Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

9

Filipino
Unang Kwarter - Modyul 1
Lakbay-Diwa sa Timog
Silangang Asya
Filipino – Ika- Siyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Lakbay-Diwa sa Timog-Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Honebal T. Sibala
Editor: Josie Estrella, Arnulfo M. Girasol
Tagasuri: Josie Estrella, Arnulfo M. Girassol
Tagaguhit: Miriam E. Gatdula
Tagalapat: Maria Katrina Pasko, John Sedrick V. Tabio
Tagapamahala:
Ma. Theresa V. Avanzado – CESO VI, SDS
Samuel J. Malayo – ASDS
Milagros S. Mananquil – Chief, CID
Milagros G. Suyo – Chief, SGOD
Glenda T. Catacutan – EPS, LRMS
Arnulfo M. Girasol – Coordinator, ADM/ESP
Josie G. Estrella – EPS, Filpino
Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tanjay
Departamentamento ng Edukasyon – Rehiyon VII
Office Address: Barangay 9, Tanjay City, Negros Oriental
Telefax: 415 9360
E-mail Address: depedtanjaycity@yahoo.com
9

Filipino
Unang Kwarter - Modyul 1
Lakbay-Diwa sa Timog
Silangang Asya
(Maikling Kuwentong Makabanghay ng
Singapore)
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Patuloy pa ring nababalot sa takot at pag-aalala ang buong mundo sa sakit


at pighating dulot ng nakamamatay na COVID-19. Nagtala ng malupit na
kasaysayan ang pandemya na nagdulot ng pagbaha ng luha dahil sa pagyao ng mga
mahal sa buhay. Tila isang masamang bangungot ang paghahasik ng lagim ng
Corona Virus Disease. Lumaganap ang #STAYatHOME toSAVELives, naipatupad ang
ECQ at naging GCQ at humantong sa New Normal na naging hudyat sa panibagong
hamon.

Hindi pa tapos ang laban, hindi pa natalo ang COVID-19 ngunit hindi sapat
usalin ang awiting “Maghintay Ka Lamang” para sa pagsulong ng Edukalidad.
Kailangang hikayatin ang bawat isa na buhayin ang damdaming mapagmahal sa
karunungan. Karunungang maging malakas na pakpak sa pag-abot sa muntik ng
makalimutang pangarap.

Hinimok ng Departamento ng Edukasyon na itaguyod ang Blended Learning


bilang isa mga pamimilian mula sa Learning Continuity Plan sa taong pampaaralan
2020-2021, na taglay ang paraang maging tulay para maipagpapatuloy ang
edukasyon habang naghihintay ng mabisang gamot sa naturang virus.

Sa kawalan ng internet connection ng ating mga mag-aaral ng Tanjay City


Division na ating isinaalang-alang upang maitaguyod ang kalidad na edukasyon ay
pinili po ng tagapaglikha ng modyul na ito ang Modular offline na maging
pansamantalang lunas sa pagkauhaw at pagkagutom sa karunungan.

Ang mga mag-aaral sa mga paaralang sakop ng Tanjay City Division ang
gagamit nito na nakapag-enrol para sa taong pampaaralan 2020-2021.

Ang adhikaing maiparating ang sapat na kaalaman sa kasagsagan ng


pananalasa ng pandemya ang pinakamahalagang dahilan na nag-udyok para buuin
ang kagamitang ito

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ika-9 na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lakbay Diwa sa Timog
Silangang Asya (Maikling Kuwentong Makabanghay ng Singapore)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

ii
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahan na maihatid at maipaliwanag ang


modyul na ito sa isang malinaw at komprehensibong pamamaraan.
Inaasahan ding maisalokal ang mga gabay at mga gawain tungo sa
pagpapadali ng proseso ng pagkatuto.
Bilang tagapagdaloy, kinakailangang taglay ang positibong mentalidad sa
bagong uri ng sistema ng pagtuturo na kung saan hihikayat sa mga mag-
aaral na ipagpatuloy ang pagkatuto kahit hindi man maisakatuparan at
maisagawa ang face to face na paraan ng pagtuturo na siyang
nakasanayan.

Paalala kay Titser

Ang modyul na ito ay maging kasangkapan ng guro upang patuloy na


matulungan ang mga mag-aaral sa pagkamit ng edukasyon. Buong pusong
hinihikayat ang guro na gagamitin ito nang maluwag sa kalooban, may sariling
pagkukusa at buong pag-iingat.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ika-9 na Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Lakbay-DIwa sa Timog SIlangang Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa modyul na ito ay ating hahalungkatin ang mga akdang


pampanitikan ng Timog-silangang Asya. Matutugunan ang inyong
pangangailangan upang maiintindihan ang ibang pamumuhay at kultura sa
ibang bansa. Ang inyong pagbabasa ay malaking tulong upang inyong
mauunawaan at mapapahalagahan ang mga ugali, ideya, pananaw, saloobin
ng mga taong nabubuhay sa ibang karatig bansa ng Pilipinas. Pag-aralan din
natin ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensya sa uri ng
panitikan na mayroon tayo ngayon. Ang unang Aralin ay naglalaman ng
dalawang maikling kuwento ang una ay pinamagatang “Nang Minsang
Naligaw si Adrian batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N.
Peralta at ang pangalawa ay salin ni Mauro R. Avena na may pamagat na “Ang
Ama” mula sa Singapore kaya, huwag aksayahin ang oras, Halina’t magbasa.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga pangyayari at mga kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda-F9PN-Ia-b-39

Sa araling ito, ay inaasahang:

1. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa akdang binasa batay sa


kanilang pag-uugali.
2. Naibibigay ang mahahalagang bahagi ng kuwento.
3. Naipaghahambing ang mga akdang binasa.
4. Naiisa-isa ang mahalagang pangyayari ng nabasang akda.
5. Mapapahalagahan ang mga desisyon at pagmamahal ng mga magulang.

1
Subukin

Halika na, ating lakbayin at gibain ang unang Pader ng Pagsubok

Oppps. Teka muna…Pakibasa muna sa Panuto:

Kumuha ng sagutang papel at huwag kalimutang isulat ang iyong


pangalan.
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.
Isulat ang titik lamang ng napili mong sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang sa mga sumusunod ang mga tatlong pangunahing bahagi ng


Maikling Kuwento?
A. sukat, tugma, sesura
B. pamagat, taludtod, saknong
C. simula, gitna, wakas
D. tauhan, tagpuan, banghay

2. Ang kuwentong pinamagatang Ang Ama ay isang


A. kwentong pangkasaysayan
` B. kwentong makabanghay
C. kwento ng tauhan
D. kwentong pambayan

Para sa mga tanong 3-4

Nagpatuloy sa paglakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy


pa rin ang kaniyang pagluha. Maraming beses din silang tumigil upang
magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga
ng puno.

Hango sa kwentong batay sa text na


ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta

3. Ano ang dahilan sa patuloy na pagluha ni Adrian?


A. Napipilitan siya at nabibigatan siya sa kaniyang ama.
B. Labag sa kalooban ang kaniyang ginagawa.
C. May nararamdaman siyang sakit.
D. Pasaway ay kaniyang ama.

2
4. Bakit magbali ng sanga ng puno ang ama ni Adrian sa tuwing titigil siya.
A. Gawing toothpick ang sanga.
B. May sayad ang kaniyang tatay.
C. Gagawing pananda ni Adrian sa kaniyang pagbalik
D. Trabaho ng tatay ni Adrian ang maghakot ng panggatong

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka


tumayo. Mayroon siyang naisp. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang
ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibingay ng kaniyang amo sa asawa.

Hango sa Kwentong “Ang Ama”


salin ni Mauro R. Avena

5. Mahihinuha ang ama ay magiging:


A. matatag C. matapang
B. mabuti D. masayahin

Ang Maikling Kuwento ay akdang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari sa buhay na maaring likhang-isip o bunga ng malikhaing
pag-iisip o maaaring hango sa tunay na pangyayari. Nararapat na
makapagpadama o makapagkintal ng diwa o damdamin sa mga
mambabasa.

6. Ang Kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian” ay batay sa__________.


A. text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta.
B. totoong kuwentong nangyari sa ating lipunan.
C. kwentong naisapelikula sa mga pinilakang tabing.
D. likhang-isip lamang ng may-akda.

7. Ang ayaw mangyari ni Adrian kapag nawala na ang kaniyang ama


ay_______
A. maipamana sa kaniyang kapatid ang mga kayamanan nito.
B. mapag-isa balang araw
C. di uuwi mula sa ibang bansa ang kaniyang mga kapatid
D. di pa siya makapag-asawa

8. Ang trabaho ng tauhang si Adrian ay isang_______


A, guro C. abogado
B. enhinyero D. doctor

3
9. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari sa
buhay na maaaring likhang- isip lamang o bunga ng malikhaing pag-
iisip o maaaring hango sa tunay na pangyayari.
A. tula C. epiko
B. nobela D. maikling kuwento

10. Alin ang totoong nararamdaman ng mga bata kapag hinihintay ang
kanilang sa akdang “Ang ama?
A. takot at pananabik C. takot at lungkot
B. saya at lungkot D. saya at pananabik

11. Ang akdang “Ang Ama“ay mula sa bansang_______


A. Pilipinas C. Thailand
B. Korea D. Singapore

12. Ang nabanggit na akda sa bilang 11 ay isang kuwentong makabanghay


dahil ito ay______
A. nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari sa kuwento
B. nakabatay sa tunay na pangyayari
C. may kakaibang pagkakaayos ng mga pangyayari
D. walang katotohanan ang mga pangyayari

Para sa mga tanong 13-15


Isulat ang titik lamang ng tamang sagot.

a. namamaga gawa ng matagal na pag-iyak b. kasaganaan


c. napansin d. gusto e. lumalaki

13. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa


sila ng kanilang ama ng kaluwagang – palad.

14. Namumugto ang mga mata ng Ama dahil sa pagyao ng kaniyang anak.

15. Akala ni Adrian na hindi alintana ng kaniyang ama ang kaniyang


masamang balak.

4
Balikan

Lingunin natin ang nakalipas at muling Balikan…

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Hindi na kailangang isulat ang mga
sagot.
1. Anong uri ng kwento ang nakatuon sa pangunahing tauhan?
2. Ano-ano ang mga uri ng tauhan sa kuwento?
3. Ano ang elemento ng kwento na tumutukoy sa pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari?
4. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng tunggalian?

Mga Tala para sa Guro


Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at
gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat
ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga
proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na
marka.

Tuklasin

Gawain 1
Bago mo basahin ang napakagandang mga akda, kuwento muna tayo
tungkol sa tatay mo. Pakikuha ng lapis at bond paper at mag-isip ng bagay
na maaari mong gamiting simbolo ng tatay mo. Pakiguhit ng bagay na napili
mo at sulatan ng maikling paliwanag. Kapag tapos ka na sa unang gawain
maaari mo ng simulang buklatin ang kwento sa buhay ni Adrian.

5
Gawain 2

Tara lets… Basa na…

Nang Minsang Naligaw si Adrian


(Batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta)

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang


naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang
maging isang doktor.

Lumaki siyang punung-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga


magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang nakapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana
matapos ang dalawang taon mula nang siya’y maging ganap na doctor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.

Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong


makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin
man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang
mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang
manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto
ng kaniyang buhay.

Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang


lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.
Ayaw rin niyang mapag-isa balang araw kapag nawala na ang kaniyang ama.

Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na


operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong
ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama. Bahay.Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na
takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag
tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti
niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.

6
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian napo ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang-araw
kapag kayo’y nawala.”

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na


makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang
kotse. Walang imik na sumama ang ama.

Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang
lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang
daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan
ay tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang
ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang
luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.


“Wala po, Dad”.

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy


rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban
ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil
upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na
sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.

“Bakit nyo po binabali ang mga sanga sa tuwing tayo’y magpapahinga,


Dad?” tanong ni Adrian.

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,


palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw”

Lalong bumibilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,


muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumubalik sa
lugar kung saan sila nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

7
Suriin

Suriin na natin at ating Himayhimayin…

Gawain 1

Halika, gawa tayo ng Autograph para kay Adrian.


Pakigawa ng sarili mong disenyo at doon isulat ang sagot. Gets ba? Oh, di Go
na go na!

Pangalan:
Kaarawan:
Tirahan:
Buhay pag-ibig: (Taken, Umaasa, Naghahanap, Assuming,
Ampalaya):
Kursong Natapos:
Trabaho:
Estado sa pamumuhay ng Pamilya: (mahirap, katamtaman,
may-kaya):
Positibong ugali:
Negatibong ugali:
Gusto sa buhay:
Malulungkot na karanasan:
Desisyong pinagsisihan:
Hugot line/s:
Gawain 2

Binabati kita dahil nakilala mo na ng buo si Adrian…


Matanong nga kita, Oo o hindi lang ang iyong isasagot. Hindi na
kailangang isulat pa ang sagot.

8
1. Kaya mo bang gawin ang ginawa ni Adrian sa kaniyang ama?
2. Tama ba ang ginawang desisyon ni Adrian na iligaw ang ama sa gubat?

3. Napahanga ka ba sa kabutihang loob ng kaniyang ama?


4. Kaya mo bang alagaan ang iyong mga magulang sa kanilang pagtanda?

5. Naiparamdam mo na ba ang pagmamahal mo sa iyong ama?

Silipin naman natin ang kakaibang karanasan na binalot ng takot at pag-


aalala. Handa ka na ba.? Hirit na..

Ang Ama
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata


ang kanilang ama. Ang takot ay sa alalaala ng isang a lasing na suntok sa
bibig na na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang
pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y iniuuwi ng ama – malaking
supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo ay para sa
sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama lamang ay napakarami nito
upang maubos niyang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang
mga bata na kanina paaaligid-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na
mabigyan ng kani-kaniyang parte ang lahat-kahit ito’y sansubo lang ng
masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang
mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse, matatapang ang mga ito kahit na
payat , at nagagawang sila lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang
ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal,
na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos na paslit pa, katulad ng
iba, ay maiingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-
aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa


sila ng ama ng kaluwagang palad nito- sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan
ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila’y makiupo sa
kanila’t kumain ng kaunti.

Pero hindi naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo’y hindi nag-uwi
ng pagkain ang ama; ang katunaya’y ipinapalagay ng mga batang mapalad
sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa

9
kabila n ito’y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng
ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na
nakabitin sa tali sa mga daliri nito.

Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang


pagkain, at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa
nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok
na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang
ina; tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamaga,
kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malaking bahay na katabi
nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at niniyerbiyos na pagtawa
at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila’y
magtatanong kung anong ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama na mas
gabi pa kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga
bata si Mui Mui, otso anyos at sakitin at pahalinghing na parang kuting , ay
madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi. Ito ay mahilig magtuklap
ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng
mapula-pulang patse, gayong paulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang
nakakainis talaga ang kaniyang halinghing. Mahaba at matinis , iyon ay
tumagal ng ilang oras , habang siya ay nakaupo sa isang bangko sa isang
sulok ng bahay, namamaluktot na nang nakahiga sa banig kasama ang ibang
mga bata, na di makatulog.

Walang pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae na


malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na
boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi na humahalinghing si
MuiMui. Alam nila na ang halinghing na niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama na ito’y nakabubulahaw na sisigaw at kung
hindi ito huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong
lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito sa kabubuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil


nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang
bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano ang kamao ng ama
ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabilang
kuwarto. Kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na
naglabasan ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina
ng bata sa pamagitan ng malamig na tubig.

10
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina
lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon na may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taganayon ang nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang
makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble
ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho.
Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad
na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulhol. Ang balita
tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa
kaniyang amo, isang matigas na loob pero mabait na tao, na noong
nagdesisiyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga
anak. Dala ng kagandahang- loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay,
kalakip ang munting abuloy ( na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki
imbes sa lalaki mismo) nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang
magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang
anak. Ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo’y naging nakapalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang


malupit at inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay
ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang
wagas na pagmamahal sa patay na bata., kaya nagdadalamhati siyang
nagtatawag “ Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! Nakita niya
ito sa libingan sa tabi ng gulod, payat, maputla, at napakaliit- at ang mga
alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay,
na ang iba’y lumayo na may luha sa mga mata at bubulun-bulong. “Maaaring
lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal na mahal niya ang
bata.”

Tumayo ang nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka


tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang
ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa
(na kiming iniabot naman agad ito sa kaniya, tulad ng nararapat. Binilang
niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak.
Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay.
Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan
nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na
uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking
supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa.
Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ay kahon ng
mga tsokolate. Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon

11
yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sinabi
ng pinakamatandang lalaki’y biskwit; nakakita na siya ng maraming kahon
tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng
pinakamatandang babae ay kendi, ‘yong katulad minsa’y ibinigay nila ni Lau
Soh, na nakatira roon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang
kambal ay nagkasiya sa pandidilat at pagngingisi sa pananabik; masaya na
sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot
na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng
kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa


mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat
ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha n ito ang malaking supot
at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na
wari’y kanila na sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang
matiyak na hindi sila maririnig ng ama. “Tingnan natin kung saan siya
pupunta”. Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang
malayo-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon , tiyak na makikita sila nito
at sisigawang bumalik sa bahay. Pero ngayo’y nasa isang bagay lamang ang
isip nito at ni hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng


puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot
na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
“Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi
ang mga ito. Sana’y tanggapin mo “. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak,
habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.
Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa
katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na
inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi
niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang ‘di nila maranasang muli.

Ang akdang “Ang Ama” ay halimbawa ng isang uri ng


kuwentong makabanghay na nakatuon sa pagkakabuo
ng mga pangyayari.

O di ba, ang Lupet as in Malupit na kapalaran ang sinapit ng mga


tauhan. Sige nga pag-usapan nga natin uli..

12
Gawain 1

Panuto: Ayusin ng tamang pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari batay


sa kwentong “Ang Ama” na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik lamang ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.

• Sinaktan ng kanilang ama ang


kanilang ina.
• natanggal sa pinagtatrabahuan ang
ama ng mga bata.
• Namatay si Mui-Mui.
A • Dumating sa bahay ang amo ng Ama
at nagbigay ng pera

• Nagdala ng dalawang supot ng


pansit ang ama para sa buong
pamilya.
• Kasamang kumain ang
naliligayahang ina ng mga bata.
B • Umuwing lasing ang ama ng mga
bata

• Nagsisi ang kanilang ama sa pagkamatay


ng kanilang kapatid.
• Nagdala ng supot ng ubas at kahon ng
biskwit sa kanilang bahay ang kanilang
ama.
• Pumunta sa libingan ang Ama at doon
C umiyak
• Nagkaroon ng salo-salo ang magkakapatid
sa sementeryo

13
Pagyamanin

Gawain 1

Para lubos nating makikilala ang mga tauhan sa dalawang akdang


binasa, Subukan nating ipaghahambing ang bawat isa nito. Iguhit sa isang
bond paper ang tsart sa ibaba.

Nang Minsang
Naligaw si Adrian Ang Ama

Ama Ina Adrian


Mga Mui Mga
kapatid Ama Ina
Mui kapatid

Isaisip

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga katanungan at sagutin. Isulat sa sagutang papel


ang inyong mga sagot.

1. Saan nakatuon ang kwentong makabanghay?


2. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang “Nang Minsang Naligaw
si Adrian”.
3. Ano ang balak gawin ni Adrian sa kaniyang ama at saan niya ito nais
gawin?

14
4. Bakit naisip ni Adrian ang masamang balak sa kaniyang ama?
5. Nagtagumpay ba si Adrian sa kaniyang plano?Bakit?
6. Ilang anak mayroon ang mag-asawa sa akdang “Ang Ama”.
7. Anong uring ama ang naroon sa kwento?
8. Anong pagkain ang paminsan-minsang dala ng ama sa kaniyang pamilya.
9. Bakit kaya nasisante ang ama sa kaniyang trabaho?
10. Bakit nagawang umiyak ang ama sa katapusan ng kwento?

O, di ba? Petmalu ang galing Mo sa pagbabasa… Alam kong Carry mo to!

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Gumawa ng maikling Tula alay sa ama mo. Malaya kang gumawa
ng sariling pamagat. Isulat sa isang bond paper at maaari mong lagyan ng
disenyo.

Tayahin

Panuto: Kumuha ng sagutang papel at sagutin ang mga katanungan. Lagyan


ng panandang tsek(/) kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at
ekis(X) naman kung mali ang isinasaad nito.

1.__________ Minahal ni Adrian ang kaniyang mga magulang sa simula at


katapusan ng kwento.
2.__________ Kailanman hindi nagawang mahalin ng ama ang kaniyang mga
anak sa akdang “ Ang Ama” .
3.__________ Magkatulad ang ugali ng dalawang ina sa dalawang akdang
nabasa.
4.__________ Nagkasakit ang tatay ni Adrian dahil sa paglalasing.
5.__________ Ang ama sa akdang “Nang Minsang naligaw si Adrian” ay
tauhang lapad.
6. __________Ang ama sa akdang “Ang Ama” ay tauhang bilog.

15
7. __________ Naging mabuting anak si Adrian sa simula at katapusan ng
akda.
8.__________ Hindi rin naging makatarungan ang mga kapatid ni MuiMui sa
hatian ng pagkain.
9. __________ Ang pag-iyak ng ama sa akdang “Ang Ama” ay tanda ng
tagumpay.
10._________ Nagsalo-salo ang magkapatid sa libingan ni MuiMui dahil sila ay
nagdiriwang.
11. ________ Hindi naniniwala ang mga kakilala sa pamilya ni MuiMui na
mahal siya ng kaniyang tatay.
12._________ Ang pag-alay ng pagkain sa mga patay ay bahagi ng kultura ng
bansang Singapore.
13._________ Walang hustisya ang naganap sa pagkmatay ni MuiMui.
14. ________ Halatang-halata na kapos sa pagkain ang mga anak batay sa
iniugali ng mga ito.
15. ________ Ang dalawang kwentong nabasa ay may tunggalian tao laban sa
tao.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Anak” ni Freddie Aguilar at


gumawa ng sariling pagninilay. Isulat sa isang bond paper ang iyong
magawang repleksyon. Maaari mong lagyan ng disenyo ang iyong gawa.

16
17

Balikan Suriin

1. kwento ng tauhan Gawain 2


2. lapad, bilog/kontrabida, 1. Oo
bida/antagonista,protagonist 2. Hindi
a 3. Oo
3. balangkas 4. Oo
4. tao laban sa tao, tao 5. Oo
laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa Para sa akdang “Ang Ama”
kalikasan, tao laban sa Gawain 1
bayan 1. B
2. A
3. C

Pagyamanin

Mga posibleng sagot


Isaisip
Nang Minsang Naligaw si Adrian
Ama- maalalahanin, maalaga, 1. sa pagkakasunod ng mga
mapagmahal pangyayari
Ina- maalaga, mapagmahal 2. Adrian, ama
Adrian- matalino, minsan naging 3. iligaw sa gubat
makasarili, maalalahanin 4. takot siyang mag-iisa
Mga kapatid- matalino, pabaya habang buhay
sa magulang 5. Hindi. Nakokonsyensya at
nagsisi
Ang Ama 6. 6
Ama- lasinggero, malupit, 7. lasinggero, iresponsable
makasarili, iresponsable 8. pansit
Ina- masasaktin, mahina 9. Dahil sa paglalasing
Mui-Mui- mahina, masasaktin 10. Pinagsisihan niya ang
Mga kapatid- makasarili, kaniyang pagpatay kay
matakaw MuiMui

Subukin

1. C 6. A 11. D
2. D 7. B 12. A
3. B 8. D 13. B
4. C 9. D 14. A
5. A 10.A 15. C

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Avena, Mauro R. (isang pagsasalin) (2014) Filipino 9, Panitikang Asyano,


Kagamitan ng Mag-aaral, pah. 17-20

Dr. Romulo N., Peralta (Batay sa text na ipinadala sa kaniya), (2014) Filipino
9, Panitikang Asyano, Kagamitan ng Mag-aaral, pah. 14-15

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Tanjay City Division

National Highway, Barangay IX, Tanjay City

Telefax: 415-9360

Email Address: Depedtanjaycity@yahoo.com

19

You might also like