Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PanalangiN sa Gitna ng Pandemya

Diyos na lumikha ng langit at lupa


Lumalapit kami sa Iyoyo nang buong awa
Sa gitna ng panganib ng COVID-19
Kami ay nagpupuri, peligro ay hindi alintana
Sapagkat alam namin nasa Bayan Mo Ika’y nakatingin.
Sa panahong ito ng pagkalito
Dalangin nami’y linaw ng isip
Hindi alam kung saan patungo
Gabay Mo’y tanglaw namin.
Iligtas Mo kami sa panganib na ito
Ikaw lamang ang aming kanlungan
Sa Iyo ang tunay na kaligtasan
Ingatan ang aming bayan mula sa bitag ng karamdaman
Bigyan nawa kami ng karunungan at pagkaunawa
Mula sa aming Pangulo at ang lahat sa amin naglilingkod at namamahala
Gabayan Mo sila sa mga desisyon, kapakanan ng sanlibutan, doon dapat matuon.

Nawa Panginoon bigyan Mo kami ng wastong pag iisip


at kakayahang kumilos nang maayos
Pagkaisahin Mo sa Iyong pag-ibig ang bayan Mo.
Buklurin Mo Kami sa kapayapaang sa Iyo lamang nagmumula
Ipaglakoob Mo sa amin ang tunay na pag-asa
Pagalingin Mo ang lahat ng nagdurusa.
Igawad Mo sa amin ang Iyong biyaya at kalakasan
Ito’y aming dalangin nang may lubos na pagtitiwala
Kay Hesu Kristo na ating Panginoon na tagapagligtas

AMEN.

You might also like