Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Learning Competency: Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa


kapwa base sa pagbibigay ng kondisyon/pangako sa isang partikular na bagay

I. Layunin
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nailalarawan ang pagiging responsable sa kapwa base sa isang
pangako,
b. napapahalagahan ang pagiging responsable sa kapwa base sa isang
pangako, at
c. natutupad ang pagiging responsable sa kapwa base sa isang pangako

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Pagiging responsable sa kapwa
B. Sanggunian : EsP6P-IIa-c-30
C. kagamitan : mga larawan, maikling kwento, strips

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Gawain 1
LARO : AKSYON KO HULAAN NINYO
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang grupo.
2. Ang unang grupo ang mag bibigay nang AKSYON at HUHULAAN
naman ito ng ikalawang grupo.
3. Pagkatapos mahulaan ng ikalawang grupo ang sagot, sila naman ang
nagbibigay ng aksyon.
4. Ang bawat aksyong nahuhulaan ay mag mumula sa kahon na hawak
ng guro.
Mga aksyon na huhulaan
1. Pagtulong sa “laas” na makatawid sa “talugan”.
2. Pagbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan.
3. Pagtulong ng mga tungkulin bahay.
4. Magbayanihan

B. Bagong kaalaman
Gawain 2 : Talakayan ng pangkat
1. Bawat grupo ay bibigyan ng mga larawan.
2. Bawat grupo ay pipili ng isang representante upang mag-talakay sa
kanilang nakuhang larawan na nagpapakita ng pagiging responsable
sa kapwa.

Gawain 3 : Presentasyon : Maikling Kwento

Ang Usapan ay Usapan


Magkaibigan sina Malette, Rosario, Angel at Jennifer. Minsan ay nag-
uusap sila nang biglang may iminungkahi si Jennifer “Naku, malapit na pala ang
kaarawan ni Aling Regina. Hindi ba madalas tayong pakainin ng lumpia nang libre?
Maganda siguro kung bibigyan natin ng sorpresa. “Wika nito. “O, sige magbigay tayo ng
tig-sasampung piso at ibili natin siya ng bagong lagayan ng pera. Hindi ba lumang-luma
na yung latang lalagyan niya ng pera? Nagkasundo ang buong grupo sa Lunes nila
ibibigay ang sampung piso nila kay Rosario na siya naming ibibili ng kanilang regalo.
Papaano kaya ito? Wala na akong pera, kasi ibinili ko nan g lapis at papel.
Bulong ni Malette sa kanyang sarili ng ito ay papauwi na. nakakahiya naman sa kanila.
Papauwi na ito ng maalala niya ang mga bunga ng mangga sa kanilang puno “Hingin ko
kaya kay nana yang ilang bunga at aking ibebenta”.
Lunes nang sila ay muling magkita-kita “Ayan mayroon tayong apat-
napung piso. Mayroon na tayong ibibili ng regalo para kaya ling Regina wika ni Rosario.
“Mabuti Malette at mayroon kang pera. Narinig ko kasi na bumili ka ng lapis at papel
nuong isang Linggo. Wika ni Angel “Oo nga eh, kaya humingi ako ng ilang bunga ng
mangga kay nanay at aking ibinenta. Bahagi ni Malettes sa mga kaibigan naku sana ay
sinabi mo, maari naman na dagdagan nalang namin an gaming bahagi, tugon ni
Rosario, naku, iyan ang napagkasunduan natin kaya gumawa nalang ako ng paraan
upang makatupad ako sa ating napagpasyahan, “wika ni Malette; para sa akin kung ano
an gating napag-usapan ay dapat tuparin ng bawat isa dagdag pa nito.

Mga Tanong:
1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kwento?
2. Ano ang kanilang napagkasunduan?
3. Ano ang ginawang paraan ni Malette upang makatupad sa usapan?
4. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba na tumupad sa usapan/pangako?

Gawain 4 : Pangkatang Gawain

1. Bawat grupo ay bibigyan ng isang maikling kwento na kanilang


tatalakayin bilang isang grupo.
2. Pipili ang grupo ng isang miyembro na mag-uulat sa maikling
kwento.
3. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makinig sa mga nag-uulat para
makasagot sa mga gabay na tanong.

Mga Kwento sa Pagtupad sa Pangako


1. Si Aling Masi ay isang magulang, isang araw ay inutusan niya ang anak na si
Larry na linisin ang bahay dahil mamamalengke siya pumayag naman si Larry
at nadatnan ni Aling Masi na malinis na ang bahay.

2. Magkaibigan sina Len at Dan, nakapag-usap sila na magkita sa bakanteng


lote para maglaro, dumating si Len at nakita niya na nandoon na si Dan at sila
na ay naglaro.

Mga Gabay na Tanong:


1. Tumupad ba o hindi tumupad si Larry sa kanyang pangako? Bakit?
2. Tumupad ba o hindi tumupad sina Dan at Len sa kanilang pangako?
3. Tumupad ba o hindi tumupad si James sa kanyang pangako?
4. Tumupad ba o hindi tumupad si Justin sa kanyang pangako?
5. Tumupad ba o hindi tumupad si Chris sa kanyang pangako?

C. Paglalapat:
Tanong at Sagot
1. Bakit kailangang tuparin ang iyong pangako sa kapwa?
2. Ano ang nararapat gawin upang malaman kung ang pangakong tutuparin ay mabuti o
hindi?
3. Ipaliwanag kung bakit dapat tuparin ang lahat ng iyong ipinangako sa kapwa?

D. Pagtataya
1. Magpagawa ng tala ng pangako o mga resolusyon. Lagyan ng marka ang
Natupad na at hindi natupad.
2. Magpalitan ng kuro-kuro ang bawat mag-aaral base sa mga itinalang pangako
na may gabay ng guro.

Ito ay ginawa nina:


Cristy N. Luna – Lekda ES
Christy B. Timogan – Lawan-lawan ES
Richmond Elan – Datu Saldong Domino ES
Juvy Bacsarpa - Manggumihay ES
Gefty Songaling – Linao-linao ES
Jelyn Tumanan – Bokbokon ES

You might also like