Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Munting Prinsipe

Antoine de Saint-Exupery

I. Introduksyon:

A.  Maikling Talambuhay ng May-akda.

Si Antoine de Saint-Exupery ang sumulat ng nobelang “Ang Munting Prinsipe” na kung saan
ginamit niya ang kaniyang kasanayan bilang isang piloto upang gawing inspirasyon upang
gumawa nang sarili niyang kathang-isip na storya tungkol sa isang piloto na na-stranded dahil sa
pagbagsak ng kaniyang eroplano sa gitna ng disyerto ng Sahara. Si Antoine de Saint-Exupery ay
ipinanganak sa Lyon, France noong ika-29 ng Hunyo, 1900. Hinirang din siya bilang isang
pambansang bayani ng Pransiya. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay isa siyang piloto,
manunulat, makata, aristokrata, mamamahayag, at tagapayong aviator.

B.  Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela.

Ang pinaka-mahalagang pangyayari sa lipunan sa panahon ng pagkakasulat ng Nobela ay ang


World War II na kung saan ang may-akda na si Antoine de Saint-Exupery ay nakilahok sa
digmaan sa pamamagitan ng kaniyang kahusayan bilang piloto. Siya ay sumali sa Free French
Air Force sa North America.

II. Mahalagang Talasalitaan na dapat maunawaan ng mambabasa.

1. Natuklaw – Nakagat ng isang ahas.

2. Balong – Bukal ng Tubig.

3. Alamid - Isang malaking pusang-bundok.

4. Nakakubli - Nakatago, nagkanlong, o nakatakip.

5. Heograpo - Ay ang nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya

6. Lasenggong – Taong nagpapaka-lasing.

7. Hambog – Taong mapagmalaki.


8. Mangangalakal - Ang mangangalakal ay isang taong nagpapalit ng produkto sa bansa o ang
barter.

9. Makapangyarihan - May katungkulan, may impluwensiya, may koneksyon, o may lakas

10. Alingawngaw - Ay tumutukoy sa pag-uulit ng tunog bunga ng pagtalbog ng tunog.

III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan

Tauhan Ang kanyang mga ginawa Ang dahilan ng kaniyang


ginawa

Munting Prinsipe Umalis siya sa kaniyang Nagsinungaling sa kaniya ang


Planeta. mahal niyang rosas.

Siya ay namatay dahil sa Siya ay natukso ng ahas dahil


tuklaw ng ahas. gusto na niya bumalik.
Piloto Inaayos niya ang kaniyang Nasira ang kaniyang eroplano
eroplano. at bumagsak sila sa Disyerto
ng Sahara.
Ahas Tinuklaw at pinatay niya ang Gusto niyang tuksuin at
munting prinsipe. lokohin ang munting prinsipe.

IV. Buod ng nobela (BAWAT KABANATA kung may kabanata) – Subuking sagutin ang
mga tanong na sino, saan, kailan, ano, bakit at paano. (minimum ng limang pangungusap)

Mayroong isang piloto na lumilipad gamit ang kaniyang eroplano, ngunit ito’y nasira at siya’y
bumagsak sa Disyerto ng Sahara na kung saan ay doon niya nakilala ang Munting Prinsipe.
Ang Munting Prinsipe ay galing sa planetang halos kasing laki lamang ng isang bahay, ito’y
tinatawag na Planetang 325 o Planetang B-612. Dito ay may nakatanim na puno na dapat hindi
tumubo dahil maaari nitong sirain ang buong planeta. Sa planeta na iyon ay may kasamang
rosas ang prinisipe na mahal na mahal niya. Ngunit dahil sa pagsisinungaling ng rosas ay
lumayas ang prinsipe sa plate at naglakbay. Sa paglalakbay niya ay marami siyang nakilalang
mga tao na walang saysay ang mga ginagawa katulad ng Hari, Hambog at ng Lasenggo. Sa
kaniyang paglalakbay ay nakakita din siya ng Alamid na nagturo sa kaniya na ang kanyang
rosas ay hindi lamang basta rosas, wala ng mas espesyal pa sa kanya dahil sa pagsasama na
nilikha sa pagitan nila, at ang pananagutan na nararamdaman niya. Naging matalik na
magkaibigan ang piloto at prinsipe ngunit isang araw ay natukso ang prinsipe dahil sa ahas at
siya’y namatay dahil sa tuklaw nito. Naayos ang eroplano ng piloto sa loob ng isang taon sa
disyerto at nawala ang katawan ng prinsipe kaya umasa ang piloto na bumalik na sa kaniyang
planeta ang prinsipe.

V. Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa

A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit
mahalaga ang mga ito.)

Ang bisa neto sa isip ay maganda dahil nalaman ko na maraming tao ang gumagawa ng mga
walang saysay na mga bagay at nalaman ko rin na mahalaga ang pagkakaroon ng importansiya
sa mga mahal natin sa buhay at tingnan muna ang mga posibleng dahilan kung bakit sila nakapag
sinungaling o may nagawa silang kasalanan sayo.

B. Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong


pagkatao)

Mabisa ito sa damdamin dahil ipinakita ng nobela na ito ang emosyon kapag tayo’y nawalan ng
kaibigan o tinraydor ng tao na ating pinagkatiwalaan. Maganda rin ang pinakita netong kahit na
magkaiba sila ay naging magkaibigan parin ang piloto at prinsipe. At natutunan natin ang
kahalagahan ng relasyon.

C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay dapat na


palakasin batay sa mga pangyayari sa nobela)

Ipinakita din ng nobela neto na huwag magtiwala kagad sa mga nasa paligid natin, hindi natin
alam kung sila ay kaibigan katulad ng piloto o kaaway katulad ng ahas. Tinuruan din na
intindihin natin ang mga kilos ng ating mga mahal sa buhay dahil may mga dahilan tayong lahat
sa ating mga kilos.
VI. Pagususri ng Tema ng Nobela

Ang tema ng nobela ay


Ang pagkakaroon ng relasyon ay natuturo ng responsibilidad.
at
Matutong makuntento sa isang bagay na pinahalagahan mo ng sobra dahil natatangi lang yun
sayo na hindi mo mahahanap sa iba
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:

1. Noong nalaman ng prinsipe ang totoong dahilan ng relasyon ay gusto niya kagad bumalik sa
kaniyang planeta upang makita niya ang minamahal niyang rosas.

2. Siya ay umalis dahil siya ay nasaktan sa ginawa ng rosas ngunit sa huli ay siya ay nagsisi at
kagad niyang gusto bumalik kahit ano pang paraan ang kinakailangan.

VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda

A.  Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili? Ginawa niya ang nobela na ito upang
ikwento ang kaniyang sariling
experience bilang isang propesyonal na
piloto at hinalo nya ito sa kaniyang
galing bilang isang manunulat at
makata. Nabasa ko ito sa kaniyang
interview sa TIMES ginawa niyang
inspirasyon ang sarili niyang sitwasyon.
B.  Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang mambabasa? Ang layunin ng may-akda para sa mga
mambabasa ay upang malaman din nila
ang importansiya ng relasyon sa ating
buhay at huwag tayo magtiwala kagad
dahil hindi natin alam kung ahas o
kaibigan ang tao na pinagkakatiwalaan
natin. Makikita ito sa mismong kwento
at paglalakbay ng munting prinsipe.
C.  Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa lipunan at sa Ang layunin ng may-akda para sa
pangkalahatan? lipunan ay huwag natin pabayaan at
iwan ang mundo na pinaggalingan natin
kung pagsisisihan din natin ito dahil sa
mga iniwan natin dito. Makikita ito
noong iniwan na ng prinsipe ang
kaniyang planeta upang maglakbay
ngunit nagsisi at gusto nang bumalik.
VIII. Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na teoryang
pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na
patunay buhat sa aklat.

Humanismo – Ito’y makikita sa prinsipe at piloto. Ang piloto ay hindi sumuko at inayos parin
ang kaniyang eroplano upang mabuhay at makaalis sa disyerto kahit na gaano ito katagal gawin.
Habang nagpasya na maglakbay ang prinsipe dahil sa mga sarili niyang dahilan.

Imahismo – Ginamit ito noong nasa planetang 325 pa lamang tayo, ito ay pinaliwanag na kasing
laki lamang ng isang bahay at maaaring masira kapag tumubo ang isang puno. Maraming beses
din itong ginamit katulad ng Disyerto ng Sahara, Hardin na puno ng rosas, at iba pa.

Romantisismo - Ipinakita ito sa piloto at prinsipe. Ang piloto ay masaya dahil nagkaroon siya
ng kaibigan ngunit sobra ang kaniyang pagluluksa at kalungkutan dahil sa pagkamatay nito.
Habang ang Prinsipe naman ay umalis sa kaniyang planeta dahil nasaktan siya sa
kasinungalingan ng rosas.

Pansariling reaksyon

Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong
isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong
ginagalawan?

Dapat ito’y basahin dahil marami itong lamang gintong-aral na pwude natin gamitin sa ating
buhay, magandang kwento din ito dahil may mga kakaibang pangyayari at hindi nakakainip kaya
maganda ito para sa mga bata. Maikli din ang kwentong ito kaya mabilisan lang ang basa. Ang
bagong pagtingin ko ay napaka halaga pala ng ating mga relasyon kaya huwag natin itong
bayaan at masira dahil lamang sa hindi pag kakaintindihan. Maaari ding huwag kagad magtiwala
sa mga nasa paligid natin dahil hindi natin alam kung sila ba ay isang kaibigan o ahas.

You might also like