Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Polytechnic University of the Philippines

Anonas St., Sta. Mesa, Manila

GEED 10123

Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino


Galano, Darlene Rose C.

Kaugnayan ng Wika at Kultura

Ang wika ay midyum na may kalakip na panahon. sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon

ng ibat ibang kaisipan na magagamit upang magkaroon ng pamantayan at batayan sa pagbuo ng

panibagong salita at pagpapakahulugan na siyang ginagamit ng mga indibidwal sa pagtuklas at

pagkilala sa isang bansa at kultura. ang wika rin ay salukan ng kaisipan ng isang kuktura sapagkat

kung walang wika, walang kultura. hindi mabubuo ang kultura kung wala ang wikang daluyan

nito. hindi ito magiging kultura kung hindi dahil sa gampanin ng isang wika. ang mga kaisioan ng

isang kultura ay nabuo nang dahil sa pagsasama sama ng mga wika. kung kayat kakabit ng wika

ang isang kultura. hindi rin magiging isang ganap ang kultura kung hindi ibinatay ang wika dito.

Ang kultura ay pagsasama sama ng pag-uugali, isip at damdamin ng isang grupo ng tao.

kung kayat ang kahit anong salita ay nagkakaiba. marahil, magkapareho sa bigkas at pagsulat,

ngunit mayroong malaking kaibahan sa kahulugan. sapagkat ang isang salita ay nakadepwnde sa

pinanggalingan, isip, damdamin ng isang tao. na mayroong malaking batayan sa kultura nito.

maaaring magkaiba ng aspeto ngunit maaari ring magkaugnay at magkasalungat sa

kinabibilangang lipunan at kultura, maaari ring magkatulad sa kalagayan ngunit magkaiba sa

kultura. ang wika ay imoukan-kuhanan din ng nakaraan dahil ang wika ay sumasabay sa

rebolusyon at pagbabago na nakaayon sa panahon at lipunan. ngunit bakas pa rin sa mga ito ang

pinagdaanan sa kultura. sapagkat ang wika ay nagtataglay ng nilalaman sa panahong iyon. dahil

dito, nagiging malawak ang pang-unawa ng isang tao sa naturang panahon. nagkakaroon ng

bagong ideya na maaaring magamit upang mas mapalakas at mapaunlad pa ang kasalukuyan. nang
dahil dito, muling nabubuhay at nakikita ang kahalagahan ng isang bagay upang mapanatili ang

kabuuran ng mga ito. sinasabing namamatay at nahihinto lamang ito kung papalitan at hindi

pahahalagahan ang wika at mananatili na lamang itong paksa at tuluyan nang mamamatay ang

kulturang taglay ng mga ito.

Wika ang nagiging instrumento ng bawat indibiwwal sa pagpapahayag ng kaisipan, at

damdamin sa pamamagitan din ng wika higit na naipapakita ang kalagayan ng isang lipunan. laling

lalo na ang kuturang kinabihasnan. hindi mapapalawak at maitatatag ang isang kultura kyng wala

ang wika. mas nagiging epektibo ito kung higit na naka angkla ang mga iti sa kultura na siyang

pinagmulan ng wikang ito. kung mayroong iisang wika ang estado, mas mabilis na uunlad ito at

higit na magkakaroon ng pagkakaisa. sa pagsuling ng ating kasaysayan, isa itong simbolo na

sumusulong at umuunlad din ang wika. nagkakaroon ng sariling interpretasyon at pagkakakilanlan

na nakabatay sa kultura ng isang indibidwal o grupo ng mamamayan. nagkakaroon ng unti-unting

pagkakaiba sa ibat ibang aspeto ang bawat salita. kung kayat isang midyum ang kultura, pagbigkas

at paggamit ng mga indibidwal sa mga salita. sa pamamagitan ng iisang kultura, nagkakaroon ng

pagbubuklod buklod at pakikipag-ugnayan sa iba. dahilan upang mabalangkas ang reyalidad ng

isang bansa o estado.

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pagkakataon upang lumikha ng ibat ibang

katawagan sa tulong ng pag-sasaayos, pagbubuklod buklod ng mga ito. nakalilikha ng baging

konsepto na nauunawaan at nalalapit sa karanasan. wika din ang daluyan ng kultura, kung saan

nakatutulong sa isang indibidwal na magkarion ng ideya o kaalaman sa kaniyang kinabibilangan.

nang dahil dito, nahuhubog ang kaniyang kaisipan, gawi, damdamin at karanasan sa mga ito.

ngunit sa kabilang banda, ang kaalaman sa wika ay hindi nangangahukugang lubos niyang

nauunawaan ang isnag kultura. gaya na lamang ng polyglot na maraming alam sa wika. ngunit
nakadepende sa kaniya kung aalamin niya ang kultura ng bawat wikang alam niya. maaaring

marami siyang alam sa wika ngunit nakakabit lamang siya sa kulturang kaniyang kinabihasnan

lalo pa't dito nakabatay ang kaniyang mga karanasan. minsan, kailangan pang pasukin,

makisalamuha, makiugali upang lubos mong maunawaan ang kultura ng mga ito. wika rin ang

paraan upang mapayaman at mapalawak ang kutura sa pamamagitan ng interaksyon sa isang

pangkat ng tao o lipunan. patunay lamang na hindi dapat kalimutan ang wika sa pagpapaunlad ng

kultura sapagkat ito ay nakadepende sa nalikha ng sariling wika.

You might also like