya sa mundo niya.

Dalawang buwan ang nakalipas ay may bumulong sa kanya na dapat ay bumalik na siya sa
mundo niya at kung hindi ay maymangyarin sa mga taong malalapit sa kanya. Ng bumalik na
siya sa mundo niya ay tiningnan niya ang mga kuha niyang litrato at nung Nakita niya ang litrato
ni maria ay naluha siya. Makalipas ang 25 na taon ay muling napansin at marinig ni hwan ang
tunog ng violin na nagpaalala kay maria at doon ay lumapit siya at Nakita niya si maria. Sa huli
ay masaya silang dalawa na nagkikita.

You might also like