Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

isyung pangkapaligiran – suliranin o usapin dulot ng natural calamity o gawa ng tao.

Hazard - hind inaasahang likas o natural na pangyayaring maaaring magdulot ng pinsala sa tao at
kaniyang komunidad.

Peligro - Probabilidad ng isang pangyayari at ang negatibong epekto nito

Isyung pangkapaligiran ay karaniwang kinapapalooban ng mga pangyayaring likas o gawa ng tao na


nagdudulot ng pinsala sa buhay, ari-arian at gawaing pang-ekonomiya ng mga mamamayan.

Sentro : pagtalakay ng mga suliraning hatid ng mga natural na kalamidad at mga gawain ng mga tao na
kapinsalaan sa tao at ating kalikasan.

Heograpikal – pangunahing dahilan kung bakit ang bansa ay humaharap sa iba’t ibang kalamidad o
panganib (hazard)

hazard - pangyayari o sitwasyon sa isang partikular na lugar na maaaring magdulot ng kapahamakan sa


tao, ari-arian at maging sa kapaligiran sa pangkalahatan.

dalawang uri ng environmental hazard:

natural hazard – pangyayaring walang control ang tao at gawa ng kalikasan

human-induced hazard - panganib na dulot ng kapabayaan, maling mga gawain at kabiguan na


maipatupad ang isang sistema.

NATURAL HAZARD :

1. Bagyo - malawakang weather system na nagdadala ng mga malalakas na hangin at mabibigat na


buhos ng ulan

-pagbaha (flooding), flashflood, landslide at iba pa

-pangunahing hamon ng kapaligiran

- 20 bagyo – pumapasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility kada taon.


- PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration -
nagpapalabas ng tinatawag na Public Storm Warning Signal upang malaman ang lakas ng bagyong
paparating.
 limang public storm warning signal number.

2. Storm Surge o daluyong ng bagyo - hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan


habang papalapit ang bagyo sa baybayin.
Sanhi : malakas na hangin dahil sa pagbaba ng presyur sa mata ng bagyo na nagtutulak sa tubig-
dagat, dahilan upang ito ay maipon at tumaas.

3. Storm Tide - pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa storm surge at astronomical tide.

astronomical tide - lebel at katangian ng tubig dagat na direktang naaapektuhan ng grabitasyon ng


mundo, buwan at araw. Delikado kapag sumabay sa high tide.

4. Baha (Flooding) - pagtaas ng tubig sa ilog, lawa, sapa at iba pang anyong tubig na nagdudulot ng
pag-apaw at pag-agos ng tubig sa mga karatig na mabababang lugar. Pinsala : sa mga ari-arian at
maging pagkasawi ng maraming buhay.

Sanhi : malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan na dulot ng sama ng panahon

PAGASA - color-coded rainfall adivisories (yellow, orange at red)

nakadepende sa lakas at dami ng pagbuhos ng ulan

5. Flashflood - rumaragasang agos ng tubig na may kasamang bato, putik, kahoy at marami pang
iba.
higit na mapanganib dahil mabilis ang dating at hupa.
Bunga : matinding pag ulan.

6. Landslide - pagbagsak ng lupa, bato, putik at iba pa mula sa mataas na lugar tulad ng bundok at
burol.
Sanhi : malalakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan, batak ng natural na balani o magnet
ng ating daigdig, lindol

7. Lindol - isang biglaan at mabilis na pag-uga o pagyanig ng lupa.


 fault – biyak
 Aftershock – pag yanig kasunod ng lindol
 Epicenter – kung san nag simula ang pag yanig
 Magnitude – sukat ng enerhiya
 Seismic waves – alog na dumadaloy papalayo sa fault

8. Tsunami - serye ng mga higanteng alon na nangyayari matapos ang paggalaw sa ilalim ng dagat
9. Pag sabog ng bulkan

Bulkan - isang lagusan sa ibabaw ng daigdig kung saan lumalabas patungo sa ibabaw ng daigdig
ang magma at ilang volcanic gases
Bulkang Taal at Bulkang Mayon noong unang buwan ng 2020. volcanic ash fall.
HUMAN INDUNCE HAZARD

1. Solid Waste

Ilog ng San Juan sa Kalentong, Mandaluyong City - hindi na makadaloy dahil sa kapal ng naghalo-halong
basura.

Estero de Magdalena sa Maynila - sa nangingitim na nitong tubig ang iba’t ibang basurang itinapon dito.

informal settlers – nagtatapon direktang basura.

Kalakhang Maynila – pangunahing problema ay baha dahil sa basura dahil barado ang mga estero at
daluyan ng tubig.

‘’Ang basurang itinapon mo; babalik din sa iyo.”

Ecological Solid Waste Management Act of 2000. - Batas Republika 9003

- magkaroon ng ligal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa

- pagtatapon sa hindi tamang lugar

waste segregation – bago dahil sa dump site.

Rebolusyong Industriyal

Basura - malalaki at mauunlad na bansa at nawawalan na ng espasyo para sa mga basurang nililikha ng
kanilang mga pabrika.

Eco-Waste Coalition, 2015 – nagiging tapunan ng basura yung mga papaunlad palang na bansa katulad
ng pilipinas ng mga mauunlad ng bansa.

National Solid Waste Management Status Report, 2015 – mula sa tahanan ang malaking bahagdan ng
itinatapong basura ng mga Pilipino.

Resolba : magkaroon ng mas malawak na suporta ang iba’t ibang sector para maipatupad ang batas at
pag uugali ng Pilipino simulant sa tahanan.

2. Polusyon - isang isyu na tuwirang nakaugnay sa unang nabanggit na suliraning dulot ng mga gawain at
desisyon ng tao – ang basura.

Polusyon - kontaminasyon sa hangin, tubig, lupa at iba pang bahagi ng kapaligiran na pangunahing
bunga ng mga mapang-abusong gawain ng tao sa kalikasan.

URI NG POLUSYON :
 Polusyon sa Lupa - ay bunga ng pagtatapon ng iba’t ibang uri ng mga basura at labis na
paggamit at pakikinabang ng tao sa lupa.
- paggamit ng mga kemikal sa pagtatanim at pagmimina. 

Kalupaan - nakokontamina ng iba’t ibang uri ng kemikal. kalidad ng lupa ay tuluyang bumababa.
Pagmimina - tuluyang sinisira ng gawaing ito ang natural na kalagayan ng kalupaan at kabuuang
komposisyon ng lupa.

 Polusyon sa Hangin - pagbabago sa likas na komposisyon ng hangin. Ang paghalo ng usok,


alikabok, amoy ng basura at iba pa sa hangin ang dahilan ng kontaminasyon nito.
Sanhi : migrasyon at urbanisasyon.
Kalakhang Maynila – sentro ng kalakalan at komersiyo

 Polusyon sa Tubig - tumutukoy sa kontaminasyon ng ating mga katubigan na maiuugat sa


nagsanga-sangang dahilan.

air-based pollution tulad ng acid rain phenomenon - pangunahing dahilan kung bakit
napupunta sa mga katubigan ang mga kemikal at iba pang dumi na nasa hangin na sa
pamamagitan ng pagbuhos ng ulan;

land-based pollution - maiuugat sa pagdami ng tao sa mga lugar sa paligid


thermal pollution - nagtatapon ang mga planta ng mainit na tubig na nagpapababa ng oxygen
nonpoint solution pollution - dumi o kemikal na nagmumula sa mga tahanan ng mga
mamamayan na dumadaloy sa mga tubo

3. Oil Spill - pagtagas ng langis (liquid petroleum hydrocarbon) sa ating kapaligiran partikular na sa mga
katubigan dahil sa mga gawain ng tao

sa Isla ng Guimaras noong ika-11 ng Agosto taong 2006 - pinakamalalang pangyayari sa bansa

M/V Solar, oil tanker lumubog sa isla.

napinsalang kabuhayan, apektado ng nasabing pangyayari ang ekta-ektaryang bakawan at coral reefs.

Kapag ang langis ay tumagas sa katubigan, ang hangin (oxygen) ay hindi na nakapapasok dito. Ang mga
isda din ay nakukulong dulot ng lagkit nito

4. Deporestasyon (deforestation) - pagkakalbo ng kagubatan

 Illegal logging - Ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan


 Fuel Wood Harvesting - tumutukoy sa paggamit ng puno bilang panggatong.
 Ilegal na Pagmimina - mayamang deposito ng mga mineral at ang pangakong mataas na kita
 Paglaki ng Populasyon at Migrasyon - mabilis na pagdami ng tao. Sa paglaki ng populasyon ay
patuloy na tumataas ang pangangailangan sa mga kalakal o produktong nagmumula sa gubat.
kagubatan ng bansa upang tayuan ng mga panirahan ng mga mamamayan.
Migrasyon - higit na dumadami ang mga taong nangangailangan ng yamang maaaring makuha sa
mga kagubatan.. subdivision, paaralan, ospital, plantasyon at iba pang imprastruktura sa mga
datin

5. Climate Change - pagbabago ng klima o paglihis ng takbo ng klima mula sa nakasanayang


pattern.
Sanhi : paglaganap ng greenhouse gases o mga heat trapping gases sa ating atmospera na
kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at iba pa.
Greenhouse gases : mapanatili ang buhay sa lupa, nagbibigay init.

Lumalabis na ang greenhouse gases, ang ating atmospera ay maihahalintulad na sa isang


makapal na kumot na nagkukulong ng higit na init kesa sa kinakailangan.
global warming - unti-unting pag-init ng mundo

PAG TUGON :
Mitigation - sumasaklaw sa pagkilos o hakbangin na ang pangunahing layunin ay bawasan ang
mga elementong nakapagpapalala
pag-reduce, reuse at recycle.
Reforestation o pagtatanim ng mga puno
mag-aksaya sa paggamit ng kuryente at tubig at maglakad o magbisikleta upang makatulong sa
pagbawas ng carbon dioxide

Adaption - sumasakop sa mga pagkilos o hakbangin na ang pangunahing layunin ay makaangkop


ang mga tao sa mga pinsala ng mga sakuna.
Pagpapatayo ng mga bahay na yari sa bakal at semento upang higit na maging matibay lalo na at
madalas ang bagyo sa bansa.
Pagkatuklas ng iba’t ibang varieties ng palay na kakayaning makipagsabayan sa mga pagbabago
ng panahon sa pangunguna ng ahensyang International Rice Research Institute o IRRI.
Regular na pagsusuot ng face mask at iba pang tinatawag na protective gear upang
maprotektahan ang sarili sa anumang sakit na dulot ng iba’t ibang hindi magandang pangyayari.

You might also like