Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 2: Pinag – ugatan ng Panitikan

Panulaan sa Panahon ng mga Kastila

Sinabi nina Angeles, Matienzo at Panganiban (1992) na bago pa dumating sa Pilipinas ang mga Kastila,
ang ating mga ninuno ay marunong nang bumasa't sumulat, ngunit nang pumasok ang abecedario ng mga
Kastila ay halos biglang naging mangmang ang mga katutubong Pilipino. Gayunpaman, ang likas na
matatandang uri ng panitikan ay nanatili pa ring buhay sa mga labi ng mga mamamayang Pilipino, kaya
upang mapaunlad ng mga Kastila at mapalaganap ang pananampalatayang Katolika Apostolika Romano
ay unti-unti nilang pinag-aralan ang mga tula ng ating mga ninuno sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng
pangyayari. Mapapansin na iba sa bigkas nila ang bigkas ng mga Tagalog. Nanatili ang kanilang gawi at
kinamulatang paraan ng pagbigkas dahil iyon ang kinasanayan ng kanilang dila. Hindi naglaon ay
nangyaring namalasak ang haluang Kastila-Tagalog sa mga panulaan, at ito ang ipinalaiagay na unang uri
ng tula nang panahong yaon. Ang mga sumulat nito ay kinilala sa tawag na LADINO- nakababatid ng
dalawang wika. Ang ganitong uri ng tula ang hinangaan ng marami. Si Bagongbanta (1946) ay nakisama
sa daloy na ito kung kaya’t kanyang sinulat ang:

Salamat na walang hanga


Gracias se den sempiternas
na nagpasilong ng tala
at que hizon saler la Estrella
que desterno las tinieblas
sa lahat nang bayan natin
de toda nuestra tierra.

Isa pang kayarian ng tula ang mapapansin sa ibaba na haluang tagalog-Kastila rin na sinulat ni Francisco
Balagtas noong 1860. Narito ang taludtod mula sa "La India Elegante y el Negrito Amante."

A ver, kung siya'y suminta


ngayong ako'y de levita"
pagkat ang aking "echura"
Kastila't di na Ita.

Ang mga kayariang ito ng mga tulang haluang Kastila Tagalog ay naging pangunahin sa mga unang
panahon ng pananahanan ng mga Kastila sa kapuluan, ngunit hindi nagtagal at nagkaroon din nga ng mga
maipapalagay na tunay na tula at ito'y unang sinimulan ni Phelipe de Jesus.

Ibong kamunti sa pugad


sa inang inaalagad
ay dili makalipad
hanggang sa di magkapakpak
"loob ninyong nasilakbo
parang ningas alipato
sa alapaap ang tungo
ay bago hamak na abo.

Ang Kurido at Awit

Ang kurido at awit ay mga patulang salaysay na paawit kung sabihin. Taglay nito ang mga paksang may
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga tauhang tulad ng hari, prinsipe, duke, reyna, prinsesa.
(Rivera 1982).

Makikitang lalong napadali para sa mga Kastila ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa pagpasok ng
tinatawag na awit at kurido noong mga taong yaon. At ang unang kinabakasan ng pagkakabisa ng awit sa
pagpapalaganap ng relihyon ay ang Talindao.

Ang TALINDAO ay isang berso na inaawit ng isang namumuno sa isang seremonya. Karaniwang
ginaganap ito sa pagdaraos ng isang nobena. Ang PABINIAN ay ang paawit na sagot ng isang pangkat at
dinarasal ng namumuno. Narito ang halimbawa:
Talindao:

"Aba anak ng Diyos Ama


sa langit bunying prinsesa."

Pabinian:

"Kasanta-santahang Maria
Sa amin po'y maawa ka."

Talindao:

"Mula nang ikaw ay sumilang


sa kay Santa Anang iyan
ay lubos mong nalupigan
ang langit ng kasalanan."

Pabinian:

"Kasanta-santahang Maria
Sa amin po'y maawa ka."

Talindao:

"Lumitaw ka rin naman


Busilak sa kalinisan
At dili ka na narungisan
Sa salang mana-manahan
Tangi ka ngang napaisa
Sa tanang Anak ni Eva."

Sa halimbawa ay mapapansin ang katalinuhan ng mga makata sa paglinang ng kahusayan sa paghabi ng


mga tulang pangkristyanismo.

Ayon kay de Tavera ang salitang "Kurido" ay galing sa Kastilang "occurido" na nangangahulugang
kasalukuyang pangyayari na sa Mehikano naman ay "Corrido." (Casanova, Rubin, et. al., 2001)

Sa Pilipinas ang kurido ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong bilang ng pantig sa bawat
taludtod, karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinalasaysay. Ito ay may
himig na mapang law sa paksang Europeo na dala rito ng mga Kastila, (Panganiban, et. al., Binagong
Edisyon, 1995)

Isang bahagi ng kuridong "Buhay na Pinagdaanan ng Dalawang Magkapatid na si Juan at si Maria sa


Binagong España."

Doon sa Reynong España


nang panahong unang-una,
ang haring kinikilala
si Carlos Kintong masigla.
Na siya ang nagpatanyag
sa katapangan at iakas
na siyang nagpaliwanag
ng engkantong mararahas.

Ngunit at sa reynong ito


nagbuhat itong suceso,
at ang nagsabi nga nito'y
ang pantas at tanang dokto.
Di umano'y sa istorya
anang mga dalubhasa
may isa raw mag-asawa
na may anak na dalawa.

Itong mag-asawang ito


mura at hindi ginoo, ang lalaki'y si Fernando
del Carpio ang apelyido.

Ang babae ay si Juana


apelyido'y dela Rosa
at may anak na dalawa
na sa Diyos na talaga.

Ang panganay ay lalaki


ang bunso nama'y babae,
timtima't kawili-wili
karikita'y di masabi.

Ngalan ng lalaking anak


ay si Juan ang pamagat pipito
pang taong edad
karikita'y dili hamak.

Ang babaing si Maria


batang wawalong buwan pa
salang malingat sa mata
ang mag-aandukhang una.

Si Juan kahit maliit


asal ay kaibig-ibig
walang kibo't walang imik
Kordero'y siyang kaparis.

Pagkakaiba ng Kurido sa Awit


a. Ang kaibhan nila sa bilang ng pantig o sukat.
Ang kurido ay may walong bilang ng pantig at
binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro"
samantalang ang awit ay may labindalawang
bilang ng pantig at mabagal na inaawit sa saliw
ng gitara o bandurya.
b. Mabilis ang bigkas ng kurido at may kabagalan
naman ang awit.
c. Ang ikinawiwili ng mambabasa ay nasa kwento o
kasaysayang nakapaloob sa kurido at ang ikinaga
ganda naman ng awit ay nasa aral na ipinahihi
watig nito.

Halimbawa ng Kurido:

1. Ibong Adarna
2. Don Juan Tiñoso
3. Mariang Kalabasa
4. Ang Haring Patay
5. Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz
6. Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz
7. Prinsipe Florencio ni Ananias Zorilla
8. Mariang Alimango

Halimbawa ng Awit:

1. Florante at Laura ni Francisco Balagtas


2. Buhay ni Segismundo ni Eulogio
3. Juan de Tandiona Doce Pares ng Kaharian ng Francia ni Jose dela Cruz
Ang Ibong Adarna (Kurido)

Ang ibong adarna ay kasaysayan ng pakikipagsapa laran ng tatlong magkakapatid na lalaki sa


paghanap nila ng mahiwagang ibong kung tawagin nila'y Adarna, na siyang tanging makalulunas sa
karamdaman ng kanilang ama, alinsunod sa hatol ng manggagamot. May mga nagpapalagay at may
matibay silang pinanghahawakan na ang Ibong Adarna ay di isang alamat na katutubo rito sa atin sa
Pilipinas, sapagkat ayon sa pananaliksik ni Gng. Pura Santillan Castrence,.,o'y maraming kahawig na
kwentong bayan sa Alemanya, Denmark, Rumanya, Austriya, Suwesya, Norwega, Eskosya, Portugal,
Gresya, España at iba pang mga bayan. Dagdag pa ni Gng. Castrence, "tila mandin tayo, ang
namamaris at hindi tayo ang pinaparisan."

Ibong Adarna
Ang "Ibong Adarna". ay tulad din ng ibang "kuridong" nagsisimula sa pananalangin sa Birheng Maria
na siyang nagpapatunay na ang layunin ng akdang ito ang pagpapalaganap ng relihyong Katoliko
Apostoliko Romano. Ganito ang panimula ng saknong:

Oh, Birheng kaibig-ibig


ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layo'y di malihis.

Ako'y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninasa
kung mayari ay mahidwa.

Labis yaring pangangamba


na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka'y di makaya.

Kaya inang matangkakal


ako'y iyong patnubayan
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.

Ang Awit

Ang awit ay kilala sa pagtataglay nito ng labindalawang bilang ng pantig sa isang taludtod. Ito ay higit
na masigla kaysa sa kurido dahil sa malalambing at maririkit na pangungusap at nangangailangan ng
malalim na kaisipan. Sa kanilang pagkakatulad, ang mga ito'y kapwa nagtuturo ng mabubuting asal sa
mga bumabasa, nagpapatibay ng paniniwala sa pananampalataya at nagpapalawak ng karunungan sa
tao.

Ang Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay akdang nagpabantog kay Francisco Balagtas. Ang kariktan ng pananalita,
ang katayugan ng mga kaisipang nakasabog na parang hiyas na sa buong hinaba-haba ng tula, ang
matapat palamuti datapwat binalatkayong pagkakalarawan ng mga pangyayari sa bayan at
kapanahunan ng makata - ang lahat ng ito'y nagkatulung-tulong upang ito ay mapatangi sa piling ng
lalong magagaling na akda na ito ni Balagtas upang isalin sa iba't ibang wikang banyaga at iba't ibang
wikang katutubo ng ilang manunulat.

Bihirang suliranin sa buhay ang di may katugong aral sa Florante at Laura. Ang tumpak na pag-aaruga
sa anak, ang wastong pagmamagulang, ang pag-iingat sa may lasong ngiti ng kaaway, ang panganib
na idinudulot sa bayan ng pagkakaroon ng isang masakim na puno, ang kapangyarihan ng pag-ibig,
ang pagkilala sa di matingkalang karunungan ng Diyos, ang tapat na pakikipagkaibigan, ang tunay na
pag ibig sa kapwa at marami pang iba ay pawang mahalaga na masusumpungan sa Florante at Laura.

Ang awit ay nagsimula sa kalagitnaan ng kwento, bagay na ikinatangi pa nitong lalo sa iba pang mga
akda na may gayon ding uri. Ang pamamaraang itoły isa sa mga karaniwang gamitin ng mga
manunulat ngayon ng maikling kwento. (Rufino Alejandro at Juliana Pineda)
Buod ng Florante at Laura (Awit)
ni Francisco Baltazar

Ang tagpuan ay sa loob ng isang madilim at mapang law na gubat sa may dakong labas ng bayang
Albanya. Isang baguntao ang nakagapos sa isang puno ng higera. Ang kakisigan niya'y maihahambing
kay Adonis. Inusig siya ng masamang kapalaran at lipos ng paghihinagpis na nagunita niya ang
kanyang mapagmahal na ama na pinatay nang pataksil ni Adolfo. Si Laura ay ang kanyang
kasintahang
inakala niyang nagtaksil sa kanya at nagunita rin niya ang kalagayan ng mahal niyang bayang
Albanya, na pinaghaharian ng kasamaan. Ang kahariang Albanya'y inagaw ni Adolfo at ipinapatay pa
nito ang Haring Linceo.

Sa naturang gubat ay nagkataong naglalakad si Aladin,prinsipe ng Persya. Narinig niya ang


paghihimutok ni Florante. Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig. Natagpuan niya si Florante na
sisilain na ng dalawang mababangis na leon. Pinatay ni Aladin ang mga leon at sinaklolohan ang
walang malay
taong binata. Pinagyaman niya ang kahabag habag hanggang pagbalikan ng ulirat. Nagitla si Florante
nang makilalang isang moro ang may kalong sa kanya. Sinabi ni Aladin na ipanatag niya ang kanyang
kaloobansapagkat sa ganoong pagkakataon ay hindi na pinag-uusapan ang sekta. Ang dapat bigyang
halaga'y ang damdaming makatao. Hindi dapat pamayanihin sa puso ang alitan at pagiging
magkalaban ng mga kaharian.

Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paanong siya na bugtong na supling nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca ay iniligtas ng kanyang pinsang si Menalipo nang muntik na siyang madagit ng
buwitre; ang pagsambilat ng isang arkon sa kupidong dyamante sa kanyang dibdib; ang pagpapadala
sa kanya ng ama sa Atenas, ang pagtatangka sa buhay niya ni Adolfo (si lolfo'y isang kababayan
niyang
dinatnan niya sa Atenas na may lihim na inggit sa kanya); ang pagliligtas sa kanya ni Menandrong
pamangkin ng kanyang gurong si Antenor nang pagtatagain siya ni Adolfo nang magpalabas sila ng
dula; ang malungkot na balitang tinanggap niya sa Albanya na kasama ang kaibigang matalik na si
Menandro; ang pagkapatay niya sa heneral ng mga Morong si Osmalik. Isinalaysay rin niya ang mga
tagumpay niyang tinamo sa labimpito pang kahariang di-binyagan matapos niyang iligtas ang Albanya
sa hukbo ni Aladin na umagaw rito nang kasalukuyan siyang nakikibaka sa ibang bayan at ang
pagkagapi niya kay Miramolin ng Hukbong Turko, na lumusob sa Albanya. Tinapos niya ang kanyang
sa pandarayang ginawa ni Adolfo sa kanya; pagsasalaysay pag-agaw nito sa trono ng Albanya at pag
agaw sa kasintahan niyang si Laura.

Nagpakilala ang kaharap niya na si Aladin, ang prinsipe ng Persya, mahigpit na kaaway ng bayan at
relihyon ni Florante. Iisa raw ang kanilang kapalaran. Kapwa sila sawi sa pag-ibig. Ang kanyang
kasintahang si Flerida'y inagaw ng kanyang amang sultan na si Sultan Ali-Adab. Pinagbalakan siyang
ipapatay ng sariling ama upang masarili nito ang kanyang kasintahan. Kung hindi marahil sa pakiusap
ni Flerida na huwag na siyang ipapatay ay wala na siya sa gubat na yaon. Pinagbigyan ng sultan ang
pagsusumamo ni Flerida sa pangako nitong pakakasal sa sultan. Kaya sa halip na ipapatay si Aladin,
ay ipinatapon na lamang siya sa gubat at pinagbantaang huwag nang babalik sa Persya kung ayaw
nitong mamatay.

Katatapos pa lamang magsalaysay ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig na nag-uusap. Sina
Laura at Flerida pala. Nagkita-kita silang apat at ang mapanglaw na gubat ay naging paraiso sa kanila.
Isinalaysay ni Flerida na siya'y tumakas sa Persya upang hanapin sa gubat si Aladin. Pumayag siyang
pakasal ky Sultan Ali-Adab upang mailigtas sa kamatayan si Aladin ngunit tumakas siya bago sumapit
ang kasal. Natagpuan niya sa gubat sina Laura at Adolfo. Pinipilit ni Adolfo na pagsamantalahan si
Laura. Pinana ni Flerida si Adolfo at nailigtas niya si Laura sa kamay ng buhong.

Maligayang-maligaya ang apat at samantalang sila'y nag-uusap ay dumating si Menandro. Ibinalita


nito na nabawi niya ang kaharian sa mga tauhan ni Adolfo. Si Menandro pala ang nakatanggap ng
liham na ipinadala ni Laura kay Florante.

Masaya ang wakas. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida. Sabay na ikinasal ang dalawang pareha.
Naghari sa Albanya sina Florante at Laura at naghari naman sa l'ersya sina Aladin at Flerida
pagkamatay ng Sultan Ali-Adab.

Ang Pasyon

Isa pa rin sa nakilala at lumaganap sa panahon ng mga Kastila ay ang pasyon. Ang pasyon ay patulang
salaysay Hesukristo. Kinapapalooban din ito ng ilang kasaysayang ukol sa buhay, paghihirap at
pagpapakasakit ng Panginoong hango sa Banal na Kasulatan na buong kataimtimang inaawit
manunulat ang nagsisulat ng Pasyon ngunit ayon sa mga sa panahon ng Kuwaresma. Maraming
kinikilalang kritiko ang pinakamahusay na bersyon ay ang isinagawa ni Aniceto dela Merced dahil ito
ay umakma sa may pinakamahusay na pamantayang pampanitikan. Ang pasyon bagamat
makarelihyon at may paksang hinggil sa kabanalan ay inihahanay na ring tula at maaaring bigkasin
nang paawit o patula man
(Panganiban, Jose Villa et. al., 1992).

Ang Karagatan

Ang karagatan ay isang pagtatanghal na patula at maipapalagay ring isang ritwal dahil ito'y maaaring
isagawa sa paglalamay sa patay o kaya'y bilang isang uri ng pagdiriwang sa ikaapat na araw, ikasiyam
na araw o sa ikaapatnapung araw o kaya sa pagkaraan ng isang taon.

Ang karagatan ayon kay Jose Villa Panganiban (1992) ay isang larong may paligsahan sa tula. Ang
pangalan ng laro ay KARAGATAN na galing daw sa alamat ng singsing na pag-aari ng isang dalaga
na nahulog sa gitna ng dagat. Ang binatang makakakuha ng singsing ay siyang pagkakalooban ng
gintong "granada" o ng pag-ibig ng dalagang nawalan. Ang laro ay karaniwan nang ipinahahayag ng
isang namumuno at sa pamamagitan ng tula ay isasaad ang dahilan ng gayong pagsasaya at pagtitipon.
Ang isang lumbo o tabo na may tandang puti ay paiikutin at ang matapatan ng tanda sa pagtigil ng
tabong umiikot ay siyang may tungkuling maunang lumusong sa dagat upang siyang humanap sa
singsing at ihandog sa dalagang napupusuan matapos na siya'y bumigkas ng tula. Ang dalagang pipili
ay tutula rin bago niya tanggapin ang singsing. Sa pagbigkas pa lamang, ang dalaga't binata ay
magpapagalingan na sa pagbigkas ng tula. Ang karagatan ay may apat na taludtod sa isang saknong at
ang mga dulong salita ay may tugma. Layunin nito ang pakinisan sa pagtula, pagandahan ng
palaisipan at palaliman ng talinghaga. (Panganiban, Jose Villa et al., 1992)

Karagatang ito'y kahit na malalim,


Pangangahasan ko't aking lulusungin,
Hustong bait ninyo ang titimbulanin,
Na maaasahang sasagip sa akin.

o kaya'y

Karagatang ito'y oo nga't mababaw,


Mahirap lusungin nang hindi maalam,
Kaya kung sakaling ako'y masawi man,
Kamay mong sasagip yaong hinihintay.

Ang Duplo

Kung kailan nawala ang "karagatan" upang mapalitan ng "duplo" ay mahirap nang matunton ngayon,
ngunit pinaniniwalaang ang duplo ay isang pagpapalawak ng paligsahan sa pagbigkas ng tula. Sa
Kastila ang salitang "duplo" ay nangangahulugang DOBLE o IBAYO. Sa larong ito, ang mahalaga ay
ang pagtatalo sa tula at ang kahusayan sa pagbigkas. Ang mga tula ay isinasaulo ng mga duplero at
karaniwang hango sa mga awit at kurido, salawikain, kasabihan at iba pang babasahing
pangkasalukuyan.

Ang laro ay pinangungunahan ng isang hari na tinatawag ng "punong halamanan." Ang mga kasali ay
mga bilyako (lalaki) at bilyaka (babae). Nagsisimula ang laro sa pagdarasal ng isang "Ama Namin" at
isang "Aba Ginoong Maria" at isang "Rekyemeternam"na patungkol sa namatay. Ang hari ay tutula at
magsasabing may ibon siyang nakawala na hinuli at pinatay ng kung sino ang kanyang tatawagan.
Ang tinawag o pinagbintangan ay magtatanggol sa pamamagitan ng tula, kung lalaki ay magbibintang
naman sa isang babae at ang babae ay sasagot o tatanggi rin nang patula. Magpapatuloy ang
pagbibintang at pagtatanggol. Magpapatuloy ang ganitong palitan ng tula at hahantong sa
pagkakainitan hanggang sa ipasya ng hari na tapos na ang laro. Magkakaiba ang pamamaraan ng
duplo sa iba't ibang pook. Kung minsan ay nagiging paraan ito ng pagpapahayag ng pag-ibig ng isang
bilyako sa isang bilyaka at ang dalawa ay magsasagutan ng tula. Narito ang

Panulaan sa Panahon ng mga Americano

Sa mahabang panahon ng pananahanan at pananakupan ng mga Kastila sa Pilipinas ay nakabanaag din


ang bayan ng bahagyang kalayaan sa pamamagitan ng kunwa'y pagtulong ng America sa mga
Pilipino. Kuwang pagtulong dahil ang katotohanan, sa mahabang panahon ng pakibaka ay natutuhan
na rin ng mga Pilipino ang numawak ng mga sandata, natanim na rin sa kanilang puso ang diwa ng
pagkakaisa at higit sa lahat ay mayroon na silang lakas at kakayahan para lumaban at magtanggol ng
kanilang bayan. Sa palagay na ito, ang suporta o tulong ng America sa bansa ay maituturing na
karagdagang pwersa na lamang para lalong maging matatag ang mga Pilipino nang panahong iyon sa
pakikilaban sa mapaniil na dayuhan, gayunpaman ito'y maipalalagay na isa na ring utang na loob sa
bansang America.

Ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanlaban. Ang bunga ng panitik ay naglalarawan ng mga
damdaming makabayan. Ang mga akda ay binabalot ng mga paksang ukol sa pag-ibig at pagmamahal
sa bayan, pangarap sa kasarinlan at pagtutol sa kolonyalismo. Ang mga akda ay kasasalaminan ng
mapanlabang damdamin ng mga Pilipino akdang tula at tuluyan man. Dito nagsimulang lumaganap
ang
romantisismo. Ang mga akda ay naging emosyonal, sentimental at may pansariling kamalayan ng
katutubong pinahulagpos ng panulat na matutunghayan sa mga na kulturang Pilipino.

Unang Makatang Tagalog

Itinatampok bilang pangunahing Makatang Tagalog sa kapuluan ang mga sumusunod (Panganiban,
Jose Villa et al. 1992):

Francisco Balagtas

Sa panulaan, naging maningning ang pangalan ni Francisco Balagtas dahil sa kanyang akdang awit na
"Florante at Laura." Hindi pambihirang damdaming makabayan ang pinalutang ni Balagtas sa
naturang akda. Dahil dito sinabi ni Balmaseda na ito'y isang akdang nangingibabaw sa pagka-liriko
dahil sa pananaig ng damdamin ng makata na siyang nakapaloob dito. Si Balagtas ay kinilalang "Hari
ng Panulaang Tagalog," makatang liriko, dramatiko at humuristiko.

Jose de la Cruz
Sa pangalang Huseng Sisiw ay lalong kilala si Jose de la Cruz. Siya ay ipinanganak sa Tondo noong
ika-20 ng Disyembre 1746. Si Huseng Sisiw ay kinikilalang hari at makata ng buong Katagalugan.
Tinawag siyang Huseng Sisiw dahil kinaugalian niyang humingi ng sisiw sa sinumang humihingi sa
kanya ng pabor o tulong tulad ng pagpapasulat ng tula. Hindi siya nakatapos ng kolehyo dahil sa
kahirapan ng buhay ngunit sa sariling pagsisikap ay niyang lubos ang Doktrina Kristyana, pilosopiya,
teolohiya at batas ng simbahan. Marami siyang akdang kurido tulad ng "Historia Famosa," "Bernardo
Carpio," "Doce Pares de Francia," "Rodrigo de Villas" "Ibong Adarna", atb. Naging idolo siya ni
Francisco Balagtas sa larangan ng pagtula. Kakaiba ang pagkakahanay ng tula ni Huseng Sisiw dahil
ito ay kawing-kawing na bitin-pantay sa taludturan dahil sa pagpapasok ng unang taludtod sa saknong,

Lope K. Santos (Canseco)

Si Lope K. Santos ay kinilala rin sa panahong ito ng panitikan. Naging dakila siya sa kanyang tulang
"Ang Panggingera." Nakilala siya sa estilong maluwag, mahimig sa aklat na may pamagat na "Puso't
Diwa" at kinilala rin siya sa akdang "Banaag at Sikat," isang akdang tuluyan at nobelang ipinalalagay
na kanyang Obra Maestra. Bukod sa kanyang pagiging makata ay kinilala rin siya at itinampok sa
pagiging "Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa" na siyang naging batayan ng pagtuturo at pag-aaral
ng balarila sa kapuluan.

Jose Corazon De Jesus

Si Jose Corazon De Jesus ay nakilala sa mga akdang "Itinapon ng Kapalaran," "Pamana,"


"Pagbabalik," at "Bayan Ko," na nilapatan ng tugtugin ni Constancio de Guzman at naging awitin sa
Rebolusyon ng EDSA sa panahon ni Gng. Corazon C. Aquino. Si J.C. de Jesus ay kilala sa pagiging
sentimental, maramdamin, dramatiko, malungkutin, palasintahin o romantiko at ang himig ng
amatayan. panitik ay laging nauukol sa pangungulila Tinagurian siyang "Huseng Batute," sa
mapanudyong tudling na "Buhay Maynila," na lumalabas sa Taliba. Siya ang kauna-unahang
tinaguriang "Hari ng Balagtasan," sa tulang Tagalog.

Florentino Collantes

Si Florentino Collantes ay isa pa rin sa tampok na makata noong kanyang panahon. Nagsimula siyang
tumula sa gulang na labinlima at naisaulo niya ang buong "Pasyon," Buhay Lansangan." Kinilala
siyang makata na gumagamit Americano. Naputungan din siya ng titulong "Hari ng Balag ng tula sa
panunuligsang pampulitika sa panahon ng mga tasan," at naging malaking karangalan niya ang tulang
Lumang Simbahan," isang tulang pasalaysay. Napantanyag din siya sa mga tulang "Ang Tulisan,"
"Ang Magsasaka," "Pangaral sa Bagong Kasal," "Patumpik-tumpik" at iba pa.

Amado V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez ay kinalala sa pagiging Makata ng mga Manggagawa," mambabalagtas,


mambi bigkas at ang nagbigay sa kanya ng pangalan ay ang tulang Bonifacio" at "Guro ng Lahi." Ang
kanyang aklat na katipunan ng tula ay pinamagatang "Pilipinas" na pinagkalooban ng gantimpala sa
timpalak ng panitikang idinaos sa pagpapasinaya ng Malasariling Pamahalaan noong taong 1935.
Kilala siyang isang realista at nagpapahalaga sa mga pangyayari at kuru-kurong may katunayan. Ang
kanyang panitik ay naglalarawan ng mga suliranin at kaapihan ng mga manggagawa gaya ng makikita
sa mga tula niyang "Ang Panday," "Aklasan." "Lang Dipang Langit" at maraming iba pa. Siya'y
napagbintangan sa kasalanang diumano'y kabilang sa pulitburo ng mga Komunista bago siya
napawalang sala Kataas-taasang ng Hukuman. Sa loob ng bilangguan niya: isinulat ang "Isang Dipang
Langit." Naririto ang ilan niyang mga tula.
Ang Panday

Kaputol na bakal na galing sa bundok,


Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot,
Sa isang pandaya'y matyagang pinukpok;
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-uno'y naging kagamitan.


Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri'y payapang binungkal,
Nang magtaniman na'y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw'y nagkaroon ng gulo


At ang buong bayan ay bulkang sumubo
Tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo,
Pagkat may laban nang nag-aalimpuyo!

Ang lumang araro'y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali
Naging tabak namang tila humihingi,
Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Kaputol na bakal na kislap ma'y wala,


Ang kahalagahan ay di matingkala –
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday nasa isang tabi,


Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay at pagsasarili!

Panulaan sa Panahon ng Hapon

Ang pagsapit ng mga Hapon sa Pilipinas ay nakapag dagdag din nang malaki sa kasaysayan ng bansa
bagamat hindi gaanong nakaimpluwensya sa larangan ng edukasyon, pulitika at panitikan. Hindi
naging bahagi ng panitikan ang wikang Hapon. Nagkaroon din naman ng pagkakataon ang bansang
ito na maituro ang Niponggo sa mga Pilipino. Malaki ang pagbabagong naganap sa larangan ng
panitikan sa panahong ito. Naging matamlay ang panulaan, dahil sa pamamahinga ng maraming
manunulat sa pagsulat, pag- akda o pagkatha ng alinmang akdang dating kinalulugdan sambayanang
mambabasa. Ilan lamang ang mga manunulat na nagpatuloy sa panunulat sa paksaing "Pagbabalik sa
Lupa" bilang pagbibigay at pakikibagay sa panulat ay may paksaing pambayan, ang wika lamang
gustong mangyari ng bagong "Panginoon." Bagamat ang nilang nagamit ay ang Tagalog at ang iba
pang wikang katutubo ng bansa dahil ito lamang ang binigyang pagkakataon ng mga Hapon dahilan
sa kanilang poot sa Americano at kasama na rin diyan ang galit nila sa wikang kanilang inihasik sa
kapuluan. Ang mga akda ay nahihinggil sa mga buhay-Pilipino na sumasaklaw lamang sa panahon ng
mga Kastila. Ang bagay na ito ay lumitaw sa lahat ng akda, tuluyan man o tula.

Ang Pagkakatatag ng Republika Hanggang sa Kasalukuyan

Ang panitikan ay nakaranas ng iba't ibang yugto ng pagkakalinang sa ilalim ng iba't ibang
pamamahala, pakiki tungo at pagpapalaganap. Nariyan ang mga paksang pagkabusabos,
pagkakaalipin, pagkamapanlaban, pagkamakabayan at pagkamasarili na tanging panitik lamang ang
naging lundayan. Sa huling yugto ng pananakupan ay inilarawan ang buhay-Pilipino at buhay bansa
sa panahon ng Hapon, ang suliranin ng bayan mula sa kamay ng dayuhan, ang buhay-eskwater ng
mga dukha, ang kawalang katarungan at katiwaliang dating sakit ng lipunang Pilipino, ang mga
demonstrasyon at madudugong labanan at ang pagdidiklara ng Batas Militar na siyang lumunas
pansamantala sa mga karahasan, ang pagkontrol sa mga lathalaing nagbubunga ng makatotohanang
kulay at mukha ng buhay, ang piping pamamahayag dahil sa maskarang nakatakip sa mukha ng
maraming makabayang manunulat. Ang mga paksain sa panitikan ay kung anu-ano na lamang basta
hindi makasisira at lalabag sa pamantayan ng administrasyon, ang kahit papaano'y ang pagmamahal
sa wikang Filipino dahil sa pagpapatupad ng Patakarang Bilingwalismo, ang Programa sa Land
Reform, Masagana 99 at Green Revolution hanggang sa sumapit ang kasindak sindak na balitang
yumanig sa buong kapuluan - ang pag patay kay Benigno Aquino sa Tarmac, ang Snap Election at
ang Mapayapang Rebolusyon sa EDSA na kinasangkutan ng mga mamamayan, simbahan, militar at
maraming makabayang sawa na sa dating palakad at sistema. Ang pagtakas ng pamilya Marcos sa
bansa, ang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Corazon Aquino, ang pagpa patawad sa mga
lumabag sa batas na pinarusahan ng dating pamahalaan, ang pag-aalis ng parusang kamatayan at iba
pang pagbabagong ipinatupad ng bagong
administrasyon.

Sa larangan naman ng panulat, muling nabanaagan ang isang malaya at demokratikong pamamahayag.
Ang mga lathalian ay malayang nakapagbabandera ng anumang damdaming sarili ng may-akda. Ang
panitikan ay naging makatotohanan at tunay na kalibang-libang sa mga mambabasa. Naging puspusan
ang pagpapaubaya sa mga manunulat sa anumang naisin ng kanilang panitik na siyang namamalasak
pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sumunod sa kasaysayan ng bayan ay pagluluklok sa pamahalaaan ni
Pangulong Fidel V. Ramos. Naging ukas ang panitik sa lahat ng anggulo ng pamamanayag. Naging
makulay at maka buluhan ang mga palimbagan at naging mabulakiak ang lahat ng bunga ng panitik na
tinangkilik ng masa at ng sambayanang Pilipino. Di nagtagal, naupo sa panunung kulan, si Joseph
Ejercito Estrada, ang panlabintatlong pangulo ng bansa na naging sentro ng iba't ibang uri ng panulat
na naging mapamuna, mapanghusga ngunit naging matuwid sa bandang huli na naging dahilan upang
muling sumiklab ang isa pang EDSA Rebolusyon. Naluklok ang Pangalawang Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo sa Malacanang, ang pangalawang babae at ikalabing-apat na pangulo ng Republika
ng Pilipinas.

You might also like