Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Masusing banghay-aralin Filipino 7

I: Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nababasa ang epikong Biag ni Lam-Ang


b. Naisasabuhay ang aral ipinababatid ng epikong binasa
c. Nabubuod ang epikong Biag ni Lam-ang.

II: Paksang Aralin

Paksa: Biag ni Lam-Ang

Sanggunian: www.Slideshare.com/Biagnilamang

Kagamitan: Laptop, Power Point , Naimprintang babasahin

Pagpapahalaga:Nalilinang ang kakayahang pagbasa ng mga mag aaral at nakikintal ang mga aral na

nais nitong ipabatid.

III: Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a.1: Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang Umaga po sir!

Magsi-upo ang lahat. Maraming salamat po sir.

a.2: Paqtala ng Lumiban sa Klase

Sino-sino ang lumiban sa ating klase?


Opo Sir,Ngayong umaga tanging si G. Cruz lamang
Kalihim ng klase kung maaari ay pakitala ng ang lumban sa ating klase .
pangalan ng mga lumiban sa klase.

a.3: Pagbibigay ng pamantayan sa klase

Bago natin simulant ang ating talakayan ngayong


umaga nais kong ibahagi ang mga panuntunan na Opo sir!
dapat nating sundin sa ating klase; una,
panatilihing malinis at organisado ang klase.
Pangalawa, kung nais sumagot sa mga tanong
itaas lamang ang kamay at iwasang gumawa ng
ingay at panghuli, panatilihin ang respeto sa guro,
at kapwa niyo mag aaral. Nawa’y masunod natin
ang ating panuntunan.

a.4: Pagbabalik -aral

Noong nakaraan nating pagkikita, Ano ang Noong nakaraan nating pagkikita tinalakay po
topikong ating tinalakay? natin ang kahulugan ng Epiko at mga halimbawa
nito

Kung gayo’y ano ang Epiko? Ang epiko ay isang uri ng tula na tumatalakay sa
kadakilaan at kabayanihan ng isang tao.

Mahusay! Mukhang naunawaan na ninyo ang


ating topiko tungkol sa Epiko. Kaya naman gayon
ay dumako naman tayo sa ating panibagong
aralin

B. Panlinang na Gawain

b.1: Pagganyak ( Ang hero ng Buhay ko)

Sa isang malinis na papel, gumuhit kayo ng mga


superhero na hinahangaan niyo. Pagkatapos
gumuhit pipili ako ng 3 mag aaral na
magbabahagi ng kanilang saloobin kung bakit
niyo hinahangaan ang mga superhero na ito.

Mahusay, tunay ngang kahanga-hanga ang mga


superhero na inyong iginuhit.

b.2: Paglalaha ng Paksa

Mula sa maikling Gawain na inyong ginawa, Ano Sir, Sa tingin ko po ito ay may kinalaman sa epiko,
sa tingin niyo ang topikong tatalakayin natin maaring isang halimbawa ng epiko.
ngayon?

Tama! Ang topikong tatalakayin natin ay isang


halimbawa ng epiko. Ang epiko ng mga Ilocano. Ang Biag ni Lam-Ang” po ba sir?

Tama ang topikong tatalakayin natin ngayon ay


ang “Biag ni Lam-Ang”.
b.3 Pagtatalakay

Sa power point presentation na ito makikita at


mababasa ang epikong Biag ni Lam Ang. Upang
maging organisado ang ating klase at maiwasan
ang kaguluhan. Babasahin natin ang Biag ni Lam
Ang sa pamamagitang inyong linya sa inyong kina
uupuan. Nag unang pangkat ang unang
magbabasa hanggang sa matapos nating basahin
ang buong epiko.

( Nasa hiwalay na papel ang koya ng Biag ni Lam


Ang )

Naunawaan ba ang panuto sa ating talakayan? Opo sir!

Mahusay! Kung ganoon , simulan na natin ang


pagbabasa.

Naunawaan ba ang epikong ating binasa?


Medyo po sir.
Kung ganoon, upang mas lalong maunawaan ang
epikong Biag ni Lam Ang, may mga katanungan
akong itatanong sa inyo upang mas maunawaan Opo sir!
niyo ang epikong ito.

b.4: Paglalapat

Upang mas maunawaan ang epikong Biag ni Lam


Ang , narito ang mga gabay na tanong na inyong
sasagutin. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis
na buong papel

Naunawaan ba?
Opo sir! naunawaan po

Panuot: Sagutin ang sumusunod tanong mula sa


akdang binasa.Isulat ang sagot sa isang malinis na
papel. Bibigyan lamang kayo ng 15 minuto upang
sagutin ito.

1. Ano-ano ang mga kagila-gilalas na


katangiang ipinamalas ni Lam Ang mula
noong siya ay isinilang hanggang sa
kanyang kamatayan?(10 puntos)

2. Sa paanong paraan naipamalas ni Lam


Ang ang kanyang kadakilaan? ( 10
puntos)

3. Ano ang aral natutunan mo mula sa


epikong ating binasa? Paano mo ito
maipamamalas sa pang araw araw na
pamumuhay ( 10 puntos )

b.5: Paglalahat

Sa muli, ang epikong Biag ni Lam Ang isang


akdang pampanitikan na kapupulutan ng
maraming ara, tulad na lamang ng pagigiging
matapang at matatatag sa pagharap sa mga
pagsubok sa buhay. Marami man tayong
pagsubok na kakaharapin kung ang katapangan at
katatagan ay ating paiiralin sa ating sarili tulad ni
Lam Ang mula sa pagharap nito sa mga taong
pumatay sa kanyang ama hanggang sa pagsubok
na kinaharap niya upang makuha ang babaeng
pinakamamahal niya ay tiyak
mapagtatagumpayan din natin ito .

Naunawaan ba ang epikong Biag ni Lam Ang?


Opo sir naunawaan na po.

May mga katanungan pa ba hinggil sa ating


topiko?Klaripikasyon? at Bayulenteng reaksiyon?
Wala na po sir

Mahusay! Kung wala ng katanungan at kung


naunawaan na ang ating topiko.

Kumuha kayo ng isang buong papel para sa ating


maikling pagsusulit
Opo sir!

b.6 Pagtataya
Sa isang malinis na papel, isulat niyo ang buod ng
epikong Biag ni Lam Ang ayon sa inyong pagkaka
unawa. Mayroon lamang kayong ( 15 minuto)
upang tapusin ang gawaing ito

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO

NILALAMAN----------------------------------10 PUNTOS
KAANGKOPAN NG MGA IDEYA----------10 PUNTOS
KAHUSAYAN SA PAGSULAT---------------10 PUNTOS
KABUUAN-------------------------------------30 PUNTOS

IV: Takdang Aralin

Saliksikin ang kahulugan at halimbawa ng mga


Tulang Liriko. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.

INIHANDA NI:

IVERSON A. MATCHACON

INIWASTO NI:

GNG. GRACELYN C. ALTAYA

Biag ni Lam-Ang
Ni Pedro Bukaneg

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-


asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang magsilang
ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang
maraming tauhan ni Don Juan.  Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga
Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya.  Hindi na nakabalik si Don Juan sa
kanyang nayon.  Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak.  Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na
ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging
ninong. Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,
sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito.  Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay
malakas, matipuno at malaking lalaki na siya.  Ayaw man siyang payagan ng kanyang
ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na
makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang,
ang tangabaran, at mahiwagang aso.  Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa
punong saging.  Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga
kabundukan at kaparangan.  Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog.
Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at
nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama.  Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay
at narating ang pook ng mga Igorot.  Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa
sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot.  Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang
huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan.  Sumigaw ng ubos lakas si Lam-
ang at nayanig ang mga kabundukan.  Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng
marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang
mga sibat.  Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang.  Nang maubusan ng sibat ang
mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos.  Hinugot niya ang mahaba niyang itak
at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga
nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan.  Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga
dalaga ng tribu.  Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda
sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang. Matapos
mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa
isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan.  Kasama ni Lam-ang ang kanyang
mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.


Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong
bundok. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao.  Hindi napansin si Lam-ang.
Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang.  Nabuwal ang bahay.  Tumilaok ang
mahiwagang tandang.  Muling tumayo ang bahay.  Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin.  Nais pakasalan ni Lam-ang si


Ines.  Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang
ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang
ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.


Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian,
kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang.  Nakikinikinita ni Lam-ang na
may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan.  Ipinagbilin ni
Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat.  Nakain siya ng berkahan.  Sinunod ni Ines ang


bilin ni Lam-ang.  Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang.  Tinipon ito at tinakpan
ng saya ni Ines.  Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga
butong may takip na saya.  Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa
mahimbing na pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at si Ines.  Kanilang niyakap din
ang aso at tandang.  At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

You might also like