G5 Arpan Q1 W2 Oc

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Pinagmulan ng Unang Pangkat


ng Tao sa Pilipinas

________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa
5
TEACHERS REFERENCE GUIDE

Paaralan: Asignatura: Araling Panlipunan


Guro: Markahan: 1
Baitang 5 Linggo: 2

I- LAYUNIN
Matatalakay ang Teoryang Austronesyano
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang
konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at
ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong
kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa
kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng
pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing
Pilipino.
C. MELC
Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c.
Relihiyon
II- PAKSANG ARALIN
Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas
a. Sanggunian
Batayang Aklat: (Modyul 3),Week3,-12 Araling Panlipunan 5,
Pilipinas Bilang Isang Bansa, pahina (50-61)
b. Kagamitan
Learners Activity Sheet (LAS), Assessment Checklist (AC), Study
Guides.
c. Integrasyon:
Mapahalagaan ng mga bata ang pag-aaral ng teorya tungkol sa
pinagmulan ng mga unang tao sa Pilipinas.
III- PAMAMARAAN
Gawain (do)
Mag atas sa mga mag aaral na gawin ang Gawain 1. Ipaliwanag ang
mga konsepto.
Suriin (think)
Mga gabay na tanong para sa mag-aaral:
1. Ano-ano ang iyong mga pangunahing dahilan ng pagpili sa
lugar na nais mong maging tirahan?
2. Ano-ano ang mga bagay na hahanapin mo sa isang lugar upang
ikaw ay manatili at manirahan dito?
3. Bakit kaya maraming pangkat mg mga tao noong naglakbay at
piniling manirahan sa bagong lugar?

Abstraksyon (learn)
Gawain 1. Ipaliwanag ang mga konsepto
Gawain 2. Ipaliwanag ang pinagmulan ng tao.
Paglalapat (apply)
Gawain 3. Tukuyin ang mga konsepto
PAGTATASA SA SARILI
LEANER’S ACTIVITY SHEET
Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw sa iyo. Matutunan mo sa linggong ito ang mga Teoryang


Austronesyano na isa sa mga teoryang nagsasaad ng pinagmulan ng mga pangkat ng tao
dito sa Pilipinas. Ang mga aktibidad o Gawain sa buong linggo ay nakasulat sa ibaba.
Basahing mabuti at sundin ang mga nakasaad na panuto. Maaari mong lapitan at hingan
ng gabay ang sinumang kakilala mong pwedeng makatulong sa iyo. Higit sa lahat, huwag
kalimutang mag-ingat habang isinasagawa ang mga itinakdang gawain.

Matapat na sumasaiyo,
Ang iyong guro

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


nakalaang espasyo ng bawat tanong.

1. Ano-ano ang iyong mga pangunahing dahilan sa pagpili ng lugar


na nais mong tirahan?

2. Ano-ano ang mga bagay na hahanapin mo sa isang lugar upang


ikaw ay manatili at manirahan dito?

3. Bakit kaya maraming pangkat ng mga tao ang makikita sa ibat-


ibang lugar sa Pilipinas?
Magpakuwento sa iyong magulang ng tungkol sa pinagmulan ng tao
ayon sa kanilang sariling pananaw. Isalaysay ang iyong sagot sa ibaba ayon
sa iyong napakinggang kwento.

A. Basahin at unawain ang mga sumusunod.

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng mga


Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Teorya ng Austronesian Migration


Ayon sa Arkeologong Australian na si Peter Bellwood ang katawagang
Austronesian ay tumutukoy sa mga pangkat ng mga taong gumagamit o
nagsasalita ng wikang Austronesian. Sila ay naninirahan sa gawing Timog -
Silangang Asya, Polynesia at Oceania. Ayon sa pag- aaral, maaring ang mga
unang dumating na Austronesian ay nanatili sa hilagang Luzon at nadatnan
ng Austral-Melanesian na nauna nang nanirahan doon. Sa paglipas ng
panahon nagkaroon uli ng migrasyon hanggang kumalat na sila sa ibat-ibang
kalupaan tulad ng isla ng Celebes, Borneo at Indonesia.
Sa paliwanag naman ng Antropologong Amerikano na si Welhelm
Solheim II, ang mga Austronesians (Nusanto) ay nanggaling sa isla sa lugar
ng Sulu at Celebes. Sila ay kumalat sa Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng mga ugnayan sa pangangalakal, kasalan at migrasyon ng
mga tao.

Bakit sinasabing ang mga Austranesyano (Austronesian) ang ninuno


ng mga pangkat ng tao sa Pilipinas?
Mayroong pagkakahawig ng kultura at wika ang mga Austronesian at
mga pangkat ng tao sa Pilipinas.
 Ang wikang Austronesian ay batayan ng maraming wika sa Pilipinas.
 Ang mga kulturang Austronesian na matatagpuan sa Pilipinas ay ang
paglilibing sa tapayan, paghahabi, paggawa ng abaloryo, at paglaganap
ng pagtatanim sa panahong Neolitiko.
 Mayroon ding mga patunay ng Pamanang Austronesian na makikita sa
bansa tulad ng kaalaman sa paglalayag, hortikultura o kaalaman sa
pagtatanim, agrikultura o kaalaman sa pagtatanim ng palay at
paggamit ng mga kasangkapang gawa sa makinis na bato o metal.

B. Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik ng iyong sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang. Ang unang bilang ay
ginawa bilang halimbawa.

a. Ice Age e. Teoryang Tulay ng Lupa


b. Teorya ng Bulkanismo f. Teorya ng Continental Drift
c. Teorya ng Tektonic Plate g. Alfred Wegener
d. Paniniwalang Maalamat
a 1. Ayon sa kanya maaring ang mga unang dumating na Austronesian
ay nanatili sa hilagang Luzon at nadatnan ng Austral-Melanesian
na nauna nang nanirahan doon.
____2. Ito ang tumutukoy sa mga pangkat ng mga taong gumagamit o
nagsasalita ng wikang Autronesian.
____3. Ang pagkakaroon ng maraming pagawaan sa isang pook ay
umaakit sa pandarayuhan.
____4. Ang mga Taga-Visayas at Luzon ay lumipat sa Mindanao dahil sa
kasaganahan sa natural na yaman ng lugar.
____5. Ayon sa kanya ang mga Austronesians (Nusanto) ay nanggaling sa
isla sa lugar ng Sulu at Celebes.

PANSARILING PAGTATASA
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Alin sa mga gawain ang madali kong naisagawa?

2. Ano- ano ang aking natutunan sa araling ito?


3. Nasagutan o naisagawa ko ba ng maayos ang mga gawain sa araling
ito?
Sa scale na 1,2 at 3 bilugan ang antas ng natutunan.
1- Bahagyang nagawa
2- Kasiya-siya
3- Mahusay na naisagawa
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)
(Para sa Magulang o Tagapangalaga)

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas


Panuto:
Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon. Kung may
mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa nakalaang puwang sa
dakong kanan.

OBSERBASYON

Komento o

Hindi Nagawa

Lahat Nagawa
Bahagyang
BATAYAN NG PAGTATASA Suhestiyon ng

Nagawa
Magulang

Gawain 1:
Nasagot ng bata ang mga
katanungan sa Gawain 1
Gawain 2:
Nagawang magpakuwento ng bata
tungkol sa pinagmulan ng tao at
naisalaysay ito ayon sa panuto.
Gawain 3-A:
Nabasa ng bata ang tungkol sa
Teorya ng Austronesian Migration
Gawain 3-B:
Nabasa at nasagot ng bata ang mga
katanungan.
Pansariling Pagtatasa:
Nagawang sagutin ng bata ang mga
katanungan ukol sa pansariling
pagtatasa.

__________________________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like