Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tignan natin ang ating bansang pilipinas. Maganda,mayaman at masaya.

Ngunit alam ba ninyo na sa kabila


ng magandang imahe ng ating bansa ay nakakubli ang isang suliraning batid ng karamihan ngunit bulag sa
kasagutan. Hindi na bago satin ang isyu ng kahirapan. Kung tutuusin may kung ilang dekada na ito
nararanasan at pinag-uusapan. Sa kasalukuyan, nasaan ba ang mga taong mahihirap? May nagbago ba sa
kanilang buhay simula nang pag-usapan ito? Nabibigyan ba ng solusyon ng gobyerno ang problema sa
kahirapan?

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam sa anyo o kalagayan ng isang taong mahirap? Sinu-sino ang taong
mahirap? Ang taong mahirap ay hindi mahirap hanapin. Sa aking palagay, ang taong mahirap saan ka man
lumingon sa paligid ay makikita. 

 Sila ang mga taong walang sariling bahay, damit at pagkain. Sila ay salat sa karangyaan ng buhay. Sila ang
mga taong madalas natutulog sa kalsada, sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa mga parke, sa tabing ilog, sa mga
lugar na malapit sa dumpsite, sa mga flyover, overpass, waiting shed, harap ng isang fastfood chain kung
sarado na, at kung saan-saan pa.maihahalintulad na sa isang sakit ang kahirapan; isang sakit kung saan onti
onting pumapatay sa masaganang sistema ng isang bansa mahirap mang aminin ngunit sa tagal ng panahon
tila’y wala ng lunas ang sakit na ito, sya nga bang tunay? Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan pa bang
maglaan ng P1-B para lang malaman ang pinakamahirap na pamilya
hindi na kailangan pang pagkagastusan o gumastos ng P1-B para lang tukuyin ang pinakamahihirap na
pamilya. Batid naman nating lahat lalo at higit ng gobyerno ang kalagayan ng mga taong mahirap. Sa mga
isinagawang sarbey noon pa ng National Statitics Office (NSO) ay nakakakuha na ng datus ang gobyerno. Ang
mga datus na ito ay maaaring gamitin ng gobyerno sa sinasabing pagtukoy sa pinakamahirap na pamilya.
 
Maraming tumatakbo sa isip ko kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng paghihirap ng mga Pilipino maari bang
isa itong masamang sumpa na ibinigay satin o dahil sadyang nakakabit na sa ating kasysayan ang kahirapan.
Ilang administrasyon na ang nangako na wawakasan ang kahirapan isang pangakong labis na inaasam na
matupad ng mga pilipinong nasa pedestal Ang tanong ng maraming Pilipino karapat-dapat ba nilang
maranasan ang tila araw araw na pasakit n g ating bansa?
Ang bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay. At para mabuhay ay simple lang naman ang kailangan ng
tao - pagkain, damit, at bahay. Tungkulin naman ng gobyerno na pangalagaan at tulungan ang kanyang
mamamayan. Pansinin natin sa mga kalsada. Hindi ba totoo na marami tayong nakikitang pusa na
nasagasaan sa mismong gitna ng mga kalsada. Ito ay patunay lang na wala na silang makain sa loob ng
bahay ng kanilang mga amo kung kaya lumalayas at naghahanap ng makakain. Ang matinding kahirapan ay
resulta ng pagtataguyod ng mga bansa, gobyerno, at mga indibiduwal ng kanilang pansariling interes

May ginagawa bang paraan ang gobyerno upang wakasan ito? Yan ang madalas na tanong ng nakararami.
Isa sa mga dapat gawin ng gobyerno upang wakasan ang kahirapan ay Tanggalin ang korupsiyon sa
gobyerno na siyang nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino. Kung wala sanang corrupt na opisyal ng
gobyerno, ang budget sa iba't ibang ahensiya o kagawaran ay deretsong maitutulong sa mga tao. Halimbawa,
sa edukasyon, mailalaan talaga ang pondo para sa mga kagamitan ng batang mag-aaral, kailangang mga
kagamitan ng paaralan at sapat na guro. Mailalaan din sana ang pondo para sa pangkabuhayan ng mga tao
upang magkaroon ng sapat na trabaho o pagkakakitaan. Kung bawat ahensiya ay aktibo sa pagtulong at
tamang paggamit ng pondo hindi sana ganito kahirap ang buhay ng mga Pilipino. 

Maganda ding gawing adhikain ng gobyerno ang pagpapatatag ng edukasyon sa pilipinas Maraming pilipino
ang walang matinong trabaho dahil hindi nakapagtapos sa pag-aaral na nagiging sanhi ng kanilang paghihirap
ang mga natutuhang karunungan (knowledge), kaalaman (know-how), at kakayahan (skills) mula sa tinapos na
kurso ang siyang magiging batayan ng papasukang trabaho.

Dapat ding bigyang pansin ng gobyerno ang pagpapalawing ng family planning huwag munang mag-aasawa
kung wala pa siyang matibay na trabaho at kinikíta. Sa trabaho at kinikíta magmumula ang ipantutustos sa
mga pangangailangan ng asawa’t mga anak. Kung wala pang trabaho at kinikíta, pero nag-aasawa’t nag-
aanak na, ang kalalabasan ng ganyan ay gútom. Simpleng lohika lámang ang kailangan dito. Hindi natin
kailangang maging mga henyo upang maunawaan ito.

ang bílang ng magiging mga anak ay dapat ibatay sa kinikíta hindi porke sinabi ng Dios na kayo ay mag
parami kayo naman ay magpaparami ng hindi isinasalang-alang ang mga magiging kahihinatnan nito . Kung
ang kinikíta ay sapat sa lima, anim, pito, o higit pang anak, at gustong gumawa ng lima, anim, pito, o higit pang
anak, aba’y di gumawa ng lima, anim, pito, o higit pang anak. Pero kung ang kinikíta ay sapat lámang sa isa o
dalawang anak, pero walo ang ginawang anak, mauuwi iyan sa kasalatan sa pagkain, damit, pag-aaral,
pampaospital, pampadental, at iba pang mga pangangailangan kung ang isang tao ay hindi makapag-aral o
wala 
pang trabaho at kinikíta, huwag niyang gawing lunas sa ganyang problema ang pag-aasawa at pagpapamilya.
Walang magulang na papayag na ang kanyang anak ay basta na lámang mag-aasawa at gagawa ng mga
anak kahit wala pang natatapos na pag-aaral, wala pang trabaho, at wala pang kíta.
ang bawat isa sa atin ay dapat matutong makapagsarili o maging independent.

Ngunit atin ding pagkatandaan na huwag iasa sa gobyerno ang lahat matuto tayong magsipag at magsumikap
upang buhay natin ay maging maginhawa alam kong sa panahon natin ngayon ay mahirap para
masulusyunan ang problema ng kahirapan sa ating bansa. Walang sapat na gamot para ditto at wala ding
konkretong sagot para ditto. Ngunit kung tayong lahat ay magsusumikap para matugunan ang problemang ito,
walang mahirap na sitwasyon ang di natin mabibigyan ng kasagutan. Huwag tayo umasa lamang sa
pamahalaan. Isipin natin lagi na ang kahirapan ay hindi panghabang-buhay. Ang kahirapan ay hindi dapat
ipamana sa susunod na henerasyon sikapin nating mag iwan ng isang masaya at maginhawa na pamumuhay
para sa susunod na henerasyon may sulosyon ang bawat problema nasa sa saatin na lamang ito upang
tuklasin.

You might also like