Ang Aking Talambuha1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Talambuhay

       Ako si Sam David Dizon Ollanda, ipinanganak noong Marso 16, 1999 sa lunsod na dakila
(San Pablo) kina Grace Encarnita Dizon Ollanda at Ferdinand Lamud Ollanda. Mayroon akong
dalawang kapatid, si Laurice, ang panganay, at si Ferdie, ang pangalawa (pang gitna).

       Noong ako'y nasa murang edad pa lamang, ako ay isang bibong bata. madalas akong
makipagusap sa mga ibang tao. Halimbawa na nito ang mga bisita, kamag-anak at iba pa.
Kalimitan ako ay laging nasa kwarto pag mayroong bisita sa aming bahay at kapag naman nasa
ibang bahay ako ay laging nasa tabi o likuran ng aking mga magulang o kaya mga kapatid.
Ngunit sa paglipas ng panahon naiibsan ko na ang aking pagkamahiyain dahil sabi nga sa akin
nga mga kamag-anak ko na mas mabuti tingnan ang isang tao kung hindi ito mahiyain. Kaya
simula noong araw na ako'y mabigyan payo nila, unti-unti na akong natutong makisalamuha sa
ibangtao.

       Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming mga pagsubok ang dumating sa
akin. Dito na nagsimula ang aking pagiisip sa mga bagay na pwedeng maging solusyon sa mga
ito. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y lumaking maging mabuti at maparaang
tao. Ang aking pinagdaanan at naging karanasan sa sekondaryang paaralan (high school) ay
isa sa maituturing kong pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay ang mga taong naranasan ko
ang tunay na kahulugan ng kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan noong
araw ng "recognition" at iba pang araw ng pagpapangaral sa mga estudyante. At sa bagay ding
ito naransan ko ang kalungkutan sa mga bagay na tulad ng pag-ibig sa iyong kapwa dahil sa
labis mong pag-aalala sa kanila. Ngunit, ito lang talaga ang hinding-hindi ko makakalimutan,
ang makapagtapos ng pag-aaral para sa aking mga magulang at sa aking pamiya.

       Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa buhay, masasabi kong ito ang naging
produkto ng aking paghihirap sa aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang ako'y
gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga kasiyahan at pagbibigay parangal sa
aking mga magulang at kamag-anak.

       Marami akong nahiligan noong ako'y nasa murang edad pa lamang. Ngunit ang paglalaro
ng "basketball" ang s'yang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng kasiyahan sa mga
sports o mga hilig sa buhay. Mahilig din akong gumawa ng mga gawaing bahay na nagsisilbing
kasanayan ko sa aking pagtanda. Pero sa lahat-lahat, ang pag-aaral ang aking nananatiling
aking hilig sa lahat ng bagay. Mahirap man o nakakatamad sa umpisa, ngunit ito ay aking
nilalabanan sapagkat ito ang pinakamahalagang instrumento upang ako'y mamuhay ng mabuti
at masaya.

       Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay sa akin
upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay, hindi lang sa
aking sarili, kundi rin sa aking kapwa.

You might also like