Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Announcer: Magandang Hapon mga kapamilya, kapuso at kapatid! Ito po ang Isyu 24/7 ng 139.9 school radio!

Nandito na ang tambalang talagang inaabangan tuwing hapon! Sina DJ EL at MAMA Mikee

DJ EL: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po DJ EL nyo na kaletra ng pangalan at mas maganda
kay Ethel Booba, Charoot!

MAMA JACK: Good Afternoon madlang kapamilya, kapuso at kapatid! Ako po si Mama Jack! Na nagsasabing kung
mayroong Papa Jack mayroon ding Mama Jack!

DJ E: So... Partner anong ganap ngayon ?

MAAM JACK: Naku Pards ang daming ganap ngayon... At isa na rito ay ang tungkol sa mga Makasaysayang Lugar sa
NCR

DJ E: Tama ka dyan partner! Andami ko ring mga narinig na balita tungkol dyan !

MAMA JACK: At dahil marami ka ngang narinig ukol dyan... Bakit hindi na lamang ‘yan ang pag-usapan natin !

DJ E: oo nga naman partner!

MAMA JACK: so partner, anong say mo sa mga Makasaysayang Lugar sa NCR?

DJ E: Sa totoo lang partner, ako ay humahanga sa ating mga makasaysayang lugar na matatagpuan dito sa NCR.

MAMA JACK: BAkit partner? Paano mo naman nasabi yan?

DJ E: dahil ito ay nag-iiwan ng alaala na maari nating balikan at puntahan, hindi lang local ang maaarin pumunta
kundi mga turista.

MAMA JACK: Sabagay may point ka dyan! Para mas magkaroon tayo ng karagdagang impormasyon, mayroon
tayong kasamang isang historyador na si XIAO CHUA.

DJ E: Pak! NArito na si XIAO CHUA, magandang hapon po, Dr. Xiao

DR. X: Magandang hapon din po, DJ EL at MAMA JACK.

MAAM JACK: Hello po , Sir. Xiao Chua, maaari po ba kayo na makapagbigay ng kaunting kaalaman sa ating mga
kapamilya, kapuso at kapatid na tagapakinig tungkol sa mga makakasaysayang pook sa NCR.

DR. X: YES naman, Kilala po ang ang ating bansa sa maraming bagay―magagandang tanawin, pino at nagpuputiang
buhangin ng mga sikat na beach, masasarap na pagkain at mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Ano nga ba ang
Makasaysayang pook? Ito ang tawag sa isang lugar kung saan naganap ang isang mahalagang pangyayari sa
kasaysayan. MAraming mga makasaysayang pook na makikita at maipagmamalaki sa NCR tulad na lamang ng Rizal
Park, Ngayo’y tinatawag na Luneta Park, isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas ang Bagumbuyan. Dito kasi binaril
ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal matapos siyang mag-aklas sa pamamagitan ng propaganda
laban sa mga Espanyol. Ang Intramuros din ay isang makasaysayang pook, Isa ang Maynila sa mga may malagim at
makasaysayang nakaraan dahil tinupok ng World War II ang maraming gusali sa siyudad. Ang Intramuros,
tinaguriang “The Walled City” ang makasaysayang pook sa Luzon na talagang hinagupit ng giyera. Pero maraming
bahagi nito ang napreserba kaya naman ngayo’y madalas itong pasyalan ng mga turista mapa-Pilipino o banyaga.
Hindi lang Rizal Park, Intramuros ang makasaysayang pook kundi Fort Santiago, sa lungsod ng Marikina ay ang
GUSALI NI KAPITAN MOY, JESUS DE LA PEÑA CHAPEL, at marami pang iba.

MAMA JACK: Grabe DJ EL ang dami pala talagang mga makasaysayang pook dito sa NCR.

DJ EL: Oo mama jack ang dami talaga, hindi ito mabibilang sa mga daliri sa kamay mo isama mo pa yang daliri mo sa
paa. HAHAHAHA!

MAMA JACK: Ayan, maraming Salamat Sir. XIAO CHUA sa mga kaalaman na naibahagi mo samin ni DJ EL at syempre
sa ating mga tagapakinig.

DR. XIAO: Walang anuman, at maraming Salamat din! NAko partner ang bilis ng oras 4:00 na agad.

DJ E: Oo nga partner, Ayan maraming Salamat ulit Sir. Xiao sa pagpaunlak ng aming imbetasyon na pumunta sa
estasyon at magbigay ng kaalaman.At ito po si DJ EL nyo na kaletra ng pangalan at mas maganda kay Ethel Booba,
Chaaaar!

MAMA JACK AT DJ EL: Muli ito po ang Isyu 24/7 ng 139.09 life radio! Paalam!

You might also like