Pagsusuri NG Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas”

Simula noong nasa unang baitang pa lamang sila sa elementarya ay magkaklase na sina Lino at
Tomas hanggang ngayong nasa ikalawang taon na sila sa sekondarya. Sa kabila ng kanilang
pagkakaiba ay matalik silang magkaibigan.

Si Lino ay anak ng isang hardinero sa paaralan na pinapasukan nila. Ang ina naman niya ay
nagtitinda sa kantina. Ang mga magulang ni Tomas ay isang guro at isang OFW.

Parehong masayahing bata sina Lino at Tomas. Pareho rin silang aktibo sa klase at sa mga
patimpalak. Kahit matumal ang kita ng mga magulang ni Lino ay ni minsan hindi ito nagutom o
nawalan ng pambayad sa proyekto dahil nandiyan si Tomas

Mapagbigay talaga si Tomas hindi lang kay Lino pati na rin sa iba nilang mga kaklase. Sa
murang edad, may sariling kotse na ito na bigay ng ama niya noong nagtapos siya sa
elementarya.

Subalit, nagbago ang lahat noong naghiwalay ang mga magulang ni Tomas. Ang dating
masayahin at aktibong mag-aaral ay naging tamad sa klase. Palagi siyang pinupuntahan ni Lino
sa bahay nila upang yayain pumasok pero ayaw niya.

Si Lino naman ay patuloy sa pag-aaral. Sumali rin siya sa basketbol team ng paaralan at naging
abala siya roon. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na sina Francis, Stanley, at Jacob.
Isang araw, pinuntahan ni Tomas si Lino sa paaralan at niyaya mag-merienda. Gusto sanang
samahan ng binata ang kaibigan kaya lang ay may lakad rin sila ng mga bago niyang kaibigan.
Umuwi na lamang si Tomas.

Lumipas ang isang linggo ng hindi nagkikita sina Lino at Tomas. Dahil sa dami ng mga
nangyayari sa buhay niya, nakalimutan ni Lino na may pinagdadaanan ang matalik niyang
kaibigan.

Isang gabi, tinawagan ni Tomas si Lino. Kinumusta niya ito at nagpasalamat rin siya sa kanilang
pagkakaibigan.

“Tol, maraming salamat rin sa lahat ng iyong kabutihan sa akin at sa pamilya ko pero bakit parang
ang senti mo talaga ngayon,” tanong ni Lino sa kaibigan.
Hindi umimik si Tomas. Niyaya niya ulit si Lino na lumabas sila at susunduin niya ito.
“Pasensya na tol maaga pa kasi ako bukas. Ang kulit kasi nina Jacob niyaya nila akong sumama sa
outing nila ng mga kaklase niya,” pagtanggi ni Lino sa kaibigan.
Hindi ipinahalata ni Tomas na sabik na siyang makausap ang kaibigan. Masaya siya at maganda
ang takbo ng buhay ni Lino.

Kinabukasan, nagising si Lino sa malakas na katok ng ina niya. Sumisigaw ito habang
kumakatok sa pintuan ng kwarto ng anak.

“Lino! Nak! Gising! May nangyari kay Tomas! Nak! Buksan mo ang pinto,” sigaw ni Aling Susan.
Nagulat at natulala ng saglit si Lino sa mga narinig niya. Noong mahimasmasan na ito ay
lumapit siya sa pintuan at binuksan niya ang pinto.

“Nak wala na si Tomas! Na-aksidente raw siya kagabi dahil sa sobrang kalasingan,” sabi ni Aling
Susan sa anak habang niyayakap ito.
Hindi namalayan ni Lino na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. Wala na ang
kanyang matalik na kaibigan na parang kapatid na niya.

“Sana sinamahan ko na lang siya noong nag-aya siya kagab-i. Baka hindi pa nangyari ‘yon,” sabi ng
binata.
Pumunta si Lino at ang pamilya niya sa lamay ni Tomas. Nandoon ang mama at papa niya.
Umuwi ang ama ng binata mula China upang maihatid ang anak sa huling hantungan nito.

“Tomas, tol patawad. Patawarin mo ko at hindi kita nabigyan ng oras. Patawad dahil wala ako
noong kailangan na kailangan mo ako,” sabi ni Lino sa harap ng kabaong ng yumaong kaibigan.
Masakit para kay Lino ang nangyari kay Tomas. Araw-araw, hindi niya maiwasan na sisihin ang
sarili niya sa mga pagkukulang niya bilang isang kaibigan. Subalit, umaasa ang binata na isang
araw ay mapatawad niya rin ng lubusan ang sarili niya.

https://philnews.ph/2018/11/29/maikling-kwento-lino-matalik-kaibigang-tomas/
Gallardo Trishia Mae B.

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

I. MAIKLING KWENTO

II. PAMAGAT: “Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas”

III. NILALAMAN
A. TAUHAN
 Lino- isang aktibo at masiyahing kaibigan ni Tomas
 Tomas- isang masipag ngunit naging tamad, mapagbigay. Lumaking mayaman ngunit
hiwalay ang kanyang magulang.
 Francis- bagong kaibigan ni Lino
 Stanley- bagong kaibigan ni Lino
 Jacob- bagong kaibigan ni Lino

B. TAGPUAN
 Eskwelahan- kung saan nag-aaral si Lino at Tomas

C. GALAW NG PANGYAYARI

 PANGUNAHING PANGYAYARI
 Elementarya pa lamang ay magkaibigan na sina Lino at Tomas hanggang kolehiyo.
Parehas an aktibo at masiyahin sina Lino at Tomas sa klase at patimpalak. Sa kabila ng
hindi sapat na kita ng magulang ni Lino ay hindi ito nagugutom dahil binibigyan siya ni
Tomas at tinutulungan sa pamabayad ng proyekto.
 PASIDHI O PATTAS NA PANGYAYARI
 Ngunit nagbago si Tomas matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang, ang dating
aktibo at masiyahin ay naging tamad. Lagi siyang pinupuntahan ni Lino upang hikayatin
pumasok sa paaralan ngunit tumatanggi ito.
 KARURUKAN O KASUKDULAN
 Isang araw, niyaya ni Tomas si Lino upang mag meryenda ngunit tumanggi ang kaibigan
dahil may lakad siya kasama ang bagong kaibigan na sina Francis, Stanley at Jacob.
Nagdaan ang mga araw ay di nagkita ang magkaibigan dahil naging abala si Lino sa
kanyang pag-aaral at sa sinalihan niyang basketbol team.
 KAKALASAN O PABABANG AKSYON
 Isang gabi ay tumawag si Tomas kay Lino upang kamustahin at nagpasalamat sa kanilang
pinagsamahan bilang magkaibigan. Niyaya ulit ni Tomas si Lino upang lumabas ngaunit
tumanggi na naman ang kaibigan dahil sa may lakad ulit ito. Nalungkot si Tomas ngunit
hindi niya pinahalata.

 WAKAS
 Nagising sa malakas na katok sa pinto si Lino nang umagang iyon, sinabi ng kanyang ina
ang nangyari kay Tomas, natulala na lamang si Lino sa kanyang narinig. Binalita ni Aling
Susan sa kanyang anak na pumanaw na ang kanyang kaibigan kagabi lamang dahil sa
kalasingan, hindi napigilan ni Lino maging emosyonal dahil sa nagyari. Pinagsisihan niya
ang hindi pagsama kay Tomas at nakalimutan niya rin na may pinagdadaanan ang
kaibigan. Umasa si Lino na mapapatawad niya isang araw ang kanyang sarili.

1. TAGLAY NA BISA-
 Nang mabasa ko ang kwento ay nakakatuwa dahil sakanilang kapatid na tinuringan
ngunit nalungkot din sa huli dahil sa sinapit ni Tomas. Ganito ang nagyayari karasmihan
sa isang magkaibigan dahil sa may kanya-kanyang buhay ay malimit nalamang nagkikita
at nagsasama sila, naisip ko ang aking mga kaibigan kung saan sila ang kasama ko sa
kasiyahan ganoon din sa kalungkutan. Dapat magbigay ako o tayo ng oras sa ating
kaibigan kapag sila ay may problema dahil pinagkakatiwalaan nila tayo at kailangan nila
tayo, ang tunay na kaibigan minsan lang natin makikilala sa buhay natin.

2. KAMALAYANG PANLIPUNAN
 Ganito ang realidad sa lipunan, madalas pagnakakilala sila ng bagong kaibigan ay minsan
nalang tayo naaalala, nakaklalimutan ang pinagsamahan katulad din din sa ibang
relasyon , pag hindi na nila nakukuha ang nais nila at nagsawa hindi ka na nila maalala at
mapapalitan ka na. Ang isang kaibigan o kung sino ka pa man sa buhay niya ay isa sa mga
tinuturing pamilya kaya dapat lamang ay samahan natin sila sa kahit anong sitwasyon sa
buhay.

3. TEORYA
 Ang maikling kwento ay nagpapakita ng teoryang sosyolohikal dahil tinatalakay nito ang
kalagayan ng relasyon sa lipunan

You might also like