Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsasanay 1

Panuto: Piliin ang

a. Kung tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

b. Kung mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

c. Kung parehong tama ang mga pahayag.

d. Kung parehong mali ang mga pahayag.

C 1. Ang pangunahing batis ay tumutukoy sa mga unang kamay na mga impormasyon batay sa
karanasan at phenomena ng tao o mga tao. Ang paggamit ng talaarawan ay isang halimbawa ng
pagsasangguni sa pangunahing batis ng impormasyon.

D 2. Ang paggamit ng mapa ay halimbawa ng pagsangguni sa sekondaryang batis. Samantalang


ang isang pananaliksik na nakasulat sa isang dyornal ay maituturing na pagsangguni sa pangunahing
batis.

D 3. Ang pangunahing batis ay nagbibigay ng ulat hinggil sa pagtuklas o pagbabahagi ng bagong


impormasyon. Ang sekondaryang batis naman ay naglalarawan, nagsusuri, nagbibigay ng iterpretasyon,
ebalwasyon, nagbibigay ng komento o tumatalakay sa mga ebidensya na ibinigay ng pangunahing batis.

C 4. Kung ang mga akda ay pagmamay-ari ng iisang may-akda, ang apilyedo ay babanggit ng isang
beses kasunod ang mga petsa na nakaayos sa paraang kronohikal. Halimbawa: David (2017, 2015,
2009, 2003)
C 5. Bilang tersyaryang batis. Ito ay ginagamit upang organisahin at hanapin ang pangunahin at
sekondaryang batis. Databases- ito ay ang mga online indexes na karaniwang isinasama ang mga abstrak
para sa pangunahin at sekondaryang batis, at maaari rin naming isama ang digital na kopya ng batis o
sanggunian.

B 6. Ang pagpaparirala ay tumutukoy sa hindi kumpletong pagpapalit ng salita batay sa orihinal.


Ang direktang sipi ang pinakamadaling konbensyon sa pagsususlat ng rebyu sapagkat eksaktong
kinukopya ng nagsasagawa ng rebyu ang mahahalagang detalye ng orihinal.

D 7. Ang direktang sipi ay mariing tinutuligsa bilang kasanayan sa pagsasagawa ng rebyu ng isang
pag-aaral. Hindi maiiwasan ang direktang pagsipi lalong higit kung may mahahalagang ipormasyon na
mainam ilahad kung ito ay hindi ipaparirala.

D 8. Ang paggamit ng konseptong input, proseso, at awtput ay mainam gamitin kung ang sinusukat
sa isang pag-aaral ay ugnayan ng isang baryabol sa iba pang baryabol. Mas mainam gamitin ang modelo
ng baryabol na makapag-iisa at di-makapag-iisakung ang sinusukat ay ugnayan ng isang baryabol sa iba
pang baryabol.

D 9. Sa sitwasyon na kung saan ang mga tao ay nagsawa na sa mga pangakong lagging binibigkas
ng politico kung kaya sila nagpasyamag-aklas, ang pagsasawa sa mga pangako na lagging binibigkas ng
politico ang maituturing na bunga; Samantalang ang pag-aaklas ang siyang maituturing na sanhi.

C 10. Ang panlabas na balidad ay ang antas na kung saan ang resulta ng pag-aaral ay maaring
lahatin mula sa bahagi ng kabuuan. Ang pangnilalaman na balidad naman ay tumutukoy sa kaangkupan
ng nilalaman sa instrument.

You might also like