Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JOHN RICO E.

MALASAGA BEED 20 MASINING NA PAMAMAHAYAG MAY 21, 2021

MGA MATATALINHAGANG SALITA

Nagsusunog ng kilay

Kahulugan: Ito ay may kahulugan na pag-aaral nang mabuti o pagtutok sa mga aralin sa maraming oras
upang makakuha nang mataas na grado.

Nagmula raw ang kasabihang ito dahil noong panahon na hindi pa laganap ang teknolohiya, lampara at
gasera lamang ang ginagamit ng mga nagbabasa sa gabi. Dahil sa pagtutok sa binabasa at paglapit sa
liwanag, halos magkadikit na ang kilay at ang gasera.

Kahalagahan: Mahalaga ito dahil ito ay pagtukoy at pagkilala sa lahat ng sakripisyo at pagpapakapagod
ng isang mag-aaral upang magkaroon ng magandang marka sa paaralan.

Sa bansang tulad ng Pilipinas, mahalaga ang edukasyon dahil kailangan ito ng maraming pamilya upang
lubos na makaahon sa kahirapan.

Ikrus sa noo

Kahulugan: Nangangahulugan ang idyomang ito na tandaan o itanim sa isip kung anuman ang bilin o
sinasabi. Maaari din itong tumukoy sa mga aralin na dapat tandaan kapag nasa eskwela upang
magkaroon ng mataas na marka.

Nag-ugat ang katagang ito sa pagiging Katolikong bansa ng Pilipinas. Kapag kasi nilagyan ng krus ang
isang bagay, ibig sabihin ay mahalaga o sinasanto ito. Kaya naman kapag ikinrus sa ulo, ay ibig sabihin ay
mahalaga at huwag kalimutan.

Kahalagahan: Isang mahalagang paalala ang talinhagang ito na may mga bagay na dapat tayong tandaan
at ilagay sa ulo. Ito ay mahahalagang bagay tulad ng mga bilin at leksiyon sa paaralan.
Salamin din ito ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa ating pananampalataya. Maging sa larangan ng
panitikan at salita ay ginagamit natin ang mahahalagang simbolismo ng pananalig.

Mataba ang utak

Kahulugan: Tumutukoy naman ito sa isang taong mahusay mag-isip o may angking katalinuhan.

Ang bahagi ng katawan ng tao na nagtatanda at naglalabas ng lahat ng kaalaman ay ang utak. Kaya
naman sinasabing mataba ang utak ng isang taong matalino at mabilis mag-isip.

Kahalagahan: Mahalagang pantukoy sa mga mag-aaral o taong matalino ang idyomang ito. Ito ay
patunay na kinikilala ng ating wika ang kahusayan ng mga mag-aaral na nagtutuon ng oras at panahon sa
pag-aaral.

Isang paalala rin ito sa atin na dapat ay pagyamanin natin ang ating mga utak at sarili. Katulad ng
katawan, kailangan din nating patabain ang ating utak.

Makitid ang isip

Kahulugan: Ito naman ay mayroong kahulugan na ang isang tao ay hindi makaunawa o mayroong
kaunting nalalaman lamang.

Kung ang idyomang “mataba ang utak” ay sumasalamin sa taong maraming alam, kapag naman makitid
ang isip mo ay tila walang mapagsidlan ng bagong impormasyon sa iyo.

Kahalagahan: Ito ay isang pagtanaw na ang mga Pilipino ay nakararanas din ng suliranin sa mga taong
sarado ang isip sa bagong impormasyon.

Paalala ang idyomang ito na kailangang buksan at lawakan ang ating pag-iisip para mas maraming
impormasyon at kaalaman tayong maipasok sa ating isip.
Mapurol ang utak

Kahulugan: Nangangahulugan ang talinghagang ito na ang isang tao ay hindi makapag-isip nang maayos.

Maaari din itong pantukoy sa isang tao na walang likas na kakayahang mag-isip o mayroong
kamangmangang taglay.

Kahalagahan: Nagmula ang idyomang ito sa mga metalikong bagay na hindi ginagamit na kalaunan ay
nagiging kalawangin o mapurol.

Maliban sa pagiging isang matalinhagang salita, patunay din ito na kailangan nating gamitin ang ating
utak nang mas madalas at pagyamanin ito upang hindi pumurol o mangalawang.

Sumasayaw ang mga puno

Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa paggalaw ng mga puno o anumang halaman dahil sa malakas na ihip ng
hangin. Karaniwang sumasabay ang isang puno o halaman kapag nadaraanan ito ng hangin gaano man
kalakas.

Naihalintulad ang puno sa isang taong sumasayaw dahil nagsisilbing tila musika sa isang puno o halaman
ang hangin para ito ay sandaliang gumalaw o sumuray sa hangin kahit hindi naman ito nakahahakbang.

Kahalagahan: Mahalaga ito upang gawing pantukoy na kahit nakapirmi lang ang puno sa kinatatayuan
nito ay mayroon pa rin itong pagkilos na ginagawa.

Maaari ding indikasyon ng isang malaking panganib ang pagsayaw ng mga puno. Maaaring mayroong
lindol o bagyo na nagiging dahilan ng paggalaw nito.

Banta ng Inang Kalikasan

Kahulugan: Ito ay nanganaghulugang mayroong masamang sakuna o pangyayari na may kinalaman ang
kalikasan o kapaligiran.
Hindi man nakapagsasalita ang ‘Inang Kalikasan,’ nagbibigay naman siya ng banta o mga babala sa
pamamagitan ng iba’t ibang sakuna o kalamidad tulad ng bagyo, pagbabago ng klima, lindol, buhawi, at
iba pa.

Kahalagahan: Madalas na gamitin sa mga tula, sanaysay, o kuwento ang talinhagang ito. Mababasa ito sa
mga kuwentong may kinalaman sa mga sakuna at kalamidad.

Ngunit maliban sa pagiging isang talinhaga, magandang paalala rin ito sa atin bilang nilalang na tayo ay
may obligasyon sa Inang Kalikasan at kung maging pabaya, maaaring makaranas tayo ng mga paghihirap.

Hitik sa bunga

Kahulugan: Ito ay nanganaghulugang isang taong mayroong maraming biyayang natatanggap sa


kaniyang buhay na bunga ng kaniyang pagsusumikap.

Ito ay hango sa isang puno na hitik sa bunga dahil maganda ang pag-aalaga at lumaki ito nang maayos.
Ganoon din daw sa tao, kapag nagbuhos ng panahon at oras, tiyak na dadami ang bunga.

Kahalagahan: Ito ay isang patunay na sa isang matalinhagang salita ay magsisilbi ring motibasyon para sa
mga mambabasa o sumasalita ng ating wika.

Simpleng pakahulugan lamang nito na kung gusto ng isang tao na maging hitik sa bunga ay kailangang
tulungan niya ang kaniyang sarili na paunlarin ito.

Masama ang panahon

Kahulugan: Nangangahulugan ito na mayroong kalamidad, partikular na malakas na ulan o bagyo na


kinahaharap ang isang bansa.
Bagaman natural na bahagi ng panahon ang pagkakaroon ng bagyo, itinuturing pa rin itong ‘masama’
dahil sa pinsalang maaari nitong idulot.

Kahalagahan: Nagagamit ang terminong ito sa pagbibigay ng ulat tungkol sa panahon. Kapag sinabing
masama ang panahon, batid na nila na hindi ito isang biro at dapat paghandaan.

Nagagamit ang terminong ito sa pagbabalita, pagsulat ng mga sanaysay, tula, at iba pang akdang
pampanitikan.

Agaw-dilim

Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa oras sa isang araw kung saan malapit na ang pagdilim o pagdating ng
gabi.

Makikita kasi sa kalangitan ang paglalaban o pag-aagawan ng liwanag at dilim. Sa bandang huli, dilim ang
mananaig dahil kailangan naman talaga gumabi.

Kahalagahan: Ito ay madalas gamitin kapag magbibigay ng ulat o lagay ng panahon. Nagagamit din ito
madalas sa mga akdang pampanitikan lalo na sa mga tula.

Pagpapakita rin ito na ang mga Pilipino ay mapagmasid sa kapaligiran at nabigyan pa ng matalinhagang
pagpapakahulugan ang pagpapalit ng umaga at gabi.

Balat-kalabaw

Kahulugan: Nangangahulugan ang talinhagang ito na ang isang tao ay makapal ang mukha o hindi
marunong tablan ng hiya.

Nagmula ang idyomang ito mula sa pagsasalarawan sa balat ng kalabaw. Hindi naman ‘walang

hiya’ ang isang kalabaw ngunit literal na makapal lamang ang balat nito at kung sa tao ay hindi na
tatablan ng hiya dahil sa kapal.
Kahalagahan: Pinaghalong kaalaman sa salita at paghahayupan ang naging pagkakatuklas sa talinhagang
ito. Naipababatid nito sa isang katangian ng mga tao na kung minsan ay wala nang konsiderasyon.

Sa kabilang banda, maisasalarawan din nito ang katangian ng isang hayop, ang kalabaw na palagi nating
maaasahan sa mga gawain sa bukid.

Kuwentong Barbero

Kahulugan: Ito ay tumutukoy naman sa mga balita o kuwentong hindi tiyak kung totoo. May pagdududa
ang ilan kapag sinabing kuwentong barbero dahil maaaring tsismis lamang ito o pinalalang kuwento.

Nagmula ang talinhagang ito sa gawain ng mga tao sa barberya habang nakatambay. Dito daw kasi
nagpapasalin-salin ang iba’t ibang kuwento kabilang ang mga tsismis na naipapasa naman ng barbero sa
kanyang mga ginugupitan.

Kahalagahan: Ito ay salamin ng isa sa mga kulturang Pilipino. Hindi man kaaya-aya ang pagkakalat ng
hindi totoong balita, naging bahagi na ito ng ating pamumuhay.

Isa itong pagkilala na sa mga ginagawa natin sa araw-araw ay nakabubuo tayo ng mga konseptong
nagiging mahalagang bahagi n gating panitikan.

Kautotang dila – Kakwentuhan

Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay

Itim na tupa – suwail na anak o kapatid


Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit

Tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit na puhunan

Matimtimang Cruz – mahinhin at pino kung kumilos

Lintik lang ang walang ganti – Kailan man ay hindi mo magagantihan ang kidlat na siyang tinutukoy sa
salitang lintik.

Hampas sa amo ang latay ay sa kalabaw – ang kasiraan ng nasa taas ay mas masarap kesa sa mga nasa
ibaba

Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay

Halik ni Judas – traydor

Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda

Balasubas – Walang modo

Nauna pa ang kariton sa kalabaw – Mayabang o adelentado

Kambal tuko – di makapaghiwalay

Sanggang dikit – matalik na magkaibigan

Matapobre – mapanglait

May nunal sa dila – madaldal

Matigas pa sa riles – kuripot

Makapili – traydor

Mang-oonse – madaya/makupit

You might also like