Santos Krizza BSTM2-3 Filsos1115

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Romeo at Juliet

Ang teoryang ginamit kina Romeo at Juliet ay ang mismong teoryang pampanitikan kung saan ang
pagmamahal ay nagingibabaw at tila pinaka mataas na bagay sa lahat at iba pa. Kaya naman ay
maraming napukaw dito. Maraming nailimbag na mga iba’t ibang uri ng kwento sa buong mundo.
Marami sa mga ito ang napukaw sa interes ng nakararami. At marami sa mga ito ang naipakita sa iba’t
ibang panig ng mundo o mga bansa. Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at
dramatista. Siya ay intinuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat ng wikang Ingles at tanyag
sa daigdig sa literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng mga soneta at dula. Natuklasan ni
Shakespeare ang likas ng katangian ng isang inspirasyon at ang milagro ng sangkatauhan ay malinaw na
kailanman naroon sa kanyang isipan na inhahayag ang kagalakan sa papuri ng kagandahan ng kasintahan
at pagpapahayag ng sangkatauhan, espiritu, katalinuhan at biyaya. Ang pangunahing pinagkunin ni
Shakespeare para sa sintahang Romeo at Juliet ay mula sa tula ni Arthur brooke na The Tragical hirstorye
of Romeus and Juliet. Maaaring kilala rin niya ang popular na kwento ni Romeo at Juliet mula sa kwento
ni WIilliam Painter na pinamagatang The Palace of Pleasure. Ang akda ay may layunin na manghikayat sa
atin na kahit anong mangyari ay huwag tayong susuko, ipaglaban ang dapat ipaglaban kahit ano pa ang
komplikado, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Mailalapat ang Teoryang Romantisismo sa akda dahil ang
dulang ito ay magpapakita ng pagmamahalan ng pamilya at ng magkasintahan at pagkalabas ng
matinding emosyon ng dalawang tao. Dahil sa mga tayutay mula sa dayalogo ng mga karakter,
halimbawa nito ay linyang ang pag-ibig ko’y kasinlalalim ng dagat ni Juliet na ipapakita ang labis na
pagmamahalan nito mula sa kaniyang kasintahan. Ang tema ng akda sa kwento ay makabuluhan dahil
ito ay nagpapakita ng pagsisikap nang mabuti at tiwala sa isa’t isa, wagas na pagmamahalan ng
magkasintahan hanggang sa kamatayan. Ang pangunahing tauhan ay sina Romeo at Juliet na nag ibigan
at namatay. Ang iba pang tauhan ay ang kanilang pamilya na ang iba ay namatay dahil sa awayan ng
magkaalitan na angkan. Ang lahat ng ito ay ginawa lamang ni William Shakespeare sa kaniyang dula. Ang
ginamit na lokasyon sa sintahang Romeo at Juliet ay sa Verona, Italy na matatagpuan sa Italy ito ay
makasaysayan o matagal na nangyari dahil sa lalim na salita na ginamit ni Shakespeare. Ang dulang
sinatahang Romeo at Juliet ay hindi lamang tungkol kina Romeo at Juliet kundi pati na rin sa kanilang
angkan na matagal ng magka away. Ang pag- iibigan nina Romeo at Juliet ay nagwakas agad matapos
ang kaguluhan na nangyari sa pamilya.

Teoryang Pampanitikan

- Romanitisismo dahil ipinakita ang wagas na pag iibigan nina Romeo at Juliet
- Klasismo dahil sa mga kaganapan noon na nararanasan natin hanggang ngayon.
- Realismo ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng kanilang mga pamilya.
- Feminismo dahil tinatanggalan si Juliet ng kalayaang magpasiya para sa sarili ng kanyang mga
magulang.
- Eksistensyalismo dahil nag desisyon sila na ipaglaban parin ang kanilang pagiibigan.
- Marksismo dahil sa alitan ng kanilang magulang
- Sosyolohikal dahil sa pagpipilit ng mga magulang ni Juliet na ipakasal siya sa ibang lalaki.
- Dekonstruksyon dahil sila ay nagpakamatay sa halip na harapin at umamin sa kanilang mga
magulang.

You might also like