Professional Documents
Culture Documents
Asignatura Sa Filipino Piling Larang (Jenny Mae D. Otto Grade 12 Abm-Yen)
Asignatura Sa Filipino Piling Larang (Jenny Mae D. Otto Grade 12 Abm-Yen)
Asignatura Sa Filipino Piling Larang (Jenny Mae D. Otto Grade 12 Abm-Yen)
OTT0
12 ABM-YEN
Magandang araw sa mahal naming guro! Ako nga po pala si Jenny Mae D. Otto.
Labing pitong taong gulang at nagmula sa Baranggay Salvacion, Ormoc City. Ako
po ay isa sa iyong mag-aaral, mula sa ikalabing dalawang baitang sa seksyon Yen.
Ako po ay ang panganay na anak nina Jose S. Otto at Michelany D. Otto. Meron
po akong nag-iisang kapatid na lalaki at ang pangalan niya po ay Jay Lance D. Otto.
Ako po ay nagmula sa simpleng buhay na ang nais lamang po ay makapagtapos
sa aking pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang.
Sa ngayon po, ako ay nagtitinda ng mga ulam at meryenda sa labas ng aming
bahay. Gumagawa din po ako ng mga cake at iba pang mabibili sa tindahan
ng tinapay. Hindi ko po kinahihiya ang pagiging tindira sa ganitong edad ko dahil
mulat na po ako sa mga bagay na patungkol sa pagtitinda. Ang dahilan
po ng aking pagtitinda kahit meron naman pong trabaho ang aking ama, ay
para po hindi na ako nanghihingi ng pera sa kanila para sa mga bagay
na gusto ko at upang maibsan ang sakit sa ulo nila dahil sa mga bayarin.
Sa hirap ng buhay ay napagtanto ko na dapat hindi lang sa ganitong paraan iikot
ang aming buhay bagkus, ay mag-aaral ako ng mabuti upang makapagtapos ako
sa aking pag-aaral at maging isa sa mga matagumpay na babaeng negosyante
sa mundo.