Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LINANGIN

BAGO MAGBASA
Previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ngmabilisang pagtingin sa mga larawan,
pamagat at pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Mahalaga ang pagsusuri sa panlabas na
katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa kung anong uri at
genre ng teksto o kung kinakailangan baito ayon sa itinakdang layunin sa pagbasa. Nakabubuo ng
mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang
pagsisiyasa.

HABANG NAGBABASA
Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa bahaging ito, sabay-
sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang
teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago magbasa ay pinanghahawakan niya
upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa . Sa bahaging ito, lumalawak at
umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa.

Ilang Pamamaraanupang maging epektibo ang pagbasa: Pagtantiya sa bilis ng pagbasa


Biswalisasyon ng binabasa Pagbuo ng Koneksiyon Paghihinuha Pagsubaybay sa komprehensiyon Muling
pagbasa Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto

Narito ang ilan pang pamamraan upang maging epektibo ang pagbasa.

•Pagtantiya sa bilis ng Pagbasa: Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa


batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.

•Biswalisasyon ng binabasa: Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman,
bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa

• Pagbuo ng koneksiyon: Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman


upang matiyak ang komprehensiyon.

• Paghihinuha: Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang


bumubuo ng mga pahiwatig at konklusyon sa kalabasan ng teksto.

•Pagsubaybaysa komprehensiyon: Pagtukoy sa posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at


paggawa ng mga hakbang upang masolusyunan ito.

• Muling Pagbasa: Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan
kapag hindi ito naunawaan.

•Pagkuhang kahuluganmula sa konteksto: Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang
kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto
PAGKATAPOS MAGBASA
Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng
pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:

PPPE

Pagtatasa ng komprehensiyon

Pagbubuod

Pagbuo ng Sintesis

Ebalwasyon

Pagtatasa ng komprehensiyon : Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang
kabuuang komprehensyon o pag unawa sa binasa.

Pagbubuod : Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at


detalye sa binasa.

Pagbuo ng Sintesis : Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang
pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perpektiba at pagtingin ng manunulat batay sa
kaniyang pag unawa.

Ebalwasyon: Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa


sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng
pagbasa.

PAGKILALA SA OPINYON O KATUTUHANAN


Ano ang Opinyon?

• isang pananaw o paniniwala ng isang tao o pangkat • Saloobin o damdamin • ideya o kaisipan • Hindi
maaaring mapatunayan. Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng: • sa aking palagay • sa
tingin ko • sa nakikita ko • sa pakiwari ko • kung ako ang tatanungin • para sa akin

Halimbawa

1. Para sa akin, si Hanna ang pinakamaganda sa lahat.

2. Sa aking palagay ay siya nga ang napangasawa ni Belen.

3. Sa tingin ko, si Meya ay nagsisinungaling.

4. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa

5. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.

Ano ang Katotohanan?


• nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo • hindi nagbabago at
maaaring mapatunayan • sinusuportahan ng pinagkuna. Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala
tulad ng: • pinatutunayan ni • mula kay • Tinutukoy sa/ni • mababasa na atbp.

Halimbawa

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo
ng ating bansa.

3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.


KATOTOHANAN
OPINYON
4. Lahat ng buhay ay humihinga.

5. Si Marian Rivera ay isang sikat na artista.

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW AT DAMDAMIN NG TEKSTO


Pananaw: Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihih, natutukoy rito
kung ano ang distansya niya sa tiyak ba paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring
magpakita na personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na
nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa?

Layunin: Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa


pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag. Hal. Naglalarawan ba ito o kaya ay
nagkukwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya
naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy
rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyunan ng may akda.

Damdamin: Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng


kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o panindigan tungkol sa isang
pangyayari o paksa. Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang
nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng
isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.

You might also like