Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Suliraning Panukalang Proyekto

Gabay sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

1. Kailangang malinaw na nakasulat kung paano at kailan matatapos ang proyekto


2. Kailangang ipakita ang pangangailangan ng kumunidad
3. Dapat maayos, malinis at walang nakasulat na mga impormasyong walang kinalaman sa
proyekto
4. Patunayang ang proyekto ay karapad-dapat na pagtustusan

- Ang panukalang proyekto ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansyal para maisagawa ang
isang proyekto. Ang panukala ay dapat mabigay ng dahilan kung bakit kinakailangan ang bawat bagay sa
listahan para madesisyinan ng donor kung gusto nitong ibigay ang ilan o lahat ng nakalista.

Anag gabay sa pagsulat nito ay makatutulong sa mabisang pagsulat nito. Sundin moa ng mga ito para
sa ikabubuti ng iyong awtput.

Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay may mga bahagi

Mga Bahagi

1. Pamagat ng Poryekto (Proyect Title)- ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw
2. Nagpadala (Project Proponent)- Isulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng
panukalang proyekto, adres, telepono o cellphone, email at lagda
3. Pagpapahayag ng suliranin- dito inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais. (pananaliksik,
pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pangaralingklat at/o malikhaing
pagsulat)
4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)- ilagay dito ang detalyadong badyet na
kailangan sa pagsasagawa ng proyekto
5. Rasyunale ng Proyekto (Project Rationale)- isaad and background at kahalagahan ng proyekto
6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)- ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng
proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at
talatakdaan ng mga gagawin
7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)- isaad dito ang mga kapakinabangang
dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang
8. Planong Dapat Gawin- inilalagay ditto ang mga magkakasunod-sunod na hakbang sa
pagsasagawa ng panukalang proyekto

Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Bahagi ng Katitikan ng Pulong

1. Pamagat, lugar, petsa at oras


2. Pangalan ng mga nagsidalo, kasama ang kanilang katungkulan at hindi dumalo
3. Mga napag-usapan/adyenda sa pulong
4. Pangalan at lagda ng sumulat ng katitikan ng pulong

Ang KATITIKAN NG PULONG ay may katumbas sa Ingles na MINUTES OF THE MEETING


- Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong ng organisasyon. Isinusulat dito ang
tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda. Pormal ang wikang gamit sa pagsulat ng
katitikan. May konsistensi sa estilong gagamitin sa pormalidad ng paksa.

Ang kahalagahan sa pagsulat sa Katitikan ng Pulong ay ang mga sumusunod

1. Ito ay opisyal na ulat ng mga pagtalakay


2. Ito ay nagiging basehan para sa susunod na talakayan

Sa pagsulat ng Katitikan ng Pulong ay may mga dapat tandaan o gawin. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod

1. Habang namamahagi ng ideya ang mga dumalo sa pulong, inililista ang mga adyendang napag-
usapan isa-isa
2. Lahat ng kalahok ay dapat ipahayag ang kanilang mga kaalaman, punto at/o opinion
3. Dapat pag-usapan nang maayos ang mga mabubuti at masasamang naidudulot ng mga naibigay
na mungkahi
4. Magkaroon ng opisyal na ulat o talaan
5. Dapat ang mga salita na sinabi sa pagtalakay ay nakasulat sa ulat, hindi dapat ibahin ang mga
nagamit na salita
6. Dapat malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan sa pulong
7. Piliin lamang ang mga importanteng bahagi ng pagtatalakay sa pulong

Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa


2. Gumawa ng panimulang saliksik
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katwiran
4. Gumawa ng malalim na saliksik
5. Bumuo ng balangkas
6. Sumulat ng posisyong papel
7. Ibahagi ang posisyong papel

- Ang posisyong papel ay paglalahad ng kuro-kuro o sariling paninindigan hinggil sa isang paksa o isyu sa
lipunan. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas ay iba.

May mga bahagi ang pagsulat ng posisyong papel na kailangang sundin. Ito ay ang mga sumusunod

Bahagi ng Posisyong Papel

1. Introduksyon- ipinakikilala ang paksa


2. Katwiran ng Kabilang Panig- banggitin ang sanggunian pinagkunan ng katwiran (dokumento,
memo, interbyu)
3. Sariling Katwiran
4. Kongklusyon- inilalahad ang mungkahing

You might also like