Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

8/18/2021 PAGSULAT - ST.

VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA


MIDTERM LEARNING RESOURCES

UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

"Magandang araw sa iyo, ito ang unang linggo ng iyong pag-aaral sa asignaturang ito. Basahin at unawaing mabuti ang mga paksang tinalakay sa linggong
ito at maging handa para sa mga gawain na iyong isasagawa. Nawa'y marami kang matutunan! Tuklasin mo na ang mundo ng pagsulat."

Sa pagtatapos ng talakayang ito, ikaw ay inaasahang:


nabibigyang kahulugan ang salitang pagsulat at naipapaliwanag ang kalikasan nito;
nailalahad ang iba't ibang pananaw at layunin ng gawaing pagsulat;
naiisa-isa ang mga proseso ng pagsulat;
nakikilala ang mga uri ng pagsulat. 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 1/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

ANO ANG PAGSULAT?


Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapan ng mga nabuong salita at

simbolo na may layuning magpahayag.


Ang pagsulat ay isang pisikal at mental na aktibiti.

Maliban sa mga kahulugang naibigay, may ilang mga makata ring nakapagbigay ng kanilang

pagpapakahulugan sa gawaing pagsulat. Narito sila at ang kanilang mga pagpapakahulugan:

 XING AT JIN

Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman

ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

 BADAYOS

Ayon naman kay Badayos, ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap

matamo. Tunay namang ang pagsulat ay hindi basta-basta. Upang makabuo ng isang

epektibong sulatin, nangangailangang pag-aralan munang mabuti ang iba’t ibang mga

pamamaraan sa pagsasagawa ng gawaing ito.

 KELLER

Ayon naman kay Keller, ang pagsulat ay isang Biyaya, Pangangailangan at Kaligayahan ng

sinumang nagsasagawa nito. Masasabing ito ay isang Biyaya sapagkat hindi lahat ng tao ay

ipinanganak na may taglay na husay sa pagsusulat. Halimbawa na lamang, may mga tao na

kapag naatasang magsulat ng isang sanaysay hindi sila gaanong nakararanas ng hirap sa

pag-iisip ng kanilang mga isusulat. May mga tao din naman na napakadali lamang sa kanila

ang mag-isip ng mga bagay na kanilang isusulat.

Masasabi namang ito ay isang Pangangailangan sapagkat may mga taong ginagamit ang

pagsulat upang matustusan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Ginagamit natin ang pagsulat upang magkaroon ng trabaho. Ginagamit natin ang pagsulat

upang tayo ay mabuhay.

Panghuli, masasabing ang pagsulat ay Kaligayahan ng sinumang nagsasagawa nito

sapagkat mayroong mga tao na kapag nagsusulat. Nagsusulat sila sapagkat sa tuwing

ginagawa nito ito, gumagaan ang kanilang pakiramdam.

 PECK AT BUCKINGHAM

Ayon naman kina Peck at Buckingham, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang

natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

Iyan ang ilan sa mga kahulugan ng pagsulat. Ngayon, dumako naman tayo sa iba’t ibang

pananaw sa gawaing pagsulat. Malalaman natin dito kung ano ang nangyayari sa tuwing tayo

ay nagsusulat.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 2/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

MGA PANANAW SA PAGSULAT


 Sosyo-Kognitibong Pananaw

Ang pananaw na ito ay naniniwalang ang pagsulat ay kapwa isang Sosyal at Mental na

aktibiti. Ito ay isang Sosyal na gawain sapagkat naniniwala na habang tayo ay nagsusulat,

isinasaalang-alang din natin ang ating mga mambabasa at kung ano ang kanilang magiging

reaksyon sa ating binabasa. Mental na gawain naman ito sapagkat habang tayo ay

nagsusulat, ipinagagana natin ang ating isip. Ginagamit natin ang ating isipan sa

pagsusulat.

 Komunikasyong Intrapersonal At Interpersonal

Unahin natin ang Komunikasyong Intrapersonal. Ito ay Komunikasyong Intrapersonal

sapagkat habang tayo ay nagsusulat, may mga pagkakataon na tila kinakausap natin ang

ating sarili. Halimbawa na lamang, ang pagtatanong natin sa ating sarili kung ano ang

magiging pamagat ng ating isinusulat na sanaysay. Tinatanong natin ang ating sarili kung

paano natin sisimulan ang pagsusulat at iba pa.

Komunikasyong Interpersonal naman sapagkat sa pamamagitan ng pagsulat, nagagawa

nating makipag-usap sa ating mga mambabasa. Naibabahagi natin ang ating kaalaman o

emosyon sa pamamagitan ng pagsusulat.

 Multi-Dimensiyonal

Sinasabi sa pananaw na ito na ang gawaing pagsulat ay kapwa personal at sosyal na

gawain. Personal na gawain sapagkat nakatutulong ito sa pag-unawa ng ating sariling

pananaw maging ng ating emosyon. Sosyal naman sapagkat nakatutulong ang pagsulat

upang ating magampanan ang ating mga tungkulin sa lipunan, nagagawa nating

makisalamuha sa pamamagitan ng pagsulat.

Maliban sa pagiging personal at sosyal na gawain ng pagsulat, pinaniniwalaan din na ang

pagsulat ay mayroong dalawang dimensyon: Ang Biswal at ang Oral na Dimensyon.

 Oral na dimensyon – sa dimensyong ito, pinaniniwalaang sa pamamagitan ng

pagsulat, nalalaman natin ang pagkatao ng isang tao. Kahit hindi pa man natin kilala sa

personal ang manunulat ng isang akda, malalaman natin kung anong klaseng tao siya

sa pamamagitan ng kanyang emosyon sa akda, pamamaraan ng pagsulat na kanyang

ginawa at iba pa. Halimbawa, hindi natin nakilala ng personal si Dr. Jose Rizal ngunit

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 3/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -
malalaman nating mahal niya ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga akdang

kanyang isinulat. Makikita sa mga akdang isinulat ni Rizal ang pagmamahal niya sa

kanyang bansa gaya na lamang ng kanyang mga nobela na El Filibusterismo at Noli Me

Tangere.

 Biswal na Dimensyon – sa dimensyon naman na ito, pinaniniwalaan na habang tayo

ay nagsusulat nakabubuo tayo ng mga larawan sa ating isipan sa pamamagitan ng

imahinasyon. Dito ay nakabubuo tayo ng mga imahe tungkol sa ating mga binabasa.

Halimbawa, nabasa mo sa isang aklat ang katagang “Nasusunog ang bahay!”, nang atin

itong nabasa ay otomatik tayong nakalikha ng imahe ng isang nasusunog na bahay sa

ating isipan gamit ang ating imahinasyon.

Alamin kung wasto ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-play ng recorded audio na nasa ibaba. 

PROSESO NG PAGSULAT 
Tayo ay mayroon ng kaalaman sa kahulugan at iba’t ibang pananaw tungkol sa pagsulat. Ngayon naman ay dumako na tayo sa Proseso ng
pagsulat. Ang proseso ng pagsulat ay binubuo ng tatlong hakbang. Ito ay ang mga:

 
1. Pre-writing ​
Ito ang unang hakbang sa pagsulat.
- Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda para sa pagsusulat. Dito ay nagaganap ang pagpili ng ating paksa, pagkuha ng mga
datos na kailangan para sa ating napiling paksang isusulat. Tandaan na sa hakbang na ito, wala pang pagsulat na nagaganap, tanging
paghahanda pa lamang sa pagsulat.
 
2. Actual Writing
Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito ay mayroon nang aktwal na pagsusulat.
- Sa madaling salita, nagsisimula ng magsulat sa hakbang na ito ang manunulat. Nakapaloob din sa hakbang na ito ang paggawa ng
burador o yung tinatawag nating draft o mas kilala sa atin bilang “Scratch Paper”.
 
3. Rewriting
Ito naman ang huling hakbang sa proseso ng gawaing pagsulat. Dito nakapaloob ang pagrerebisa ng ating ginawang burador o draft.
- Sa hakbang na ito, iwinawasto na natin lahat ng mga pagkakamali na nagawa natin sa Actual Writing. Sa madaling salita, sa hakbang
na ito, mag-eedit na tayo ng ating isinulat batay sa wastong grammar, bokabulari at iba pa. Mahalagang tandaan na ang isang sulatin
ay hindi magiging epektibo kung hindi ito dadaan sa rebisyon.
 
Kapag naisagawa nang maayos ang mga hakbang na ito, hindi lamang tayo makagagawa ng isang maganda at maayos na sulatin, masisiguro rin
natin ang pagiging epektibo nito. Sunod naman ay dumako na tayo sa ating sunod na paksa. Ito naman ang Layunin ng pagsulat.
 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 4/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

 
LAYUNIN NG PAGSULAT
 
Bakit ba tayo nagsusulat? Napakaraming dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao at madalas ang mga dahilang ito ang nagiging gabay natin
kung anong uri ng sulatin ang ating isusulat. Narito ang iba’t ibang layunin sa pagsulat.
 
• Layuning Ekspresibo
- Kung ang iyong isinusulat ay isang personal na sulatin, ito ay may layuning mag-ekspres o magpahayag.
Sa layuning ekspresibo, sinasabing tayo ay nagsusulat upang ipahayag ang ating sarili. Tayo ay nagsusulat upang ipahayag ang ating
damdamin at maging ang ating iniisip.
 
• Layuning Transaksyunal
- Kung ang tao naman ay nagsusulat upang makipag-ugnay sa iba pang mga tao sa kanyang lipunan, ito ang layunin ng kanyang
pagsulat. Mailalarawan sa layuning ito ang pagiging sosyal na gawain ng pagsulat sapagkat dito, tayo ay nagsusulat upang makipag-
ugnayan sa ating kapwa.
 
Maliban sa naunang dalawang layunin sa pagsulat na nasa itaas, mayroon ding mga ibinigay na layunin ng pagsulat sina Bernales,et al. (2001);
Impormatibo, Mapanghikayat at Malikhain.
 
• Impormatibong pagsulat
- Ito ang pagsulat na naglalayong magbahagi, magpaliwanag at maghayag o maglahad ng mga impormasyon.
Naglalayon itong palawakin ang kaalaman ng manunulat at maging ng mambabasa. Ito ang pagsulat na nagbibigay ng kalinawan sa
ating mga agam-agam.
 
• Mapanghikayat na pagsulat
- Ito naman ang pagsulat na naglalayong mangumbinsi ng mga mambabasa. Naglalayon itong paniwalain ang mga mambabasa sa mga
bagay na isinusulat o ibinabahagi ng manunulat. Ang pangunahing pokus nito ay ang maimpluwensyahan ang mga mambabasa.
 
• Malikhaing Pagsulat
- Ito naman ang pagsulat na naglalayong magpahayag ng mga kathang-isip, imahinasyon, ideya o damdamin ng isang manunulat.
Ito ang pagsulat na ginagawa ng mga manunulat sa mga akdang-pampanitikan gaya ng mga Alamat, tula, nobela at iba pa.
 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 5/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

Alamin kung wasto ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-play ng recorded audio na nasa ibaba. 

 
Tandaan, malalaman natin kung anong uri ng sulatin ang ating isusulat kung atin munang aalamin ang dahilan kung bakit tayo nagsusulat.
Ngayon ay dumako na tayo sa ating huling paksa tungkol sa mga kaligirang kaalaman tungkol sa pagsulat, ang mga Uri ng pagsulat.
 

MGA URI NG PAGSULAT


 
1. Akademiko
- Ito ang uri ng pagsulat na may layuning pataasin ang antas o kalidad ng kaalaman ng isang tao. Masasabing halos lahat ng pagsulat na
isinasagawa sa paaralan ay nasa uring akademik sapagkat nakapokus ito sa pagpapaunlad ng ating intelektuwal na kakayahan.
Halimbawa ng mga ganitong uri ng sulatin ay ang mga Papel-pananaliksik, mga sanaysay, tesis, disertasyon, term paper at marami
pang iba.
 
2. Jornalistik
- Ito ang pampamamahayag na uri ng pagsulat. Ito ang uri ng pagsulat na kadalasang ginagamit ng mga mamamahayag o Journalist.
 
- Isa sa mga layunin nito ang magbigay ng kamalayan o kabatiran sa mga tao tungkol sa mga kaganapan sa isang partikular na lugar
gaya na lamang ng ating mga nababasa sa mga Diyaryo.
 
3. Reperensyal
- Ito naman ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors ng impormasyon hinggil sa isang paksa. Sa
ganitong uri ng sulatin, madalas ay binubuod o pina-iikli ng manunulat ang ideya ng ibang manunulat at inilalahad din ang pinagkunan
nito.
 
- Gaya na lamang ng ating mga nakikita sa bahaging “Related Literature or Studies” ng isang pananaliksik na kung saan, kinakalap
lamang ng mananaliksik ang mahahalagang impormasyon o ideyang nakapaloob sa pinagkukunan niya ng impormasyon.
 
4. Propesyunal
https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 6/7
8/18/2021 PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA - UNANG LINGGO - MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT -

- Ang ganitong uri ng sulatin ay nakatuon naman sa isang ekslusibo o tiyak na impormasyon. Layunin kasi nito na ihanda ang isang mag-
aaral sa propesyong kanyang napili para sa hinaharap.
- Halimbawa na lamang, kung ikaw ay isang mag-aaral na nag-aaral ng medisina, mayroong mga aklat na makatutulong sayo na
mapaghandaan ang pagiging Doktor sa hinaharap.
 
5. Malikhain
- Ito ang masining na uri ng pagsulat. Kakikitaan ito ng mga idyoma, tayutay, mga simbolismo at marami pang iba. Ang pinakapokus kasi
ng malikhaing pagsulat ay ang imahinasyon ng manunulat.
- Nakatutulong ito sa paglinang ng ating imahinasyon. Ang mga halimbawa nga nito ay ang mga Nobela, Alamat, Tula at marami pang
iba na kung saan, kadalasan sa mga ito ay nalikha lamang gamit ang imahinasyon ng tao.

 Upang higit mo pang maunawaan ang talakayan tungkol sa paksa ngayong linggo, narito ang aking inihanda na isang elektronikong
pagtuturo:

PAGLALAHAT
    Sa kabuuan, ang gawaing pagsulat ay hindi lamang basta-basta sapagkat ito ay ginagamitan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagsusulat,
naibabahagi ng tao ang kanyang mga ideya o saloobin. Nakatutulong din ang pagsulat upang mahasa o malinang ang kognitib na kakayaha ng
isang tao gaya ng paggamit ng imahinasyon upang makabuo ng mga larawan sa isipan at maging ang pagkakaroon ng simpatya sa damdamin ng
mga manunulat ng isang sulatin. Huwag ring kaliligtaan na upang maging epektibo ang gawaing pagsulat, mayroong mga hakbang na sinusunod
gaya na lamangg ng Pre-writing, Actual Writing at Rewriting.
        Pagdating naman sa mismong pagsusulat, mahalagang alamin din ang layunin o dahilan ng pagsulat upang matukoy kung anong uri ng
pagsulat ang isasagawa. Ilan sa mga layunin na ito ay ang layuning ekspresibo, transaksyunal, impormatibo, mapanghikayat at malikhain. Kung
alam mo na ang mga ito, madali mo na lamang matutukoy kung anong uri ng sulatin ang iyog isasagawa gaya ng mga uri ng sulatin na
Akaademik, Journalistik, Reperenysal, Propesyunal at Malikhain.

PAGPAPAHALAGA
    Napakadaming gamit ng pagsulat. Nakatutulong ito sa tao batay sa kanyang pangangailangan.  Ginagamit natin ang pagsulat upang ipahayag
ang ating mga ideya at mgadamdamin na hindi natin kayang ilahad ng pasalita. Nakatutulong din ito sa mga taong ito ang pinagkakakitaan. Sa
pamamagitan din ng pagsusulat, nakalilikha tayo ng mgaobra na nakapagbibigay ng gakak sa ating mga puso.

SANGGUNIAN
Bernales, R., Ravina, E., Pascual, M., Oliva, E. , Soriano, J. (2018). Filipino sa LarangangAkademiko. Malabon, Philippines: Mutya Publishing
House Inc.

Constantino, P., Zafra, G, Batnag, A. (2018). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Manila, Philippines: Rex Publishing

Gonzalvo Jr., Romeo P. (2017). Pagbabasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines. Unlimited Books
Library Services and Publishing Inc.

Gutierez, C. (2019). Akademikong pagsulat. Mula sa https://www.slideshare.net/ChristineMayGutierre1/akademikong-pagsulat-191832296


noong Hulyo 27, 2021

Tamayo, E. (n.d). Mga layunin sa pagsulat. Mula sa https://www.scribd.com/doc/274343190/Mga-Layunin-Sa-Pagsulat noong Hulyo 27,
2021

Abmnatics (2016). Uri ng pagsulat. Mula sa https://abmnatics.wordpress.com/2016/06/27/uri-ng-pagsulat/ noong Hulyo 27, 2021

Iyan lamang ang mga batayang kaalaman tungkol sa gawaing pagsulat. Ngayong tapos mo nang basahin ang talakayan para sa linggong ito, magkakaroon
ka ng isang gawain. Manyaring tingnan na lamang ang aktibidad na iyong isasagawa sa Assessment section.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?from=%2Fstudent_lesson%2Fshow%2F2739776%3Flesson_id%3D12408726%26… 7/7
8/23/2021 News - SHS -

PAGSULAT - ST. VICTORIA OF CORDOBA


MIDTERM LEARNING RESOURCES

IKALAWANG LINGGO - ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Bago ka magpatuloy , sagutan mo muna ang students' feedback form para sa Unang Linggo. I- click tang link na ito, 

https://forms.gle/7yZUQvTUd3KyxRTV9

“Maligayang araw sa iyo! Noong nakaraang linggo ay iyong pinag-aralan ang mga batayan o pangunahing mga konspeto tungkol sa gawaing pagsulat.
Para sa linggong ito, ganap ka nang dadako sa pokus ng asignaturang ito at iyan ay walang iba kundi ang Akademikong pagsulat. Basahin at unawain
ang talakayan para sa linggong ito at maging handa para sa nakatalalagang gawain o pagsusulit. Pagbutihan mo!”

Pagkatapos ng talakayan, ikaw ay inaasahang:

nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat;


natutukoy ang iba;t ibang katangian ng akademikong pagsulat;
nakikilala ang mga layunin ng akademikong pagsulat; at
naipapakita ang lubos na pag-unawa tungkol sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng isang pagsusulit.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?lesson_id=12408726&section_id=44344443 1/5
8/23/2021 News - SHS -
        Ang trivia sa itaas ay isang magadang simula para sa paksang ito sapagkat ang kahulugan ng mga salitang pinagmulan ng salitang Akademiko ay
tugma sa isa sa mga katangian o kalikasan ng isang akademikong sulatin. Ngunit ano nga ba ang akademikong pagsulat at paano ito naiiba sa
simpleng gawaing pagsulat? Narito ang ilan sa pagpapakahulugan ng akademikong pagsulat:

 Ito ay isang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Nagiging pangangailangan ang akademikong sulatin
sapagkat kailangan mo ito isagawa upang matapos ang isang kurso. 
Ito ay anumang akdang tuluyan o prosa na nasa uring Ekspositoriat Argumentatibo. 

1. Ekspositori ang isang akademikong sulatin kung ito ay naglalayong magbigay o maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.

2. Argumentatibo naman ito kung ito ay mayroong layunin na magbigay o maglahad ng mga pananaw ng isang manunulat hinggil sa isang paksa
partikular sa kanyang tindig tungkol sa isang isyung pinag-uusapan.

Mailalarawan din ang Akademikong Pagsulat bilang  Tumpak, Pormal, Impersonal at Obhetibo. Narito ang mga pagpapaliwanag kung bakit ito
mailalarawan gamit ang mga sumusunod na mga salita:

a. Tumpak ito sapagkat sa isang akademikong sulatin, ang mga impormasyon ay kailangang wasto, tama at sinusuportahan ng mga ebidensyang
solido at napatunayan na.

b. Pormal naman ang akademikong pagsulat sapagkat sa pagsusulat ng akademikong sulatin, may sinusunod na pormat sa pagsulat. Katulad na
 lamang ng paggawa ng isang papel pananaliksik. Maliban sa pormat, kailangang pormal din ang mga salita o wikang gagamitin sa pagsusulat ng mga
akademikong sulatin. Hindi maaaring gumamit ng mga salitang kolokyal at balbal  o mga impormal na salita sa ganitong uri ng sulatin.

c. Impersonal naman ang akademikong pagsulat sapagkat ito ay obhetibo. Ibig sabihin,ang mga impormasyon ay hindi lamang galing sa iyo. Hindi ito
bubuuin ng mga personal na opinyon mo lamang. Kailangang ito ay nakabatay sa mga napatanuyan at mapagkakatiwalaang sanggunian o sors. 

d. At panghuli, Obhetibo ang akademikong pagsulat sapagkat bilang isang manunulat ng isang akademikong sulatin, kailangang magkaroon ng
pantay na pagtingin sa mga pananaw at mga impormasyong ilalahad sa isang sulatin. Ang isang manunulat ay kailangang walang pagkiling sa mga
impormasyong kanyang ilalahad o isusulat o “free from biases”.

Iyan ang mga panimulang kaalama na kailangan mong malaman tungkol sa akademikong pagsulat. Ngayon naman ay iyong alamin kung ano ang mga
kalikasan ng isang akademikong pagsulat. 

         Mayroong mga bagay sa mundo na kung saan, mayroon silang mga katangian na natural at likas na sa kanila. Ibig sabihin, ito ang mga bagay na
kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay hindi na mawawala sa bagay na iyon sapagkat likas na ito sa kanila. Ang akademikong pagsulat ay
mayroon ding mga bagay na likas o natural nang taglayin nito. Narito ang mga sumusunod:

Nagbigay sina Fulwiler at Hayakawa (2003) ng mga kalikasan ng akademikong sulatin. Ito ang mga sumusunod. 

1. Katotohanan – Isa ito sa kalikasan ng akademikong pagsulat sapagkat ang mga impormasyong ilalahad sa isang akademikong sulatin ay
kailangang makatotohanan. Ito ay dapat kapani-paniwala at nangyari sa totoong buhay. 

2. Ebidensya – Gayong nabanggit na rin sa unang kalikasan ng akademikong pagsulat ang salitang katotohanan, hindi mawawala diyan ang
ebidensya. Solidong ebidensya ang kailangan sa pagsulat ng akademikong sulatin tungkol sa iyong paksa upang masuportahan ang katotohanang
inilahad. Walang maniniwala sa iyong mga isinusulat kung hindi ka magbibigay ng mga ebidensya sa iyong mga isinulat. 

3.Balanse – Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya  na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng
wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
 
Iyan ang mga kalikasan ng isang akademikong pagsulat. Mga bagay na kahit na anong mangyari, kailangan parin itong taglayin. Ngayon naman,
alamin mo kung ano ba ang mga katangian na makatutulong sayo o magiging gabay mo sa pagsulat ng anumang akademikong sulatin.
 

 
 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?lesson_id=12408726&section_id=44344443 2/5
8/23/2021 News - SHS -
Gusto mo bang makalikha o makasulat ng isang epektibo at mahusay na akademikong sulatin? Narito ang ilan sa mga katangian ng isang
akademikong sulatin na tulad nga ng aking nasambit kanina, ay magiging gabay mo sa pagsusulat ng mga akademikong sulatin. Narito ang mga
sumusunod:

1. Kompleks - Mailalarawan bilang isang kompleks na gawain ang pagsusulat ng mga akademikong sulatin sapagkat hindi mo maikakaila na mahirap
magsulat. Mahirap dahil mahirap mag-isip ng paksa o di kaya mahirap simulan ang pagsusulat. Maliban dito, isa rin sa dahilan kung bakit sinasabing
kompleks ang Akademikong Pagsulat ay dahil sa kompleksidad ng bokabularyo gayundin ang gramatika sapagkat piling-pili lamang ang mga salita na
maaaring gamitin sa ganitong uri ng pagsulat.

2. Pormal - Ang akademikong pagsulat ay isang pormal na sulatin kung gayon, sa pagsusulat nito ay hindi tayo maaaring gumamit ng mga impormal na
salita o yung mga tinatawag na Balbal at Kolokyal na mga salita. Kabilang dito ang (Halimbawa lamang po ito, walang intensyon ang may likha ng modyul
na magsagawa o magpakita ng stereotyping) Gay Language, Jejemon, G-words at marami pang iba. 

3. Tumpak - Isa sa layunin ng akademikong pagsulat ang pataasin ang antas o lebel ng ating kaalaman. Kung gayon, nararapat lamang na kapag ikaw ay
nagsusulat ng isang akademikong sulatin, kailangang lahat ng iyong ilalahad na impormasyon ay tama o wasto. Dapat ito ay
nakabatay sa mga Facts. Lalung-lalo na kung ikaw ay manghihiram lamang ng ideya mula sa ibang manunulat, kailangang ilahad mo ang kanilang ideya
nang Walang labis, walang kulang.

  

4. Obhetibo - Bago ko ito talakayin, tandaan muna na hindi lahat ng akademikong sulatin ay obhetibo gaya na lamang ng Replektibong sanaysay.
Ngunit, sapangkalahatan, ang mga akademikong sulatin ay obhetibo sa halip na personal. Ibig sabihin, ang mga ideyang nakapaloob dito ay nakabatay sa
mga impormasyong masusing napag-aralan o napatunayan ng mga dalubhasa. 

5. Eksplisit - Bilang layunin ng akademikong pagsulat na magpataas ng antas o lebel ng kaalaman, nararapat lamang na lahat ng impormasyong nakalahad
dito ay malinaw. Kailangang maging malinaw din maging ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng sulatin sa isa’t isa mula sa simula hanggang sa
huling bahagi ng sulatin. Upang maging eksplisit ang iyong isinusulat na akademikong sulatin, kailangan mo lamang ilahad nang may buong linaw ang
iyong mga ideya sa kaparaanang kapag binasa ito ng mga mambabasa ay agad nilang makukuha ang ideya na nais mong ipahiwatig. Maipapakita ito sa
pamamagitan ng pagiging“direct to the point”, huwag nang magpaligoy-ligoy upang hindi maging nakakalito ang nilalaman nito.

6. Wasto - Kaiba ito sa Tumpak. Kung ang pokus ng Tumpak ay ang nilalaman ng sulatin, ang tinutukoy naman sa wasto ay ang paggamit ng mga salita.
Kailangang piliin nang husto ng manunulat kung ano ba ang pinaka-angkop na mga salita na gagamitin. Kung hindi kasi angkop yung salita na gagamitin ng
manunulat, maaaring malito ang kanyang mga mambabasa. Pwedeng hindi nila agad makuha kung ano ba ang nais ipahiwatig ng manunulat. 

7. Responsable - Nabanggit ko kanina na ang akademikong pagsulat ay obhetibo, ibig sabihin ito ay naglalaman ng mga impormasyong nakabatay sa
masusing pag-aaral kung gayon, kailangang maging responsable ng manunulat sa pagsusulat lalung-lalo na sa pagkilala ng mga pinagkunan niya ng
impormasyon dahil kung hindi siya magiging maingat, maaari siyang makasuhan ng Plagyarismo. Sa madaling salita, ang pagkilala ng mga pinaghanguan ng
impormasyon ay lubos na mahalaga sa pagsusulat ng isang akademikong sulatin. Iminumungkahi ang paggamit ng APA na pormat sa pagkilala ng mga
sanggunian.

8. Malinaw na Layunin - Bago magsulat, kailangang alamin muna ng manunulat kung ano ang dahilan ng kanyang pagsulat. Kailangang alamin kung bakit
ka ba nagsusulat. Bakit? Dahil ito ang magiging gabay mo sa pagsulat, sa pamamagitan din nito malalaman mo kung anong uri ng pagsulat ang iyong
isasagawa. Halimbawa na lamang, kung nagsusulat ka upang ilahad ang iyong opinyon at tindig tungkol sa pagpapatupad ng batas na death penalty, ikaw
ay magsusulat ng isang Posisyong papel. Kaya mahalagang alamin muna kung bakit ka ba nagsusulat upang magkaroon ng direksyon ang iyong pagsulat.

9. Malinaw na Pananaw - Nabanggit ko ulit kanina na ang akademikong pagsulat ay obhetibo sa halip na personal, ngunit tandaan na layunin ng mga
akademikong sulatin na paunlarin ang iyong kaalaman kung gayon, maaari ka ring maglahad ng iyong sariling pananaw. Ngunit, siguraduhin na ito ay
nakabatay muli sa mga napatunayang impormasyon. Sa pagsusulat ng akademikong sulatin, kailangang malinaw na makita ng mga mambabasa ang iyong
ideya at ideya ng ibang manunulat. Dapat hindi sila malito kung alin ang iyong ideya at alin ang ideya ng mga pinagkuhanan mo ng impormasyon. 

10. May Pokus - Upang maging maayos ang ugnayan ng mga impormasyon sa loob ng iyong isinusulat na akademikong sulatin, kailangang magkaroon ng
pokus ang isang sulatin. Mahalagang alamin mo muna kung ano lang ang mahalaga sa paksang iyong isinusulat. Huwag nang maglagay ng mga
impormasyong walang gaanong halaga tungkol sa paksang iyong isinusulat. Iwasan ang mga impormasyon na hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong
isinusulat na akademikong sulatin.

11. Lohikal na Organisasyon - Mahalaga sa anumang uri ng sulatin ang pagkakaroon ng maayos na organisayon ng mga ideya. Makatutulong ito upang mas
madaling maunawaan ng mga mambabasa ang isang sulatin. Mainam na magkaroon ng plano sa balangkas ng isusulat na sulatin upang maging maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa iyong isinusulat na akda.

12. Matibay na Suporta - Ang paglalahad ng mga ebidensya tungkol sa iyong paksa ay isang magandang paraan upang mahikayat mo ang mga mambabasa
na tama ang iyong isinusulat at ito ay nakabatay sa mga datos na dumaan sa malalim na pag-aaral. Ang paglalahad ng mga ebidensyang susuporta sa iyong
mga ideya ay makatutulong upang maging epekto ang isang akda.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?lesson_id=12408726&section_id=44344443 3/5
8/23/2021 News - SHS -
 

13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon - Hindi naman kailangang maging mahaba ang iyong eksplanasyon para masabing tama ang iyong isinusulat.
Ang mahalaga ay dapat malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag mo sa mga impormasyong nakalahad sa iyong sulatin.

14. Epektibong Pananaliksik - Karamihan sa mga nailathalang mga akdemikong sulatin ay nakabatay sa mga pananaliksik. Kung gayon, higit na mainam
kung ang mga pagkukunan mo ng impormasyon ay mga pananaliksik na napapanahon at propesyunal. Tumatakbo ang oras at nagbabago ang mga bagay-
bagay. Posibleng ang mga alam mo noon ay nadagdagan na ng mga bagong kaalaman.

15. Iskolarling Estilo sa Pagsulat - Ang isang akademikong sulatin ay maingat na isinasagawa. Kailangang maging maingat lalong-lalo na sa ispeling o
grammar. Kailangan mabilis itong maintindihan ng mga mambabasa. Kaiba ito sa masining na pagsulat na kung saan ginagamitan ng mga tayutay o mga
idyomang nagkukubli ng tunay na kahulugan. Sa akademikong pagsulat, higit na diretsahan ang paglalahad ng impormasyon upang mas maunawaan
kaagad ng mga mambabasa. 

 
Mayroon ka nang ideya kung paano mo mapagbubuti ang iyong isusulat na akademikong sulatin. Nawa’y makatulong ang mga katangiang nailahad
upang makalikha ka ng isang epektibo at mahusay na akademikong sulatin. Ngayon ay dumako ka na sa susunod na paksa. Iyan ang mga layunin ng
akademikong pagsulat.
 

Lahat ng tao o bagay sa mundo ay naririto dahil sa isang tungkulin na kailangang gampanan. Gayundin ang akademikong pagsulat, mayroon
din itong mga tungkulin o gamit. Narito ang mga sumusunod:

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. Sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, nagagawang paunlarin ng tao ang
kakayahan sa paggamit ng mga salita. Nakatutulong ang akademikong pagsulat sa pagpapaunlad ng ating bokabularyo o paggamit ng wika.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip. Nakatutulong ang akademikong pagsulat sa paggamit ng pag-iisip. Sa
pamamagitan ng akademikong pagsulat, natututo tayong mag-isip ng malalim. Nauudyok tayong mag-isip ng labas sa ordinaryo. Sa pamamagitan ng
akademikong pagsulat, nauudyok ang sinuman na mag-isip ng kritikal.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. Maliban sa pagpapataas ng intelektuwal na kakayahan ng tao,
nakatutulong din ang akademikong pagsulat sa paglinang ng magagandang asal. Tinuturuan tayo nito halimbawa ng pagiging tapat at responsible sa
pagsusulat.

Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. At panghuli, sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, nagkakaroon tayo ng
kahandaan sa propesyong nais natin para sa hinaharap. Halimbawa ay ang paggawa ng mga mag-aaral na kumukuha ng kurso sa pagiging guro,
nagsusulat sila ng mga Lesson plan bilang paghahanda kapag sila’y naging ganap nang mga guro.

 
At iyan ang mga tungkulin ng akademikong pagsulat. Nawa’y lubos mong nauwaan ang mga paksang natalakay sa modyul ng linggong ito. Upang lubos
mo pang maunawaan ang talakayan tungkol sa Akademikong pagsulat, panoorin mo ang aking inihandang Video lecture na nasa ibaba:
 

 
 

 
 
PAGLALAHAT:
Bilang paglalahat, masasabing ang pagsusulat ng isang akademikong sulatin ay hindi basta-basta. Mayroong mga kalikasan ang isang
akademikong sulatin na kailangang isaalang-alang palagi ng sinumang nagsasagawa nito. Dagdag pa riyan, nandiyan din ang mga katangian ng isang
akademikong sulatin na magsisilbing gabay mo sa hinaharap kapag ikaw ay naaatasan nang magsulat ng anumang anyo ng isang akademikong
sulatin. Kung iyong isasaisip at isasapuso ang mga katangiang ito, tiyak ikaw ay makasusulat ng isang mahusay at epektibong akademikong sulatin.
Huwag ding kakalimutan ang mga layunin ng akademikong pagsulat. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, mahalagang alamin mo ang iyong layunin sa
pagsulat o yung dahilan kung bakit ka nagsusulat nang sa gayon ay magkaroon ng direksyon ang iyong isinusulat. Panghuli, ang tungkulin ng
akademikong pagsulat na tunay din namang mahalaga upang malaman at mapagtanto mo kung bakit mahalaga ang pagsusulat ng mga akademikong
sulatin.

 
 PAGPAPAHALAGA
Ang pagkakaroon ng layunin sa buhay ay lubos na mahalaga sa kahit na sino sapagkat, sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin sa buhay,
nagkakaroon ang isang tao ng gabay sa mga dapat niyang gawin. Higit na nagkakaroon ng direksyon ang buhay ng isang tao dahil sa pagtatakda ng
mga layunin. Dahil din dito, naiiwasan ang pagkakasayang ng oras. Kung gayon, ang pagtatakda ng layunin sa anumang bagay na ating gagawin ay
lubos na makatutulong.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?lesson_id=12408726&section_id=44344443 4/5
8/23/2021 News - SHS -

 
SANGGUNIAN
Bernales, R., Ravina, E., Pascual, M., Oliva, E. , Soriano, J. (2018). Filipino sa LarangangAkademiko. Malabon, Philippines: Mutya Publishing
House Inc.
 Constantino, P., Zafra, G, Batnag, A. (2018). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Manila, Philippines: Rex Publishing
Gonzalvo Jr., Romeo P. (2017). Pagbabasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines. Unlimited Books Library
Services and Publishing Inc
Villacruz, M. (2021). Ang salitang akademiko o academik. Mula sa
https://www.academia.edu/35631443/ANG_SALITANG_AKADEMIKO_O_ACADEMIC_ay_mula_sa_mga_wikang_europeonoong Agosto 4, 2021.
Elcomblus (2020, February 20). Ang kahulugan, katangian, layunin ng akademikong pagsulat. Mula sa https://www.elcomblus.com/ang-
kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/ noong Agosto 4, 2021.
Gutierez, C. (2019, November 9). Akademikong pagsulat. Mula sa  https://www.slideshare.net/ChristineMayGutierre1/akademikong-pagsulat-
191832296 noong Agosto 4, 2021.

Iyan lamang ang nilalaman ng talakayan para sa linggong ito. Nawa’y lubos mong naunawaan ang talakayan para sa linggong ito. Ngayon ay ihanda mo na
ang iyong sarili para sa nakatalagang sabayang pagsusulit sa darating na Miyerkules. Pagbutihan mo! 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/2739776?lesson_id=12408726&section_id=44344443 5/5

You might also like