Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Gawain 2.

Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior


Pamagat ng Pananaliksik Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan sa mga
taong-lansangan sa Sto. Rosario, Cebu
City.
May Akda ng Pananaliksik Bernadino et al.
Panahong Isinagawa ang Pananaliksik Marso, 2017
Panimula
Rasyunal Ang kahirapan ang nangungunang
suliranin na kinakaharap ng ating
bansa. Araw-araw rin sa ating
paglalakbay sa kung saan ay hindi
maiiwasang may mga makikita tayong
mga taong-lansangan. Sa pagtagal rin
ng panahon ay tila ba hindi
nababawasan ang bilang ng mga taong
lansangan na ito.
Layunin Nais ng pag-aaral na ito na malaman at
kumalap pa ng mas maraming datos
atimpormasyon tungkol sa suliranin ng
mga taong-lansangan partikular na sa
Sto. Rosario Cebu City. Nais naming
malaman ang iba’t-ibang mga dahilan
kung bakit sila naghihirap at
dumaranas ng ganitong klase ng
kalagayan sa buhay. Ang mga tao sa
kanilang kalagayan ay mga walang
pangkabuhayan kung kaya’t ang iba sa
kanila ay nabuhay sa pagnanakaw at
maging sa punto na ang mga batang
musmos pa lamang ay natuto na sa
maling gawaing ito.
Tanong  Masuri kung ilang porsyento ang
may perspektibo na ang isyung
ito ay malutasan.
 Mabatid kung paano maaaring
makaapekto ang mga taong-
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
lansangan sa komunidado
kapaligiran.
Katawan Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa
mga sakop ng isyung kahirapan o yung
mgataong-lansangan. Nakapokus ang
pag-aaral naming ito sa mga street
dwellers na matatagpuan sa Sto.
Rosario, Cebu City. Kukunin namin at
mga ideya at opinyon ng mga
ordinaryong tao kung ano ang saloobin
nila tungkol sa mga ganitong isyu at
paano ito nakakaapekto ito sa kanila.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang
pagkuha ng mga datos, impormasyon,
mga pananaw at iba’t-ibang saloobin
na may kaugnayan sa aming paksa na
isyu ng kahirapan. Malaki ang
magiging bahagi ng bawat kalahok
dahil sila mismo ang pagkukuhanan
namin ng impormasyon.
Mahalagang puntong tinatalakay Ang bahaging ito ng pananaliksik ay
sa Kaugnay na Literatura naglalaman ng mga panitikan, ideya, at
iba pang kaalaman na may kaugnaya sa
paksa. Ito ang magbibigay ng mga
pantulong pa nakaisipan upang mas
lalong maintindihan ng mambabasa.
Disenyong ginamit sa akda Ang panaliksik na ito ay gumamit ng
deskriptib sarbey upang malaman ang
mga pananaw at opinion ng mga
respondante ukol sa mga nabanggit na
layunin. Ginamit bilang statistical tool
sa pagtitimbang at pagsukat ng mga
data ang percentage technique sa
pananaliksik na ito. Ginagamit ang
percentage technique upang makitaang
kinalabasan ng ginawang pagsusuri
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
batay sa mga sagot ng mga
respondente. Ginagamit din ito upang
makuha ang kalahatang bahagdan ng
bilang ng pare-parehong mga sagot sa
isang partikular na tanong.
Resulta ng Pagsusuri

Sa unang hanay ay makikita na mas


malaki ang bahagdan ng mga sumang-
ayonat naniniwalang may paraan pa
upang masugpuan ang isyu ng taong
lansangan. (92% ang sumang-ayon,
8%-hindi)
Sa ikalawang hanay ay maoobserba rin
na mas malaki ang bahagdan ng mga
taong mas pinipili na magbigay ng
limos sa mga taong lansangan sa
tuwing nanghihingi ito sa kanila. (71%-
Sang-ayon, 29%- hindi)
Sa sumunod na hanay naman ay 22%
ang sang-ayon na ang pagbibigay ng
limos ay isang paraan lamang ng
pagtuturo sa mga taong ito na maging
tamad, at 78% naman ay hindi.
Sa ikaapat na hanay ay 77% ang
sumang-ayon na ang presensiya ng
mga taonglansangan ay nakakaapekto
sa turismo ng isang lugar.
Sa huling hanay ay 31% ang
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
naniniwala na bilang indibidwal ay
may magagawa sila upang makatulong
na mabawasan ang bilang ng mga
taong ito.

Kongklusyon Nakita sa resulta na mas malaking


porsyento rin ang nagsasabi na
talagang nakakaapekto ang mga
taong-lansangan na ito sa turismo
ng isang lugar. Ang mga taong-
lansangan ay maaaring siyang
naging factor upang ang mga
turista o kahit yung ibang mga
dayo lang sapagkat may badya ng
mga taong lansangan na minsan
ay siyang may kagagawan sa
maling gawain gaya ng
pagnanakaw.
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior

Pamagat ng Pananaliksik Epekto Ng Teknolohiya Sa Patuloy Na


Paghubog Sa Ugali/Personalidad Ng
Mga Kabataan Mula Sa Senior Hayskul
Ng Immaculate Conception Acedemy,
Dasmañas
May Akda ng Pananaliksik Briones et. al
Panahong Isinagawa ang Pananaliksik Mayo 29, 2017
Panimula
Rasyunal Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga
makabago at progresibong gamit
ngayong panahon. Ang teknolohiya din
ay ang mga gadyet at iba’t-ibang
‘platforms’ na nagbibigay ng tulong sa
iba’t-ibang klase ng gawain sa panahon
ngayon. (Tuzon, 2014). Ang
teknolohiya ay lawas ng mga
kasangkapan, makina, materyales,
pamamaraan at prosesong ginagamit
upang magbunga ng gamit at serbisyo
para matugunan ang pangangailangan
ng tao. Ito ay may kakayahang gawing
mas produktibo, mabilis at palagiang
tama ang ibinibigay na resulta ng
anumang pinaggagamitan nito ay sapat
nang katibayang malaki ang
kontribusyon nito sa pag-unlad ng
bansa.
Layunin Ang pananaliksik na ito ay
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
makakatulong sa mga mananaliksik
upang makakuha ng sapat na resulta at
makamit ang layunin at kahalagahan ng
pananaliksik na ito. Ang pananaliksik
na ito ay makakatulong sa mga mag-
aaral kung saan malalaman ng mga
estudyante ang kahalagahan at epekto
ng pag gamit nila ng teknolohiya, dito
mauunawahaan natin kung bakit ganon
na lamang ang pesonalidad at pag
uugali nila, upang matulungan namin
sila maintindihan at mapaliwanag ang
mga posibleng epekto nito. Ang
pananaliksik na ito ay makakatulong sa
mga magulang ng mga mag-aaral na
matukoy at maintindihan kung bakit
ganoon ang personalidad at pag uugali
ng kanilang mga anak.
Tanong  Malaman kung ano ang tatlong
maka-teknolohiyang gadyet ang
pinaka-ginagamit at kinahihiligan
ng mga mag-aaral ng senior
hayskul ng NCST.
 Malaman kung ano ang tatlong
pinaka-kinahuhumalingang
aplikasyon ng mga mag-aaralsa
mga gadyet nila: at,
 Malaman kung ano ang epekto ng
teknolohiya sa personalidad ng
mga mag-aaral.
Katawan Ang mga mag-aaral ay madalas na
gumagamit ng teknolohiya sa kanilang
pang araw-araw na gawain. Ang pag-
aaral na ito ay naglalarawan tungkol sa
epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
mga kabataan. Sa palagiang paggamit
ng teknolohiya kagaya ng computer,
tablet/ipad, cellphone, at telebisyon ay
may dalang naidudulot at ito ay ang
masama at mabuting epekto sa pag-
aaral.
Mahalagang puntong tinatalakay Marami sa mga kabataan ngayon ang
sa Kaugnay na Literatura may mga mabababang marka, ayon sa
uro.net. Hindi ito dahil sa hindi nila
maintindihan ang mga itinuturo sa
kanila sa klase. Ito marahil ay sa
dahilang marami na silang ibang
pinagkakaabalahan bukod sa kanilang
pag-aaral. Ang mga makabagong gadyet
ay ang mga kinalolokohan na ngayon
ng maraming mag-aaral sa ating bansa.
Mahalaga na malaman ang epekto ng
makabagong teknolohiya at mga gadyet
sa personalidad ng mga kabataan,
sapagkat marami sa kanila ngayon ay
may mga mabababang marka at paiba-
iba ng gawain at ugali. Isa sa mga
kapansin-pansin na dahilan ay
nababaling ang kanilang atensyon at
oras sa paglalaro o paggamit ng
makabagong kagamitan imbes sa mga
gawaing bahay o pag-aaral.
Disenyong ginamit sa akda Ang papanalisik na ito ay kwalitatibo
kung saan paglalarawan sa mga sagot
mula sa mgakalahok ng pagaaral, sa
pamamagitan ng panayam, ang
isasagawa. Napili ng mga mananalisik
ang uring ito ng pananalisik sapagkat
nilalayon nito maka kuha ng mga
makabuluhang resulta sa madaling
paraan na makaka tulong sa mga
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
mananaliksik. Nilalayon din nito
malaman at maintindihan ang epekto ng
teknolohiya sa patuloy na paghubog sa
ugali at personalidad ng mga kabataan
mula sa senior hayskul sa pamamagitan
ng pag sasagawa ng serbey, pakikipag
panayam at obserbasiyon.
Resulta at Pagsusuri Ilalahad sa bahagi ng pananaliksik na
ito ang mga resulta ng isinagawang pag-
aaral mulasa nagging kabuuang proseso
ng pagkalap ng datos at impormasyon.
Sa unang bahagi ilalahahang propayl ng
mga respondent ayon sa edad at
kasarian. Ikalawa naman, tutukuyin
kung anoang tatlong maka-
teknolohiyang gadyet ang pinaka-
ginagamit ikatlo tutukuyin kung ano
ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang
aplikasyon sa gadyet ng mag-aaral at
ang huli ay tukuyinkung ano ang epekto
ng teknolohiya sa mga mag-aaral ng
senior hayskul ng NCST. Ang mga
datos na nakalap ay mula sa mga
talatanungang pinasagutan ng
mgamananaliksik gamit ang google
survey forms. Mula dito, gumamit ng
mga estadistikal na pormula ang mga
mananaliksik upang bigyang paliwanag
ang mga nakuhang datos.
Kongklusyon Ayon sa mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik, mas higit na madami ang
mga kabataang gumagamit ng
teknolohiya kaysa sa mga hindi o
minsan lang gumamit ng maka-
teknolohiyang mga gadyet. Kadalasan
ay smartphones ang ginagamit ng mga
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
kalahok sa pag-aaral dahil madali lang
dalhin kahit saan ang mga smartphone.
Ang bawat kabataan ay mayroon nang
kanya-kanya nilang mga
social media account. Importante at
nakakatulong ang teknolohiya dahil sa
napapa$ali nito ang buhay, gaya ng
pakikipag-usap sa iba at madali na
makakuha ng impormasyon gamit ang
teknolohiya ngayon lubos na madami
nga ang maaaring magandang epekto ng
teknolohiya sa mga kabataan, ngunit
kapag hindi napatnubayan ng maayos
ng mga magulang, maaaring mayroong
masasamang impluwensiya ang
teknolohiya at ang iba’t-ibang
aplikasyon nito. Madaming nagkakaron
ng adiksyon sa teknolohiya at
nawawalan na ng pokus sa pagaaral. Ito
ang isa sa mga pangunahing rason kung
bakit naniniwala ang ibang mga kalahok
na nakakasama ang paggamit ng
teknolohiya sa pag-aaral. Maaaring
masabi ng mga mananaliksik na
mayroong direktang epekto ang
teknolohiya sa pag-uugali o
personalidad ng mga kabataan. Mula sa
datos na nakalap, marami sa mga
gumagamit ng kanilang mga gadyet at
aplikasyon ay mahiyain at mahilig
mapagisa. Ang mga madalang naman
gumamit ng mga maka-teknolohiyang
kagamitan ay kapansin-pansin na mas
mahilig makipagsalimuha sa ibang tao.
Kaunti lamang ang mga kalahok na
kahit gumagamit ng gadyet ay di naman
Gawain 2. Shirley Ann Barcelona 11 STEM Alvior
nahihirapan o naiilang
makipagsalimuha sa ibang. Higit na
madami ang mga introvert
kaysa sa extrovert dahil sa teknolohiya
ngunit lamang pa din ang may normal
na personalidad na tinatawag nating
ambivert.

You might also like