Abstrak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

John Matthew F.

Faner
Filipino Sa Piling Larangan

 
Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng intelektuwalisadong
wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang mga pananaw na ang wikang
Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga kaisipan. Dagdag pa rito, sinabi rin na ang
dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga may pribilehiyo at nakapapasok sa
mga unibersidad lamang ang nakaiintindi sa mga kaalaman; nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan.
Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”— koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyon ng
Unibersidad ng Pilipinas mula 1974 hanggang sa kasalukuyan — ang naging dahilan sa pagsulat sa
wikang Filipino, na nakapagpalayasa kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya
sa pagsusuri sa lipunang Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga
intelektuwal. Sinabi naang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap, pagsulong at
pagpapayaman ng wikang Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na makalahok
sa mga intelektuwalna diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang pagwasak sa alyenasyon ng
unibersidad, ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa paghasa ng isipan ng masang Pilipino
sapagiging kritikal at malikhain.

Green Highlight: Rasyunal


Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight: Saklaw at Delimitasyon
Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

You might also like