Professional Documents
Culture Documents
AKTIBITI 2 Panitikang Filipino Bautista
AKTIBITI 2 Panitikang Filipino Bautista
Panunuring Pampanitikan
c. Tauhan (5 Puntos)
Sidra
Ang bida ng kuwento. Si Sidra ay inosente sa maraming bagay, pinalaki siya ng
kanyang Tiya Concha nang nagpakamatay ang kanyang Tatay pagkatapos nitong
pataying ang kanyang Ina dahil nahuli itong nagtatalik sa ibang lalaki. Nakipagtalik si
Sidra kay Sido kahit ito ay may asawa na (Desta). at nagsama sila at bumuo ng
pamilya. Sa simula ng kuwento nahuli ni Sidra ang kanyang dalawang anak ng
nagtatalik na pinapakita ang ugat ng kasalanan na nagsimula sa kanyang magulat at
ipinasa niya sa kanyang dalawang anak.
Si Desta ang asawa ni Sido at ang kapatid ni Cardo. Isa siyang sugalor. Isa siya sa
mga taong pinapayagang kaibiganin ni Sidra kasama sina Cardo at Sido. Ngunit nang
nalaman niya ang ginawa ni Sido at Sidra. at ang rason ng pagkamatay ni Tiya
Concha at ng kanyang kapatid, sinubok niyang sunugin ang bahay ni Sidra.
Sido
Ang asawa ni Desta ngunit sumama kay Sidra nang na buntis ito. Isa si Sido sa mga
kaibigan ni Sidra. Kahit siya ay kasal kay Desta, nakipagtalik siya kay Sidra at nabuntis
ito. Nang hinarap ni Desta si Sidra tungkol sa kasalanan na ginagawa nila, siya ay
nagtago para maiwasan ang gulo.
Tiya Concha
Ang tiya na nagpalaki kay Sidra. Isa siyang relihiyosong tao. Nang nahuli niya si Sidra
at Sido na nagtatalik, pinaghahampas niya ito, ngunit hindi kinaya ng kanyang puso
ang galit na siya ay namatay
Cardo
Ang kapatid ni Desta na nagbibigay ng perang pangsugal para sa kapatid niya. Siya
ang manliligaw ni Sidra. Nang malaman ni Cardo ang pangyayari kay Sidra at Sido, at
Tiya Concha. siya ay nagpakamatay.
II. Buod (10 Puntos)
Si Sidra ay inosente sa maraming bagay. Siya'y pinalaki sa poder ng kanyang
Tiya Concha. na napakahigpit at relihiyoso. Sa bawat pagkakamali niya ay buntot ng
pagi ang pinanghahampas sa kanya. May nagkakagusto sa kanya na lalaki na ang
pangalan ay Cardo. Si Cardo ay may pagkatorpe kaya tinulungan siya ni Sido, na
asawa ng kapatid niya na si Desta, na manligaw kay Sidra. Silang tatlo lamang ang
pinayagan ni Tiya Concha na mapalapit kay Sidra dahil kilala niya ang magkapatid na
sila Cardo at Desta. Habang nag tatrabaho si Cardo, ay si Sido ang nanliligaw para sa
kanya. Sa kalaunan ay nagkaroon ng pagtingin sa isa't isa si Sido at Sidra. Isang gabi
ay nahuli silang nagtatalik ng kanyang Tiya Concha sa kanyang rabi. Pinag papalo
niya ng buntot pagi ang dalawa. Sa galit ni Tiya Concha ay inatake ito sa puso at
namatay. Nalaman nila Desta at Cardo ang nangyari. Si Cardo ay nagpakamatay
habang si Desta ay galit na galit sa dalawa. Nagkaroon ng bunga ang ginawa nila Sido
at Sidra. Sa kabwanan ni Sidra ay sinugod siya ni Desta ngunit napigilan niya ito sa
pamamagitan ng pag tutok ng itak sa kanya. Nagsama sila Sidra at Sido. Nagkaroon
sila ng apat na anak. Pinalaki nila ito ng malayo sa mga tao. Pagkatapos ng eskwela
ay didiretso agad sila sa kanilang bahay. Sila ay panay dasal at magandang asal lang
ang pinapakita ng kanilang magulang. Isang araw ay nakita niya ang kanyang
panganay na dalaga at pangalawa niyang binatilyo na nakikipagtalik. Siya ay
nagtataka kung bakit ito nangyari. Bumalik sa kanya ang ala ala ng kanyang ina noong
siya ay limang taon na papunta sa kahuyan. Ang kanyang ama ay sumunod. Nakita na
lang nila ang kanilang ama na pinatay ang sarili at ang kanyang ina na nakahubad at
wala ng ulo.
III. Pagsusuri
a. Uring Pampanitikan (5 Puntos)
Maikling kuwento
b. Istilo ng Paglalahad ng May-akda (5 Puntos)
Gumamit ng flash back effect sa istorya na ito. Sa bawat masidhing pangyayari o
eksena sa storya ay may ala-alang sumusuporta dito. Ang mga ala-alang ito ay nag-
papalinaw sa mga maaaring maging dahilan ng mga eksenang iyon. Dahil dito mas
naging "intriguing" ang mga pangyayari sa kwento.
c. Panahon na Kinabibilangan (3 Puntos)
Ang mga pangyayari sa kwento ay nangyari noong dekada '70,
Naganap ang mga pangyayaring ito sa lugar na Kalipungao. Dito nanirahan si Sidra
kasama ni Tiya Concha. at kung saan lumaki ang mga anak nina Sidra at Sido. Sa
kwento ay inilalarawan na lumaki sina Sidra at ang kanyang mga anak na malayo sa
lipunan. Dito din mahahanap ang kahulugan sa mga alaala ng batang Sidra at mga
pumanaw niyang magulang.
d. Teorya o Panaligang Pampanitikan (5 puntos bawat isa)
Ang teoryang ginamit ay teoryang Feminismo, Humanismo, Realismo, Sikolohikal at
Eksistensyalismo.
e. Tayutay (5 Puntos)
Simili Pagtutulad
• " . para tumulad sa mga aso!": Naglalarawan sa pagtatalik ng dalawang anak
nina Sidra
• Nag mistulang pipi: Naglalarawan kay Sidra.
Metapora I Pagwawangis
• Siya yung prinsesang kay tagaI na pinatulog para gisingin lamang ng halik ng
prinsipeng makisig: Naglalarawan kay Sidra noong binibisita na siya nina Desta, Sido,
at Cardo.
Metonimiya / Pagpapalit-tawag
• "Hinog na ang saging ayaw mo pang tibain! Babala ni Sido kay Cardo na
sinusubukan nilang ipares kay Sidra.
• "Sinisid niya ang dagat para huwag nang umahon pa ": Naglalawaran sa
kamatayan ni Cardo.
Pagmamalabis
Daig pa ang madre: Naglalarawan sa pagiging relihiyoso ni Tiya Concha.
Nilalanggam na ang mga binti: Matagal nang naghihintay sina Sidra at ang
kanyang kapatid para sa kanllang ina.
Eksklamasyon / Pagdaramdam o Paulit-ulit na "Jesus'": Reaksyon ni Sidra nang
makitang nagtatalik ang mga
"Mga hayop! Mga walanghiya!": Reaksyon ni Tiya Concha sa pakikipagtalik
nina Sidra at Sido.
PANITIKANG FILIPINO