Professional Documents
Culture Documents
AP10 - Q1 - Mod1of5 - Konseptoatkonteksto Ngkontemporaryongisyu - v2
AP10 - Q1 - Mod1of5 - Konseptoatkonteksto Ngkontemporaryongisyu - v2
3
Alamin
5
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.
1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
a. lipunan
b. bansa
c. komunidad
d. organisasyon
2. Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa
isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
a. Isyung Personal
b. Isyung Panlipunan
c. Isyung Ekonomiko
d. Isyung Sibiko
3. Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng
pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang
pagbaha.
a. Isyung Medikal
b. Isyung Pangkapaligiran
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pang Ekonomiko
4. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa
mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere.
a. Deforestation
b. Illegal logging
c. Climate Change
d. Natural Calamity
6
5. Ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa
Wuhan, China.
a. MERS
b. SARS
c. FLU
d. COVID19
6. Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at
migrasyon
a. Isyung Pang-ekonomiya
b. Isyung Pangkalakalan
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pangkapaligiran
7. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
a. pang-aabuso
b. pagsasamantala
c. diskriminasyon
d. pananakit
8. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong
Isyu sa Lipunan at Daigdig?
a. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang
kaisipan.
b. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang
koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
c. Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang
kaalaman sa kasalukuyan.
d. Lahat ng nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng
Kontemporaryong Isyu?
a. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney
b. Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
c. Bayanihan to heal as one Act
d. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
7
10. Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o
suliranin ay isang Kontemporaryong Isyu. Maliban sa isa.
a. may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan
b. may malinaw na halaga sa lipunan o sa mga mamamayan
c. may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
d. may mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa
lipunan
Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala kung
tama man o mali ang iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag aaral ng
paksang ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at maiwawasto ang maling
konseptong nabuo.
8
Aralin
1 Konsepto ng
Kontemporaryong Isyu
Ang salitang ‘’kontemporaryo’’ ay ginagamit sa iba’t-ibang konteksto at
konsepto. Ito ay nagbibigay katangian sa panahon mula sa pagitan ng ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid ang mga pangyayari na nangyari
sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay
maituturing na kontemporaryo.
Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito
ay dapat na mahalaga at makabuluhan sa lipuang ating ginagalawan, may malinaw
na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan, may matinding impluwensya sa takbo
ng kasalukuyang panahon at mga temang napag-uusapan at may positibong
impluwensya sa lipunan
Balikan
Tuklasin
Ano ang Kontemporaryong Isyu?
Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula
sa salitang com+tempor na nangangahulugang current o napapanahon. Kapag
sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa
kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling sabi, ito ng
pinakapinag-uusapan sa ating lipunan ngayon.
10
Aralin
Uri ng Kontemporaryong
2 Isyu
Suriin
Ang isyu tungkol sa COVID19 o 2019 Novel Corona Virus ay isa sa mga
pinakatampok na kontemporaryong isyu dahil ito ang pinaka bagong uri ng corona
virus na kagaya ng MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at SARS (Severe
Acute Respiratory Syndrome). Ang 2019-nCoV ay sinasabing nagmula sa siyudad ng
Wuhan, sa probinsiya ng Hubei sa China. Mahigit 10,000 na ang namatay dahil sa
impeksiyon at 200,000 ang apektado nito sa Wuhan, China. Ayon Department of
Health (DOH), dito sa Pilipinas mayroon na tayong mahigit 14,000 na
kompirmadong nahawaan ng virus at nasa 1,000 na ang namamatay.
Paano ba natin tingnan at pahalagahan ang Kontemporaryong Isyu? Sa
konteksto ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu, ang pagtuturo ng mga
katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno,
ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng
malalim na pag-unawa at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng angkop
at makabuluhang talakayan o interaksiyon na kung saan ang lahat ay nagbibigay
ng kani-kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu.
Gawain 2: Inside the Box
Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng
kontemporaryong isyu na makikita sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa
patlang na nakalaan.
11
_____________________________1. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise
_____________________________2, COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser
_____________________________3. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste
_____________________________4. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN
_____________________________5. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility
_____________________________6. LGBTQ, Same Sex Marriage, Foot Binding
_____________________________7. Coal Mining, Deforestration, Illegal Logging
_____________________________8. Cha-Cha, LTFRB, Balik Probinsiya Program
_____________________________9. Telcos, Stock Market, Imported Rice
_____________________________10. Dual Citizen, Birth Certificate, Pilipino
12
4. Isyu sa Pagkamamamayan at Karapatang Pantao
Ito ay mga isyung may kinalaman sa kapakanan at kagalingan
(welfare) ng lahat. Kabilang dito ang mga isyu ukol sa batas, citizenship at
mga paglabag sa karapatan.
Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga
isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa
isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may
bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning ating kinakaharap
ngayon.
Pagyamanin
1.
2. _________________________ 2. ______________________________
13
3.______________________________ 4. _________________________________
5. _____________________________
14
Aralin
3 Kahalagahan ng
Kontemporaryong Isyu
Isaisip
Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya
dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pag hahanap
ng solusyon sa bawat isa. At bilang isang mamamayan ng ating bansa,
naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa
pang-arawaraw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga
nangyayari sa mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong
mamamayan na may pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana tayong
magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong isyu
upang makatulong sa kung ano man ang dapat paunlarin.
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito
ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito
ang ilan kung bakit mahalagang pag-aralan natin ito:
1. Paggamit ng mga malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mga
mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensya sa tao, bansa, o mundo
2. Pagsusuri o pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga
pangyayari
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’tibang sanggunian para
makakalap ng mga impormasyon
4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuring kwantitatibong
datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan
5. Pagsisiyasat, pagsusuri, ng datos at iba’t ibang sanggunian, at
pagsasaliksik
6. Mapanuring pag-iisip, Matalinong pag-papasiya, mabisang komunikasyon,
pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw
15
7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at
pagtugon sa mga pandaigdig ang suliranin
8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay
naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw.
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura,
paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao.
10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng
iba.
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga
kontemporaryong isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga
nangyayari sa paligid?
Isagawa
Bigyang Kahulugan
Malaking hamon sa mga bansa sa Asya at sa iba't ibang panig ng mundo
ang mabilisang pagkalat ng COVID19. Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang
hakbang o patakarang ipinatutupad upang masugpo at mapigilan ang pagkalat nito
habang wala pang gamot na natutuklasan. Tunghayan mo ang kaso ng Amerika,
suriin kung paano nito tinugunan ang panganib na dulot ng patuloy na pagkalat ng
COVID19.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa at
sa buong mundo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapagkakatiwalaan,
maabilidad, makabansa at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa pagharap sa mga
suliranin at hamon na ating nararanasan sa kasalukuyan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Tayahin
Gamit ang iyong natutunan, paano maituring ang isang pangyayari o suliranin na isang
Kontemporaryong Isyu?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
17
Karagdagang Gawain
18
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. DepEd AP10LM (Draft)
2. Kontemporaryongisyu.blogspot.com
3. Academia.edu/28635459/kontemporaryongIsyu
4. https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrwJUj9B9teBC
0AgqO0Rwx.;_ylc=X1MDMjExNDczNDAwNARfcgMyBGZyAwRncHJpZANZek9
hWUEzRFFlcXNGdjB5Z3FJX2xBBG5fc3VnZwMxMARvcmlnaW4DcGguaW1h
Z2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzEEcHFzdHIDa29udGVtcARwcXN0
cmwDNwRxc3RybAMyMgRxdWVyeQNrb250ZW1wb3JhcnlvbmclMjBpc3l1BH
Rfc3RtcAMxNTkxNDEyNzky?fr2=sa-gp
ph.images.search&p=kontemporaryong+isyu&ei=UTF-8&iscqry=&fr=sfp
19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
20