Guided Las Modyul 2 Ap10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: ____________

Seksiyon: ___________________________

Guided Learning Activity Sheet (LAS)


Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan–Modyul 2: Karapatang Pantao

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.


Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay
nang may dignidad bilang tao.

Ang mga karapatang pantao ay yaong mga karapatan na kinakailangan para sa ating
buhay bilang tao. Kung wala tayong karapatang pantao, hindi natin lubusang magagamit at
mapauunlad ang ating mga katangian, ang ating talino, talento at espiritwalidad. Ang
karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay,
edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang
kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang
mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng
karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay
kilalanin ng pamahalaan sa Estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.

Mahalagang malaman ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan bilang tao. Sinumang umagaw sa ating
pangangailangan o kumitil sa ating buhay nang walang dahilan ay lumalabag sa ating
karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang
ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala sa karapatan ng iba. Ang pagkilala


sa karapatan ng iba ay nagsasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng lahat ng
tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang
posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating buhay sa lipunang Pilipino.

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa Pilipinas at


sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang pagsilang ay may
karapatang dapat na matamasa na, nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating batas upang
magsilbing sandigan kung sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan.

1. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao


(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)

Nagtakda ang United Nations ng isang pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao


para sa lahat ng bansa noong 1948, nang itinatag nito ang Universal Declaration of Human
Rights (UDHR). Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, kinikilala ng pamahalaan ang kanilang
obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula
sa anumang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay. Kabilang sa mga ito ang karapatang:
• Sibil-ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
• Politikal-ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan.
• Ekonomiko (pangkabuhayan)-ang mga karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at
disenteng pamumuhay.
• Sosyal (panlipunan)-ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at
isulong ang kanyang kapakanan.
• Kultural-ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan
at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
Ang mga probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:

1. malaya at pantay-pantay (free and equal);


2. kalayaan mula sa diskriminasyon (freedom from discrimination);
3. karapatan sa buhay (right to life);
4. kalayaan mula sa pang-aalipin (freedom from slavery);
5. kalayaan mula sa pagpapahirap (freedom from torture);
6. karapatang kilalanin sa harap ng batas (right to recognition before the law);
7. karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (right to equality before the law);
8. karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa (access to
justice);
9. kalayaan mula sa ‘di-makatwirang pagdakip (freedom from arbitrary detention);
10. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis (right to a fair trial);
11.karapatang ituring na walang-sala hanggang ‘di napatutunayang nagkasala alinsunod
sa batas (presumption of innocence);
12.karapatan sa ‘di-makatwirang panghihimasok (right to privacy);
13.kalayaan sa pagkilos at paninirahan (freedom of movement);
14.karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig
(right to asylum);
15.karapatan sa isang pagkamamamayan (right to nationality);
16.karapatang mag-asawa at magpamilya (right to marriage and to found a family);
17.karapatang mag-angkin ng ari-arian (right to own property)
18.kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of religion or belief);
19.kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom of expression);
20.kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan (freedom of assembly);
21.karapatang makilahok sa pamahalaan (right to partake in public affairs);
22.karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to social security);
23.karapatan sa paggawa (right to work);
24.karapatan sa pamamahinga at paglilibang (right to leisure and rest);
25.karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat (right to adequate standard
of living);

26.karapatan sa edukasyon (right to education);


27.karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan, sining at siyensiya (right to
cultural, artistic and scientific life);
28.karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig (right to a free and fair world);
29.tungkulin sa pamayanan (duty to your community); at
30. hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa pahayag na ito (rights are inalienable).
Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng
tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga karapatang ito, magiging higit na kasiya-siya ang
manirahan sa daigdig na maituturing na isang lugar na may paggalang sa bawat tao at
tunay na kapayapaan para sa lahat.
2. Katipunan ng mga Karapatan, Saligang Batas ng 1987
Ang pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga bansang nagbigay ng mataas na pagpapahalaga sa
dignidad at mga karapatang pantao. Bilang patunay, malinaw na inilalahad sa Artikulo II,
Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987 ang pagpapahalaga ng Estado sa karangalan ng
bawat tao at ginagarantiyahan nito ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.
Inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ang Katipunan ng mga
Karapatan (Bill of Rights) ang pinagsama-samang karapatan ng bawat tao
mula sa mga dating Saligang-Batas at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na
nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon et al. (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ang bawat mamamayan.
Mga Uri ng Karapatan
1. Natural-mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng
Estado
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari- arian
2. Constitutional-mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
Estado
• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o
hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibiduwal na
maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng
buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa indibiduwal na
inaakusahan sa anumang krimen.
3. Statutory-mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng
panibagong batas.
Halimbawa: karapatang makatanggap ng minimum wage
Makikita sa ibaba ang nilalaman ng mga karapatang pantao na kinikilala ng
Estado ayon sa Saligang Batas ng 1987.
1. karapatan sa buhay, kalayaan, o ari-arian (right to life, liberty, and property);
2. karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsasamsam (right
against unreasonable searches and seizures);
3. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya
(privacy of communication);
4. kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan sa
mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan (freedom of speech; right to
a free press; freedom of assembly; the right of petition);
5. kalayaan sa relihiyon (freedom of religion);
6. kalayaan sa paninirahan at karapatan sa paglalakbay (liberty of abode and the right to
travel);
7. karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan
(right to information);
8. karapatan na magtatag ng mga asosasyon, unyon o mga kapisanan
(right to form associations);
9. karapatan sa wastong kabayaran (right to just compensation);
10.hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata
(non-impairment clause);
11.malayang pagdulog sa mga hukuman (free access to court);
12.karapatan ng taong sinisiyasat (right of person under custodial investigation);
13.karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right to bail and against excessive bail);
14.mga karapatan ng nasasakdal (rights of the accused);
15.pribilehiyo ng writ of the habeas corpus;
16.karapatang sa madaliang paglutas ng mga usapin sa mga kalupunang
panghukuman (right to a speedy disposition of the cases);
17.karapatang hindi tumestigo laban sa kanyang sarili (right against self-incrimination)
18.karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika (right to political beliefs and
aspirations);
19.karapatan laban sa malupit, imbi at di-makataong parusa
(prohibition against cruel, degrading human punishment);
20.‘di-pagkakabilanggo nang dahil sa pagkakautang (non-imprisonment for debts);
21.karapatan laban sa makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag (right
against double jeopardy); at
22. ‘di pagpapatibay ng batas ex post facto o bill of attainder sa isang demokratikong bansa.
Mayroong dalawang partidong sangkot sa realisasyon at katuparan ng mga karapatang
pantao.
1. Rights Holders. Ito ang lahat ng mamamayan, anuman ang edad, lahi, kasarian, at relihiyon.
Lahat ng tao ay rights holders. Bilang mga indibiduwal, may kaakibat itong pananagutang ALAMIN,
ANGKININ at IPAGTANGGOL ang kanilang mga karapatang pantao.

Mayroong espesyal na pagtutok at pagtatanggol sa mga indibiduwal na vulnerable, mga


mas madalas maging biktima ng pang-aabuso (disadvantaged), at mga taong nasa laylayan
ng lipunan (marginalized). Kabilang dito ang mga kabataan, kababaihan, mga katutubo, mga
manggagawa, mahihirap, mga may kapansanan, matatanda, mga nakapiit sa kulungan,
mga taong naipit sa armadong labanan, mga indibiduwal na may iba’t ibang oryentasyong
sekswal at ekspresyong pangkasarian, at iba pa.

2. Duty Bearers. Ito ang mga taong may responsibilidad at pananagutang ipagtanggol,
isulong at isakatuparan ang karapatang pantao ng mga mamamayan.
• Obligasyon ng Estado na I-RESPETO ang karapatang pantao. Ibig sabihin, hindi
nito hahadlangan ang pagtamasa ng mga mamamayan sa kanilang mga karapatan. Dapat
din itong umaksyon sa mga panahong di kayang tuparin ng mga mamamayan ang
kanilang mga karapatan. Halimbawa ng paghadlang sa karapatang pantao ay paglimita
sa access sa pagkain, tubig, tirahan, edukasyon, serbisyong pangkalusugan at censorship.

• Obligasyon ng Estado na PROTEKSIYUNAN ang mga mamamayan mula sa pang-aabuso


sa karapatang pantao. Dapat tulungan ng Estado ang mga tao sa anumang posibleng
paglabag at/o pag-abuso sa kanilang mga karapatan. Kabilang dito ang paggawa ng mga
batas na mag- criminalize sa mga paglabag at pag-abuso sa karapatang pantao at
magtitiyak ng proteksiyon ng kanilang mga karapatan. Nangangahulugan din
na dapat wasto ang pagpapatupad ng mga batas na ito.

• Obligasyon ng Estado na TUPARIN ang karapatang pantao ng mga mamamayan.


Nangangahulugan ito na aktibong magsisikap ang pamahalaan tungo sa katuparan ng
karapatan ng lahat. Dapat gumawa ang Estado ng mga positibong aksyon at hakbang tungo sa
pagtatamasa ng mga mamamayan ng kanilang mga pangunahing karapatan. Kabilang
sa obligasyong ito ang libreng pampublikong edukasyon, feeding programs, medicine drives
at marami pang iba.

Lahat ng tao ay may mga karapatang pantao na may garantiya sa batas. Ito ay pagkilala na
bilang tao, lahat ay may halaga at dignidad. Sa Pilipinas, ang Commission on Human
Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang
pantao ng mga mamamayan. Nilikha ito ng Saligang Batas ng 1987 alinsunod sa Seksyon 17
(1) ng Artikulo XIII. Ang CHR ay itinatag bilang tugon sa laganap na pang-aabuso sa karapatang
pantao noong panahon ng Martial Law.

Bilang National Human Rights Institution (NHRI), ito ay may tungkulin na tiyakin na
itinataguyod at hindi nilalabag ng pamahalaan ang karapatan ng bawat indibiduwal.
Batay sa Saligang Batas, ang CHR ay may mandato na imbestigahan lahat ng kaso o uri ng
human right violations. Kaakibat sa tungkulin nito ay ang layuning palakasin ang kapasidad ng
lahat ng nanunungkulan sa pamahalaan at pribadong sektor upang mas magampanan ng
Estado ang obligasyon nitong igalang, isakatuparan, at proteksiyunan ang karapatan ng
lahat.

Kanino ka magrereklamo kapag may mga paglabag sa iyong mga karapatan?

• Kapag bahagi ng gobyer militar, korte, at iba pa) ang abuso ng tao, ito ay i
human rights violation. Maari itong i-report sa CHR.

• Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-rape, pumatay at iba pa, ito ay
krimen. Sa pulis ka dapat pumunta.

• Kapag ang biktima kabilang sa marginaliz disadvantaged o vulnerable ito ay


isang krimen at human rights
violation. Sa pulis ka pumunta at sa CHR
ka dapat mag-report.
Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Hindi sapat na batid mo lamang ang iyong mga karapatan. Hindi dapat ito nagwawakas o
tumitigil sa ating pagtukoy lamang sa mga ito. Tungkulin at responsibilidad natin
bilang mga mamamayang Pilipino na isulong at pangalagaan ang mga karapatang
pantao. Ang ating pag-alam, pag-aangkin, at pagtatanggol sa mga karapatang ito ang mga
tunay na manipestasyon ng isang aktibong mamamayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga
karapatang ito nang may pananagutan upang aktibo tayong makiisa at makialam sa mga
isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap.

MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Maaring sulatan ang papel na ito at ditto ilagay ang sagot sa mga
Gawain. Maaaring gumamit ng ibang papel kung hindi kakasya sa papel na ito ang inyong sagot.
HUWAG KALIMUTANG LAGYAN NG PANGALAN AT SEKSIYON

A. Kahon-Lugan
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa iyong papel, buoin ang
hinihinging salita ng kahon gamit ang pakahulugan sa bawat bilang.
1. Ako ang mga karapatan na kinakailangan mo para sa iyong buhay bilang tao.

2. Ako ang pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao para sa lahat ng bansa mula pa
man noong 1948.

3. Ako ang talaan ng pinagsama-samang karapatan ng bawat tao na inisa-isa ng


Estado sa Artikulo III ng Saligang-Batas ng 1987.

4. Ako ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng
mga Pilipino.

5. Ako ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

B. Modified Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap, at kung hindi isulat ang salita o
kataga na maaaring magwasto rito. Isulat ang sagot sa papel.
1. Karapatan ng bawat tao na mabuhay nang may dignidad.
2. Ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao ay kinakailangan pang kilalanin
ng pamahalaan sa Estado.
3. Lahat ng karapatang pantao ay pantay-pantay na pagmamay-ari ng bawat tao
anuman ang kanyang kasarian, sexual orientation, gender identity, edad,
katayuang pinansyal, etnisidad, relihiyon, atbp.
4. Pare-pareho at pantay-pantay ang karapatan ng bawat tao.
5. Ang mga karapatang pantao ay maaaring mawala lalo na at gumawa ng isang
karumal-dumal na krimen ang isang tao.

C. Apply Your Rights!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos ay tukuyin
kung anong karapatan ang nalabag sa mga sitwasyon. Isulat at ipaliwanag ang iyong
sagot. Isulat ang iyong sagot sa papel o bond paper. (30 points)

1. Ayaw kang pag-aralin ng iyong ina dahil walang mag-aalaga sa iyong bunsong kapatid.

2. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na nang ibinigay sa iyo.

3. Maaaring magtayo ng tirahan sa alinmang bakanteng lupa o sa pook na maibigan ng


tao.

4. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan.

5. Napagbintangan si Mang Ludring na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad siyang hinuli at


ikinulong.
10

You might also like