Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TEKSTONG IMPORMATIBO: Para sa iyong kaalaman

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspository, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong
teksto ang magpaliwanag ng mambabasa ng anomang paksa na matatgpuan sa tunay na daigdig. Kaiba
sa pikisyon, nag lalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwang ng mga konseptong
naka batay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay
biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedi, oalmanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyenpikong ulat, at mgabalita sa dyaryo.

Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong impormabo, kadalasang gumagamit
ang manulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t
ibang impormasyon.

Kabilang dito

1. Talaan ng nilalaman 2. Index 3. Glosaryo para sa mahalagang bokabolaryo larawan at


ilustrasyon 4. Kapsyon 5. Palatandaan para sa mga lawawan, graph, at talahayan

Iba’t Ibang uri ng Tekstong impormatibo

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad nito.

Ang mga estrakturang ito ay

 sanhi at bunga
 Paghahambing
 Pagbibigay depenisyon
 Paglilista ng klasipikasyon

Sanhi at Bunga : Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay


ng mga panyayari at kung paanong ang kinalalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang
bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nang yari ang mga bagay sanhi- at ano ang
resulta nito  bunga.

Pagbibigay-depenasyon: Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita,


termino, o konsepto. Maaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng
katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig, sa ganitong uri ng tekstong impormatibo,
mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o konotatibo.

Paglilista at Klasipikasyon: Ang estrukturang ito naman ay kadalsang naghahati-hati ng


isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistemaang pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos bibgyang depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o
grupo sa ilalim nito

Sa kabuuan, mas madaling nauunawaan ang kaghulugan ng isang teksto kung agad na
nakukuha ng mambabasa ang gamit na padron o estruktura ng paglalahad ng manunulat sa
isang tekstong impormatibo. Kapag naunawaan ang estruktura, nabubuo sa sip ng
mambabasa ang kabuuang balangkas na nakatutulong sa kaniya upang unawain ang
kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong “ Developing ESL/EFL Learner’s Reading Crisis:
Why poor Children Fall Behind” Mahalagang hasain ng isang mahusay na mambabasa ang
tatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito
ay ang pagpapagana ng mga imbak na kaalaman, pagbuo ng mga hinuha, pagkakaroon ng
mayamang karanasan.

SANHI AT BUNGA
Iba't ibang Epekto ng Teknolohiya
Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa ibang tao? At sa mga taong hindi
na kayang mabuhay kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong ito'y
naglalaman ng iba't ibang epekto ng teknolohiya sa ating buhay kung paano nabago ang ating
buhay ng dahil lamang sa teknolohiyang ito at kung paano naorganisa ang iba't ibang uri ng
teknolohiya maging sa mga applikasyon nito.

            Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman sa sining ng industriya at


napapadali ang mga gawain ng isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na
maililipat mo sa makinarya o anumang bagay na nagagamitan ng kuryente. Mas malaking
porsyento ang napapakinabangan ang teknolohiya sa araw-araw na gawain ng tao.
Nakatutulong din ito sa larangan ng edukasyon dahil napapadali lamang ang pagsasaliksik ng
mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.

Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang
kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala
din nya ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa kanyang blog ito ay ang mga
sumusunod na epekto na nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong Epekto. Sa
Positibong epekto'y naglalaman ng: Pag unlad ng antas ng libangan na kung saan nakawawala ng
stress at nakakaenganyo pang gamitin. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan gaya
nito ay ang mga CCTV na kung saan nagsisilbing ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo ay
Global Networking na kung saan dito napag uusapan ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa
bansa kundi sa buong mundo. Sa ikalima at ika anim na epekto naman ay, Mas mapapalapit sa iba sa
pamamagitan na komunikasyon gamit ang teknolohiya at Mas makakamura sa ibang paraan, na aking
nakapahulugan na ang tinatawag na Social Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa mang bagay
na magagamit sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang
lugar.

Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim na magiging gabay at babala sa paggamit


ng teknolohiya. Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na magiging sanhi ng pag iisip ng
hindi tama. Ikalawa, ay Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa ng krimen
buhat sa paggamit ng teknolohiya. Ikatlo naman ay technicism na nakapahulugang pagiging
kampante sa paggamit ng teknolohiya. Ikaapat ay Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring
humantong sa mali-maling sitwasyon. At ang pang huli ay ang teknolohiya sa larangan ng gaming at
internet access na maaring makasira o makaapekto sa pag- aaral ng kabataan gaya nito ay DOTA at
COC.

Kung pagsama- samahin ang mga epekto ng teknolohiya, mayroong itong mabuti at
masamang epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng teknolohiya ay malaki ang
kapakinabangan sa lipunan, at higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng mga mag -
aaral. Kung merong mabuti siyempre meron ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao

PAGHAHAMBING
Ang Buhangin at ang Tao

May pagkakatulad ang buhangin at ang tao. Alamin natin kung ano ang pagkakatulad nito.
Sinasang-ayunan mo ba ang paghahambing na ito?

Sa unang malas, katawa-tawa kundi man kataka-takang paghambingin ang buhangin at ang
tao. Hindi maaaring magawa o matangka ang paghambingin ang iyon, masasabi natin. At
maidaragdag pa, ang buhangin ay walang iwing buhay gaya ng tao. Ang buhangin ay walang isip; ang
tao ay mayroon.
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW AT DAMDAMIN NG
TEKSTO
Pananaw: Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihih, natutukoy rito
kung ano ang distansya niya sa tiyak ba paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring
magpakita na personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan

Maliwanag na ngayon ang naging bahagi ng buhangin – ng mumunting buhangin – sa


pagtatayo ng mga gusali, ng nagtatayugang gusali. At hindi lamang mga gusali. Maiisip din
natin ang nangatayong mga moog, bantayog, palasyo. Naging bahagi rin ang buhangin sa
pagtatayo ng mga iyon.
At ganyan, humigit-kumulang ang tao sa kanyang pagtatayo o pagbubuo ng isang bansa.

Sapat nang magunita natin ang mga Rizal, Bonifacio, Quezon, Roxas at iba pa; upang
magkaanyo sa ating isip – tulad ng pagkakaanyo ng mga gusali sa ating isip sa pagkagunita
natin sa buhangin – ang pagkakatindig ng isang Republika sa dakong ito ng daigdig – ang
PAGBIBIGAY -DEPINISYON
IMPERYALISMO

Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay "ang pagawa at/o


pagpapanatili ng isang hindi pantay na ugnayang pangkabuhayan, pangkalinangan, at
pangteritoryo, na karaniwang nasa pagitan ng mga estado at kadalasang nasa anyo ng isang
imperyo, batay sa dominasyon at subordinasyon." Ang imperyalismo ng huling 500 mga
taon, na nilalarawan ng nasa itaas na akda ay pangunahing isang pangkanluraning gawain
na gumagamit ng "mga sistemang ekspansiyonista - merkantilismo at komunista sa paglaon.
Ang mga dominyo o nasasakupang pangheograpiya ay kinasamahan ng Imperyong
Aleman, ng Imperyong Monggolyano, ng Imperyong Romano, ng Imperyong Ottomano, ng
Banal na Imperyong Romano, ng Imperyong Portuges, ng Imperyong Kastila, ng Imperyong
Olandes, ng Imperyong Persa, ng Imperyong Kolonyal ng Pransiya, ng Imperyong
Amerikano, ng Imperyong Ruso, ng Imperyong Sobyet, ng Imperyong Intsik, at ng
Imperyong Britaniko, subalit ang kataga o termino ay maaaring gamitin din para sa mga
dominyo o nasasaklawan ng kaalaman, mga paniniwala, mga pagpapahalaga, at
kadalubhasaan o kahusayan, katulad ng mga imperyo ng Kristiyanismo (tingnan ang sangka-
Kristiyanuhan) o Islam (tingnan ang Kalipado). Ang imperyalismo ay pangkaraniwang
awtokratiko, at minsan ding monolitiko (iyong may malaki at hindi nagbabagong kayarian na
hindi nagpapahintulot ng pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal) bilang katangian. Maaari itong
parang kaaya-aya katulad ng sa Canada, o talamak ng karahasan katulad ng sa Malayang
Estado ng Konggo.]

You might also like