Balita Tungkol Sa Diskriminasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Home 

> News

Nurse na may COVID-19 di agad nadala sa ospital dahil sa


diskriminasyon
ABS-CBN News
Sep 15 2020 03:37 PM
  

RAPU-RAPU, Albay — Isang nurse sa bayan na ito ang nakaranas umano ng


diskriminasyon matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Sa social media naglabas ng sama ng loob ang 21-anyos na nurse na si Marlo De


Guzman dahil sa naranasan niya mula sa mga kababayan.

Kuwento ni De Guzman, Linggo pa sana siya nadala sa ospital at ang 3 pang kasama
na nagpositibo sa COVID-19 pero naantala ito dahil sa anila'y pandidiri at
diskriminasyon. 

Nag-back out kasi lahat ng boatman ng isla na magbabiyahe sana sa kanila para
makatawid ng Legazpi. 

Wala daw gustong bumiyahe dahil sa takot na mahawa ng coronavirus. 

Nakaranas din umano sila ng pandidiri kahit sa mga residenteng nasa pantalan noong
mga oras na iyon.

Lunes ng umaga lang naibiyahe papuntang Legazpi sina De Guzman at tatlong iba pa
sa tulong ng lokal na pamahalaan doon.

Magdadalawang taon na ring nurse si De Guzman sa Rapu-Rapu District Hospital. 

Panawagan niya, nawa'y tigilan na ang diskrimasyon lalo na sa mga medical


frontliners dahil buwis-buhay din ang kanilang ginagawa sa mga pasyenteng
nangangailangan ng tulong. 

Imbes na diskrimasyon, respeto at panalangin ang hinihingi ni De Guzman lalo na sa


kaniya na nagpapakatatag para malabanan ang virus.

— Mula sa ulat ni Karren Canon

You might also like