Professional Documents
Culture Documents
Arts 4 Quarter 1 Module 2 Week 2 FINAL
Arts 4 Quarter 1 Module 2 Week 2 FINAL
Arts
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Disenyong Kultural ng mga
Pamayanan sa Visayas
MAPEH (Arts) – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Disenyong Kultural ng mga Pamayanan sa Visayas
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Arts
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Disenyong Kultural ng mga
Pamayanan sa Visayas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts-Ikaapat na Baitang ) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Disenyong
Kultural ng mga Pamayanan sa Visayas !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Arts Ika-apat na Baitang) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Mga Disenyong Kultural ng mga
Pamayanan sa Visayas) !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
v
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa para tulungan kayo na malalaman ang mga
disenyong kultural ng mga pamayanan sa Visayas. Ang mga itinakdang Gawain
na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-
isip at makalikha ng sariling disenyo o visual art na magdudulot ng saya at
kaganapan sa bawat aralin.
Pagkatapos na Mabasa at masasagutan ang modyul na ito,kayo ay
inaasahang:
1. Natutukoy ang mga kultural na komunidad sa Visayas.
2. Nailalarawan ang iba’t-ibang kultural na pamayanan sa Visayas sa uri ng
kanilang pananamit, palamuti sa katawan.
3. Nasasabi ang mga pwedeng kagamitan na ginamit sa mga disenyo ng
Visayas.
4. Natutukoy ang gamit ng linya, hugis, kulay at ang ptinsipyong paulit-ulit sa
mga disenyo.
5. Nakaguguhit ng mga disenyo sa o anumang bagay gamit ang mga
katutubong disenyo.
1
Subukin
TAMA o MALI. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto, at Mali
naman kung ito ay hindi wasto.
2
Aralin
Mga Disenyong Kultural ng
2 mga Pamayanan sa Visayas
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang mga
pangkat-etniko ay may kaniya-kaniyang sining o motif na higit nilang mapaunlad
at mapayaman hanggang sa ngayon. Isa na dito ang mga kultural na pamayanan
sa Visayas. Ang mga Panay-Bukidnon ay naninirahan sa mga bulubunduking
lugar ng Labunao, Ilo-ilo.
Kilala rin sa madetalyeng paraan ng pagbuburda na tinatawag nila itong
panubok. Ang mga damit na may burda ay ginagamit na kasuotan sa isang
pagtatanghal sa Iloilo na tinatawag na Tinubkan Fashion Show.
Balikan
Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titikng tamag sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga pangkat-etnikong Gaddang ay naninirahan sa ____________.
a. Visayas b. Luzon c. Sulu d. Nueva Viscaya
2. Ito ang disenyong Ifugao.
a. b. c. d.
a. b. c. d.
4. Alin sa mga larawang ito ang disenyo ng mga dahoon ng Ifugao?
a. b. c. d.
5. Alin sa mga larawang ito ang nagpapakita ng disenyong araw ng taga
Kalinga?
a. b. c. d.
3
Tuklasin
Suriin
1. Ang kultural na pamayanan ay may kaniya-kaniyang ipinagmamalaking
obra.
2. Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t-ibang linya,kulay at
hugis.
3. Ang mga linya ay maaaring tuwid, pakurba, pahalang at patayo.
4.Kadalasan ang mga kulay ay ginagamitan ng pula, dilaw, berde at itim.
5. Iba’t-ibang hugis ang makikita sa mga disenyo tulad ng triyanggulo,
kwadro, parisukat, bilog at biluhaba.
6. Ito ay hango sa kalikasan o kanilang kapaligiran.
Narito ang ilang halimbawa ng kanilang mga disenyo ng tela na
nagtataglay ng iba’t-ibang hugis at linya, at maaaring mabuo ng isang pattern.
4
➢ Ang kanilang mga disenyo ba ay nagpapakita ng iba’t-ibang linya,
hugis at kulay?
➢ Halimbawa ng isang disenyong radial na maaaring gamitin bilang
panggitnang disenyo.
Disenyong Radial
Pagyamanin
Gumuhit ng disenyong radial.
Sundin ang halimbawa. Puwedeng ibahin ang kulay.
Ihanda ang mga sumusunod:
✓ lapis
✓ krayola o oil pastel
✓ bond paper
5
Isaisip
Isagawa
Iguhit at kulayan ang iba’t-ibang tirahan na nagpapakita ng iba’t-ibang hugis at
linya.
1. 2. 3.
4. 5. 6.
6
Tayahin
a. b. c. d.
7
Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang disenyo sa platong karton.
➢ Ihanda ang mga sumusunod:
• platong karton (paper plate) o cardboard na maaaring gupitin
na hugis bilog
• lapis
• krayola o oil pastel
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng hugis bilog, lapis, krayola
o oil pastel.
2. Umisip ng disenyo na iguguhit sa platong karton o cardboard na
Lagyan ito ng iba’t-ibang hugis, kulay at linya. Maaari ring
gumawa ng disenyong panggitna.
3. Kulayan ang mga iginuhit na disenyo gamit ang krayola o
oil pastel.
4. Kung tapos na ang ginawang sining, maaari ng isumite.Mga
Batayan sa Pagkuha ng Marka
Pamantayan Puntos
1. Nilalaman
- Nakita ba ang disenyong hinihingi? 10
2.Pagkamalikhain
- Ang pagkaayos ng elemento, hugis, at kulay na
naging kaakit-akit at kanais-nais tingnan 5
3. Kalinisan
- Maayos ba ang pagkagawa at paglagay ng kulay? 5
Kabuuan 20
8
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cynthia Montañez, Ma.Teresa Caringal, Adulfo Amit, Benjamin Castro, Emily
Maninang, Joan D. Sandoval, 2015. Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-
aaral, Aralin 2, Mga Disenyong Kultural ng mga Pamayanan sa Visayas, pahina
150-153.
https://lrmds.deped.gov.ph/
https://www.google.com/search?q=disenyong+kultural+ng+visayas&tbm=isch&ved=2ahUKEwiAhvG
mx5_qAhWAx4sBHYyrBm8Q2-
cCegQIABAA&oq=disenyong&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgQIIxAnMgQIIxAnMgQIABBDMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgQIABBDOgcIIxDqAhAnOgUIABCxA1CjttEEWNWQ0gRgg6jSBGgBcAB4A4A
BwAGIAY4qkgEEMy40MJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=KfT1XsDNFoCPr7w
PjNea-AY&bih=657&biw=1366
9
Para sa mga pangutana ug komentaryo, sulat o tawag lang sa:
Telafax: 032-255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph
depedcebuprovince@yahoo.com