Pamagat ng Pananaliksik Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan sa mga taong-lansangan sa Sto. Rosario, Cebu City. May Akda ng Pananaliksik Bernadino et al. Panahong Isinagawa ang Pananaliksik Marso, 2017 Panimula Rasyunal Ang kahirapan ang nangungunang suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Araw-araw rin sa ating paglalakbay sa kung saan ay hindi maiiwasang may mga makikita tayong mga taong-lansangan. Sa pagtagal rin ng panahon ay tila ba hindi nababawasan ang bilang ng mga taong lansangan na ito. Layunin Nais ng pag-aaral na ito na malaman at kumalap pa ng mas maraming datos atimpormasyon tungkol sa suliranin ng mga taong-lansangan partikular na sa Sto. Rosario Cebu City. Nais naming malaman ang iba’t-ibang mga dahilan kung bakit sila naghihirap at dumaranas ng ganitong klase ng kalagayan sa buhay. Ang mga tao sa kanilang kalagayan ay mga walang pangkabuhayan kung kaya’t ang iba sa kanila ay nabuhay sa pagnanakaw at maging sa punto na ang mga batang musmos pa lamang ay natuto na sa maling gawaing ito. Tanong Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong- Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior lansangan sa komunidado kapaligiran. Katawan Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sakop ng isyung kahirapan o yung mgataong-lansangan. Nakapokus ang pag-aaral naming ito sa mga street dwellers na matatagpuan sa Sto. Rosario, Cebu City. Kukunin namin at mga ideya at opinyon ng mga ordinaryong tao kung ano ang saloobin nila tungkol sa mga ganitong isyu at paano ito nakakaapekto ito sa kanila. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga datos, impormasyon, mga pananaw at iba’t-ibang saloobin na may kaugnayan sa aming paksa na isyu ng kahirapan. Malaki ang magiging bahagi ng bawat kalahok dahil sila mismo ang pagkukuhanan namin ng impormasyon. Mahalagang puntong tinatalakay Ang bahaging ito ng pananaliksik ay sa Kaugnay na Literatura naglalaman ng mga panitikan, ideya, at iba pang kaalaman na may kaugnaya sa paksa. Ito ang magbibigay ng mga pantulong pa nakaisipan upang mas lalong maintindihan ng mambabasa. Disenyong ginamit sa akda Ang panaliksik na ito ay gumamit ng deskriptib sarbey upang malaman ang mga pananaw at opinion ng mga respondante ukol sa mga nabanggit na layunin. Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang percentage technique sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang percentage technique upang makitaang kinalabasan ng ginawang pagsusuri Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Resulta ng Pagsusuri
Sa unang hanay ay makikita na mas
malaki ang bahagdan ng mga sumang- ayonat naniniwalang may paraan pa upang masugpuan ang isyu ng taong lansangan. (92% ang sumang-ayon, 8%-hindi) Sa ikalawang hanay ay maoobserba rin na mas malaki ang bahagdan ng mga taong mas pinipili na magbigay ng limos sa mga taong lansangan sa tuwing nanghihingi ito sa kanila. (71%- Sang-ayon, 29%- hindi) Sa sumunod na hanay naman ay 22% ang sang-ayon na ang pagbibigay ng limos ay isang paraan lamang ng pagtuturo sa mga taong ito na maging tamad, at 78% naman ay hindi. Sa ikaapat na hanay ay 77% ang sumang-ayon na ang presensiya ng mga taonglansangan ay nakakaapekto sa turismo ng isang lugar. Sa huling hanay ay 31% ang Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior naniniwala na bilang indibidwal ay may magagawa sila upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga taong ito.
Kongklusyon Nakita sa resulta na mas malaking
porsyento rin ang nagsasabi na talagang nakakaapekto ang mga taong-lansangan na ito sa turismo ng isang lugar. Ang mga taong- lansangan ay maaaring siyang naging factor upang ang mga turista o kahit yung ibang mga dayo lang sapagkat may badya ng mga taong lansangan na minsan ay siyang may kagagawan sa maling gawain gaya ng pagnanakaw. Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
Pamagat ng Pananaliksik Epekto Ng Teknolohiya Sa Patuloy Na
Paghubog Sa Ugali/Personalidad Ng Mga Kabataan Mula Sa Senior Hayskul Ng Immaculate Conception Acedemy, Dasmañas May Akda ng Pananaliksik Briones et. al Panahong Isinagawa ang Pananaliksik Mayo 29, 2017 Panimula Rasyunal Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabago at progresibong gamit ngayong panahon. Ang teknolohiya din ay ang mga gadyet at iba’t-ibang ‘platforms’ na nagbibigay ng tulong sa iba’t-ibang klase ng gawain sa panahon ngayon. (Tuzon, 2014). Ang teknolohiya ay lawas ng mga kasangkapan, makina, materyales, pamamaraan at prosesong ginagamit upang magbunga ng gamit at serbisyo para matugunan ang pangangailangan ng tao. Ito ay may kakayahang gawing mas produktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta ng anumang pinaggagamitan nito ay sapat nang katibayang malaki ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa. Layunin Ang pananaliksik na ito ay Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior makakatulong sa mga mananaliksik upang makakuha ng sapat na resulta at makamit ang layunin at kahalagahan ng pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag- aaral kung saan malalaman ng mga estudyante ang kahalagahan at epekto ng pag gamit nila ng teknolohiya, dito mauunawahaan natin kung bakit ganon na lamang ang pesonalidad at pag uugali nila, upang matulungan namin sila maintindihan at mapaliwanag ang mga posibleng epekto nito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang ng mga mag-aaral na matukoy at maintindihan kung bakit ganoon ang personalidad at pag uugali ng kanilang mga anak. Tanong Malaman kung ano ang tatlong maka-teknolohiyang gadyet ang pinaka-ginagamit at kinahihiligan ng mga mag-aaral ng senior hayskul ng NCST. Malaman kung ano ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon ng mga mag-aaralsa mga gadyet nila: at, Malaman kung ano ang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga mag-aaral. Katawan Ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pang araw-araw na gawain. Ang pag- aaral na ito ay naglalarawan tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior mga kabataan. Sa palagiang paggamit ng teknolohiya kagaya ng computer, tablet/ipad, cellphone, at telebisyon ay may dalang naidudulot at ito ay ang masama at mabuting epekto sa pag- aaral. Mahalagang puntong tinatalakay Marami sa mga kabataan ngayon ang sa Kaugnay na Literatura may mga mabababang marka, ayon sa uro.net. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito marahil ay sa dahilang marami na silang ibang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Ang mga makabagong gadyet ay ang mga kinalolokohan na ngayon ng maraming mag-aaral sa ating bansa. Mahalaga na malaman ang epekto ng makabagong teknolohiya at mga gadyet sa personalidad ng mga kabataan, sapagkat marami sa kanila ngayon ay may mga mabababang marka at paiba- iba ng gawain at ugali. Isa sa mga kapansin-pansin na dahilan ay nababaling ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbes sa mga gawaing bahay o pag-aaral. Disenyong ginamit sa akda Ang papanalisik na ito ay kwalitatibo kung saan paglalarawan sa mga sagot mula sa mgakalahok ng pagaaral, sa pamamagitan ng panayam, ang isasagawa. Napili ng mga mananalisik ang uring ito ng pananalisik sapagkat nilalayon nito maka kuha ng mga makabuluhang resulta sa madaling paraan na makaka tulong sa mga Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior mananaliksik. Nilalayon din nito malaman at maintindihan ang epekto ng teknolohiya sa patuloy na paghubog sa ugali at personalidad ng mga kabataan mula sa senior hayskul sa pamamagitan ng pag sasagawa ng serbey, pakikipag panayam at obserbasiyon. Resulta at Pagsusuri Ilalahad sa bahagi ng pananaliksik na ito ang mga resulta ng isinagawang pag- aaral mulasa nagging kabuuang proseso ng pagkalap ng datos at impormasyon. Sa unang bahagi ilalahahang propayl ng mga respondent ayon sa edad at kasarian. Ikalawa naman, tutukuyin kung anoang tatlong maka- teknolohiyang gadyet ang pinaka- ginagamit ikatlo tutukuyin kung ano ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon sa gadyet ng mag-aaral at ang huli ay tukuyinkung ano ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral ng senior hayskul ng NCST. Ang mga datos na nakalap ay mula sa mga talatanungang pinasagutan ng mgamananaliksik gamit ang google survey forms. Mula dito, gumamit ng mga estadistikal na pormula ang mga mananaliksik upang bigyang paliwanag ang mga nakuhang datos. Kongklusyon Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, mas higit na madami ang mga kabataang gumagamit ng teknolohiya kaysa sa mga hindi o minsan lang gumamit ng maka- teknolohiyang mga gadyet. Kadalasan ay smartphones ang ginagamit ng mga Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior kalahok sa pag-aaral dahil madali lang dalhin kahit saan ang mga smartphone. Ang bawat kabataan ay mayroon nang kanya-kanya nilang mga social media account. Importante at nakakatulong ang teknolohiya dahil sa napapa$ali nito ang buhay, gaya ng pakikipag-usap sa iba at madali na makakuha ng impormasyon gamit ang teknolohiya ngayon lubos na madami nga ang maaaring magandang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan, ngunit kapag hindi napatnubayan ng maayos ng mga magulang, maaaring mayroong masasamang impluwensiya ang teknolohiya at ang iba’t-ibang aplikasyon nito. Madaming nagkakaron ng adiksyon sa teknolohiya at nawawalan na ng pokus sa pagaaral. Ito ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit naniniwala ang ibang mga kalahok na nakakasama ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral. Maaaring masabi ng mga mananaliksik na mayroong direktang epekto ang teknolohiya sa pag-uugali o personalidad ng mga kabataan. Mula sa datos na nakalap, marami sa mga gumagamit ng kanilang mga gadyet at aplikasyon ay mahiyain at mahilig mapagisa. Ang mga madalang naman gumamit ng mga maka-teknolohiyang kagamitan ay kapansin-pansin na mas mahilig makipagsalimuha sa ibang tao. Kaunti lamang ang mga kalahok na kahit gumagamit ng gadyet ay di naman Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior nahihirapan o naiilang makipagsalimuha sa ibang. Higit na madami ang mga introvert kaysa sa extrovert dahil sa teknolohiya ngunit lamang pa din ang may normal na personalidad na tinatawag nating ambivert.