Professional Documents
Culture Documents
Fil.3 Module 1 Ang Pampaaralang Pahayagan
Fil.3 Module 1 Ang Pampaaralang Pahayagan
MODULE 1
Introduksiyon
Activity
Diskusyon
PAMPAARALANG PAHAYAGAN
Pamamahayag
Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-
uulat ng mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawainng
pahayagan. Mga palabas na pambalita sa telebisyon at radio, at sa mga magasing
pambalita. Maraming iba’t ibang hanapbuhay na pambalita at pangkabatiran sa larangan
ng pamamahayag, katulad ng mga trabahong mga tagapag- ulat na pampahayagan, ankor
na pambalita sa telebisyon, manunulat, patnugot, tagaguhit o ilustrador, at litratista o
potograpo. Ang mga taong naghahanapbuhay sa larangan ng pamamahayag ay
pangkalahatang tinatawag na mga tagapamahayag, mamamahayag, o peryodista.
Pampaaralang Pamahayagan
Ang Pamahayagang pangkampus ang nagiging tuklasan, linangan at sanayan ng
1
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia
COURSE MODULE MODULE 1
talent at kakayahan ng mga batang manunulat tungo sa kadalubhasaan sa pamamahayag.
Pahayagan
Ang pahayagan o diyaryo ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman at naghahatid
ng mga mahahalagang balita, impormasyon at patalastas. Ito ay inilalathala araw-araw o
lingguhan at binebenta sa murang halaga.
1. Pagsulat – tulad ng pagsulat ng mg pahayagan, magasin at iba pa.
2. Pagsasalita – na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabalita
at umuna o pagbibigay ng kumintaryo.
3. Pampaningin – pagbabalita sa television, ng mga on-the-spot telecast na
pagbabalita,komentaryo,paanunsiyo, at iba pa.
Anyo ng Pahayagan
1. Palayong pamahayagan – ito ang anyo ng pag-uulat ng mga pangyayari na
nakatuon lamang sa mga datos at sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino,Saan,
Kailan, Bakit at Paano.
2. Pagpapakahulugang pamahayagan – anyo ng pag-uulat kung saan ang
mamahayag ay napapaliwanag sa kahalagahan ng pangyayari sa paraan ng
paglalawak ng kasagutan sa tanong na Bakit at Paano.
3. Katunggaling pamahayagan – tumutukoy ito sa anyo ng pag-uulat kung saan ang
mamahayag, bilang kabahagi ng tinaguriang ikaapat na estado ay nagsisilbing
watchlog o tagapagbantay ng mga gawain ng tatlong sangay ng pamahalaan: ang
ehekutibo, lehisatibo at hudikatura.
4. Pangkaunlarang pamahayagan –layunin nito na itaguyod ang panlipunan, pang-
ekonomiya at pampulitikang kaunlaran ng bansa.
5. Dilaw na pamahayagan – anyo ng pamahayagan na ginagawang sensyonal ang
mga istorya tulad ng mga krimen, karahasan, kalayaan at immoral na mga gawain.
Mga Tungkulin ng Pamahayagn
a. Maglathala ng balita
b. Magbigay ng puna sa balita
c. Mang-aliw sa mambabasa
d. Magbigay ng payo sa mambabasa
e. Maglathala ng paanunsyo
Mga Tungkulin ng Mamamahayag
May tatlong tungkulin ang isang mamahayag, ito ang sumusunod:
a. Iulat o ilarawan ang isang pangyayari
b. Ipaliwanag ito at bigyang-kahulugan
c. Hulaan ang maaaring kahihinatnan ng nasabing pangyayari
Mga Tip para sa mga Batang Mamamahayag
1. Maging mapag-usisa
2. Maging matiyaga sa iyong layunin
3. Maging makatarungan at matimbang
4. Maging totoong interesado sa mga tao
5. Hanapin ang katotohanan
6. Maging mapamraan
7. Lakasan ng loob
8. Sauluhin ang iyong balarila
9. Alamin moa ng iyong midyum
10. Mapagbasa
2
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia
COURSE MODULE MODULE 1
Mga Pangunahing Pahina ng Pampaaralang Pahayagan
A. Pangmukhang Pahina
Ito ay karaniwang naglalaman ng mga sumusunod:
1. Pangalan ng pampaaralang pahayagan. Taglay nito ang pangalan at lugar ng
paaralan, tama, bilang ng isyu, saklaw na mga buwan at taon ng pagkalimbag.
2. Tainga. Isa o dalawang kahon na kahanay ng pangalan ng pampaaralang
pahayagan na naglalaman ng logo ng paaralan, kasabihan, kartun o panimula ng
mahahalagang panloob na balita.
3. Ulo ng pinakamahalagang balita. Nagsisislbi itong pamagat ng pinakatampok na
balita at nakalimbag sa malalaking titik.
4. Dek. Ang tawag sa linya o mga linya ng dulo ng balita.
5. Mga ulo ng mga balita. Ang mga pamagat ng balita na nakalimbag sa malalaking
titik ngunit hindi kasinlaki ng ulo ng pinakamahalagang balita.
6. Istorya ng balita. Ang kabuuang istorya ng pangyayari.
7. Pamatnubay. Ang tawag sa panimula ng balita na karaniwangbinubuo ng una at
pangalawang talata.
8. Kolum. Ang tawag sa bertikal na pangkat ng inimprintang material.
9. Column rule. Ang linyang bertikal na naghahati sa pahina sa mga kolum.
Karaniwan ito ay may espasyong isang em na lapad.
10. Lupi. Ang tawag sa imahinaryong linyang horizontal na naghahati sa pahina sa
dalawang pantay na bahagi.
11. Byline . Pangalan ng may-akda na karaniwang makikita sa itaas o sa ibaba ng
akda.
12. Kahon . Anumang nakaimprintang material na napalibutan ng buo o bahagi lamang
ng natatanging linyang pamborder.
13. Dateline. Linya bago panimula ng balita na nagbibigay ng petsa at lugar kung saan
nagmula ang istoryang ipinadala.
14. Credit line. Linyang kumikilala sa pinagmulan o sanggunian ng aytem, larawan o
kartun.
C. Pahiang Lathalain
Karaniwang taglay ng pahinang ito ang mga palagiang kolum panlathalain,
natatanging lathalain, mga larawan at guhit, puzzle, maze at iba pa.
D. Pahinang Pampanitikan
Ito ay karaniwang naglalaman ng maikling kwento, sanaysay, tula, dula, suring-dula,
suring-pelikula, suring-aklat, komiks at iba pa.
E. Pahinang Pampalakasan
Karaniwang mababasa rito ang mga balita, editoryal, kuro-kurong tudling at mga
opinyon, kartung editoryal, lathalain, mga larawanat guhit na nauukol sa pampalakasan o
isports.
Saklaw ng Pamahayagan
Ang pamahayagan ay isang sining ng pagpapahayag ng ibat-ibang impormasyon na
may kahalagahan para sa mga mambabasa, tagapakinig o tagapanood.
Gampanin ng patnugot
Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa,
nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at
nagpapatuloy sa ugnayang nasapagitan ng may-akda at patnugot sa gayon, isa ring
pagsasagawa ang pamamatnugot nakinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan,
3
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia
COURSE MODULE MODULE 1
ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan.
Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o
editorial. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula.
Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga kaanib ng patnugutan
Upang maitaas ang abtas ng kagalingan sa trabaho at mapigilan ang kapabayaan
at pagpapasan ng maraming trabaho ng ilang mga kaanib ng patnugutan, kinakailangan
ang pagtukoy sa mga tungkulin ng bawat isa.
1. Punong Patnugot
a. Subaybayan nag mga trabaho ng mga kaanib ng patnugutan
b. Sumulat ng mga editoryal ng pampaaralang pahayagan pagkatapos ng
konsultasyon sa ibang kaanib ng patnugutan
c. Iwasto ang mga akda bilang paghahanda sa pagpasa nito sa tagapayo ng
pampaaralang pahayagan para sa pangwakas na pagwawasto at pag-aaproba sa
pagpapalimbag
d. Subaybayan ang paghahanda sa pag-aanyo
e. Ipatupad ang mga Gawain o sulatin sa takdang panahon
f. Umaktong tagapag-ugnay na pinuno sa pagitan ng kaanib ng patnugutan at
tagapayo ng pampaaralang pahayagan.
g. Tumawag ng mga pagpulong ng mga patnugot na may konsultasyon sa
tagapayong pampaaralang pahayagan
2. Pangalawang patnugot
a. Tumulong sa punong patnugot sa pagwawasto ng mga akda
b. Sumulat ng mga editoryal sa kahilingan at konsultasyon
c. Naghahanda ng mga takdang gawain ng mga pampahinang patnugot sa
konsultasyon ng punong patnugot.
d. Makipagtulungan sa punong patnugot, tagapamahalang patnugot at patnugot sa
pag-aanyo sa pagdedesinyo sa pahina
3. Tagapamahalang patnugot
a. Tagapagdala ng akda at dummy sa paglimbag para sa typesetting.
b. Magwawasto ng mga kamalian sa pagmamakinilya ng mga akda
c. Tumulong sa punong patnugot at sa patnugot sa pag-aanyo sa pagdedesinyo ng
pahina
d. Muling magwawasto sa mga winasto nang makinilyadong akda bago ang
pangwakas na pag-aaproba ng tagapayo para sa pagpapalimbag
4. Pampahinang patnugot
4.1 Patnugot ng balita
a. Magtakda ng mga reporter na kokober ng mga kaganapan para sa paglilimbag
b. Sumulat ng mga balita na itinakda ng punong patnugot o sa pamamagitan ng
sariling inisyatibo na may konsultasyon sa punong patnugot
c. Iwasto ang mga akdang balitang natanggap bago ipasa sa punong patnugot
5. Patnugot sa pag-aanyo
a. Tumulong sa pag-aanyo ng mga pahina sa pampaaralang pahayagan
b. Maghanda ng kartung-editoryal
c. Gumuhit ng mga ilustrasyong panglathalain, pampanitikan at iba pang di-
pambalitang akda
6. Palarawang mamamahayag
a. Kumuha ng larawan sa mga kaganapan para sa paglimbag
b. Maghanda ng palarawang akda ng pampaaralang pahayagan sa konsultasyon ng
tagapamahalang patnugot at punong patnugot
c. Sumulat ng mga kapsyon sa mga larawang gagamitin sa paglilimbag sa
pakikipagtulongan sa punong patnugot
d. Paglalabel at pagkilalang mabuti sa mga larawang gagamitin sa paglilimbag.
Anumang paglalabel, pagtatapyas o pagpapaganda ng larawan ay gamitan ng lapis
sa likod ng larawan
7. Tagapagpamahalang patnugot
a. Gumawa ng listahan ng mga paaralang nagpadala ng kanilang mga pampaaralang
pahayagan
b. Magpadala ng mga kopya ng sariling pampaaralang pahayagan sa mga paaralang
ito
c. Magtago at magpaskil ng kopya sa mga bulletin board o newspaper rack
d. Mamigay ng mga kopya ng pampaaralang pahayagan sa mga mag-aaral at sa iba
pang kinauukulan
9. Reporter
a. Mangalap ng mga impormasyon sa takdang kaganapan at sumulat ng akda tungkol
dito
b. Tumanggap ng takdang Gawain mula sa mga patnugot at isakatuparan ito sa
takdang panahon
Exercise
5
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia
COURSE MODULE MODULE 1
Pang-araw-araw na Pampaaralang
Pahayagan pahayagan
Pagkakatulad
Assessment
6
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia
COURSE MODULE MODULE 1
7
Crafted by Cleandy Jane R. Obquia