Concept Notes Mikken Casumpang-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Name: Mikken C.

Casumpang ELEM 2105


Course/Section: BEEd 2-1 09/25/21

TALA NG MGA KONSEPTO SA EDUKASYON PAGPAPAKATAO

Mga Batayang Pilosopiya ng Pagtuturo-Pagkatuto

 1. PILOSOPIYANG PERSONALISMO (Philosophy of Personalism) -


nagsasabing nakaugat ang pagpapakatao sa mga ugnayan. Sinisikap ng
mga tao na hubugin ang kanilang kakayahang umunawa, magsalita,
makiramdam at kumilos sa pamamagitan ng pakikipagkapwa sa kabila ng
indibidwal na pagkakaiba.

 Indibidwalidad - Maaaring magkakaiba ang tao sa pananaw, ideya at


pagpapahalaga ngunit maaari silang matuto sa isa’t isa kung mayroon
silang maayos na ugnayan.

 Pakikipagkapwa - ipinanganak tayong nagtataglay ng mga inaasahang


hakbang, kilos at pahayag sa tamang pakikipag-ugnayan sa ating kapuwa.

 naipapakita sa isang pagmakatarungang pag-aalala sa iba. Ito ay isang


kakayahan ng Pilipino na makiramay sa iba, maging matulungin at
mapagbigay sa oras ng pangangailangan.

 2. ETIKA NG KABUTIHANG ASAL (Virtue Ethics) - tumutukoy sa


katapatan at moralidad ng isang tao. Sinasabi nito na ang pagsasagawa
at pagsasabuhay ng mabuting gawi tulad ng pagiging bukas-palad,
magalang at pag-iwas sa anumang bisyo ay daan sa paghulma ng isang
mabuting tao.

 Moralidad - Ito ay batayan ng pagkakakilala ng tao sa kung alin ang


tama at mali sa mga bagay o pangyayari na nakikita o nasasaksihan.
Nagsisilbi itong gabay sa paggawa ng mabuti.

 Halimbawa: Namulat si Reymon sa isang kumunidad na magulo;


napaliligiran siya ng mga taong may bisyo at hindi maayos ang direksyon
ng buhay. Ngunit, sa halip na magpa-impluwensya ay mas pinili niyang
gumawa ng mabubuting bagay at ito ang naging batayan ng kaniyang
pagkatao.

Mga Batayang Teorya ng Pagtuturo-Pagkatuto

 1. INTERAKTIBONG TEORYA NG PAGKATUTO - inilahad ni Albert


Bandura sa teoryang ito na maaaring matuto ang isang tao sa
pamamagitan ng obserbasyon sa ugali, gawi at pamamaraan ng ibang tao.

 Madalas itong makita sa mga bata. Dahil sila ay natututo sa mga bagay
na nakikita sa loob ng tahanan partikular sa mga magulang, nadadala nila
ito sa kanilang paglaki.

 2. PAGKATUTONG PANGKARANASAN - bawat araw ay mayroon


tayong karanasan; ito man ay maganda o hindi. Sa ating pagninilay at
paggawa ng desisyon batay sa ating karanasan, nagkakaroon tayo
kamalayan sa mga bagay-bagay.
 Karanasan - ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa
pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng
ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain.

 3. KONSTRUKTIBISMO - naka-saad dito na ang pagkatuto ng tao ay


nakukuha rin sa mga karanasan; may mga tao na mas nagagalak matuto
sa paraan ng pagtuklas kaysa direktang pagtuturo.

 4. TEORYA NG PAMIMILI NG KURSO - ayon sa teoryang ito, ang mga


natutuhan ng mag-aaral ay naipapamalas sa pagbuo ng mga pasiya at
makapag-desisyon ng tatahaking kurso.

 Tandaan: Magkakaroon ng saysay ang ating mga natutunan kung


magagamit natin ito sa matalinong pagpili.

Mga salik na maaaring makaapekto sa pagpili ng kurso:

 Saloobin (Attitude) - isang mahalagang bagay na nakakaapekto sa ating


gagawing desisyon tulad ng pagpili ng kurso. Ito ay ang ating saloobin o
pag-iisip.

 Pagtingin sa Sarili (Self-concept) - ito ay ang katangian, paniniwala at


kilos ng isang tao na maaaring mag-udyok sa kaniya na piliin ang kursong
nababagay sa kanyang personalidad.

 Pagpapahalaga - mga bagay na laging isinasaalang-alang ng tao;


maaaring ito ay may malaking parte sa kaniyang pagkatao na nais niyang
isama sa bawat pagpapasya na kaniyang gagawin.

Mga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao

 1. CAREER GUIDANCE - Ang Career Guidance ay maaaring tukuyin


bilang isang komprehensibo, debelopmental na programa na dinisenyo
upang tulungan ang mga indibidwal sa paggawa at pagpapatupad ng may
kaalamang mga pagpipilian sa edukasyon at trabaho. Sa simpleng salita,
ito ay isang paglalakbay kung saan bubuo ang mga tao upang makagawa
ng mga may sapat na kaalaman at matalinong mga pagpapasya.

 Career Planning - ang pagkakaroon ng kongkretong plano ay mahalaga


dahil makakatulong ito na pamahalaan ang direksyon ng iyong kurso at
magiging propesyon. Kaya naman, ang mga kasanayan sa trabaho at
kaalaman na maaaring kailanganin ay dapat na masusing linangin upang
masigurong makamit ang trabahong ninanais mo.

 Career Development - proseso ng pagpili ng pagpapabuti sa iyong mga


kasanayan, at pagsulong sa isang landas ng kaunlaran. Ito ay isang
panghabambuhay na proseso ng pag-aaral at paggawa ng desisyon na
magpapalapit sa iyo sa perpektong trabaho, kasanayan, at pamumuhay.

 Propesyon - isang bokasyon na naitatag sa isang


espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang
makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao,
para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo
magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo

 Propesyunal - ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang


espesyalisadong pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga
ito para sa isang kabayaran.

 2. ETHICS (Etika) - isang sistema na kinapapalooban ng


pagpapahalagang moral, sosyal at kultural ng isang lipunan.

 Tatlong Uri ng Etika: Personal na Etika, Panlipunang Etika, Etikang


Pangkonserbasyon

 Bawat desisyong ating ginagawa ay may kaloob sa etikal na dimensyon.

Mga Dulog sa Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapakatao

 1. PAGPAPASYANG ETIKAL (Ethical Decision Making) - Ang


paggawa ng pagpapasyang etikal ay ang pagbuo ng pasiya o estratehiya
na may pagnanais na mapalawak at malinang ang pagkatao.

 Kaugnay nito, lahat tayo ay may kalayaang pumili at magpasya ngunit


tiyaking lagi itong naka-sentro sa kabutihan.

 2. PANLIPUNAN–PANDAMDAMING PAGKATUTO (Social-Emotional


Learning) - pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at
pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa
ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo
sa mga mapanghamong sitwasyon.

 Halimbawa: Nalalapit na ang kaarawan ni Janet at hiling nito na


magkaroon lamang ng simpleng selebrasyon. Ito ay hindi dahil sa nais
niyang tipirin ang sarili ngunit napagpasyahan niya na ilaan ang pera sa
pagbili ng grocery na ibabahagi niya sa mga senior citizen sa kanilang
barangay. Dito ay ipinakita ni Janet ang pagpapasiyang hindi makasarili at
pagpapasiyang may kabuluhan.

Nahahati sa limang uri ang mga kakayahang ito:


 Kamalayang Pansarili - Ang kamalayan sa sarili ay isang uri ng pagkilala
sa iyong talento, halaga, at hangarin sa buhay, sa pagnanais na
mabigyan ng makulay na kahulugan ang iyong pagkatao.

 Pamamahala ng Sarili - Ito ay tumutukoy sa kakayahang alagaan at


makontrol ang iyong mga kilos at damdamin, pagpili na maging
responsable sa kung ano ang nais mong gawin.

 Kamalayang Panlipunan - Ito ay ang iyong kamalayan sa iyong


responsibilidad sa lipunan. Bilang isang mamamayan, dapat ikaw ay
maging mapanagutan sa pakikibahagi at pakikiisa sa mga gawaing
magpapaunlad sa lugar na iyong ginagalawan.

 Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan - Hindi natin kayang mabuhay


kung tayo ay nag-iisa lamang. Kaya’t nararapat na pagyabungin ang
kakayahan nating makipagkapwa sa pamamagitan ng pagtulong at
pagkawang-gawa.

 Mapanagutang Pagpapasiya - Bawat desisyon ay may kaakibat na


resulta; kaya sa bawat pagpapasya, tiyakin natin na pinag-isipan itong
mabuti at dumaan sa masusing pagninilay.

 3. PAGPAAPLANO NG KURSONG AKADEMIKO O TEKNIKAL


BOKASYONAL - Madalas nating sukuan ang ating mga kurso o trabaho
kung hindi talaga ito ang nais natin para sa ating sarili. Upang ito ay
matagumpay na maiwasan, kailangan ay maging matalino tayo sa pagpili
ng tatahakin nating propesyon -- dapat ay nagkakasundo ang ating puso
at isip sa pagpili.

 Ang kursong akademiko ay tumutukoy sa:


- mga kursong maaaring kunin sa kolehiyo
- mga kursong kailangan tapusin ng apat o higit pa na taon

 Ang mga sumusunod ay ang mga pansariling salik na dapat isaalang-


alang sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyunal.

Talino o Talento
Kasanayan (skills)
Hilig (interest)
Pagpapahalaga (values)
Mithiin (goals)

You might also like